Nakakulong sa isang kasal na puno ng takot at kontrol, alam ni Calista "Cali" Montenegro na hindi siya basta-basta makakatakas kay Devin Vasquez—isang lalaking sabik sa kapangyarihan at hinding-hindi siya pakakawalan. Matagal na niyang tinitiis ang kalupitan nito, iniisip na wala na siyang ibang pagpipilian. Pero nang magdesisyon siyang maghain ng diborsyo, natuklasan niya ang isang masakit na katotohanan—hindi siya basta-basta palalayain ni Devin nang walang laban. Doon dumating si Lewis Alcaraz. Mapanlinlang, makapangyarihan, at ang taong pinaka-kinaiinisan ni Devin. Inalok niya si Cali ng proteksyong matagal na niyang hinahanap. Pero ang tulong na ito ay may kapalit—isang kasunduang magdudugtong sa kanilang dalawa sa paraang hindi niya inaasahan. Habang ang takot at galit ni Cali ay tuluyang nagtulak sa kanya na lumaban, natagpuan niya ang sarili sa mas kumplikadong sitwasyon kasama si Lewis. Ngunit sa kabila ng panganib, ang pag-aalaga at kapanatagang ibinibigay nito ang muling nagbigay sa kanya ng pag-asa sa pag-ibig. Sa laban ng kapangyarihan, pagnanasa, at pagtataksil—sino ang pipiliin ni Cali? Ang asawang gagawin ang lahat para maangkin siyang muli, o ang lalaking gumugulo sa kanyang isipan at puso?
Узнайте большеNakasubsob si Cali, halos hindi humihinga, habang pinipilit niyang itukod ang nanginginig na kamay sa maruming tiles. Ang kanyang duguang pisngi ay nakadikit sa sahig, at ang maitim niyang buhok ay nagkalat sa paligid niya habang ang ilang hibla ay dumidikit sa kanyang mamasa-masang balat.
Masakit ang katawan niya—hindi lang dahil sa bugbog na natamo niya ngayong gabi, kundi dahil sa paulit-ulit na ganitong pangyayari sa loob ng tatlong taon ng kanyang buhay. Napapikit siya nang mariin, pinipilit pigilan ang pagsabog ng kanyang luha. Hindi niya na kailangang tingnan ang sarili sa salamin upang malaman kung gaano siya kawasak. Sobra pa ang sakit sa kaniyang dibdib para patunayan iyon. Sa kanyang harapan, isang lalaking may matipunong katawan at bagsak na balikat ang nakatayo. Hawak nito ang kanyang kamao, mabigat ang paghinga na parang siya ang nasaktan. Nakatingin ito sa kanya—hindi dahil sa awa, kundi dahil sa inis. Pinunasan ni Devin ang bahid ng dugo sa kamao gamit ang manggas ng kanyang mamahaling polo, saka padarag na tumalikod. “Anong napapala mo sa pagsagot-sagot sa akin, ha?” malamig na tanong nito. “Kailan mo ba matututunang sumunod, Cali?” Hindi sumagot si Cali. Alam niyang anumang sagot niya ay magdadala lang ng mas matinding parusa. Huminga naman nang malalim si Devin, saka bumaling muli sa kanya. May natitira pang galit sa kanyang mga mata, pero tila nagsimula na itong magsawa sa eksenang ito. “Huwag mo nang subukang lumaban, Cali. Alam mong hindi mo ako matatakasan.” Napalunok siya, pero hindi niya pinayagan ang sariling ipakita ang takot sa kanyang mukha. "Simula pa lang ito," bulong ni Devin, saka tuluyang lumabas ng kwarto. Narinig niya ang tunog ng pinto—isang katunayan na muling nakalayo ito sa kanya. Ngunit kahit wala na ito sa silid, ang bigat ng kanyang presensya ay nananatili. Hindi niya alam kung ilang minuto siyang nanatili sa sahig bago niya nagawang igalaw ang kanyang katawan. Dahan-dahan niyang iniangat ang kanyang ulo, pilit pinoproseso kung paano siya makakawala sa malupit na kamay ng kaniyang asawa. At doon niya naramdaman ang isang bagay na matagal na niyang gustong maramdaman; ang pagod at awa sa sarili. Huminga siya nang malalim. Dahan-dahang gumapang papunta sa bintana habang pinipigilan ang sariling humikbi. Alam niyang kung maririnig siya ni Devin ay babalik ito, at