Share

Chapter 8

Author: Bow Arrow
last update Huling Na-update: 2021-06-30 13:32:43

Malipas ang tatlong araw ay nagising na si Papa, ngunit patuloy pa rin ang pag momonitor sakanya. Sobrang saya namin ni Mama nang magising si Papa. 2 araw rin akong absent at buong weekend ay nandito lang ako sa hospital at uuwi lang kapag maliligo at magbibihis.

Mabuti at sinisendan naman ako ni Isha ng mga notes niya tungkol sa mga subjects na hindi ko napasukan.

Ngayong araw rin ililipat na si Papa sa isang private room at aalisin na ang mga apparatus na nakakabit sakanya. Masayang masaya si Mama at kwento lang ng kwento tungkol sa mga pasyente niya.

Mamayang 11 am pa ang pasok ko, at bandang alas nwebe ay ililipat na si Papa ng kwarto. Balak ko sanang umalis kapag nailipat na si Papa ng kwarto ngunit napilit din nila ako na bumalik na ng Naga dahil baka mahuli ako sa pag pasok

"Pa, 'wag mo na kasi kalimutan ang pag iinom mo ng gamot para ka namang 'di doktor" saway ko kay Papa ngunit natawa lang siya kaya nakitawa na rin si Mama

"Yna, doktor ako sa mga buto, hindi sa puso" biro niya

Pinagkunotan ko naman siya ng noo at ipinag krus ang braso "Nakuha mo pa talaga mag biro, pambihira ka talaga Papa" sabi ko at nagtawanan lang kaming tatlo

'Di ko na pinatagal ang oras at hinatid na ako ng driver namin sa apartment. Nang makarating ako ay mag aalas dies na at nag message na rin saakin si Mama na inilipat na ng kwarto si Papa.

Napahinga ako ng malalim at saka nag desiyon na maligo at mag ayos para pumasok. Kailangan kong humabol at may isang quiz ako sa major subject namin na hindi na i-take. Kailangan kong bumawi sa susunod na quiz

Natapos ako sa pagligo at pag ayos at may thirty minutes pa ako bago ang unang subject ko ngayong araw. Dumaan muna ako sa mcdo para bumili ng coffee float dahil nakalimutan ko nang kumain ng umagahan

Nang makarating sa classroom ay may mangilan-ngilan na akong kaklase. Nang papunta na ako sa upuan ko ay nakita ko si Jasper na nakaupo sa upoan ni Isha, katabi lang ng upoan ko

Nang makita niya ako ay kinawayan niya ako kaya nginitian ko naman siya. Ibinaba ko ang bag ko at inilagay ang coffee float sa mesa ko bago umupo

"Goodmorning Yna" bati saakin ni Jasper

Binigyan ko naman siya ng ngiti at saka tumango "Goodmorning Jasper" bati ko rin

"Absent ka last meeting, okay ka lang?" tanong niya habang ako abala sa kape ko

"Ah, na ospital kasi si Papa. Nagbantay ako" sagot ko

"Ah, sorry. Okay na si Papa mo?" tanong niya ulit

"Oo, mabuti na ang lagay niya" sagot ko

Hindi na siya umumik pa, ngunit naramdaman ko na nakatitig siya saakin kaya nang napalingon ako sakanya ay umiwas agad siya ng tingin

"Bakit?" kyuryosong tanong ko

"Ah, w-wala. Maganda lang scrunchies mo" balisang sagot niya

Napakunot naman ang noo ko at tinatago ang tawa ko sa pamamagitan ng pagkagat ko ng straw

"Gusto mo ba nito?" natatawang tanong ko

Nanlaki naman ang mata niya at unti unting napakunot ang noo "Ha?"

"Halaman Jasp, halaman" pambabara ko sakanya at saka tumawa kaya natawa na rin siya

"Hindi, bagay kasi sayo ang tali mo ngayon" seryosong sabi niya

Naramdaman ko ang pag init ng pisngi ko sa sinabi ni Jasper. Teka nga, Jasper? Crush ko 'yon di'ba?! Oo! Si Jasper crush ko na ngayon ay katabi ko at hindi maalis ang titig saakin!

