Share

Chapter 1

Author: Reynang Elena
last update Last Updated: 2022-01-22 13:28:16

Agatha POV

Maaga akong namulat sa katotohanan na hindi lahat ng anak ay nagkakaroon ng kompleto at masayang pamilya at isa na ako sa mga batang 'yon. Naghiwalay ang mga magulang ko dahil hindi na mahal ng tatay ko ang ina ko, no'ng una ay akala ko magkakaayos pa sila pero walang araw na hindi niya sinasaktan ang mama ko dahil ayaw nito pumayag na maghiwalay na sila. Hindi ako makapaniwala na nawawala ang pagmamahal sa isa't isa ng mag asawa.

At ngayon ay mag- aasawa ulit ang aking ina at wala naman 'yong problema sa akin kung do'n sasaya ang ina ko ay ayos lang dahil hangad ko din naman ang kaligayahan niya sa akin dahil buong buhay niya ay inilaan niya na sa pag aalaga at pagpapalaki sa akin. Kaya no'ng sinabi niya sa akin ay naging masaya pa ako dahil mayroon na tumanggap sa ina ko kahit na may anak na ito.

No'ng una na sinabi sa akin ni Mama ang tungkol sa lalaking minamahal niya ngayon ay naagdadalawang isip ako dahil nalaman ko na mayaman pala ito at kilala sa larangan ng business, hindi ako makapaniwala na magkakaroon sila ng relasyon ng ina ko dahil madami namang mga babae 'ryan. Nag aalala din ako sa mama ko dahil baka sa huli ay masaktan lang siya, pero pinaliwanag sa akin lahat ni mama na matagal na silang magkakilala dahil naging magkaibigan sila at kilala din nito ang naging unang asawa ng lalaki na namatay dahil sa sakit.

"Ano ba! Hanggang ngayon ba ay hindi ka pa rin tapos riyan?" naiiritang turan ng matalik kung kaibigan na si Zey.

"Pwede sandali lang at huwag kang atat diyan?" reklamo ko, kasalukuyan kasi kaming nasa mall dahil may binili kami para sa project namin.

"Shunga! Kahit kailan talaga ang kupad mo. Kanina pa tayo pa ikot ikot dito pero hindi mo pa rin alam kung ano ba talaga ang bibilhin mo."

Hindi ko na lang pinakinggan ang mga sinasabi ng kaibigan ko dahil sanay na ako sa kadaldalan niya, binilisan ko na lang ang paghahanap sa mga bibilhin ko at pagkatap[os ay binayaran ko na ito.

Ng matapos na kaming bilhin ng mga kailangan namin ay nagpasya na kami munang kumain dahil tanghali na. Hindi din naman kami nagtagal dahil kailangan ko ding umuwi dahil aalis kami ng mama ko. 

Mag cocommute na sana ako pero sadyang mapilit ang matalik na kaibigan ko at gusto niyang ihatid na lang ako para hindi na ako mas matagal sa byahe. Alam niya din ang tungkol sa mama ko at boyfriend nito at todo suporta din siya.

Ng makarating na kami sa harap ng apartment na inuupahan namin ay agad na nagpaalam si Zey dahil may importante pa siyang pupuntahan. Minsan talaga hindi ko din maintindihan ang kaibigan ko na 'yon alam niya naman pala na may pupuntahan siya pero hinatid niya pa rin ako.

Bago ako pumasok sa apartment ay nagtaka ako kung bakit may nakaparada na kotse sa harap, imposible naman na pag mamay ari 'yan ng kapitbahay namin dahil sigurado akong walang makakaafford ng ganyan ka mahal na sasakyan dito sa amin.

Ipinagsawalang bahala ko na lang at pumasok na sa apartment, naabutan ko si mama na nakaupo sa sala habang may kausap na lalaki. Kung titingnan ko ay mukhang mayaman ito base na din sa pananamit niya. Hindi kaya siya ang may ari ng kotse na nasa labas? Pero sino ang lalaking ito at bakit nandito siya sa bahay namin?

Napansin naman ni mama na nakatayo ako kaya agad siyang ngumiti sa akin. "Nandito ka na pala anak, kanina ka pa namin hinihintay ng uncle mo." saad ni mama.

