NAKABANGON muli mula sa matinding destruksyon na naidulot ni Tita Amara ang mga taong-lobo. Madali lamang nilang naibalik sa normal ang lahat. Bagaman wala na sa mundo si Tita Amara, nananatiling buhay ang kaniyang kapangyarihan na siyang nagsisilbing proteksyon ng mundo ng mga taong-lobo mula sa mga mata ng normal na nilalang.Ang mate bond ay nananatili pa rin. Ngunit binigyan ni Tita Amara ng basbas na maaaring putulin ng kasalukuyang Alpha ang lila na sinulid na siyang nagdudugtong sa dalawang tao na itinadhana para sa isa’t isa kung hindi magiging maayos ang pagsasama ng dalawang indibidwal hanggang sa ang isa sa kanila ay dumating sa edad na tatlumpu’t lima.Ang lahi ng mga taong-lobo sa kasalukuyan ay pinamamahalaan ng kanilang itinalagang Luna na si Dani at ang kaniyang kasintahan na isang mandirigma ng kaniyang itinuring na ama ang siyang naging Alpha. Ipinaubaya ni Akira ang kaniyang posisyon upang ipagpatuloy ang kaniyang pamumuhay sa mundo ng mga mortal kasama ako pati na r
KINUHA ni Amara ang isang kamay ni Custodio. Pinagsiklop niya ang kanilang mga kamay at nakangiting pinagmasdan niya iyon. Pagkatapos ay tumingala siya sa mukha ng kaniyang lalaking iniibig. Sakto naman na nakatingin din ito sa kaniya. Mataman na pinagmamasdan nito ang kabuuan ng kaniyang napakagandang mukha."Noong bata pa lamang ako ay pangarap ko na ako ang maging pinakamalakas na mangkukulam sa henerasyon namin. That was supposed to be just a dream only, but things makes it to end up as an obsession. Lagi akong napre-pressure dahil sa aking mga magulang. Ayon sa kanila dapat ako lang ang magmay-ari ng pwestong iyon at wala ng iba pa. At si Kuya naman, nang magkaroon siya ng nobya ay napapabayaan na niya ako sa pangangalaga ng aming mga magulang na walang ginawa kundi pilitin ako na gawin ang mga bagay na hindi ko nais" mahabang kwento niya habang nakatanaw sa medyo maliwanag nang kalangitan.Ayon sa kaniyang mga magulang, upang maipanalo niya ang paligsahan sa posisyon na iyon ay
“AMARA!” Malakas na pagtawag ko sa pangalan niya. Natigilan siya sa akma niyang paghataw ng kaniyang espada na itim sa likuran ng aming bagong Alpha. Nakatayo si Akira at mapapansin ang kaniyang matinding panghihina. Ngunit pinipilit niya na manatili sa kaniyang kinatatayuan upang protektakan si Clara at Vince. Nakahiga si Vince sa lupa habang nakapatong ang kaniyang ulo sa hita ni Clara. May malaking sugat sa tagiliran si Vince. Walang tigil ang pagpalahaw sa iyak ni Clara habang pinipilit na gamutin ang sugat ni Vince kahit alam niyang ikakaubos iyon ng buo niyang enehiya. Unti-unting naglaho ang armas na hawak-hawak ni Amara. Napansin ko ang paglalabo ng kaniyang kanina ay itim na itim na mga mata. Ngumiti ako sa kaniya. Sa wakas ay nakita ko na rin siyang muli sa napakaraming taon na lumipas na paghihintay ko sa kaniya. Bagaman lagi kong nakikita at minsan ay nakakasama ang kaniyang batang bersyon ay iba pa rin ang kaniyang totoo at kasalukuyan na edad at pag-iisip. Kahit matanda
“Isa ka lamang Luna ngunit ang lakas na ng loob mo na harapin ako sa isang laban. Hindi ka ba natatakot para sa iyong buhay?” Mapang-uyam na saad sa akin ni Amara. I was a daughter of a two unmated individual that later on died of sickness because of having me born in this world. Inampon ako ng matalik na kaibigan ng aking ama na nagkataon ay isang mataas na opisyal na kawal ng aming Alpha noon na siyang ama ni Akira. Lumaki ako na nagagawa ko ang lahat ng gustuhin ko na walang pagtutol ni isa mula sa aking ama-amahan. Nang unang makita ko ang mate ko na si Akira ay kaagad akong nagkaroon ng paghanga sa kaniya na habang tumatagal ay nagiging mas malalim. Loving him from afar is more than enough for me because I know by myself that at the end of the day, he will come to me and love me back. Ngunit nagkamali ako. Nagmahal siya ng ibang babae. Natakot ba ako na mawala siya? Hindi. He deserves what he loves and I deserve a man who will love me back not just because we were mated and we
Nanlalabo ang aking paningin ng muli akong magising at imulat ang aking mga mata. May nakatutok sa mukha ko na liwanag na nanggagaling sa flashlight. Nang maka-adjust na ang aking mata ay napatingin ako kay Dani. Inalis na niya ang flashlight sa mukha ko at inilapag niya iyon sa may tabi ko na hindi pinapatay ang ilaw nito. Tinulungan niya akong makabangon. Masakit pa rin ang buong katawan ko. Napatingin ako sa mga sugat ko na ngayon ay nababalutan na ng puting tela. Wala ng mababakas na tumutulong dugo sa aking buong katawan tanging sa damit na lamang na may mantsa ng mga dugo. “Mas madali sanang babalik ang lakas mo at gagaling ang mga sugat mo kung gagawin ko iyong natural na paraan sa’yo ngunit mahal ko pa ang buhay ko. Mahirap ng galitin ang isang witch na taong-lobo,” pabirong saad ni Dani sa akin. Hindi ko na rin maiwasan ang mapangiti kapag naiisip ko ang magiging reaksyon ni Jennifer kapag nga ginawa ni Dani iyon. Ngayon ngang magkasama ulit kami ay paniguradong awtomatiko
“AMARA!” Biglang humangin ng malakas. Isang hangin na sumira ng mga istruktura na nakatayo sa buong paligid. Napakalawak ng nasakop na pagkasira nito. Maririnig sa buong paligid ang paghiyaw sa sakit ng mga nadamay na taong-lobo. Hapon pa lamang ng mga oras na ito ngunit kaagad na nagdilim ang kalangitan kasabay ng buong pangyayari. Halos wala akong makita sa aking paligid. Hindi ko alam kung saang lupalop ako tumilapon ngunit natitiyak ko na napakalayo ng aking naabot. Napahawak ako sa kaliwang hita ko dahil sa sakit na nararamdaman ko, ito sa ilalim nang malaking sementadong nawasak mula sa mga bahay. Sinubukan kong magbagong anyo sa pagiging lobo ngunit hindi kinaya ng katawan ko. Kaya naman wala akong choice kundi gamitin ang aking kapangyarihan. Itinutok ko ang palad ko sa malaking bagay na nakapatong sa aking kaliwang binti. Naglabas ako ng aking kapangyarihan at unti-unti ay naiangat ko sa ere ang bagay na iyon. Pagkatapos ay iginiya ko ang aking kamay sa kabilang direksyon