"Mas lalong bumabagay kapag nag ba-blush" sabi niya pa

Ramdam kong napunit ko na ang plastic straw na ngayon ay kagat kagat ko. Nag iwas agad ako sakanya ng tingin at binitawan ang kapeng hawak ko. Mag sasalita na sana ako nang dumating si Isha

"Tanghaling tapat lumalandi ka Jasper" walang hiyang sabi ni Isha

Natawa naman si Jasper at tumayo para mapaupo si Isha. Umiling muna siya bago tumingin saaming dalawa na magkatabi na

"Sige punta na ko sa upoan ko" paalam ni Jasper at saka umalis sa harap namin

'Di ko naman maalis ang tingin ko sakanya hanggang sa makaupo siya sa upoan niya at makipag kwentohan sa iba naming kaklase

"At ikaw naman tanghaling tapat nag kakape" naputol ang tingin ko kay Jasper ng magsalita si Isha

Tinarayan ko naman siya "Malamig 'to" sabi ko

"Kwento mo sa manok ni Mang Kardo" pambibwesit niya kaya pinandilatan ko lang siya

Ilang minuto lang ay dumating na ang prof namin. Nag lesson lang siya at binigyan kami ng study guide. Nagkaroon kami ng groupings at pinabunot kami ni Sir ng papel na may nakasulat na number. Kung anong number ang mabunot namin ay 'yun na ang group number namin at hahanapin namin kung sino ang makakagrupo namin

Nang bumunot ako ng papel ay binuksan ko agad ito at tinignan ang numero.

"Hoy, sabihin mo sa'king number 2 ang nabunot mo" sabi saakin ni Isha

"Ayoko, kasi 4 ang nabunot ko" sabi ko

"Ano ba 'yan! 'Di tayo magka grupo!" reklamo niya at napakamot pa ng ulo

"Buti naman" natatawang pang bibwesit ko sakanya pero tinarayan niya lang ako

Pinatayo ni Sir kung sino ang nakabunot ng unang numero at nag assign kung sino ang magsusulat ng pangalan ng mga ka grupo.

Nang grupo na nila Isha ang tumayo ay parang gustong magback out ni Isha nang malaman kung sino ang mga ka grupo. Tatlong lalaki na tingin mo palang ay parang wala nang maiaambag sa grupo at ang kaklase naming babae na may pagka nerd. Natawa nalang ako nang wala sa loob niya isinulat ang mga pangalan ng ka grupo niya

Nang number na namin ang tinawag ay tumayo agad ako at tinignan ang mga magiging ka grupo ko. Buti naman! Ka grupo ko ang top student galing sa engineering. Magiging isa ata ako sa grupo na tinatawag na 'asa'. Pero s'yempre biro lang at mahirap na

Habang sinusuri ko ang mga kagrupo ko ay napakunot ang noo ko ng mabilang ko na apat lang kami. Dapat ay lima kami ah?

"Where is the other one?" tanong ni Ma'am nang mahalata rin na kulang kami ng isa

Nakita ko ang pagtayo ni Jasper at napakamot sa batok "Ay 4 na ba?" tanong niya

Nagtawanan naman kami dahil sa kalutangan niya kaya natawa na rin si Ma'am. Dahil do'n ay siya ang inatasan ni Ma'am na isulat ang mga pangalan naming mga kagrupo niya

Nang matapos ang klase ay nagyaya si Isha na sa bambam's nalang bumili ng lunch para hindi na kami lumabas ng campus. Kahit gusto kong kumain sa labas ay pinagbigyan ko nalang siya dahil hanggang ngayon ay busangot parin ang mukha niya dahil sa groupings na naganap kanina

Palabas na sana kami ng pinto nang tawagin ako ni Jasper

"Oh Jasper, bakit?" tanong ko

"Ah saan kayo mag la-lunch?"

"Sa bambam's lang, ikaw?"

"Ah gano'n ba. Sa labas ako, footlongan nag crave ako ng tapa eh" sabi niya

Pumasok naman sa isip ko ang masarap na tapa. Shit bigla din ako nag crave! Pero nang tignan ko si Isha ay busangot pa rin ang mukha niya

"Ah sige, una na kami ah? Siguradong marami nanamang pila sa bambam's" sabi ko

"A-ah okay. S-sige" nauutal ngunit nagawa pa rin ngumiti ni Jasper

"Bye!" sabi ko at kumaway ngunit bago pa siya mag salita ay hinila ko na si Isha

"Bye!" rinig kong sigaw ni Jasper pero lumiko na kami paramakababa sa hagdan

Habang naglalakad kami papuntang bambam's ay kanina ko pa napapansin ang titig saakin ni Isha na akala mo ay may ginawa akong karumal-dumal

"Tangina crush mo ba 'ko?! Kanina kapa nakatingin sakin ah!" sabi ko sakanya ng ma weirdohan na ako sa tingin niya

"Ba't 'di ka sumama do'n?" seryosong tanong niya kaya napakunot naman ang noo

"Sumama kanino?" tanong ko

"Kay Jasper!"

