Home / Romance / Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy / Chapter 22: The Unspoken Tension

Share

Chapter 22: The Unspoken Tension

Author: Ember
last update Last Updated: 2025-03-08 12:42:35

Tahimik na bumukas ang pinto ng silid. Kasabay nito, bumalot ang malamig na hangin sa paligid nang lumusot ang presensya ni Lewis papasok. Hindi gumalaw si Cali. Kahit pa ramdam niya ang pagbagsak ng tahimik na yabag nito sa malambot na sahig, pinilit niyang manatiling nakapikit—nagpapanggap na mahimbing na natutulog.

Ang silid ay halos balot ng kadiliman. Tanging ang mahina at mainit-init na ilaw mula sa lampshade sa tabi ng kama ang nagbibigay ng aninag sa paligid. Ang mga anino ay nagsasayaw sa bawat paggalaw ni Lewis, at kahit na pilit niyang itinatanggi sa sarili, nararamdaman niyang hindi siya nag-iisa.

Mula sa maliit na siwang ng kanyang pilit na nakapikit na mga mata, nakita niyang dahan-dahang tinanggal ni Lewis ang suot nitong coat, hinayaang mahulog ito sa upuang malapit sa kama. Sunod ang pagbukas ng butones ng long sleeves nito, isa-isa, sa mabagal at hindi nagmamadaling paraan. Para bang wala lang sa kanya ang ginagawa, ngunit kay Cali, bawat kilos nito ay parang isang t
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 50: Moments He Hides

    Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 49: A Day Like Sunlight

    Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 48: Where Silence Begins to Speak

    Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 47: A Drive Through the Fear

    Tahimik na nakatingin si Cali sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-iisip. Malamig ang simoy ng hangin mula sa aircon, pero parang may ibang lamig na bumabalot sa kanya—isang uri ng panlalamig na nanggagaling sa loob, sa puso niyang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari.Mula sa kabilang bahagi ng penthouse, marahang bumukas ang pinto ng guest room. Napalingon siya at nakita niyang lumabas si Lewis, nakasuot lang ng itim na pajama pants at isang maluwag na puting shirt. Magulo ang buhok nito, halatang kagigising lang o hindi rin talaga nakatulog.Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.Walang nagsalita.Si Lewis ang unang bumasag ng katahimikan. “Bakit gising ka pa?”Bumuntong-hininga si Cali at ibinalik ang tingin sa labas. “Hindi ako makatulog.”Hindi siya tinanong kung bakit. Sa halip, lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya, nakasandal ang isang kamay sa gilid ng bintana. “Gusto mong lumabas?” tanong nito, ang boses ay mababa at bahagy

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 46: A Line Almost Crossed

    Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, parehong hindi gumagalaw. Ang oras ay tila bumagal, at ang pagitan nila ay halos mabura. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Lewis mula sa baba ni Cali, dumaan sa kanyang leeg, at huminto sa kanyang balikat—hindi mabigat, hindi rin magaan, pero sapat para maramdaman niya ang init ng palad nito. "Tell me to stop," bulong ni Lewis, bahagyang yumuko palapit. Napalunok si Cali. Alam niyang dapat siyang magsalita. Dapat niyang sabihin dito na hindi ito tama. Dapat niyang itulak ito palayo bago tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Pero hindi niya magawa. Dahil sa halip na lumayo, naramdaman niyang tumitibok ang puso niya nang mas mabilis. Parang may kung anong humahatak sa kanya palapit kay Lewis, isang pwersang hindi niya maintindihan pero hindi rin niya kayang pigilan. Hinintay ni Lewis ang sagot niya. Nang walang narinig mula sa kanya, unti-unti itong lumapit, ang hininga nito ay dumampi sa pisngi niya. "Cali…" May bahagyang pag-aalin

  • Betrayed by My Husband, Saved by His Enemy   Chapter 45: A Step Closer

    Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status