Kumunot naman ang noo ko dahil sa sinabi niya. "Uncle? May relatives pa pala tayo dito Ma?" takang tanong ko.

"Ano ka ba naman anak! Hindi ba at sinasabi ko na sayo ang tungkol sa kanya?" anas ni Mama.

Saglit akong natigilan at inaalala kung ano ang ibig niyang sabihin. Agad naman nanlaki ang mga mata ko ng mapagtanto kung sino ang lalaking nasa harapan ko. "Siya po ba ang sinasabi niyo sa akin? Iyong kaibigan niyo na ngayyon ay kasintahan niyo na?"

Nakita ko naman na tumango si Mama kaya nakumpirma ko ang totoo. Tumayo naman ang lalaki sa pagkakaupo at lumapit sa akin. "Hi, I'm Mr. Hernandez. Masaya akong nakilala na din kita sa wakas. Ang daming naikwento sa akin ang mama mo." nakangiting turan niya.

"Hello po, magandang tanghali. Pasensya na po sa naging asal ko kanina, hindi ko po kasi alam na kayo ang tinutukoy ng Mama ko." hinging paumanhin ko.

"Ayos lang 'yon iha, ngayon lang din naman tayo nagkakilala kaya wala kanbg dapat ikahingi ng paumanhin."

"Ang mabuti pa anak ay magbihis ka na muna dahil may mahalaga akong sasabihin sayo." utos sa akin ni Mama at umakyat na ako sa taas.

Binilisan ko ang pagpapalit ng damit at agad din na bumaba, ayaw ko naman na paghintayin sila ng matagal dahil nakakahiya sa bisita namin.

Ng makababa ako ay nakita ko sila mama na masayang nag uusap kaya tumikhim ako para makuha ang atensyon nila. Sabay naman silang napatingin sa akin kaya lumapit ako sa kanila.

"Ma ano po pala ang sasabihin niyo sa akin? Mukha po kasing importante 'yon." anas ko.

Pinaupo naman ako ni mama sa tabi niya. "Anak alam mo naman na nagpropose na sa akin ang Uncle mo hindi ba? Napag usapan kasi namin na magpapakasal na kami next month kaya ang gusto niya sana ay do'n na tayo tumira kasama siya at ang mga anak niya." paliwanag ni mama sa akin.

"Pwede bang maiwan na lang ako dito ma?" anas ko.

"Bakit naman iha?" singit ni Uncle.

"Eh kasi po masyadong nakakahiya kung pati ako ay titira sa bahay niyo. Okay na ako na si Mama na lang dahil alam ko po naman na aalgaan at mamahalin niyo siya." saad ko.

"Hindi naman gano'n kadali 'yon iha. Hindi naman ako papayag na maiwan ka dito dahil alam kung mag aalala sayo ang mama mo." giit ni Uncle.

"Hindi po ba nakakahiya sa mga anak niyo? Inaalala ko din kasi sila at baka magalit sila kapag do'n kami tumira." ani ko.

"Mababait ang mga anak ko at alam kung masaya sila kung masaya din ako. Kilala naman din nila ang mama mo kaya walang magiging problema kung do'n kayo sa bahay tumira. Ilang buwan na lang din naman at ikakasal na kami ng mama mo at magiging isang pamilya na tayo." nakangiting turan niya.

Tumingi naman ako sa mama ko at kita kung hinihintay niya din ang magiging sagot ko. At dahil ayaw ko naman na mag alala pa siya kapag naiwan akong mag iwa dito ay tumango na lang ako tandan na pumapayag na ako sa gusto nilang mangyari.

"Mabilis naman akong niyakap ni Mama, alam kung masaya siya at deserve niya ang bagay na 'yon.

"Kailan po ba tayo aalis?" tanong ko.

"Actually kaya nandito ang Uncle mo dahil siya na ang nagsundo sa atin."

Nagulat naman ako dahil sa sinabi ni Mama. "Ngayon na po? Eh hindi ko pa naayos ang mga gamit ko Mama." nakangusong turan ko.

