LOGINSa sandaling iyon, habang pinapanood ang pagsabog na sumisira sa lahat ng aming naiwan, ang tanging naiisip ko lang ay ang makatakas sa pagdukot ni Emma. Kailangan ko lang makalayo. Umagos ang mga luha sa aking pisngi habang binabalot ng takot.Kapag may nangyaring masama kay Maximus, hindi ko ito makakayanan. Gusto kong sumigaw. Kailangan ko ng mga sagot. Kailangan kong maintindihan kung bakit nangyayari ito.Bago pa man ako makapag-isip nang maayos, isang kotse at motorsiklo ang lumitaw sa aming likuran, posibleng mga tauhan ni Ivan.Sinubukan nilang paulanan ng bala ang sasakyan na minamaneho ni Emma. Kaya naman nag-swerve kami para makaiwas. Mabilis na nakahabol ang motorsiklo, halos nasa unahan na namin.I was terrified; for my baby, for everything!Ang makipot na daan sa kabundukan ay kumakawag sa gilid ng mga bangin, na walang iba kung hindi mga matutulis na bato at ang malalim na asul na dagat sa ibaba.Ito ang uri ng daan kung
Emma performed a meticulous body search on Maximus while Victor kept his gun pressed against my temple. Nang matagpuan niya ang kutsilyong nakatago sa bulsa ni Maximus, inilabas at itinapon niya ito sa malayo. Kumalansing ang metal nito sa gitna ng nakabibinging katahimikan.“Clear!” anunsiyo ng babae bago pinahakbang si Maximus papalapit. “Alam kong darating ka,” usal ni Victor na may baluktot na ngiti. Napangisi si Emma. “Mahal na mahal niya ang asawa niya, papatay siya para rito. Alam ba ‘to ni Dr. Sinclair?”Nangilid ang luha sa aking mga mata. Hindi ko kailanman naisip na ganoon pala ako kahalaga kay Maximus. Kamakailan lang, napakalayo ng loob niya at mas malamig pa sa yelo ang kanyang mga salita.Ngunit ngayon, malinaw na ang lahat, pumunta siya rito nang nag-iisa at itinaya ang lahat para lamang iligtas ako. “Leave my wife alone!” sigaw ni Maximus, naniningkit ang mga mata.Tumaas ang sulok ng labi ni Victor bago lumapat ang mga iyon sa pisngi ko. Matinding dumi at pagkasu
This isn't real. It can't be real. Iyan ang paulit-ulit kong sinasabi sa sarili ko habang kumakabog ang galit sa aking dibdib. Akala ko ay mauuwi lang sa pambababae at kunwaring hero ko si Kyros noon; iyon ang talagang kasalanan niya sa relasyon namin.Kung tutuusin ay nawalan na talaga ako ng tiwala sa kanya matapos kong malaman ang totoo kay Maximus na ito at ang mga kaibigan ang nagligtas sa akin sa isla. Kaya ngayon na malaman na si Kyros ang nagbigay ng ideya kay Victor sa naganap noon ay hindi na rin ako nabigla.Dapat ay parang isang malaking pasabog ito, pero sa halip, kinumpirma lang nito ang unti-unti ko nang natatanggap tungkol sa lalaking pinagkatiwalaan ko sa loob ng pitong taon.Kaya pala ang kuwento sa akin ni Maximus ay hindi nila makausap nang maayos si Kyros noong ininterogate nila ito sa mansion, ang problema ay napagalitan sila ng lolo ni Maximus at ipinagtanggol ang lalaki. Paano niya nagawa ito sa akin?Tama si Emma. Marahil ay naaawa siya sa akin dahil sa pags
GazelleNang magmulat ako ng mata ay natagpuan ko ang sarili ko na nakaupo sa silya habang nakatali ang mga kamay sa likuran. A dull ache throbbed in my neck, and my mind was hazy. The warehouse—wherever I was—was dark and have pungent smell.Mabilis na nag-sync in sa isipan ko ang huling naganap sa akin kaya dumaloy rin ang panic sa akin. “Ahhh! Saklolo!” sigaw ko, pumiyok ang boses ko sa tindi ng sakit na dumaloy sa tuyo kong lalamunan.Lumitaw mula sa dilim ang taong huli kong nais na makita, si Victor kasunod niya si Emma. Napatigil ako sa paghinga.“B-Bakit kayo magkasama?” nauutal kong tanong habang nanginginig ang aking mga labi.Hindi man lang pinansin ni Victor ang tanong ko. Nakatayo lang doon si Emma, walang bakas ng pagkabigla at hindi mabasa ang mukha. Nakatitig sa akin ang assistant ni Maximus nang may malamig at seryosong tingin. Mas masakit pa ang pagtatraydor na ito kaysa sa kahit anong sampal.Bakit niya ito ginagawa?Paulit-ulit na nagpapasalin-salin sa utak ko an
“Sa ospital!” sabi ko kay Ivan, mabilis at bakas ang matinding pagmamadali sa aking boses.“Sigurado ka bang doon ang punta nila?”“Oo, dahil kilala ko si Gazelle,” sagot ko, habang humahalo ang kaba at pagkabalisa sa aking dibdib. “Hindi niya susundin ang sinabi ko na magpahinga sa villa. Mas pipiliin niyang magpalipas ng oras sa ospital.”Umiling si Ivan, nakatuon ang mga mata sa kalsada. “Alam mo pala ‘yan tungkol sa kanya, pero nagawa mo pa ring balewalain siya?”Nagtagis ako ng ngipin. Tumagos ang mga salita niya dahil totoo ang mga ito. Walang lumabas na sagot sa aking mga labi. Nagpabaya ako, at hindi ko maipagkakaila iyon.Kapag may nangyaring masama kay Gazelle o sa sanggol sa kanyang tiyan dahil sa kapabayaan ko, hindi ko mapapatawad ang sarili ko. And Gazelle has every right to hate me.Mabilis na nagpaandar ng sasakyan si Ivan. Nakasunod sa amin si Dante na sakay si Lucas at ang isa pang sasakyan kung saan naroon ang bodyguards. May nilagpasan kaming kotse, we swerved at mu
Maximus“Anong nangyari? Bakit umiiyak si Gazelle?” tanong ni Dante, bakas ang pag-aalala sa kanyang mukha.Isang kakaibang tingin ang ibinigay ko sa kanya bago nagbigay ng komento. “Dante... gulong-gulo na ang isip ko. Nasasaktan na si Gazelle dahil pakiramdam niya ay nag-iisa siya,” sabi ko. Nagbuga ng hangin si Dante, at naisuklay ang kanyang kamay sa kanyang buhok.“Ginawa ni Gazelle ang lahat ng makakaya niya, pare, pinilit niyang kayanin ang lahat, pero sobrang bigat na. Nakita ko kung paano mo siya patuloy na itinutulak palayo. Kahit ako, hindi ko na kayang panoorin. Hindi niya dapat hinaharap nang mag-isa ang pagbubuntis, lalo na sa panahong ito; ito ang oras na mas kailangan ka niya.”Huminto siya, at lumambot ang boses.“I’ve told you before, whatever’s going on, it’s in your head. I know you. We’ve been friends for years, and I know hurting her isn’t who you really are, and never your intention.”Bago pa ako makabuo ng isasagot, tumunog ang kanyang telepono na pumutol sa