"Ay required ba?"

"Wow nag iba ihip ng hangin ah, 'di mo na crush?"

"Pag nag palit siya nang course 'di ko na siya crush" natatawang sabi ko ngunit mas malakas ang naging tawa ni Isha kaya may ibang estudyante na napatingin saamin

"Ang pangit ng tawa mo hoy! Mahiya ka nga" saway ko sakanya

"Tanginang baliw sa engineering" sabi niya at tawa pa rin ng tawa kaya kinurot ko na siya sa bewang at hinila para mas mabilis kaming makarating sa kakainan

Nang makabili ay naghanap agad kami ni Isha ng mauupoan at swerte namin dahil kaunti ang estudyante dito ngayon. Habang ninanamnam ko ang sarap ng pagkain ko ay si Isha naman abala pa sa cellphone

"Hoy ang pagkain mo kumakaway na, puro ka cellphone" saway ko sakanya

"Sandali lang ma i-stalk ako" sabi niya pero inirapan ko nalang siya

"Omg girl! Tangina ka tignan mo 'to!" biglang sabi ni Isha at gano'n nalang kalaki ang gulat ko sa nakita.

Naramdaman ko ulit ang tibok ng puso ko dahil doon. Naramdaman ko ang init ng pisngi ko at parang mabibilaukan ako sa nakita ko

Lace @lacemart

20 – adnu – AYB <3

AYB??? Teka, a-ako ba 'yan? Initials ko 'yan?!

Sa kapraningan ko ay inisip ko ulit kung ano nga ba ang pangalan ko..

Alyanna Yvonne Bautista, so ako nga ba ang tinutukoy niya sa bio niya?!

"Ang ganda mo sis mars kumare! AYB pa nga!" pang aasar ni Isha

"Ini-stalk mo pa talaga ah?" sabi ko sakanya, hindi pa rin maalis ang lakas ng pintig ng puso ko

"Girl! Kalat na sa twitter ang bio ng bebe mo! Ang daming nagtatanong kung sino daw si AYB" sabi niya at saka sinimulan ang pagkain

Ako naman ngayon ang hindi na makakain. Ako nga ba 'yun? Baka hindi naman?

"Oh? Sa tingin mo ako na agad 'yun?" tanong ko kay Isha

"Obvious ba? O bobo ka lang?" pang aasar niya at tinarayan ako

"Malay mo iba naman! Malay natin ano pala yun ah.." 'di ko na napatuloy nang mapaisip ako ng malalim na ibang meaning ng nasa bio niya

"Oh ano? Sige isip kaya mo y-"

"Awit 'Yun Beh!"

Napuno ang buong canteen nang tawa ni Isha. Nakulangan pa at tumayo pa talaga siya at pumalakpak sa harap ko. Dahil do'n ay pinagtitinginan na kami ng mga estudyante. Tangina naman Isha!

"Pota kaya sa'yo ako kasi ang witty mo!" sabi ni Isha at 'di pa rin mapigil ang pag tawa

Pinagpatuloy ko nalamang ang pagkain ko at hindi na pinansin ang baliw na si Isha. Habang abala ay naramdaman ko na nag vibrate ang cellphone ko na ngayon ay nasa bulsa ko. Nang tignan ko ay mensahe nanaman ito mula kay Lace

From: Ugok na gunggong

Can I see you later? I miss you.

Halos mahimatay ako sa huling tatlong salita na sinabi niya. Parang umaapoy ang pisngi ko habang hindi makahinga ng maayos. At bago pa 'ko mataohan, nakita ko nalamang ang sarili kong nagtitipa na rin ng mensahe para sa lalaki

To: Ugok na gunggong

Sure.

And there, I realized that I am in danger..

Patuloy na basahin ang aklat na ito nang libre
I-scan ang code upang i-download ang App

Pinakabagong kabanata

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Special Chapter (1)

    "You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Epilogue

    "Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 35

    "I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 34

    Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 33

    "Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,

  • Bewitched by His Eyes (Accountancy Series 1)   Chapter 32

    "Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa

Higit pang Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status