"Huwag mo ng isipin 'yon dahil nailigpit ko na ang ibang mga gamit mo, 'yong mga natitira pa ay ipapakuha na lang dito bukas."

Hindi na din kami nagtagal sa apartment at umalis na para hindi kami gabihin sa byahe. Ang totoo niyan ay kinakabahan ako sa paglipat namin. At isa pa ay iniisip ko ang mga anak ni Uncle dahil ang rinig ko ay suplado ang isa sa kanila kaya hindi ako makapaniwala ng sinabi ni Uncle na ayos lang sa mga anak niya.

Halos isang oras din ang naging byahe namin bago kami makarating sa kanilang bahay, pinagbuksan naman kami ng guard at diretso ng pumasok sa loob.

Hindi na ako nagtataka kung bakit parang mansion ang bahay nila dahil alam ko naman na mayaman sila at kilala ang pamilya nila sa lugar na ito at sa larangan ng business.

Continue to read this book for free
Scan code to download App
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Jocelyn Pioquinto Armario
yes tama si Agatha wala tayong hangad kundi ang kaligayan ng ating magulang
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Betrayal and Revenge    Chapter 122

    Ethan POV Isang taon na ang nakalipas ng biniyayaan kami ulit ng isang anak na lalaki at masasabi ko na buo na ang kasiyahan na nararamdaman ko sa buhay dahil may mapagmahal at maalaga akong asawa at sweet na anak. Wala na akong mahihiling pa sa buhay dahil sila lang ay sapat na. Hindi mabibili ng pera ang tunay na kaligayahan na sa pamilya mo lang makikita at mararamdaman. May mga kanya kanya na kaming buhay ngayon. Sina Zey at Marcus ay ikinasal na, ang kapatid kung si Luke ay engage na at ang matalik kung kaibigan na si Gian ay masaya na din sa buhay niya kasama ang asawang si Belle. Sino ang mag aakalang kami ang magkakatuluyan ni Agatha sa huli? Hindi naging maganda ang pagkikita at pagkakakilala namin. Ang dami naming pinagdaanan sa buhay bago namin makamtan ang happily ever after namin, ilang beses kaming pinaghiwalay ng tadhana, ang daming problema ang kinaharap namin at higit sa lahat ay sinubuok ang pagmamahal namin para sa isa't isa at tiwala sa Diyos lalo na ng mamatay

  • Betrayal and Revenge    Chapter 121

    Agatha POV Ilang buwan na ang nakalipas ng maiksal sina Belle at Gian dahil ilang linggo lang matapos na makalabas sila sa hospital ay nagpropose na agad si Gian sa kanya at ngayon ay nasa ibang bansa sila hanggang sa manganak ito. Habang going strong naman ang kaibigan ko na si Zey at Marcus kahit na madalas itong mag away. Samantalang ako naman ay kabuwanan ko na ngayon kaya hindi na ako masyadong naglalabas habang ang asawa ko naman ay mas pinili na sa bahay muna magtrabaho para na din mabantayan at maalagaan kami ni baby. Simula ng malaman ni Ethan ang tungkol sa pagbubuntis ko ay naging protective ito at hindi naman ako nagrereklamo dahil alam kung ayaw niya lang mapahamak kami at maulit ang nangyari sa una naming anak. Kasalukuyan akong nakaupo sa sofa habang nanonood ng tv at kumakain ng prutas ng bigla akong makaramdam ng pananakit ng tiyan ko, no'ng una ay ipinagsawalang bahala ko lang ito pero habang tumatagal ay pasakit ng pasakit. "Manang!" sigaw ko, kaya mabilis na l

