Kabanata 1
"What about this one? May mga boys na mas gusto ang mga babaeng nagiging hayop sa kama." Nakangising ani ni Desirei sa akin habang nakalapat sa dibdib niya ang bikini'ng may leopard print.
I rolled my eyes and frustratingly put ny notebook down. Sinimangutan ko ang magaling kong kaibigan saka ako nagpangalumbaba habang tinititigan ang bikini. What's with this woman's taste? Gustong-gusto yata talaga nitong malapa ng mga kalalakihan.
I shook my head with my own thought. "Boys would love an animal. Of course, kasi boys pa lang. A real man would never choose a girl depending on her skills in bed." Tugon ko.
Naiiling na ibinalik ni Desirei ang bikini sa rack at nagpamaywang, sinasadyang ipakita kung gaano kaganda ang kurba ng katawan niyang handa niyang gastusan para lamang sa mga lalaking nagpupukol sa kanya ng atensyon. Not the best logic for a woman but who am I to slap the truth on her face?
"I seriously don't know why I still stick around you. I obviously went to metamorphosis after we graduated senior high but you? Urgh." She rolled her eyes at me teasingly. "You chose to get stuck inside your boring cocoon, Cath."
"Bitch." Sumimangot lalo ako at sinulyapan ang sarili sa salamin ngunit agad ngumiwi ang aking mukha nang mapagtanto kung ano ang ibig sabihin ni Desirei. Maybe she's partly right this time.
We've been friends since seventh grade, and unlike Desirei, I still wear my typical ensemble of denim jeans and boring tops that looked "decent". Well, anything that doesn't really show much skin looks decent to me. Ang hairstyle kong straight lang ang gupit sa dulo ng hanggang balikat kong buhok ay hindi pa rin nagbabago. Nagkaroon naman ng hubog ang aking katawan ngunit hindi iyong gaya ng mga nakikita sa men's magazine at magiging pantasya ng mga kalalakihan. Ni minsan din ay hindi sumagi sa isip kong kumapit sa syensya. What can I do? I was raised to be this way. To not go with the flow if the tides will just drown me.
"My kuya Crude is gonna kill me if I'll dress up like a porn star in my next vlog. Mahirap na. Baka ako pa ang makasira sa magandang career ng kapatid ko." Sagot ko at iwinaksi na lamang sa isip ang mga bagay na dahilan kung bakit hindi ako tumulad sa kaibigan ko na mas pinagtutuunan ng pansin ang magiging dating niya sa mga lalake.
Besides, the man I wanted to notice me is too unreachable. Bakit pa ba ako mage-effort kung alam ko naman na pasulong pa lamang ako, naharang na ng mga babaeng mas makurba sa akin ang taong gusto ko?
Umismid si Desirei. "Malay mo mapansin ka na ni Azul sa susunod na vlog mo kung magpapakita ka naman ng tiyan." Kumindat ito, ang ngisi ay lalong lumapad.
Namula ang aking mukha sa simpleng pagbanggit ng pangalang iyon. Si Azul mapapansin ako kapag nagtwo piece ako? Imposible. Baka nga kahit maghubad na ako't lahat sa harap no'n ay lalagpasan lang ako. I am pretty much sure I am far from what's on Azul's criterias on who to lay his eyes on. Tanggap ko na iyon nang piliin kong hayaang umusbong ang lintik kong pagkagusto sa kanya.
"Azul is a busy man. Maglalaro siya sa Malaysia ng tennis sa susunod na buwan kaya sigurado akong kung nandito siya sa Pinas, raketa ang hahawakan niya at hindi ang cellphone niya." Sagot ko.
Arkin Zuller is a sporty guy. Matanda siya ng halos apat na taon sa akin at nakilala ko siya nang minsang magpunta kami ng family ko sa isang resort sa Subic. Nakita ko siyang naglalaro ng frisbee kasama ang mga gwapong kaibigan niya. I even spotted Keios Ducani, isa ring sikat na sports icon ng bansa. Mas mahusay nga lang si Azul sa ibang larangan ng sports. I mean, Keios is like a beast in a football jersey when he's on the field but Azul? He is a genius. Isa pa, napakaganda ng mga mata nito. His pools were like the ocean behind us when I first saw him—calming, mysterious, inviting.