hindi niya na kakayanin pa ang isa pang hagupit. Hindi niya alintana ang hapdi ng sugat sa kanyang tuhod nang makalapit siya sa bintana. Nanginginig ang kanyang kamay habang tinanggal niya ang lock nito, saka itinulak nang dahan-dahan. Nang maramdaman niya ang malamig na hangin mula sa labas, alam niyang mas ikamamatay niya ang pag atras. Kailangan niyang tumakas habang meron pa siyang pagkakataon. Sa isang iglap, lumundag siya palabas. Ang matigas na lupa ang sumalo sa kanyang katawan, pero hindi siya nagpatinag. Bumangon siya at mabilis na tumakbo sa eskinita, hindi alintana ang kumikirot na katawan. Sa kaniyang matinding takot na maabutan ni Devin, hindi na niya alintana pa ang madilim na kalsada, kawalan ng saplot sa paa at panginginig sa ginaw. Ang suot niyang damit ay may bahid ng dugo, at ang bawat hakbang niya ay may bakas ng desperasyon. Hindi niya alam kung saan siya pupunta. Ngunit alam niyang wala nang dahilan para bumalik. Hanggang sa isang nakakasilaw na liwanag ang bumungad sa kanya, kasabay ng sigaw ng isang preno. Isang segundo lang ang lumipas bago sumalpak ang kanyang katawan sa malamig na hood ng sasakyan. Nawala ang kanyang balanse, gumulong siya sa kalsada, at bumagsak nang malakas sa semento. Para bang nawala ang lahat ng tunog sa paligid niya. Ang mundo ay nagliwanag, at ang kanyang katawan ay naging napakagaan. Ngunit, bahagyang bumasag sa katahimikan ang malakas na pagmumura ng lalaking lumabas ng sasakyan. “Sh*t!” May mga yabag na mabilis na lumapit sa kanya, at may bisig na mainit ang pumasan sa kanyang katawan. "Bakit ka nasa gitna ng daan sa ganitong oras?!" galit ngunit may bahid ng pag-aalalang tinig ang narinig niya. Hindi na niya nagawang sumagot. Bago tuluyang dumilim ang kanyang paningin, isang mukha ang huling bumungad sa kanya—matalas na panga, malamlam na mga mata, at kunot-noong ekspresyon. Nang muling magmulat ng mata si Cali, para siyang lumulutang sa kawalan, hindi sigurado kung gising ba siya o panaginip lang ang lahat. Nang tuluyang pumasok sa kaniyang tainga ang tunog ng monitor, unti-unting bumigat ang kanyang talukap at pilit niyang iminulat ang mata. Unang sumalubong sa kaniya ang maputing kisame at malamig ang silid. Ang amoy ng disinfectant ay iba sa nakasanayan niyang amoy ng alak at sigarilyo sa bahay ni Devin. Napatingin siya sa paligid at napagtantong nasa ospital siya. Naguguluhan man, pinilit niyang isinandal ang ulo sa unan, inalala ang huling nangyari. Parang sinagot naman ng pagkakataon ang iniisip niya nang bumukas ang pinto at iniluwa noon ang isang matangkad na pigura ng lalaki. Mabibigat at may dating ginawa nitong pagpasok sa silid. Idagdag pa ang magandang lapat ng suot nitong itim na coat, isang kamay na hawak ang cellphone, habang ang isa naman ay nasa bulsa. "Sa wakas, nagising ka rin," malamig nitong sabi. Napatitig siya. May kung anong pamilyar sa mukha ng lalaki, pero hindi niya agad matukoy. “Sino ka?” garalgal ang boses niya. Humakbang ito palapit sa kanya, saka sumandal sa pader. “Lewis Alcaraz.” Parang binuhusan ng malamig na tubig si Cali nang marinig ang pangalan. Hindi nga siya nagkamali, kilala nga niya ito. Siya ang lalaking hindi natatakot banggain si Devin, ang mortal na karibal ng asawa niya sa negosyo. Laging laman ng mga balita, kinatatakutan sa mundo ng korporasyon, at ngayon, narito ito mismo sa harapan niya. At sa lahat ng maaaring magligtas sa kanya, bakit siya pa? Bumibigat ang tingin sa kanya ni Lewis, tila sinusukat ang kanyang kahinaan. “Alam ko kung sino ka.” Napakuyom siya ng kamao. “Alam ko rin ang ginagawa sa’yo ni Devin.” Napatingin