  • Betrayal and Revenge    Chapter 120

    Gian POVHalos hindi ako makagalaw dahil sa sinabi ni Ethan sa akin. Hindi ko man lang alam na buntis pala si Belle at ako ang ama ng dinadala niya. Ilang beses ko na siyang nasigawan at pinagtulakan at mas worst pa ay naitulak ko siya kanina.Sumama ako kay Ethan para puntahan si Belle dahil dinala niya daw ito sa emergency room. Hindi ko mapapatawad ang sarili kapag may nangyaring masama sa kanilang dalawa. Kaya pala kahit anong pagtataboy ko sa kanya ay nanatili pa din siya dahil may rason siya.Nang makapunta na kami sa tapat ng emergency room ay tinawagan muna ni Ethan si Agatha para tanungin kung nasaan ito at sinabi naman ng asawa niya na nailipat na si Belle sa isang private room kaya do'n na kami dumiretso.Pagpasok namin sa kwarto ay nakita kung nakahiga si Belle habang si Agatha naman ay nakaupo sa gilid ng kama."Anong sabi ng doctor baby?" tanong ni Ethan sa asawa."She is okay now baby, mabuti na lang at medyo malakas ang kapit ng bata." sagot naman ni Agatha.Bumaling n

  • Betrayal and Revenge    Chapter 119

    Belle POV Isang linggo na ang nakalipas ng huli kaming magkita ni Gian, madalas ko din siyang binibisita sa hospital pero hindi ako nagpapakita sa kanya. Ipinagluluto ko din siya ng pagkain at binibigay ito kay Maxine para siya na ang magbigay at huwag ipaalam kay Gian na galing ito sa akin. Palagi lang ako nakaupo sa labas ng kanyang kwarto lalo na kapag walang magbabantay sa kanya. Madalas din dumadalaw dito si Ethan at Agatha, minsan ay sinasama nila ako sa loob at dahil hindi ko naman sila mahindian kaya sumasama ako pero hindi naman ako pinapansin ni Gian, para lang akong hangin sa paningin niya. At ngayon naman ay papasok ako sa kanyang silid dahil tinawagan ako ni Maxine, kailangan niya kasing umalis dahil may meeting siya sa trabaho, sa susunod na araw ay pwede ng makalabas si Gian. Pagpasok ko ay naabutan ko siyang nakaupo sa kanya wheelchair. Agad naman siyang napatingin sa akin. "What are you doing here?" tanong niya. "Tinawagan kasi ako ni Maxine na kung pwede ako muna

  • Betrayal and Revenge    Chapter 118

    Belle POVPapasok ako ngayon sa hospital kung nasaan si Gian dinala, nalaman ko kasi kay Agatha na naaksidente daw ito kaya hindi ako nagdalawang isip na bumyahe agad ditp. Ayaw pa nga sana akong payagan ni Kuya Luke pero nagpumilit pa din ako.Naglalakad na ako ngayon papunta kung saan ang kwarto ni Gian na ibinigay ng nurse na pinatanungan ko. Hindi na ako nag abala pang kumatok at binuksan ko na lang ang pinto. Nakita kung masayang nag uusap si Gian at Maxine na agad din naman napatingin sa akin ng mapansin nila ako."What are you doing here?" tanong sa akin ni Maxine."Bibisitahin ko lang si Gian." sagot ko naman."He is fine kaya pwede ka na umalis.""Hindi naman ikaw ang ipinunta ko dito kaya wala kang karapatan na paalisin ako." matapang na anas ko.Magsasalita pa sana siya ng pigilan na siya ni Gian. "Okay naman na ako Belle kung 'yan ang gusto mong malaman. Buhay pa naman ako kaya pwede ka na umalis." seryosong turan ni Gian, inaamin ko na nasaktan ako dahil sa pagpapaalis ni

  • Betrayal and Revenge    Chapter 117

    Ethan POVKasalukuyang nasa kwarto na kami ng asawa ko, umalis kasi kaming dalawa kanina kaya pareho kaming pagod na dalawa."Are you sure na hindi ka na kakain baby? Pwede akong magpahanda sa maid." tanong ko sa kanya."Kanina mo pa ako tinatanong niyan at sinabi ko naman sayo na busog na ako." nakangusong sagot niya sa akin."Sinisigurado ko lang at baka mamaya manggising ka na naman dahil nagugutom ka." saad ko."Grabe ka naman sa akin, akala mo naman palagi kitang ginigising. Anyway, baby may sasabihin ako sayo." nakangiting turan ni Agatha.Tininingnan ko naman siya. "What is it?""Eh kasi nitong mga nakaraang araw ay madalas sumasama ang pakiramdam ko eh."Agad naman akong napabangon sa pagkakahiga dahil sa sinabi niya. "Bakit hindi mo sinasabi sa akin? Dapat nagpunta tayo ng doctor para naman mabigyan ka ng gamot." "Easy okay? Natural lang naman ito at isa pa nagpunta na ako ng doctor.""Without telling me?" saad ko."Kahapon lang kasi 'yon eh diba may meeting ka kaya hindi ko