Pagkauwi namin ng Manila, awtomatikong gumalaw ang mga kamay ko para magresearch tungkol kay Azul. Nalaman kong bukod sa pagiging nag-iisang tagapagmana ng Beckham Enterprise, national athlete din si Azul ng tennis team. He also plays baseball for a hobby at nang maging kaibigan niya si Keios, natutunan din niyang mahalin ang football.
Siguro dahil sa taglay niyang dugong ingles kaya matangkad siya sa taas na six two. Asul na asul ang mga mata niya at ang buhok ay may kahabaan na palaging nakatali, giving him his bad boy aura with a mysterious way of smiling. The only kind of bad boy I want to experience danger with...
Bumuntong hininga ako nang mapagtantong naglakbay na naman ang isip ko dahil kay Azul. Palagi na lamang ganoon. Sa tuwing nakikita ko na ang imahe niya sa isip ko, natatagpuan ko na lang ang aking sariling pinapanood na siya sa alaala ko.
I shook my head. "You know what? Bilisan na lang natin and sorry to burst your bubble, Desirei but I'm really not going to wear any of those bikini's." Pinal kong ani bago inilagay sa aking bag ang aking notebook.
Desirei sighed in defeat. Nakasimangot niyang kinuha ang napiling bikini at iniwan ang mga gusto niya para sa akin. Dumiretso kami sa counter ng botique na pagmamay-ari ng isang kilalang fashion designer na minsan na ring nagbihis sa kapatid ko at sa ka-loveteam niya sa premier night ng kanilang debut movie.
House of Chaya is famous and definitely expensive. Kahit na lumaki kami sa marangyang pamilya, pinaintindi sa amin ng aming grandpa Crisanto na ang pera ay hindi nilulustay ng basta-basta. Kuya Crude got to where he is right now because he worked hard for it, at sinimulan ko rin ang career ko bilang isang travel vlogger sa sarili kong paraan kaya madalas akong purihin sa mga videos ko dahil sa talento ko sa pagbabudget ng pera at mga ilang tips ko para sa mga travellers.
I often pay for the less expensive trips than the ones I can actually afford. I book the best and most convenient room around the place, not just the one with the highest star ratings. Pagdating sa pagkain, doon ako sa pang-turista. Street foods, local cuisine, at iyong natututunan kong lutuin dahil sa mga mamamayan ng bayang pinupuntahan ko. My channel isn't that successful yet but I am working hard for every vlog I am posting.
"Miss Desirei, naalala ko noon na may nirequest kang cotour gown sa autumn collection ni Ma'am Chaia last year? Dumating na ang damit last week kasabay ng ibang items na nai-showcase niya sa collection na iyon." Masiglang ani ng bading na assistant sa botique nang magtungo kami sa counter.
Desirei, being such a fashion enthusiast, got hyped up again. Nagningning ang mga mata nito. "Really?! Oh my goodness can I see it now?!"
Napailing na lamang ako dahil kahit na palaging pinapagalitan si Desirei ng kanyang Daddy tungkol sa sobrang paggastos, pagdating sa mga bagay na gusto niya at magmumukha siyang maganda, willing siyang masermunan. I sighed. I still don't know how we became friends to be honest. We are like the total opposite of each other and we have the guts to call each other besties?
"Of course you can, Miss Desirei. In fact, last week pa kita hinihintay." Tugon ng assistant.
Humarap si Desirei sa akin at walang sabi-sabing sinalpak sa aking mga kamay ang limang pirasong bikini na may iba't-ibang design. "Take care of my babies. Susukatin ko lang ang damit!" Ani Desirei at bigla na lang akong tinalikuran. Umangkla pa ang braso nito sa braso ng baklang assistant habang masaya silang nagkwentuhan tungkol sa itsura ng damit na tinutukoy ng mga ito.
