"Wait, Yvonne. What do you mean?" tanong ni Lace at hindi parin maalis ang gulat sa reaksyon niya
"Hindi ko rin gets kaya 'wag mo na akong tanungin" sabi ko kahit ang totoo ay napakalakas na ng pintig ng puso ko at feeling ko nadulas ako dahil sa sinabi ko sakanya
"C'mon just repeat what you have said. Make me understand" pagpipilit niya
Inirapan ko naman siya sa kulit niya "May bayad na kapag inulit ko"
Napabuntong hininga naman siya bilang pagsuko sa pagpipilit saakin. Napayuko siya at pinaglaruan ang kamay niya. Kumuha siya ng bote ng softdrinks at binuksan ito saka iniabot saakin. Dahil din nakaramdam ako ng uhaw sa sinabi ko kanina ay kinuha ko agad ang softdrinks na binigay niya at itinungga ito. Kahit hindi ako umiinom ng softdrinks ay wala akong choice at feeling ko nanuyo ang lalamunan ko
"I thought you don't like softdrinks" saad niya
"Pa'no mo nalaman?" nagtatakang tanong ko
"I told you, it's been a year since I liked you" sagot niya
"Stalker ata kita eh"
Natawa naman siya at tumingin ng seryoso saakin, habang ako pinaglalaruan ang bote ng softdrinks para maka iwas lang sa paninitig niya
"No, I'm just too interested in you" madiin na pagkakasabi niya
"Sus, mema" tanging sagot ko, itinatago ang kilig na nararamdaman
Inubos lang namin ang pagkain na dala niya at napagdesisyonan na umuwi na. Halos mag aalas nyuebe na rin at mayroon pa akong assignment sa major subject namin na kailangan ipasa mamayang 12 am. Ano ba 'to, landi muna bago assignment. Major ka lang, malandi ako! CHUROT.
Habang nasa byahe ay tahimik lang kami at siya naman ay seryoso sa pagmamaneho. Habang ako ay inabala ang paningin sa nadadaanan namin.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa pag amin ni Lace na matagal niya na akong gusto. Matagal niya na pala akong kilala samantalang ako, unang kita ko lang sakanya ay no'ng nasa footlongan kami. Alam niya rin na crush ko si Jasper, grabe ganoon pala ako kahalata na may gusto ako sakanya.
"What are you thinking?" biglang tanong niya sa kalagitnaan ng malalim na pag iisip ko
"Iniisip ko lang kung bakit Alyanna pangalan ko" pag sisingungaling ko at hindi manlang siya binalingan
Bahagya naman siyang natawa "Your name means handsome and cheerful" sabi niya
Napakunot naman ang noo ko "Handsome? Wow pogi ko talaga" sabi ko sakanya at nag pogi pose pa
"Oo nga eh, mas pogi ka pa saakin" biro niya at natawa na rin
"Oh kabahan ka na" sabi ko at nag tawanan lang kami
Nang makarating sa apartment ay nag paalam agad ako sakanya at hindi ko na siya hinayaang makababa pa ng sasakyan niya. Hindi na rin siya naging makulit at umalis na nang makababa ako, ngunit paakyat palang ako ng hagdan papunta sa kwarto ko ay nakatanggap ako ng tawag sakanya
Ako: Aba kakahiwalay lang natin tumawag ka na agad!
Siya: Baby, I don't want a break up. Please no
Ako: Ha? Hakdog ka
Siya: Hahaha, what? I just missed you
Ako: Alam mo kung jowa kita kikiligin ako eh, kaso hindi kaya na ki-cringe ako
Siya: Then jowain mo ko, para kiligin ka
Ako: Ba't naman kita jojowain si Jasper ka ba?
Halos dalawang minuto na siyang hindi nagsasalita ngunit nang icheck ko ang tawag ay hindi pa naman niya ibinababa. Nakarating na rin ako sa loob ng kwarto ko, ngunit hindi pa rin siya nag sasalita.
