LOGINMay mga pangakong mas madaling baliin kaysa tuparin. Pitong taon ng pagmamahalan, pitong buwan ng pagtataksil... Kyros Arnaud Ferrero was supposed to be my forever, the man I gave my heart to at seventeen. But love isn’t always a fairytale. I never imagined that his devotion would come with deception, that the man I trusted most could betray me with the very friend I held dear. Kasinungalingan. Pagtataksil. At ginawa niya ang lahat ng iyon nang walang kaunting pagsisisi. Kaya naman ginawa ko ang bagay na hindi niya rin inasahan... pinakasalan ko ang taong kinamumuhian niya, ang sarili niyang kapatid. *** For five years, I did everything to avoid Maximus Ferrero. A relentless control freak, a man who sent letters that made my skin crawl. The last time I saw him, he leaned in and whispered, “When you eventually decide to leave Kyros, inform me immediately. I’ll arrange our marriage without delay.” I swore he would never be an option. Until he was...
View MoreAng pitong taon ng pagmamahalan ay walang kuwenta laban sa pitong buwan ng pagtataksil. May mga pangako talagang mas madaling baliin kaysa tuparin.
Si Kyros Arnaud Ferrero, ang lalaking minahal ko simula noong labimpitong taong gulang ako, ay inakala kong siyang makakasama ko habambuhay. Kailanman ay hindi ko naisip na ang pagmamahal niya ay may kalakip palang pagtataksil. Minahal niya ako, pero nagawa niya pa rin akong saktan at traydurin kasama ang mismong kaibigan na pinagkatiwalaan ko.
Nagawa niyang magsinungaling at mang-gago nang hindi man lang kumukurap ang mga mata. Para makaganti sa kanya, pinasalan ko ang kapatid na pinakamumuhian niya, ang kasalukuyang presidente ng kanyang kumpanya.
***
Gazelle
'Mayroon kang emergency shift ngayong gabi sa ospital. Naiskedyul ang mga pasyente at napiling manganak ngayon. I'm really sorry, Dr. Sinclair,' iyon ang ipinadalang mensahe ng chief resident ko, isang bagay na hindi ko akalain na magdadala sa akin sa katotohanan tungkol sa pagtataksil ng aking kasintahan.
Sa ikalawang taon ko bilang OB-GYN resident, ito na rin ang ikalawang taon na inatasan ako na magtrabaho sa Araw ng mga Puso..
My dedication to medicine had always guided my choices, so I replied, 'Noted. I’ll be at the hospital by the afternoon.'
Marami na akong isinugal sa propesyon na ito kaya naman ang tanging magagawa ko ay sumunod.
Dahil okupado na ang gabi ko, nagpasya akong bisitahin muna ang opisina ni Kyros, and kasintahan ko na may dalawang buwan nang nagtrabaho bilang isang junior executive sa kumpanya ng kanyang pamilya, and I wanted to at least share a moment with him today.
Nagdala ako ng cake at dumiretso sa elevator. Kilala ako sa gusali nila kaya naman dire-diretso lang ako nang walang isyu.
“Hello, Miss Gazelle!” bati sa akin ng ilang staff. Sinuklian ko ang mga ngiti nila ng mahinang tango
Pagdating ko sa pribadong opisina niya, wala roon ang sekretarya kaya naman tumuloy na lang ako sa pribadong silid na madalas kong makagawian kapag naroon ako. Wala roon si Kyros.
Nakakunot ang noo na inilabas ang phone ko para magpadala ng mensahe sa kanya, nguntit naunang napuna ng mga mata ko ang eleganteng box na nakapatong sa desk niya.
Bumilis ang tibok ng puso ko. Kamukha ito ng gift box na inihanda ko para sa kanya, ngunit sigurado ako na naroon pa ang regalo kos a kanya sa tirahan namin. Nanatili ang pagkalito sa loob ko, iniisip kung nakita niya ito sa aking aparador at dinala dito.
Nang buksan ko ang takip, isang maliit na card ang nakapatong sa loob.
“Happy Valentine’s Day, babe!”
Ang hindi pamilyar na sulat-kamay ay nagpalamig sa akin. Sa loob ng kahon, pinagmamasdan ako ng isang Patek Philippe Nautilus na nag-aakusa sa kumikinang nitong mukha.
Someone had given this to him. Someone who called him ‘babe’.
Dumagundong ang dibdib ko. Sino ang nagpadala nito?