Hindi ko naiwasan ang mapailing. Hindi ako nagdadala ng cards para kontrolado ko ang paggasta ko at limitado lang palagi ang allowance ko sa buong araw dahil parte iyon ng training ko para sa budgeting kaya naman kahit gusto ko na bayaran na lang ang mga bikini na hawak ko at singilin si Desirei sa ibang araw nang makaalis na ako, hindi ko magawa.
Nakasimangot akong naghintay sa harap ng counter, ang mga mata ko ay nakatitig lamang sa direksyong pinuntahan nina Desirei. God, kung hindi ko lang talaga iyon kaibigan. Baka iniwan ko na lang ang mga bikini roon at humanap na ng pinakamalapit na coffee shop. Magbu-book pa ako ng room para sa travel ko next week.
Tahimik lamang akong naghihintay, ang kahera namang naroon ay abala ring magkalikot sa cellphone nito kaya hindi ko na rin inabalang kausapin. Nagpangalumbaba na lamang ako habang nakatikwas ang nguso, minumura ang magaling kong kaibigan sa aking isip hanggang sa bumukas ang pinto ng botique.
Hindi ko pinansin ang kung sinong dumating, ngunit nang madama ko ang bulto sa aking likod, awtomatiko kong nahigit ang aking hininga nang maramdaman ang kakaibang epekto ng taong iyon sa aking sistema.
Ni hindi ko pa nga nakita kung sino iyon, ngunit nang dumaplis ang siko niya sa braso ko, pakiramdam ko na ay nakuryente ang aking buong katawan. Napuno ng panlalakeng amoy ang aking ilong at tumaas ang tingin ko sa mukha ng lalakeng ngayon ay nasa aking tabi na.
"Is Chaya upstairs?" Tanong ng baritono nitong tinig.
"Yes, Sir she's actually expecting you in her office."
My heart pounded violently as my eyes stared at Azul's handsome face. Ni hindi ko na namalayan ang pagbuka ng aking mga labi! Wala sa akin ang tingin niya, ngunit nang makita ko ang paggalaw ng panga at mga labi niya nang magsalita siya, pakiramdam ko ay pinapanood ko na siyang humalik sa iba.
Sumisilip ang dimple sa kaliwa niyang pisngi sa kaunting kilos ng bibig niya, ang panga ay lalo lamang nadedepina.
My eyes went to down to his adam's apple. I never thought a simple movement of a bone can drive me nuts. My knees gone weak at kinailangan ko pang kumapit sa counter para lang hindi matumba.
My simple movement caught his attention. Nang mabaling sa aking direksyon ang asul niyang mga mata, halos malimutan ko na kung paano ang huminga.
Oh my freaking gosh! I was screaming internally with just the sight of Azul this close! Ang lakas ng epekto ng kanyang presensya sa aking sistema. Kung pwede lang akong takasan ng sarili kong puso, baka tumalon na ito kanina pa patungo sa mga kamay ni Azul.
Azul's lips curved upward, forming a taunting smirk. "Sorry. Did I interrupt? Nagbabayad ka ba para sa..." Azul's eyes went down to what I'm holding. Huli na nang mapagtanto ko kung ano ang tinitignan niya dahil lumawak na ang ngisi sa kanyang mga labi at napasadahan na niya ako ng tingin gamit ang asul niyang mga mata.
Oh my Goooood! Desirei's bikini's!
Uminit ang mukha ko at naiwas ko bigla ang tingin sa mga mata ni Azul. "It's not what it looks like. I—I mean, hindi—"
"I think that blue bikini would look really good on you." Putol ni Azul sa litanya ko dahilan upang muli ko siyang tingalain. Kumindat siya sa akin habang nakangiti saka siya umalis at tinungo ang daan patungo sa opisina ng may-ari ng botique.
Napaawang ang bibig ko at pakiramdam ko ay nawalan ako ng kakayahang tumugon sa sinabi niya. Puri ba iyon o suhestiyon? Ah, basta wala na akong pakialam. Ang gusto ko na lang gawin sa mga sandaling ito ay panoorin siyang umalis at matikas na dalhin ang sarili kahit ang tanging suot niya ay itim na pantalon at puting t-shirt. Maayos ang pagkakatali ng buhok nito, ang itim na hikaw sa kaliwang tainga ay lalo lamang nagpalakas ng kayang dating.