Ako: Hoy, humihinga ka pa ba?
Siya: Ah.. hey, yeah I'm still here sorry, so ahm goodnight?
Ako: Okay, goodnight
Siya: Have a good sleep, baby
At siya na ang bumaba ng tawag. Anyare do'n? Ba't biglang nag iba ihip ng hangin? Naalala ko naman 'yung sinabi ko na alam kong masasaktan siya kaya bahagya naman akong natawa
"Gago nasaktan amp. Alangan naman kasing sabihin ko sakanya na 'oo jowain mo 'ko para kiligin ako' sus!" sabi ko sa kawalan at tinignan ang screen ng cellphone ko at nakikita ang numero ni Lace "Kahit 'di naman kita jowa, pinapakilig mo 'ko!"
"Pa'nong kilig?!"
"Ay kiligin kang gago ka!"
Halos atakehin ako sa puso nang makita ko si Isha na nakadapa sa kama ko at may gamit na laptop. Nakita ko kung paano manghusga at mang asar ang tingin ni Isha. Awit!
"Pucha ba't ka nandito?!" sigaw ko sakanya habang hawak hawak pa rin ang dibdib ko dahil sa gulat
"Kanino ka kinikilig?!" sigaw niya rin saakin, inignora ang tanong ko
"Paano ka nakapasok?! Sinasabi ko na nga ba dati kang akyat bahay!"
"Pina-duplicate ko pala susi mo hehe" sabi niya at dinadaan ako sa pangiti ngiti niya
"Ang hayop, nagpa duplicate ng hindi ko alam!" sabi ko
"Ikaw nga kung saan galing at hindi ko alam, may pakilig kilig pa!"
"At ano naman pake mo kung sa'n ako galing ha bakit nanay ba kita ha nanay ba kita?!"
Natigil ang pagbabayangan namin ni Isha ng mag ring ulit ang cellphone ko. Nang tignan ko ang screen ay si Lace ulit ang tumatawag. Pinandilatan ko muna si Isha na ngayon ay nakataas na ang kaliwang kilay habang dudang naka tingin saakin
"D'yan ka lang 'wag kang susunod panget" sabi ko kay Isha at naglakad na palabas ng apartment
Narinig ko ang malakas na sigaw ni Isha dahil sa tinawag ko sakanya, pabagsak ko namang sinara ang pinto saka sinagot ang tawag
Ako: Oh Lace
Siya: Hey
Ako: Ba't ka napatawag ulit?
Siya: Ahm, nothing... I mean I'm home now
(Napangiti ako) Ako: Buti naman
Siya: Anong ginagawa mo?
Ako: Ah wala, nasa rooftop ako papahangin
Siya: Wow, parang gusto ko na rin magpahangin
Ako: May rooftop ba kayo?
Siya: Yes we have, why?
Ako: Edi magpahangin ka mag isa mo
Narinig ko kung paano siya natawa sa pambabara ko sakanya. Ewan ko ba at bakit kahit sinusungitan ko siya o binabara ay hindi manlang siya napipikon. Ang ending, ako ang napipikon dahil hindi ko siya na pikon. Awit sayo, Guererro!
Siya: Anyways, why are you there? Baka lamigin ka pumasok kana sa kwarto mo
Ako: Okay lang, kapamilya ko naman si Elsa
Siya: Hahaha I don't know if that is a joke, you look so serious
Ako: Tumigil ka nga, Olaf
Pati ako ay natawa na rin sa sinabi ko. Bwesit ba't napunta sa Frozen ang topic namin?! Napuno ang usapan namin ng tawa, ewan ko kung natatawa pa siya sa pinagsasasabi ko o tinatawanan niya 'ko kasi ampanget ng tawa ko?
Ako: Saya ka?!