  • Betrayal and Revenge    Chapter 116

    Belle POVSinubukan kung habulin at tawagin si Gian pero hindi man lang siya tumigil sa pagsakay sa kotse at kahit paglingon ay hindi niya ginawa. Kita ko ang labis na galit sa kanyang mga mata. Alam kung iniisip niya na may namamagitan sa amin ni Luke kaya magkasama kaming dalawa.Iyak lang ako ng iyak habang patuloy sa pagtawag sa kanyang pangalan kahit nakalayo na ang kotse niya. Mayamaya pa ay naramdaman ko na lang ang paghila at pagyakap sa akin ni Luke."Enough Belle, baka mapano pa kayo ni baby." anas niya."K-kuya mali ng iniisip si Gian." mahinang sambit ko."I know, I know. Stop crying now dahil makakasama sayo 'yan." pag aalo niya sa akin at iginaya ako papasok ng bahay.Nang makapasok kami ay pinaupo niya ako sa sala at kumuha ng tubig para ipainom sa akin."Everything will be alright Belle, just calm down now. Isipin mo ang bata na dinadala mo. Galit lang si Gian sa ngayon.""S-sana nga." mahinang bulong ko."Parang hindi mo naman alam ang ugali ng lalaki lalo na kapag ga

  • Betrayal and Revenge    Chapter 115

    Gian POV It's been two months simula ng malaman ko na umalis si Belle, sinubukan ko siyang hanapin pero hindi ko talaga siya makita. Alam kung nandito lang siya at hindi siya pumunta ng ibang bansa dahil wala siyang record sa airport. At ngayon ay papunta ako sa Hacienda ng mga Hernandez dahil nalaman kung nando'n si Belle ng minsang marinig ko si Ethan at Agatha na nag uusap. Hindi na ako nag abala pang komprontahin ang mag asawa dahil umalis ka agad ako ng marinig ko ang pinag uusapan nila. Hindi ko sila masisisi kung hindi nila agad sinabi sa akin na alam nila kung nasaan si Belle dahil kasalanan ko naman talaga ang nangyari kung bakit nahantong kami sa sitwasyon na ito, isa lang ang gusto kung mangyari at 'yon ay mabawi ang babaeng mahal ko. Naayos ko na ang problema na meron kami ni Maxine, we already talked at tanggap niya ng si Belle talaga ang mahal ko kaya at hindi na siya but we remain as friends. Nang makarating ako sa hacienda ay mabilis akong bumaba ng kotse at pumas

  • Betrayal and Revenge    Chapter 114

    Luke POVNang makalabas ako ng kwarto ay naabutan ko si Belle na nakaupo sa sala, kagabi ng umuwi ako dito sa Hacienda ay nakita ko siya na nandito sa bahay na ipinagtataka ko. I know her, she is one my brother's friend. Hindi ko lang siya nakausap dahil sa pagod kaya agad akong dumiretso sa kwarto at natulog.Pumunta ako sa kusina para kumuha ng kape at bumalik kung nasaan si Belle. "Nasaan sila Tay Greg?" tanong ko sa kanya."Umalis silang dalawa dahil may kailangan daw silang asikasuhin pero babalik din naman ang mga 'yon mamaya. I never thought na dito ka umuuwi." saad niya."Minsan lang naman ako dito dahil nando'n ako sa ibang business ng pamilya namin." sagot ko sa kanya."Mabuti naman at naisipan mo ng bumalik.""I don't have any choice dahil nakita na ako ni Agatha at Ethan." saad ko."Sabagay, hindi ka titigilan ng dalawang 'yon kapag hindi ka sumama sa kanila."Tiningnan ko naman siya ng seryoso. "How about you? Bakit ka nandito?" tanong ko sa kanya.Nakita ko naman ang pag

Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status