Share

CHAP 9

I don't know how many hours I've been staring at the ceiling of my room. After my argument with my dad, I came here and never got out again. I didn't bulge even when the maid called me to join my family for dinner.

Hindi ko gustong bumalik o bumisita sa bahay na ito. Kung hindi ko lang kailangan na pumunta rito para sa mga plano ko ay hindi ko gagawin. Sino nga ba'ng gugustuhing bumisita sa impyerno?

Isang buntonghininga ang pinakawalan ko nang muling bumalik ang mga alaala ko. Kung paanong lahat sila ay sinaktan ako. Kung paano ako tinaluran ng ama ko na inaasahan kong kakampi sa akin.

AMOY na amoy ko ang kemikal na amoy ng paligid nang magising ako. Nanatili man akong nakapikit ay hindi nakatakas sa akin ang mahihinang sigaw ng mga tao sa paligid ko. Nagkakagulo.

"Talagang ngayon niya pa talaga ginawa ito!" Boses iyon ni Daddy, bakas ang gigil sa kaniyang tono.

"Huminahon ka muna. Magagawan natin ito ng paraan," ani naman sa kaniya ng stepmother ko.

May sumibol na kaunting pag-asa
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status