Siya: Yep, ikaw kausap ko eh
Ako: Bawal ma fall
Siya: Ohh, your rule is now late woman, I'm already falling
Ano daw?! Falling? As in grades ko?! Wait teka iba naman ata 'yun, failing pala 'yun ARGHHH
Anong trip ne'to sa buhay, Lord? Pinaglihi ba siya sa nerbyos at pati ako nadadamay?! Bakit... bakit napapatibok niya ng ganito ang puso? Bakit parang isinubsob ang mukha ko sa baga ng uling at nararamdaman ko kung gaano ka init ang pisngi ko ngayon?
Siya: Hey, are you still there?
Ako: Ha?.. A-ako? Nandito? O-oo! Nandito pa ako sa r-rooftop
Siya: HAHAHAHAH! Are you okay? Nilalamig ka na ba? Why are you speaking like that?
Ako: Ano?! How you like that?! Ewan ko sayo!
Agad kong pinutol ang tawag at napahinga ako ng malalim. Napahawak ako sa dibdib ko dahil sa bilis ng tibok ng puso ko. Shet ano ba 'yun?! Nagulantang ulit ako ng mag ring ulit ang cellphone ko at si Lace ulit ang tumatawag. Nagpakawala muna ako ng malalim na buntong hininga at parang may bumabara sa dibdib ko
Siya: Hey, ba't mo binaba?
Ako: Napindot ko lang! Ano pa kailangan mo? Papasok na 'ko sa kwarto
Siya: Ahm, I just want to ask you something, but I'll wait until you're in your room na
Ako: Ngayon na, ano ba 'yun?
Siya: Ahmm...
Ako: Ano?!
Siya: Tae ka ba?
Ako: POTA?!
Siya: Ohhh shhhhhi-
Ako: Mukha ba akong tae?!
Siya: Hey no! I just want to ask—
Ako: Ano ba tatanong mo kasi?! Eh ano kung tae nga ako?!
Siya: Ahm...
Ako: Puro ka Ahm...! AM lang ba pinapadede sa'yo no'ng bata ka?!
Siya: Oh my gosh, just ask why Yvonne
Ako: Oh edi why?!
Siya: Why are you shouting are you-
Ako: Hindi ako galit at hindi ako tae, bakit ba?!
Siya: PWEDE BA KITA ILABAS SA SATURDAY?
My jaw dropped. Did he just ask if I'm a poop so he can wait... is it a date?!
Siya: Hey I just copy what you asked me a while ago, I mean i thought--
Ako: Are you asking me for a date?
Biglang natahimik ang kabilang linya. Nang tignan ko ito ay hindi pa naman ito ibinababa ni Lace. Napakunot ang noo ko
Ako: Hoy nakalimot kana ata huminga
Siya: You know what Alyanna Yvonne, since day one I always imagine that someday I'll ask you for a date, I think that imagination will become true in the reality
Ako: And you mean?
Siya: Yeah, I'm asking you for a date, is that okay with you?
Ako: Si-sige... D-date lang pala
Agad kong sinabunotan ang sarili dahil sa pagkaka utal ko
He chuckled sexily. Damn, my heart..
Siya: I'll see you on saturday then?
Ako: Grabe tinanong mo ako kung tae ako para ilabas mo ako sa saturday?! Tagal naman no'n! Grabeng pagpipigil 'yan ha
Siya: Why? Are you sad because sa saturday pa kita idi-date? I can adjust it-
Ako: Hindi! Ang assuming mo b-bahala ka nga!
Agad kong ibinaba ang tawag dahil hindi ko na kaya ang malakas na tibok ng puso ko. Agad akong napalunok nang maisip ang salitang 'date'.
