Beranda / Other / Before Us / Kabanata VI

Share

Kabanata VI

last update Terakhir Diperbarui: 2022-10-31 00:24:11

NANG makita na ako ni Akira ay kaagad siyang tumayo mula sa bench at sinalubong ako. He was smiling widely. Nang makalapit na siya sa akin, hinawakan niya ang magkabila kong pisngi at saka ako h******n sa aking noo. Napangiti ako sa kaniyang napaka-sweet na gesture.

“Ang tamis!” biglang saad ni Lorilyn kaya naman napatingin kaming dalawa sa kaniya.

“Ng candy na kinakain ko,” dagdag niya at saka ngumiti sa amin nang nang-aasar. Pasimple kong hinila ang kaniyang maiksing buhok upang tigilan na niya ako. Kaunti na lang kasi ay talagang magmumukha nang kamatis ang aking mukha dahil sa kilig. And I don’t want Akira to see me like that. Nakakahiya kaya!

Tumuloy kami sa pwesto na inuokupa ni Akira at ng kaniyang dalawang matalik na kaibigan, sina Lance at Jeremy. Awtomatiko namang napasimangot si Lorilyn nang makita ang kaniyang ex-manliligaw.

Halos noong nakaraang linggo pa lamang nang sabihin ni Lance kay Lorilyn na titigilan na niya ito. I am expecting that Lorilyn would be happy. Pero kabaligtaran ang nangyari. Mas lalo yata siyang na-highblood sa lalaki. Kung ituring na rin siya nito ay tila isang hangin na lamang siya. I don’t really understand these two. They seem to love each other yet instead of clearing things between them, they keep fighting and avoiding one another.

“Happy debut sa ‘yo, Jennifer! Wooo… So anong handa natin?” masiglang bati sa akin ni Jeremy na nakaupo sa sementadong lamesa habang si Lance naman ay nakaupo sa bench at nagpapalit-palit lamang ang tingin sa aming tatlo, maliban kay Lorilyn.

“Marami sigurong ihahanda si Ate Clara. So, by the way, here’s my invitation for the two of you,” tugon ko at saka iniabot sa kanila ang invitation card para sa aking gaganaping debut mamayang gabi. “Kasali kayo sa 18 roses, so you must attend, ha?” dagdag ko pa.

Simula nang sagutin ko si Akira noong nasa Bagasbas Beach kami ay napalapit na rin ang loob ko sa dalawa niyang matalik na kaibigan. Medyo madaldal na rin ako dahil nahahawa ako sa mga kalokohan nila. Hindi ko na rin pinatagal pa ang lahat sa amin ni Akira. Hindi na ako nagpaligaw sa kaniya. Well, para kasi sa ‘kin, hindi panliligaw ang dapat pinatatagal, kun’di ang pagsasama.

Kasalukuyang nasa eskwelahan kami dahil kumukuha pa kami ni Jennifer ng good moral certificate na kakailanganin sa page-enroll namin sa college. Habang ito namang tatlong lalaki ay sinamahan lamang kami rito sa school. Naiinip daw kasi sila sa kanilang mga bahay. And after this, tuloy na agad kaming lima sa bahay. Namimilit din kasi silang apat na tutulong sa pagluluto ng mga pagkain na ihahanda sa debut ko.

Nakalulungkot nga lang. Hindi kasi makasasali sa eighteen roses ko si Akira. May napakaimportante raw siyang pupuntahan sa gabi at hindi maaaring ipagpaliban. When I asked him where is he going, ang tugon niya ay hindi pa raw ito ang tamang panahon para sabihin niya ito sa ‘kin. He was really serious about that ‘I don’t know’ matter. At ayaw raw niyang masira ang pinakaimportanteng gabi sa aking buhay. And I trust him. I do understand him. Maybe in time, sasabihin din niya ang tungkol doon. Kahit nagugulumihanan ako sa kaniyang magiging ‘lakad’ ay pinili ko na lamang magtiwala sa kaniya.

“I’M really sorry, my angel,” may bahid ng lungkot na saad ni Akira. Umihip nang malakas ang hangin na nagmumula sa dagat na nakapag-pangiti sa aking mga labi. Hinawakan ko ang dalawang kamay ni Akira na nakapulupot sa aking bewang.

“Okay lang. Naiintindihan naman kita, e. It’s not a big deal for me kung hindi ka makadadalo sa debut ko. As long as I know that you love me, it’s enough. I’m already happy with it. And you are the best gift I have ever received for my 18th birthday. Well, you’re kinda an advanced gift na nga, e,” I cheerfully told him to ease his sadness.

Mas lalong humigpit ang kaniyang yakap sa akin. Isinuksok niya pa ang kaniyang mukha sa aking leeg—planting little kisses on it na nakapagbigay sa akin ng bahagyang kiliti. Maya-maya pa ay naramdaman ko ang pagtaas ng kaniyang mga kamay mula sa tiyan ko. His hands ended up cupping my breasts. Nakurot ko siya nang wala sa oras ngunit hindi niya iyon alintana.

“What?” tumatawang tanong niya. I can feel his breath on my neck. Shit! Para akong nanghihina sa mga ginagawa niya sa akin.

“Stop!” I should be talking sternly to him but I ended up saying those words gently instead. It sounded as if I am begging him to continue what he’s doing.

“Tell me again to stop,” he said in a husky voice. His lips landed on my nape and I found myself closing my eyes in pleasure. We’re in a public beach!

