Share

CHAPTER 42: Overtaken

Author: Feibulous
last update publish date: 2026-08-04 09:28:34

Maximus

“Sir, nabalitaan po namin na dinala si Ms. Mercer sa departamento ni Dr. Sinclair sa ospital,” ulat ni Emma.

Saglit akong nag-isip kung posible ba na makaapekto ito kay Gazelle. Dati ko ring sekretarya si Stella, pero namuhay na siya bilang asawa ni Kyros nang ikasal sila ng kapatid ko. Hindi ko rin naman siya tatanggapin dahil hindi siya mapagkakatiwalaan, kahit kaunti.

Minsan na niya akong tinangkang akitin, at malinaw kong ipinamukha sa kanya kung gaano kawalan ng propesyonalismo an
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 60: Shadows

    Parang may bara sa aking lalamunan at nahirapan akong lumunok nang unti-unting lumitaw sa akin ang nakapanghihilakbot na katotohanan.Nayanig ako sa nalaman kong napakanormal ng ina ni Maximus nang ikasal ito kay Chairman Ferrero, pero sa loob lang ng limang taon, biglang lumala nang husto ang sakit nito sa pag-iisip. Nagpatuloy ang chief, malumanay pero diin ang boses. “Nang nagdesisyon kang pakasalan siya, gusto kitang pigilan. Ayokong masira ang buhay mo, Gazelle. But it was your choice… Isa pa, kung nakakapagpatakbo siya ng isang napakalaking kumpanya at nakatutok sa mga proyekto nito, naisip kong imposibleng namana niya ang sakit ng kanyang ina.”Pumasok tuloy sa isipan ko ang rason kung bakit inilihim ng aking ina na si Maximus talaga ang nagligtas sa akin noon. Nais niya rin ba akong ilayo kay Maximus?Tiyak na takot na takot si Maximus sa madilim niyang nakaraan. Ngayon ko naitugma ang mga rason kung bakit walang history ng girlfriend si Maximus; walang babae ang naibalita ka

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 59: Genetics

    Nagmadali akong kumilos; dinampot ang cellphone at lumabas ng fire exit. Eksakto na nagbukas ang elevator, at nang walang pag-aalinlangan ay pumasok ako sa loob. Wala na akong pakialam kung saan man ito patungo, ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo.Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko, habang nananalanging sana’y walang nakapansin sa akin, maging si Cristina o ang doktor.Pataas ang galaw ng elevator habang patuloy na nag-uunahan ang mga isipin sa utak ko. Huminto ito sa kasunod na palapag at may sakay na lumabas. Ilang saglit pa ay halos napatili ako nang may palad na humawak sa balikat ko. Nabitin ang paghinga ko, matagal bago nag-sync in sa akin na si Dante ang taong nag-iisang kasama ko sa elevator. “Geez, Gazelle!” he said, raising his hands in surrender. “Tatanungin lang sana kita kung saan floor ang punta mo dahil wala kang pinindot na numero. Ayos ka lang ba?”Paulit-ulit akong umiling, hindi makapagsalita Nagsalubong ang kanyang mga kilay “Where’s your securi

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 58: Infiltration

    Naningkit ang mata ko, at ipinaalala sa kanya ang nasa isipan ko. “I’m not asking as a doctor; I’m inquiring as a concerned family member.”Kinuha ni Cristina ang pagkakataon para pangaralan at ipahiya ako sa harap ng doktor. “Tumigil ka na nga, Gazelle! Bakit umaasta kang mas magaling ka pa kay Dr. Caldwell? Ni hindi mo nga nadadalaw ang asawa ko. Anong karapatan mong mag-alala? Umaasa ka bang kumpirmahin ni Dr. Caldwell na may kung anong komplikasyon sa katawan ng dad mo?”Tumingin sa akin si Dr. Caldwell bago sumagot, “Hindi na bago para sa edad ng Chairman ang makaramdam ng pagkapagod at pagbagsak ng timbang. Niresetahan ko siya ng mga bitamina at supplement para makatulong sa kaniyang kondisyon, kung makakatulong ito sa pagkalma ng loob mo.”Umasim ang mukha ng aking ama. “Dr. Caldwell, mas mabuti pa na lumabas ka na lang ng silid! Kung walang problema, ay walang problema! Mas sumasakit ang ulo ko sa pagtatalo ninyo.” Magalang na tumango ang doktor. “Babalik ako pagkaraan ng apa

