Partager

CHAPTER 61: Familial

Auteur: Feibulous
last update Date de publication: 2026-08-17 11:19:52

Nagtagis ang bagang ni Dr. Caldwell. “You’re an obstetrician, ano ang alam mo sa physical test ng pasyente? Unless, of course, you think Chairman Sinclair is expecting a child?”

I let out a quiet scoff. This man’s territorial behavior was revealing, but I wouldn’t let it distract me from my concerns.

“Nakakalimutan mo yata na doktor ako, pero ako ang masusunod bilang nag-iisang anak ng mga Sinclair. Hindi ako narito bilang doktor, Dr. Caldwell. Wala ka sa lugar para maging entitled sa nais ko,
Continuez à lire ce livre gratuitement
Scanner le code pour télécharger l'application
Chapitre verrouillé

Dernier chapitre

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 62: Isolation

    “Wala naman…” saglit na nag-isip ang asssistant. “Pero napansin ko na may smoothie na pinadadala si Ms. Cristina kay chairman. Araw-araw niya iyong hinihiling, at sinasabi niyang mas lumalakas ang pakiramdam niya roon. Apparently, it’s one of the best drinks at Ms. Cristina’s restaurant,” paliwanag sa akin ni Mr. Harrington.Nagpalitan kami ng makahulugang tingin ni Gianna mula sa kabilang dulo ng kuwarto. Walang salita, pero nagkaintindihan kami agad. Lumingon ako uli kay Mr. Harrington at nagbigay ng direktang utos. “I-order mo ‘yung eksaktong inumin na ‘yon mula sa restawran niya. Kailangan kong malaman ang mga sangkap at kung paano iyon ginagawa. Sabihin mo sa kanya na si chairman ang may request nito.”“Understood, Ms. Gazelle.”Binalingan ko naman si Gianna “Paki-siguro lang na diretso kay Dr. Castillo mapupunta ang mga samples… Anuman ang mangyari, hindi dapat malaman ng mga tao ni Dr. Caldwell kung ano ang iniimbestigahan natin.”Tango lang ang isinagot niya bago tahimik na l

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 61: Familial

    Nagtagis ang bagang ni Dr. Caldwell. “You’re an obstetrician, ano ang alam mo sa physical test ng pasyente? Unless, of course, you think Chairman Sinclair is expecting a child?”I let out a quiet scoff. This man’s territorial behavior was revealing, but I wouldn’t let it distract me from my concerns. “Nakakalimutan mo yata na doktor ako, pero ako ang masusunod bilang nag-iisang anak ng mga Sinclair. Hindi ako narito bilang doktor, Dr. Caldwell. Wala ka sa lugar para maging entitled sa nais ko,” malamig kong tugon bago bumaba ang tingin ko sa aking ama na nakaupo sa kama.“Sige, sabihin na nating wala akong karapatang makialam, pero ang pasyente, meron. Standard practice sa medisina ang paghingi ng second opinion.”Kahit mukhang stable si Dad sa sandaling iyon, hindi ko palalampasin ang maliliit na senyales: mabilis pa rin mamantal ang kanyang balat at naninilaw nang bahagya. Isa pa, hindi ko pwedeng basta na lang ipagsawalang-bahala ang narinig ko sa fire exit. Nanggaling mismo sa ka

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 60: Shadows

    Parang may bara sa aking lalamunan at nahirapan akong lumunok nang unti-unting lumitaw sa akin ang nakapanghihilakbot na katotohanan.Nayanig ako sa nalaman kong napakanormal ng ina ni Maximus nang ikasal ito kay Chairman Ferrero, pero sa loob lang ng limang taon, biglang lumala nang husto ang sakit nito sa pag-iisip. Nagpatuloy ang chief, malumanay pero diin ang boses. “Nang nagdesisyon kang pakasalan siya, gusto kitang pigilan. Ayokong masira ang buhay mo, Gazelle. But it was your choice… Isa pa, kung nakakapagpatakbo siya ng isang napakalaking kumpanya at nakatutok sa mga proyekto nito, naisip kong imposibleng namana niya ang sakit ng kanyang ina.”Pumasok tuloy sa isipan ko ang rason kung bakit inilihim ng aking ina na si Maximus talaga ang nagligtas sa akin noon. Nais niya rin ba akong ilayo kay Maximus?Tiyak na takot na takot si Maximus sa madilim niyang nakaraan. Ngayon ko naitugma ang mga rason kung bakit walang history ng girlfriend si Maximus; walang babae ang naibalita kah