My eyes never left Azul's direction, until he finally went up the stairs. Pigil na pigil ang paghinga ko para lang hindi tumili. Halos mapudpod na rin ang aking ibabang labi sa diin ng pagkakakagat ko rito dahil kasi lintik na malagkit! That was Arkin Zuller Beckham! The guy I'm secretly writing letters for!
Humugot ako ng malalim na hininga at humarap sa kahera. Nilapag ko ang mga bikini at hiniwalay ang asul na bikini bago ko nilabas ang aking wallet para ilabas ang allowance ko para sa huling tatlong araw.
I placed the money on the counter and breathed deeply, throwing away all my hesitations, self-pity, and all the negative thoughts I have about sexy clothes. "I'm getting this blue bikini. Thank you."
For the first time in my entire life, I held a paper bag containing a pair of sexy bikini just because my ultimate crush said it will look good on me.
EPILOGUEMatamis ang ngiti ni Cath habang hinahaplos ang buhok ni Azul. Bagong gupit ito at kung siya ang tatanungin, mas bumagay dito ang maikling buhok ngunit si Azul, hanggang ngayon ay dinadamdam pa rin ang pagkaputol ng buhok nito. Nakipagpustahan kasi ito sa mga kaibigan.Natutuwa si Cath dahil noon, ang pustahan ng mga ito ay kung sinong unang matatalo ng tawag ng laman, ngayon, ang naging pustahan na ay kung sinong unang magkakaroon ng anak na babae, sinong unang iiyak kapag nabakunahan ang anak, at kung ano-ano pang may kinalaman sa pagiging pamilyado.Her Azul evolved from a hunky playboy to a responsible family man. Kinilala ito sa pagiging bata at mahusay na coach, ngunit sa kanyang bawat speech, wala itong bukambibig kung hindi pangalawa lang ang awards ng pagiging magalin
Kabanata 31Hinagod ni Desiree ang likod ni Cath habang pinapayungan siya nito. Pilit niya itong nginitian bago binalik ang tingin sa puntod na nasa kanilang harap."Tingin mo ay masaya na siya ngayon?" Malungkot niyang tanong kay Desiree.Desiree flashed a broken smile. "Tingin ko oo, Cath. Hindi na siya mahihirapan pa. Sa langit, wala nang sakit, hinagpis at kalungkutan." Tinapik nito ang kanyang braso. "Maging masaya na lang tayo para sa kanya."Mahinang tinango ni Cath ang kanyang ulo saka niya pinakawalan ang hangin mula sa kanyang dibdib. Ang kanyang kamay ay lumapat sa kanyang tiyan. Hindi pa halata ang kanyang pagbubuntis dahil dalawang buwan pa lamang ito, ngunit sinisiguro niya sa sariling aalagaab niya ang kanyang sarili al
Kabanata 30Cath felt the pain in her head, but her heart aches even more. Parang naka-rewind na tape ang mga alaalang bumalik sa kanyang isip matapos niyang makita ang walang malay niyang asawa sa ibaba ng hagdan.She saw how Azul caught the freesbie and she felt how loud her heart beat for him since that day.She remembered how Azul smiled and winked at her at Chaya's botique, how her cheeks turned red when he said the blue bikini will look good on her.She remembered when their paths crossed again in La Paz, when she returned the ball to him.Ang mga halik at haplos, ang mga yakap at palitan ng matamis na pangako. Ang mga asul na sulat at ang payapang karagatan. Ang ka
Kabanata 29Masarap ang simoy ng hangin. Nasa dalampasigan si Azul at Cath, tahimik na pinagmamasdan ang malawak na kalangitang hitik na hitik sa mga bituin. Naka-upo sila sa buhangin gaya ng gusto ni Cath, ang kanyang braso ay nakapulupot sa asawa upang sanggain ang lamig.The waves crash loudly on the shore that's meters away from them. Panay ang pagdampi niya ng halik dito, ninanamnam ang bawat sandaling ganito ito kalapit sa kanya at hindi siya pinagtatabuyan.Every now and then, his thoughts drift back to the day he began losing her. Sariwa ang araw na iyon sa kanyang alaala, at sa tuwing nagbabalik sa kanyang isip ang dahilan, pakiramdam niya ay nanlulumo siya.It was Nerida's plan to use her to protect their affair.