Napamulat kaagad ako nang maalala iyon. Inalis ko ang kamay niyang nakapatong sa ibabaw ng aking dibdib, and then I got myself up from the sand to distance myself from him. Dahil kung magtatagal pa ako sa kaniyang yakap ay baka bumigay ako sa kaniya at makagawa kami ng milagro dito sa beach. Mabuti na lamang at araw ngayon ng Linggo. Bilang lang sa daliri ang mga taong nandirito para tumambay kaya naman walang nakasaksi sa kalandian ni Akira.

“Ang cute mo talaga kapag sine-seduce kita.” At bumalik na naman ang mapang-asar niyang tawa. He smirked at me and I glared at him as a response. Ngunit mukhang mas lalo lamang siyang natutuwa sa akin.

MAINGAY ang buong paligid ng aming bakuran. Maririnig ang nakaiindak na tugtugin na nagmumula sa videoke at ang mga malalakas na tawanan ng mga imbitado sa aking debut. Katatapos lamang ng event at ngayon ay nagsisimula na ang kainan ng lahat. Tahimik akong umalis sa aking kinauupuan at saka tinahak ang daan palabas ng aming bakuran.

Bahagyang lumulubog sa lupa ang takong ng aking heels na kulay lila habang sumasayaw naman sa bawat paghakbang ko ang mahahabang pares ng aking hikaw na ginto. Habang naglalakad ay napapatingin ako sa aking dress na kakulay ng aking heels. And then I started to ask questions in my head.

Kung nakikita ba ako ni Akira ngayon, ano kaya ang magiging reaksyon niya? I wonder how it would feel like to dance with your man on your very special day?

Napasimangot ako. How I really wish he’s here. Holding the very last of my 18 roses while walking towards me in the middle of the crowd, asking my permission to dance with him and we would move our body together in the rhythm of a love song.

“It must be really important,” kumbinsi ko sa aking sarili upang hindi ako tuluyang lamunin ng lungkot. Ayokong magkaroon ng hinanakit sa kaniya. Alam kong hindi rin niya gugustuhin na maging malungkot ako sa gabing ito.

Nang tuluyan akong makalabas sa aming gate ay sumalubong sa akin ang ingay ng mga sasakyan na nagsisidaan sa kalsada. Ang buong paligid ay binibigyang liwanag ng mga street light at ng mga ilaw na nagmumula sa mga dumadaang sasakyan.

Kasabay ng pag-angat ko ng tingin sa madilim na kalangitan ay ang paghawi ng mga ulap na kanina ay nakatakip dito. The full moon met my view along with thousands of stars scattered across the sky. As soon as I saw the moon, tila may naramdaman ako na hindi ko maipaliwanag.

My feet started to follow the moon, taking steps as if they have their own mind. Hinayaan ko na lamang ang sarili ko na dalhin ako kung saan. Tila inuudyok ako ng buwan na sundan siya.

After a while, I ended up in the foot of a mountain. How did I end up here? I rented a tricycle para tunguhin ang kinatatapatan ng buwan kahit hindi ako sigurado kung mararating ko nga ba iyon. This is the craziest thing I have ever done in my life at talagang sa mismong debut ko pa ginawa. Pero hindi ko mapigilan ang nararamdaman ko para sa buwan. Buti na lamang at sinabitan ako ng mga blue bill noong ginaganap ang event kaya naman hindi ako nagkaproblema sa magiging pamasahe.

Napabuntong-hininga ako nang maiwan na akong mag-isa sa lugar na ito. Hindi man lang ako nakaramdam ng takot sa aking pag-iisa sa ganitong klaseng lugar. Pinagmasdan ko ang tuktok ng bundok. Dahil sa liwanag ng buwan ay matatanaw ko ang masukal na bahagi nito.

Walang ano-ano’y napatakbo na lamang ako paakyat nito. Hindi ko na inalintana ang mga dahon at sangang humahampas sa akin. Bigla kong naisip si Ate. Malamang ay hinahanap na niya ako. Ano ba kasi ‘tong ginagawa ko?

Nang marating ko ang tuktok ng bundok ay napakapit na lamang ako sa aking tuhod. Nakararamdam ako ng pagkahingal ngunit nakapagtataka rin na sa pagkahaba-haba ng tinakbo ko ay hindi pa rin ako nahihimatay sa pagod. Nagmukhang Christmas tree na rin ang aking gown dahil sa mga dahon at sangang sumabit dito. Pati yata ang ayos ng buhok ko ay magulo na.

“Grrrrr!”

Napalunok ako nang marinig ko ang ungol na iyon. Nag-angat ako ng tingin sa harapan ko kung saan nagmumula ang tunog. At doon ay nagulat ako sa nasaksihan.

It was my boyfriend turning into a wolf creature. Nagkapira-piraso ang kaniyang mga damit dahil sa kaniyang pagbabagong-anyo.

Bahagya akong napaatras at halos mawalan na ako ng hininga dahil sa nakakagulantang na pangyayari. Mahigpit na napakapit ako sa laylayan ng aking gown nang unti-unting humarap sa akin ang anyong-lobo ni Akira.

His blue eyes looked at me—piercing into my soul.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • Before Us   Espesyal na Kabanata

    NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na r

  • Before Us   Epilogo

    KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha."Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay

  • Before Us   Kabanata XX

    “AMARA!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha. Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya. Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda

  • Before Us   Kabanata XIX

    “Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara. I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan. Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we

  • Before Us   Kabanata XVIII

    Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito. Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo. “Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatiko

  • Before Us   Kabanata XVII

    “AMARA!” Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid. Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan. Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status