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 59: Genetics

    Nagmadali akong kumilos; dinampot ang cellphone at lumabas ng fire exit. Eksakto na nagbukas ang elevator, at nang walang pag-aalinlangan ay pumasok ako sa loob. Wala na akong pakialam kung saan man ito patungo, ang tanging nasa isip ko lang ay ang makalayo.Mabilis at malakas ang kabog ng dibdib ko, habang nananalanging sana’y walang nakapansin sa akin, maging si Cristina o ang doktor.Pataas ang galaw ng elevator habang patuloy na nag-uunahan ang mga isipin sa utak ko. Huminto ito sa kasunod na palapag at may sakay na lumabas. Ilang saglit pa ay halos napatili ako nang may palad na humawak sa balikat ko. Nabitin ang paghinga ko, matagal bago nag-sync in sa akin na si Dante ang taong nag-iisang kasama ko sa elevator. “Geez, Gazelle!” he said, raising his hands in surrender. “Tatanungin lang sana kita kung saan floor ang punta mo dahil wala kang pinindot na numero. Ayos ka lang ba?”Paulit-ulit akong umiling, hindi makapagsalita Nagsalubong ang kanyang mga kilay “Where’s your securi

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 58: Infiltration

    Naningkit ang mata ko, at ipinaalala sa kanya ang nasa isipan ko. “I’m not asking as a doctor; I’m inquiring as a concerned family member.”Kinuha ni Cristina ang pagkakataon para pangaralan at ipahiya ako sa harap ng doktor. “Tumigil ka na nga, Gazelle! Bakit umaasta kang mas magaling ka pa kay Dr. Caldwell? Ni hindi mo nga nadadalaw ang asawa ko. Anong karapatan mong mag-alala? Umaasa ka bang kumpirmahin ni Dr. Caldwell na may kung anong komplikasyon sa katawan ng dad mo?”Tumingin sa akin si Dr. Caldwell bago sumagot, “Hindi na bago para sa edad ng Chairman ang makaramdam ng pagkapagod at pagbagsak ng timbang. Niresetahan ko siya ng mga bitamina at supplement para makatulong sa kaniyang kondisyon, kung makakatulong ito sa pagkalma ng loob mo.”Umasim ang mukha ng aking ama. “Dr. Caldwell, mas mabuti pa na lumabas ka na lang ng silid! Kung walang problema, ay walang problema! Mas sumasakit ang ulo ko sa pagtatalo ninyo.” Magalang na tumango ang doktor. “Babalik ako pagkaraan ng apat

  • Beyond Betrayal: Marry His Brother [Filipino]   CHAPTER 57: Anxiety

    Biglang bumukas ang double doors habang nagmamadaling pumasok ang mga guwardiya, kasunod si Yaya Grace at ang assistant ng ama ko na si Mr. Harrington. Namumutla at halatang alalang-alala ang mukha niya.“Sir!” he exclaimed, his voice tight with urgency.Ilang saglit lang ay nagtungo sa silid ang ilang medical staff. Agad nilang inilipat ang papa ko sa stretcher at mabilis siyang isinugod papunta sa emergency ward.Nangibabaw ang instinct ko bilang doktor, kaya kusa akong humakbang para sumunod sa kanila. Napuna ko ang family doctor na sumusuri ng monthly check sa aking ama ay nagmadaling dumating bago pa ako makalabas ng pasilyo. “Dr. Sinclair, mas mabuting manatili ka muna rito,” wika sa akin ng isang doktor. “Tandaan mo na pasyente ka rin sa kasalukuyan at ayaw natin na na kumuha ka ng atensiyon sa emergency ward.”He was right. Nakasuot pa ako ng gown na nagsasabing pasyente ako. Kahit mabigat sa loob, tinanggap ko ang lohika sa sinabi niya.Kailangan kong makuha ang discharge re

Plus de chapitres
Découvrez et lisez de bons romans gratuitement
Accédez gratuitement à un grand nombre de bons romans sur GoodNovel. Téléchargez les livres que vous aimez et lisez où et quand vous voulez.
Lisez des livres gratuitement sur l'APP
Scanner le code pour lire sur l'application
DMCA.com Protection Status