Kabanata 28Pumungay ang mga mata ni Cath nang madama ang paghagod ng kamay ni Azul sa kanyang buhok. Kakatapos lamang niyang maligo at ngayon ay nasa kandungan siya nito, tinutuyo ang kanyang buhok.Napahikab siya. Napaka-swerte naman niya at mukhang alagang-alaga siya ng kanyang asawa dahil maging ang pag-blow dry sa kanyang buhok, ito pa ang gumagawa."Do you always do this to me before?" Inaantok niyang tanong.Napangiti si Azul, tila may naalala bago ito tumango. "You're always lazy to dry your hair so I do it for you."Totoo iyon. Wala siyang pakialam kung basa ang kanyang buhok na matutulog kaya madalas ay bruha na siya pagkagising. Natuwa naman siya at concern ang
(A/N: Will be writing the rest of the chapters in 3rd person POV.)Kabanata 27Maingat na ibinaba ni Azul si Cath sa loveseat na nasa harap ng dalampasigan. Halos isang buwan din ang tinagal pa ni Cath sa ospital at sa loob ng mga panahong iyon ay sinigurado niyang nasa tabi siya palagi nito."Ang hirap naman ng may cast. Gusto kong maupo sa mismong buhangin, Azul." Reklamo ni Cath.Ngumiti lamang si Azul bago naupo sa tabi nito paharap mismo rito kaya nang isankal niya ang kanyang kamay sa upuan na tila kinukulong ang baywang nito, namula na naman ang kanyang asawa.He chuckled softly before he pushed the few strands of Cath's hair on the back of her ear. Nang kagatin ni
Kabanata 26Pakiramdam ko lalong bumigat ang nakadagan sa dibdib ko nang makitang puno ng pagtataka ang mga mata ng asawa ko habang nakatitig sa akin. Naroon ang pagtatanong at pagkalito, ang pait at kirot na wala siyang ideya kung saan nagmumula.She's still hurting even when she doesn't know me anymore..."Cath?" Masuyong hinaplos ni Astrid ang kanyang buhok.Naging malamig ang titig na ipinukol niya kay Astrid. Sandali lang iyong nagtagal sa kaibigan niya saka niya ulit binalik sa akin ang atensyon. "Kilala mo ba siya?"My jaw clenched so as my fists. Gusto ko siyang lapitan para yakapin pero hindi ko alam kung tama ba iyong gawin. She has no memory of me. What if she'
Kabanata 25"If one day my eyes will finally close and won't open again, I want you to remember that the last thing I will think of is you. I love you with all my heart, and no matter how much you hate being called by your full name, I will always be proud to say that on the twenty fourth day of June, I finally became Mrs. Arkin Zuller Beckham..."The moment I wiped her tears in the wedding video, mine began trailing down my cheeks as I stared at the happy version of us.Napahugot ako ng malalim na hininga nang tuluyang sumikip ang dibdib ko. Masakit pa ring panoorin kung gaano kasaya ang araw ng kasal namin pero ito lang, ito na lang ang natitira kong paraan para hindi makalimutan kung paano niya ako ngitian habang sinasabing mahal na mahal niya ako.
Kabanata 24AzulIf there's a rewind button in life, would you push it so you can go back in time when you first met me?If you can delete memories from your past, will you include the moments you had with me on the things you want to forget?If you will have the freedom to choose somebody else, will you not have second thoughts of not wanting me anymore?Will you...still be in this situation if you didn't see me at the beach playing freesbie with my friends? If I didn't push us to be together? If I didn't insist to not sign the annulment papers?If I didn't happen in your life and just went to Switzerland the day your l