siya rito. Hindi niya alam kung bakit, pero may kung anong lungkot sa tono ng boses ni Lewis. Nagtagal ang katahimikan bago muling nagsalita si Lewis. “May alok ako sa’yo.” Nagpantig ang tainga niya sa sinabi nito. Mukhang disente ang lalaki, ngunit hindi siya magugulat kung gigipitin din siya nito. Ang kagaya niyang negosyante ay hindi nag-aalok ng libreng bagay. Ngunit kahit ganoon ang nasa isip ni Cali, nanatili siyang tahimik at pinakinggan ang susunod na sasabihin ni Lewis. “Tutulungan kitang makalaya sa kanya,” patuloy ni Lewis. “Tutulungan kitang mag-file ng divorce.” Huminga nang malalim si Cali. “Bakit mo ginagawa ’to?” Ngumiti si Lewis, pero hindi iyon ngiting may lambing—isa iyong ngiti ng isang taong may sariling laro. “Dahil gusto kong gumanti.” Kumunot ang noo niya. “Gumanti?” "Si Devin ang pinakamalaking hadlang sa negosyo ko," diretsong sabi ni Lewis. “At anong pinakamagandang paraan para pabagsakin ang isang lalaking kagaya niya?” Napako ang tingin ni Cali sa kanya. "Agawin ang asawa," mahinang bulong ni Lewis. Natahimik si Cali at mariing napalunok. “Kapag nakipaghiwalay ka kay Devin… kailangan mo akong pakasalan.”Habang inaabot ni Cali ang isang librong may hardbound na cover, napatingin siya kay Rea na panay ang sulyap sa kanya.“Rea,” mahina niyang tawag. “Bakit bigla kang nagyayang lumabas?”Napatingin si Rea, tila hindi inaasahan ang tanong. Saglit itong natahimik bago sumagot.“Si Mom,” anito, sabay iwas ng tingin at kunwaring abala sa pag-aayos ng buhok. “She asked me to. Sabi niya... baka daw kasi hirap ka ngayon. Kasi... you know,”Bahagyang huminga ito nang malalim. “Kasi nalaglag ‘yung baby.”Parang biglang huminto ang mundo ni Cali. Mariin siyang lumunok.Nag-freeze ang mga daliri niya sa gilid ng librong hawak. Nanuyo ang lalamunan niya, at naramdaman niyang may bigat sa dibdib na hindi niya alam kung saan ilalagay.Hindi naman totoo iyon.Hindi siya buntis. Hindi siya nawalan ng bata.Pero isang bahagi ng isip niya, alam niyang iyon ang naging kasunduan nila ni Lewis—na ito ang “istoryang” sasabihin kung sakaling may magtanong. Para hindi na siya kailangang paulit-ulit magpaliwana
Pagkatapos ng gabing puno ng katahimikan at damdaming hindi kailangang isigaw, bumalik na sila sa mansion. Tahimik pa rin ang biyahe, pero hindi na ito kagaya ng dati. Hindi na awkward, hindi rin nakakailang. Tahimik—pero komportable. Parang parehong hindi na kailangang magsalita para maintindihan.Pagbaba nila sa sasakyan, agad silang sinalubong nina Manang Letty at Linda. Parehong may bitbit na sweater at maiinit na tsaa, tila alam na ginabi sila sa labas.“Ay, salamat at nakauwi na kayo, sir, ma’am,” bungad ni Manang Letty. “Ginabi po kayo, malamig pa naman sa labas.”“Gusto n’yo po ba ng sabaw o mainit na tsokolate?” alok naman ni Linda, sabay abot ng malambot na tuwalya kay Cali.Ngumiti si Cali at mahinang tumango. “Thank you po, Manang. Okay lang po ako.”Napatingin siya kay Lewis na kasalukuyang nag-aayos ng coat at cellphone. Mabilis na may tinype ito, bago lumingon sa kanya.“I need to go,” aniya, diretso sa punto. “Biglaang meeting sa hotel. Emergency. Hindi ko na 'to mapap