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 57: Anxiety

    Biglang bumukas ang double doors habang nagmamadaling pumasok ang mga guwardiya, kasunod si Yaya Grace at ang assistant ng ama ko na si Mr. Harrington. Namumutla at halatang alalang-alala ang mukha niya.“Sir!” he exclaimed, his voice tight with urgency.Ilang saglit lang ay nagtungo sa silid ang ilang medical staff. Agad nilang inilipat ang papa ko sa stretcher at mabilis siyang isinugod papunta sa emergency ward.Nangibabaw ang instinct ko bilang doktor, kaya kusa akong humakbang para sumunod sa kanila. Napuna ko ang family doctor na sumusuri ng monthly check sa aking ama ay nagmadaling dumating bago pa ako makalabas ng pasilyo. “Dr. Sinclair, mas mabuting manatili ka muna rito,” wika sa akin ng isang doktor. “Tandaan mo na pasyente ka rin sa kasalukuyan at ayaw natin na na kumuha ka ng atensiyon sa emergency ward.”He was right. Nakasuot pa ako ng gown na nagsasabing pasyente ako. Kahit mabigat sa loob, tinanggap ko ang lohika sa sinabi niya.Kailangan kong makuha ang discharge re

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 56: Distance

    Binalot ako ng matinding kalituhan. Ang malaman na binanggit ako ng ina ni Maximus ay tunay na nagpagapang ng takot sa balat ko. How unhinged—how utterly disturbing—was that?Sa pagkakaalam ko ay matagal nang namatay ang ina ni Maximus. Have she seen me somehow when I was a baby? Kung hindi man, siguradong nagkaroon ng pagkakataon na nakita niyang buntis ang nanay ko sa akin noon. O kaya naman… at ito ang pinakanakakatakot sa lahat… kathang-isip lang ang lahat ng ito ni Maximus. Napapikit ako nang mariin habang mabilis na kumakabog ang dibdib ko. Nais kong iwasan ang katotohanan. Malaki ang posibilidad na namana ni Maximus ang sakit ng nanay niya, at iyon ang kinatatakutan ko.Lalo pang naging makatotohanan ang hinala ko dahil sa mga kakaibang ikinikilos niya nitong mga nakaraang araw. ‘Gazelle, get a grip!’Paano ko matutulungan ang asawa ko kung hindi ko man lang alam kung ano ba talaga ang kinakaharap ko?Halatang hindi mapakali si Dante. Iniiwasan niya ang mga tingin ko na para

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 55: Shrouded

    GazelleBinigla ako ng mga sinabi ni Maximus na biktima siya ng abuso ng kanyang sariling ina. Pumasok sa isip ko ang makapal na medical record niya sa ospital o kaya naman ay ang manipis na papel sa record ng kanyang ina na nagsasabing pasyente ito ng nanay ko.“My mother… she’s…” Nangangatog ang kaniyang katawan habang nagsasalita, at nauutal ang kaniyang boses. “She was a ‘patient’… she experienced delusions, committed disturbing acts I can barely describe.”Kumurot ang puso ko para sa kanya. Naiisip ko kung gaano kahirap sa kanya bilang bata, ang lumaking kasama ang isang inang dapat ay nagmamahal at nagtatanggol sa kanya, ngunit iba palang nilalang.Bumilog ang kamao ni Maximus at tila may bumara sa kanyang lalamunan, nahihirapang ipagpatuloy ang kaniyang komplikadong salaysay. “Every year, when her anniversary comes around… I’m not myself. Because I saw how it ended.” Mabigat ang kanyang mga salita, bakas ang hindi pa naghihilom na pighati. Mas lalo pang nasaktan ang puso ko par

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status