LOGINAy, nagalit si stranger...
RafaelNagtama ang mga mata namin ni Tate sa mismong sandaling makapasok siya sa bahay ng kanyang mga magulang.Isang segundo lang iyon. Maikli, pero sapat para maramdaman ko ang bigat ng dala niya. Walang yabang. Walang ere. Hindi rin ‘yung confident na atleta na sanay makita sa mga billboard at TV ads. Ang nasa harap ko ngayon ay isang lalaking pagod, pero pilit pa ring matatag.Agad na tumayo si Marites.Halos hindi na niya hinintay na tuluyang makapasok ang anak bago ito salubungin ng yakap. Kung hindi mo alam ang buong istorya, iisipin mong sabik lang talaga ang isang ina na muling makita ang anak na matagal niyang hindi nakausap.“Anak…” halos hikbi na ang boses niya habang mahigpit na niyayakap si Tate, na para bang natatakot siyang mawala ulit ito kapag binitiwan.Hindi naman umiwas si Tate. Hindi siya umatras. Hinayaan niyang yakapin siya ng ina—tahimik, matigas ang katawan, parang tinanggap na lang ang eksenang iyon bilang obligasyon. Ngunit napansin ko ang marahang pag-ilin
Rafael“Mr. Solano, we have no intention of harming the company.”Mahina, halos nanginginig ang boses ng ina ni Tate na si Marites. Isang Pinay na matagal nang nakapangasawa ng Koreano at tuluyan nang nanirahan dito sa L.A. Kung sa unang tingin, iisipin mong wasak na wasak siya. Nakayuko, magkadikit ang mga kamay sa ibabaw ng kanyang hita, parang pilit pinipigilan ang emosyon.Pero may mali.Hindi ko maipaliwanag kung bakit, pero may something sa aura niya na hindi tugma sa itsura. Parang masyadong calculated ang bawat hinga, bawat paghinto sa pagsasalita na para bang iniisip muna niya kung anong eksaktong emosyon ang dapat ipakita.“Talaga lang hindi namin inaasahan ang mga pangyayari,” patuloy niya, bahagyang umaangat ang tingin sa akin, “at hindi rin namin inakala na aabot kami ni Tate sa ganitong klaseng gulo.”Kung titignan mo, convincing. Kung pakikinggan mo lang, maaawa ka. Pero iba ang kutob ko. Hindi ko alam kung saan nanggagaling, pero parang may tinatago siya. O mas tamang
Leah“Rafael!” bulalas ko, may kasamang tawa nang bigla niya akong buhatin na parang wala lang akong bigat. Napahawak ako sa balikat niya dahil sa gulat, pero hindi ko mapigilan ang kiliti sa tiyan ko habang naglalakad siya papunta sa dining area na parang proud pa sa ginagawa niya.Maingat niya akong iniupo sa upuan bago siya pumwesto sa tabi ko, parang natural lang na ganon talaga ang setup. Ako sa gitna ng atensyon niya.“Gutom na rin ako, sweetheart,” sabi niya, kasabay ng pag-abot sa mga serving spoon at pagsisimulang maglagay ng pagkain sa plato ko.Wala sa tono niya ang reklamo. Walang bakas ng pagkainip. Para bang normal lang sa kanya na ako muna ang unahin, kahit pa ako ang kakagising lang.Hindi ko mapigilan ang sarili kong pagmasdan siya.Suot niya pa rin ang navy blue na long-sleeve polo, nakatupi ang manggas hanggang siko. Sa bawat galaw ng braso niya sa pagkuha ng pagkain, sa pag-abot ng plato ay kitang-kita ang mga ugat na tila naglalakad sa balat niya. Hindi siya kailan
LeahL.A.Mahaba ang biyahe, nakakapagod kung tutuusin pero wala akong reklamo. Sa halip, pakiramdam ko ay relaxed ako sa buong oras ng byahe. Nasa business class naman kami ni Rafael, at mula pa kanina ay hindi siya tumitigil sa pag-aasikaso sa akin. Tanong nang tanong kung okay lang ba ako, kung gusto ko bang uminom, kumain, o mag-adjust ng upuan.Kahit nga sa pag-ihi, parang gusto pa niyang sumama. Napailing na lang ako sa isip ko, ibang klase talaga ang lalaking ‘to. Overprotective, pero sa paraang nakakaaliw at nakakapagpa-smile.Pagdating namin sa hotel, ramdam agad ang katahimikan at lamig ng lugar. Diretso kaming pumasok sa kwarto—maluwag, elegante, at may malaking sofa sa maluwag na living area na parang humihikayat na humiga ka na lang at kalimutan ang mundo.Kakaupo lang namin sa habang sofa nang mabilis kong ilapat ang likod ko sa sandalan. Napabuntong-hininga ako, parang doon ko lang talaga naramdaman ang pagod.“Sweetheart, you can take a rest,” sabi ni Rafael, malambot a
Leah Masaya ako. Yung klase ng saya na tahimik lang pero ramdam hanggang dibdib. Masaya ako dahil ramdam kong tanggap ako ng taong mahal ko, hindi lang bilang babae sa tabi niya, kundi bilang parte ng buhay niya. Masaya rin ako dahil sa kabila ng lahat ng nangyari bago naging opisyal ang relasyon namin ni Rafael, heto siya, walang pag-aalinlangan at agad akong ipinakilala sa kanyang ama. Walang palusot. Walang wait lang muna. Walang soon. Isang simpleng katotohanan lang: kasama niya ako, at gusto niyang malaman ng mundo, lalo na ng pamilya niya. Doon ko napagtanto na seryoso siya sa akin. Sabagay, sa edad ba naman niyang ‘yon, ano pa ba ang hinihintay niya? He can literally have all the women he wants. Hindi niya kailangang magpaliwanag, hindi niya kailangang magpakitang-tao, at lalong hindi niya kailangang gumawa ng ganitong hakbang kung hindi niya talaga gusto. Kaya alam kong totoo ‘to. Alam kong hindi lang ako isang panandaliang chapter sa buhay niya, kundi isang desisyon. Big
LeahNakahinga ako ng maluwag sa sinabi ni Rafael. Akala ko talaga ay magdadalawang-isip siya o kaya ay tatanggi outright, dahil alam kong hindi siya sanay na may isinasama o ipinapakilala. Pero habang nakatingin ako sa kanya, kita ko sa mga mata niya ang sincerity. Yung klase ng tingin na hindi kayang dayain.“Hindi muna tayo aalis,” kalmadong sabi ni Rafael.Napakunot ang noo ko. Tapos na kami kumain, ubos na rin ang dessert, at nakatabi na ang resibo sa mesa. “May inorder ka pa bang iba? We already had our dessert,” sabi ko, bahagyang nagtataka.“We’re waiting for someone.”May kung anong bumigat sa dibdib ko sa sinabi niya, pero hindi na ako nagtanong pa. May kakaiba sa tono niya—seryoso, pero hindi kinakabahan. Kaya nanahimik na lang ako at hinayaan siyang hawakan ang kamay ko sa ibabaw ng mesa, parang sinasabi sa akin na trust me.Ilang saglit pa ang lumipas nang may boses na biglang nagsalita sa likuran ko."Am I late?"“Emilio!” Napabulalas ako sabay tayo, halos matumba ang upu
![Just One Night [Tagalog]](https://acfs1.goodnovel.com/dist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