Sa puntong ito ay hindi ko alam ang gagawin ko. Dala ang cake ay nagpunta na muna ako sa women’s restroom para kalmahin ang sarili ko.
Umaasa ang isang maliit na boses sa isipan ko: ‘baka hindi iyon para kay Kyros.’
Pero paano napunta ang bagay na iyon sa mesa niya?
Doon ko siya pinadalhan ng mensahe.
Me: 'My chief asked me to be in the hospital tonight. Our ward is full-packed, and I will be staying until tomorrow. Do you have time for a late lunch to celebrate the day?'
Tinitigan ko ang repleksyon ko sa salamin, pinilit kong alisin ang kaba. ‘No, I’m just being paranoid.’
Nagbukas ang pintuan at iniluwa ang sekretarya ni Kyros, Emily Foster. Tila siya nakakita ng multo nang masilayan ako.
“M-Miss Gazelle!” nautal siya. “Y-you’re here.”
May hawak siyang dalawang paperbag at agad niya itong itinago sa kanyang likuran. The brand was unmistakably high-end women’s jewelry.
Ninakaw ko na muna ang kakalmahan sa trabaho at inalok ko siya ng isang magiliw na ngiti. “Kay Kyros ba ang mga iyan?”
“Yes, Miss Gazelle. Inutusan ako ni Boss na kunin ito sa shop,” tugon niya sa kanyang boses nang may tensyon.
“Exciting! Pwede ko bang tingnan?” Pinananatiling magaan ang aking tono
Bahagyang nakaawang ang labi niya, nag-aalangan
“Don’t worry, it’s a secret,” I reassured her playfully. “I just hate surprises.”
Nag-aatubili na iniabot niya sa akin ang mga iyon habang dama ko ang kanyang kaba. Parehas ang nilalaman ng dalawang kahon sa paper bags na nagsasabi na dalawang tao ang tatanggap ng mga iyon.
“Why did Kyros order two of the same bracelet?”
Unless the other one is for his ‘babe.’
Pinag-aralan ko nang mabuti si Emily. Ang Pink Girls Code, ang aking sorority, ang nag-sponsor ng kanyang pag-aaral sa kolehiyo. Noong nagtapos siya pitong buwan na ang nakararaan, personal akong tumulong sa kanya para makuha ang trabahong ito sa Ferrero Group.
“Sinunod ko lang ang utos, Miss Gazelle,” umiwas siya ng tingin sa akin.
Pinutol ng ring ang tensyon, tumatawag si Kyros.
Pinanatili ko ang kakalmahan. “Sorry. Tumatawag na rin sa akin ang boss mo. Pasensiya na sa abala.”
Nagmadali siya na lumabas ng women’s comfort room dala ang dalawang paper bag. Kung gusto kong malaman ang totoo, kailangan kong magmasid sa dilim.
“Hi! Narito lang ako sa comfort room,” I answered.
“Great! I’ll wait for you here in the office,” tugon ni Kyros bago pinutol ang tawag.
Matapos ayusin ang sarili ay bumalik ako sa pribadong opisina ni Kyros, pilit na ngumiti. Mukhang wala rin siyang ideya na nagtungo na ako rito.
“I miss you so much, babe! Mabuti at naisip mo na dalawin ako.” He hugged me tightly, pressing a soft kiss to my lips. Naaamoy ko pa ang sabon sa kanyang katawan na para bang kaliligo lang niya.
Ngunit ang hindi pamilyar na amoy na iyon ay hindi gamit sa aming villa. Ang relong nadiskubre ko kanina ay naroon n asa kanyang pulso.
Kumalabog ang tiyan ko habang dumarami ang mga posibilidad sa isip ko.
“Nag-lunch na ako while in a meeting, pero kung gusto mo ay sasamahan kitang kumain,” aniya.
“You had a meeting?”
“Yeah, with a client.”
Nanatili ang tanong na mas lalo pang lumobo sa aking isipan: Sino ang nagbigay kay Kyros ng $70,000 na relo? Kliyente lang ba ito?