Bumaba ako agad galing sa rooftop at pumasok sa apartment. Agad kong sinugod ang kama ko kung saan nakadapa si Isha kaya natamaan ko siya dahil sa biglaan kong pagkahiga at sa pag tago sa ilalim ng kumot
"Ay gago! Aray ko!" reklamo ni Isha ngunit hindi ko siya pinansin at pinakalma ang sarili dahil sa malakas na tibok ng puso ko
Bigla akong nagulat nang mag vibrate ang cellphone ko at nang tignan ko kung kanino galing ang mensahe ay natigil ang paghinga ko. Lalo na nang mabasa ko ang mensahe na nakapagpatunaw sa puso at sa buong sistema ko
From: Ugok na gunggong
Hey, I forgot to tell you something tho I want this to say to you in person. I really love your voice, if I can just call and talk to you everyday hays. How happy to be with you, baby.
From: Ugok na gunggong
I can't wait, I'm excited for saturday! How lucky I am to date the girl I like <3
From Ugok na gunggong
I will never regret on liking you Alyanna Yvonne, and I am very ready to love you
Lalo akong napangiti sa mga mensahe niya, parang bading naman 'to!
Hay nako Lace Guererro
<33333333 .....
"You can do it love, I love you so much" Halos mawasak na ang bawat dingding ng birthroom dahil sa sigaw ko. Wala akong ibang maramdaman kundi sakit at pagod habang umi-ire ako upang mailabas ang pangalawa naming supling ni Lace "Okay, last one Mommy, breath in.. and!" Matapos sabihin iyon ng doctor ay nakahinga ako ng malalim nang marinig ko ang pag iyak ng anak ko Naramdaman ko ang mas lalong pag higpit ng pagkakahawak ni Lace sa kamay ko. Naramdaman ko rin ang luhang tumulo mula sa kaliwang mata ko "Congrats Mommy and Daddy, here is your baby boy" sabi ng Doctor at ipinadapa sa dibdib ko ang anak ko Gusto kong umiyak nang makita ko ang pag galaw ng anak ko kasabay ng pag iyak niyo. Nilapitan agad iyon ni Lace at hinawakan ang kamay ng anak namin Napangiti ako nang makita na halos magkamukha lang sila. Carbon copy ng Daddy niya! Napasimangot ako sapagkat halos siyam na buwan na nasa sinapupunan ko ang anak ko, pero si
"Alam mo ba kung bakit ko siya nagustohan? At kung bakit hindi mawala ang nararamdaman ko sakanya?"Napalingon ako kay Jasper ng sabihin niya iyon ngunit ang paningin niya ay nasa hawak hawak niyang baso na may laman ng beerItinungga ko ang huling shot ko ng beer at inilagay iyon sa mesa"Why?" tanong ko sakanyaTumingin siya sa gawi ko at bahagyang natawa "Dude, she's the type of girl that you'll regret losing" sabi niya"I know right dude. Grabe 'yung pagsisisi ko noong iniwan ko siya" pag sang ayon koHumarap saakin si Jasper at tinapik ang balikat ko "You're so lucky. Ang swerte mo dahil ikaw ang mahal niya, but don't worry hindi ko kayo gugulohin" natatawang sabi niyaI chuckled "Yeah, I'm so lucky. I couldn't ask for more" sabi ko at ngumiti naman saakin si Jasper "But I really wanna thank you for not leaving her noong mga oras na kailangan niya ng kasama" dagdag ko"Hindi na kailangan Lace. Ginawa ko 'yun dahil magkaibi
"I never agreed on that engagement" sinserong sabi saakin ni LaceNasa rooftop pa rin kami ngayon habang nakaupo kami sa telang inihanda niya upang upoan namin habang mayroong maliit na mesa sa gitna namin kung saan nandoon ang mga pagkain na sabi niya'y siya mismo ang naghandaMayroong mga ilaw na dinisenyo sa paligid namin kaya nagkaroon kami dito ng liwanag. Mas nakikita ko ang magagandang mukha ni Lace at ang kagandahan ng mata niya. Iniwas ko sakanya ang paningin ko ng marealize na masyado na akong nakatitig sakanya"Hindi ko sinasadyang marinig ang usapan ninyo" sabi ko habang nilalaro ang tira tirang buto sa plato"Pero kung ano man ang narinig mo ay hindi totoo iyon" mahinahong sabi niyaIbinalik ko sakanya ang paningin ko kaya muling nagtagpo ang mga mata namin. Sa bawat pagtitig at pagbigkas niya ng mga salita saakin ay nararamdaman ko ang sinsiredad niya. Ramdam ko ang halo halong emosyon sakanya"I would rather be single for my w
Nang makarating ako sa condo ay naligo ako agad dahil sa init na naramdaman ko. Nang matapos ay nagsuot ako ng maong shorts at hoodie jacket dahil naisipan kong bumili ng makakain sa malapit na convenience store dito sa condoWala na talaga akong pagkain dito sa condo, hindi pa ako nakakapag grocery. Ayoko lang talaga makasama si Lace kahit nag ki-crave ako ngayon ng steak!Nang makalabas ako ng condo ay dumiretso ako agad sa convenience store. Dala dala ko lang ang cellphone at wallet ko dahil pakatapos kong bumili ay babalik agad ako sa condo. 'Yung easy or ready to cook na ang bibilhin ko para hindi na ako mahirapanIginala ko agad ang paningin ko sa convenience. Naghanap ako ng pagkain na mabilis lang lutoin. Lumiwanag ang mukha ko nang makita ko ang noodles section at hinanap ko agad 'yung paborito ko. Kumuha ako ng dalawang cup noodles at pumunta ako sa may mga inumin at kumuha ng isang cold green tea. Abot tenga ang ngiti ko dahil nawala na sa isip
"Good morning Ma'am Yna"Napakunot ang noo ko nang agad agad akong lapitan ni Eva na abot tenga ang ngiti nang batiin ako. Sumabay siya saakin sa paglakad papunta sa opisina ko at hindi pa rin maalis ang ngiti niya at titig na titig saakin"Good morning Eva" bati ko naman sakanya at mas ngumiti pa siya habang hindi pa rin inaalis ang tingin niya saakin "Grabe ka makatitig ha, may binabalak ka bang masama?" pabirong tanong ko sakanyaIpinihit ko ang door knob ng pinto ng opisina ko at agad agad na pumasok doon ngunit natigil lamang ako nang makitang mayroon nanamang isang bouquet ng bulaklak at isang hot choco ng star bucks sa ibabaw ng mesa koNang makalapit ako sa mesa ko ay naagaw agad ng pansin ko ang nakatiklop na papel na nakadikit sa bulaklakIbinaba ko ang hawak kong bag sa upoan ko at saka kinuha ang papel na kulay dilaw. Hindi ko pa man nabubuksan ang papel ay ramdam ko na ang ngiti sa labi koMy Love,
"Have you ever thought of the gender of our child? If... nabuhay siya?" tanong ni Lace habang pareho na kaming nakaupo sa bench at tinitignan ang mga bituin sa langitNapangiti naman ako kahit na may bahid na kirot sa dibdib ko "Hindi ko alam, pero gusto ko lalaki" sabi ko habang nasa bituin pa rin ang mga tinginNaramdaman ko ang pag lingon niya saakin ngunit hindi ko siya nagawang balingan"For me, kahit anong gender niya, I know I will love the child with all my heart. As long as you are the mother" sambit niyaNapayuko naman ako at pinaglaruan ang mga kuko ko "Siguro nga ay tama lang iyong nangyari noon" sabi koAlam kong nakatitig pa rin saakin si Lace ngunit hindi ko pa rin siya binibigyan ng tingin"Ayaw ko rin naman maranasan ng anak ko ang hindi kompletong pamilya" dagdag koNapalingon ako sa gawi niya at nagtagpo ang mga mata namin. Nakita ko ang paglunok niya at pilit na ngumiti saakin"Yeah... I know the feeling" sa