Tahimik silang nakaupo sa gilid ng bangin, habang sa ibaba’y kumikislap ang mga ilaw ng siyudad na parang mga bituin na naglaglagan mula sa langit. Ang hangin ay malamig, may halimuyak ng damong bagong dampi ng hamog. Sa paligid nila, sumasayaw ang mga alitaptap sa hangin, nagsisilbing mga munting ilaw sa gitna ng dilim.“Ang ganda rito,” bulong ni Cali nang makalabas na ng sasakyan, yakap ang sarili habang pinagmamasdan ang tanawin. Ang lamig ay gumagapang sa balat niya, pero ang ganda ng paligid ay sapat para pansamantalang limutin iyon.Walang sinabing salita si Lewis. Lumabas siya sa sasakyan at marahang isinukob ang kanyang jacket sa mga balikat ni Cali. Mainit pa iyon mula sa katawan niya. Dahan-dahang umupo siyang muli sa tabi nito, mas malapit na ngayon.“Mas maganda kung hindi ka giniginaw,” aniya sa mababang tinig.Napangiti si Cali. “Thanks.”Tahimik muli. Ang mga salita ay tila hindi kailangang sabihin agad. Pareho nilang pinagmamasdan ang liwanag sa ibaba—isang tanawing p
Tahimik na nakatingin si Cali sa labas ng bintana habang patuloy sa pag-iisip. Malamig ang simoy ng hangin mula sa aircon, pero parang may ibang lamig na bumabalot sa kanya—isang uri ng panlalamig na nanggagaling sa loob, sa puso niyang hindi alam kung paano tatanggapin ang lahat ng nangyayari.Mula sa kabilang bahagi ng penthouse, marahang bumukas ang pinto ng guest room. Napalingon siya at nakita niyang lumabas si Lewis, nakasuot lang ng itim na pajama pants at isang maluwag na puting shirt. Magulo ang buhok nito, halatang kagigising lang o hindi rin talaga nakatulog.Nagtagpo ang mga mata nila. Isang segundo. Dalawa. Tatlo.Walang nagsalita.Si Lewis ang unang bumasag ng katahimikan. “Bakit gising ka pa?”Bumuntong-hininga si Cali at ibinalik ang tingin sa labas. “Hindi ako makatulog.”Hindi siya tinanong kung bakit. Sa halip, lumapit ito sa kanya at tumayo sa tabi niya, nakasandal ang isang kamay sa gilid ng bintana. “Gusto mong lumabas?” tanong nito, ang boses ay mababa at bahagy
Nanatili silang nakatitig sa isa’t isa, parehong hindi gumagalaw. Ang oras ay tila bumagal, at ang pagitan nila ay halos mabura. Dahan-dahang bumaba ang kamay ni Lewis mula sa baba ni Cali, dumaan sa kanyang leeg, at huminto sa kanyang balikat—hindi mabigat, hindi rin magaan, pero sapat para maramdaman niya ang init ng palad nito. "Tell me to stop," bulong ni Lewis, bahagyang yumuko palapit. Napalunok si Cali. Alam niyang dapat siyang magsalita. Dapat niyang sabihin dito na hindi ito tama. Dapat niyang itulak ito palayo bago tuluyang bumigay ang mga depensa niya. Pero hindi niya magawa. Dahil sa halip na lumayo, naramdaman niyang tumitibok ang puso niya nang mas mabilis. Parang may kung anong humahatak sa kanya palapit kay Lewis, isang pwersang hindi niya maintindihan pero hindi rin niya kayang pigilan. Hinintay ni Lewis ang sagot niya. Nang walang narinig mula sa kanya, unti-unti itong lumapit, ang hininga nito ay dumampi sa pisngi niya. "Cali…" May bahagyang pag-aalin
Pagpasok nila sa loob ng gusali, agad silang sinalubong ng malamig na simoy ng aircon at ang modernong disenyo ng lobby—mga glass panel na nagpakita ng panoramic view ng lungsod, malalaking abstract na painting sa dingding, at isang minimalist na chandelier na nagbibigay ng malambot na liwanag sa paligid. Tahimik na naglakad si Lewis papunta sa elevator, hindi na kailangang magpaalam sa reception dahil mukhang kilala na siya rito.Sumunod si Cali, hindi mapigilang mapatingin sa paligid. “Dito ka ba nag stay nung umalis ka sa mansion?” tanong niya, bahagyang naiilang sa marangyang ambiance ng lugar.Napangisi si Lewis. “Yeah. Surprised?”“Medyo,” amin niya. “Parang hindi ka bagay sa ganitong lugar.”Nagtaas ito ng kilay, halatang naaliw sa sinabi niya. “Bakit naman?”“Hindi ko lang maisip na ikaw ang tipo ng taong mahilig sa high-rise buildings. Mas mukhang bagay sa’yo ang isang bahay na may malaking garahe at private pool,” sagot niya nang hindi nag-iisip.Napangisi si Lewis. “So you’
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Комментарии