Parang may bara sa aking lalamunan at nahirapan akong lumunok nang unti-unting lumitaw sa akin ang nakapanghihilakbot na katotohanan.Nayanig ako sa nalaman kong napakanormal ng ina ni Maximus nang ikasal ito kay Chairman Ferrero, pero sa loob lang ng limang taon, biglang lumala nang husto ang sakit nito sa pag-iisip. Nagpatuloy ang chief, malumanay pero diin ang boses. “Nang nagdesisyon kang pakasalan siya, gusto kitang pigilan. Ayokong masira ang buhay mo, Gazelle. But it was your choice… Isa pa, kung nakakapagpatakbo siya ng isang napakalaking kumpanya at nakatutok sa mga proyekto nito, naisip kong imposibleng namana niya ang sakit ng kanyang ina.”Pumasok tuloy sa isipan ko ang rason kung bakit inilihim ng aking ina na si Maximus talaga ang nagligtas sa akin noon. Nais niya rin ba akong ilayo kay Maximus?Tiyak na takot na takot si Maximus sa madilim niyang nakaraan. Ngayon ko naitugma ang mga rason kung bakit walang history ng girlfriend si Maximus; walang babae ang naibalita kah
Nagmadali akong kumilos; dinampot ang cellphone at lumabas ng fire exit. Eksakto na nagbukas ang elevator, at nang walang pag-aalinlangan ay pumasok ako sa loob. Wala na akong pakialam kung saan man ito patungo, ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo.Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko, habang nananalanging sana’y walang nakapansin sa akin, maging si Cristina o ang doktor.Pataas ang galaw ng elevator habang patuloy na nag-uunahan ang mga isipin sa utak ko. Huminto ito sa kasunod na palapag at may sakay na lumabas. Ilang saglit pa ay halos napatili ako nang may palad na humawak sa balikat ko. Nabitin ang paghinga ko, matagal bago nag-sync in sa akin na si Dante ang taong nag-iisang kasama ko sa elevator. “Geez, Gazelle!” he said, raising his hands in surrender. “Tatanungin lang sana kita kung saan floor ang punta mo dahil wala kang pinindot na numero. Ayos ka lang ba?”Paulit-ulit akong umiling, hindi makapagsalita Nagsalubong ang kanyang mga kilay “Where’s your securi
Naningkit ang mata ko, at ipinaalala sa kanya ang nasa isipan ko. “I’m not asking as a doctor; I’m inquiring as a concerned family member.”Kinuha ni Cristina ang pagkakataon para pangaralan at ipahiya ako sa harap ng doktor. “Tumigil ka na nga, Gazelle! Bakit umaasta kang mas magaling ka pa kay Dr. Caldwell? Ni hindi mo nga nadadalaw ang asawa ko. Anong karapatan mong mag-alala? Umaasa ka bang kumpirmahin ni Dr. Caldwell na may kung anong komplikasyon sa katawan ng dad mo?”Tumingin sa akin si Dr. Caldwell bago sumagot, “Hindi na bago para sa edad ng Chairman ang makaramdam ng pagkapagod at pagbagsak ng timbang. Niresetahan ko siya ng mga bitamina at supplement para makatulong sa kaniyang kondisyon, kung makakatulong ito sa pagkalma ng loob mo.”Umasim ang mukha ng aking ama. “Dr. Caldwell, mas mabuti pa na lumabas ka na lang ng silid! Kung walang problema, ay walang problema! Mas sumasakit ang ulo ko sa pagtatalo ninyo.” Magalang na tumango ang doktor. “Babalik ako pagkaraan ng apat
Biglang bumukas ang double doors habang nagmamadaling pumasok ang mga guwardiya, kasunod si Yaya Grace at ang assistant ng ama ko na si Mr. Harrington. Namumutla at halatang alalang-alala ang mukha niya.“Sir!” he exclaimed, his voice tight with urgency.Ilang saglit lang ay nagtungo sa silid ang ilang medical staff. Agad nilang inilipat ang papa ko sa stretcher at mabilis siyang isinugod papunta sa emergency ward.Nangibabaw ang instinct ko bilang doktor, kaya kusa akong humakbang para sumunod sa kanila. Napuna ko ang family doctor na sumusuri ng monthly check sa aking ama ay nagmadaling dumating bago pa ako makalabas ng pasilyo. “Dr. Sinclair, mas mabuting manatili ka muna rito,” wika sa akin ng isang doktor. “Tandaan mo na pasyente ka rin sa kasalukuyan at ayaw natin na na kumuha ka ng atensiyon sa emergency ward.”He was right. Nakasuot pa ako ng gown na nagsasabing pasyente ako. Kahit mabigat sa loob, tinanggap ko ang lohika sa sinabi niya.Kailangan kong makuha ang discharge re


















Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviews