Mature ContentLeah“I’m here,” sabi niya nang sagutin ko ang tawag.Parang automatic lang na tumayo ako mula sa sahig, kahit nanlalambot pa ang mga tuhod ko. Lumapit ako sa pinto at sumilip sa peephole, pero wala akong makita. Gusto kong umatras, gusto kong magdalawang-isip. Pero nang marinig kong huminga siya sa kabilang linya, malalim, mabigat, parang pinupuno ng boses niya ang katahimikan sa loob ng kwarto, napahawak ako sa seradura.Pagbukas ko ng pinto, bumungad siya.Isang lalaking halatang mas matanda sa akin. Maayos, disente, pero may kung anong delikadong aura sa likod ng mapanuring titig. Nakasuot siya ng puting long sleeve polo na nakatupi hanggang siko, tatlong butones ang bukas sa dibdib, at nakabitin sa kamay ang itim na suit. Mabilis kong naamoy ang halimuyak ng mamahaling pabango, hindi matapang, pero nakakakuryente.“You look like shit,” sabi niya, may ngisi sa labi.Hindi ko alam kung maa-offend ba ako o matatawa, pero ang tanging nasabi lang ng isip ko ay, siya nga.
Terakhir Diperbarui : 2025-10-31 Baca selengkapnya