MasukSalamat sa mga taong may balak na sumilip dito.
She woke up the next morning with someone beside her on the bed. Katabi niya si Logan sa mismong silid nito. Nakasandal ito sa headboard ng kama. Ang kanang kamay nito ay tila nakabakod sa ulunan niya habang ang isa ay nakapatong sa bedside table. Ang isang hita ay nakalapat sa sahig.He looked uncomfortable in his position.Magkatabi ba sila buong gabi? May sariling kama naman ito.Saka niya napagtanto kung nasa kaninong kama siya. Nasa mas maalwang silid siya ng lalaki. Dito pala siya dinala ng lalaki. Bago pa man ito magising, into-inot siyang kumilos pero natigil din nang sumigid ang kirot sa ibang parte ng kanyang katawan. tion na makikita ang ganoong side ni Logan.Napahawak siya sa kanyang noo. May maliit na bandage doon. Pati na sa kanyang palat na nagkasugat kahapon. Ang isang binti niyang may elastic bandage ay nakapatong sa unan. She was taken care of. An unlikely savior took care of her.Saka niya napansin, iba na ang damit na suot niya. She was now wearing a two-piece flor
Atubili siyang lumabas ng silid kinaumagahan. Baka kasi pagbaba niya ay masamang hangin ang malanghap at masamang senaryo ang makikita sa ibaba. Nakakahiya rin kay Ate Celia kung magpapa-room service pa siya. Bumangon siya at naligo. Komprotableng damit ang isinuot niya dahil ang alinsangan ng panahon kahit umagang-umaga pa. Ang mahaba niyang buhok ay hinayaan niya lang na nakalugay sa balikat.“Kanina pa naghihintay ang almusal.”Si Ate Celia, nakangiting nakatitig sa kanya nang makababa siya sa sala.“Good morning po.”Sumilip siya sa dining. May mga pagkain na ngang nakahain, pero walang sinumang tao ang nakaupo roon. Wala ang dalawang asungot.“Walang ibang tao.”Ang husay namang bumasa ng laman ng isip ni Ate Celia. Matipid siyang ngumiti at sumunod dito sa komedor.“Ako na po,” pigil niya nang tangkang ipaghila siya nito ng upuan.Tahimik siyang naupo. Bago niya dinampot ang anumang kubyertos ay lumingon pa siya sa labas ng french window. Ang sarap sigurong mag-breakfast sa tabi
“Miss Margaux, sigurado po ba kayo na gusto ninyong dumulog sa mesa?”Nalito siyas a tanong ni Ate Celia. But then, when she stepped inside, her feet almost froze at the sight before her. Isang babae ang halos nakakandong sa lalaki at halos naghahalikan ang dalawa. O baka nga naghahalikan na. Ang exposed na likuran ng kung sinumang babae kasi ang mas nakikita niya na may butterfly tattoo pa. At malamang na ang nakaupo sa dining chair.ay ang demonyong walang pangalang lalaki.Talaga bang hindi na makapaghintay ang mga ito na makapagsolo sa isang mas pribadong lugar? Atat na atat?Nababastusan siya sa nakikita. Naieskandalo.She had been in the modeling industry for quite a number of years, yet she had never been this promiscuous. ‘Ang lalandi ng mga ito!’Isang may kalakasang tikhim ang umagaw ng kanyang atensyon. Mula iyon kay Ate Celia. Napatingin siya sa babae. Pati na rin ang dalawang haliparot sa dining room ay naagaw ng sigurado siyang sinadyang ingay ni Ate Celia ang pansin. Pa
She stood her ground. May kapalit mang pera ang ginagawa niya pero hindi siya basta-basta bibigay sa utos nito kung pakiramdam niya ay nalalabag ang pagkatao niya. Hindi siya p****k for God’s sake!“Hindi ako p****k para gawin ang utos mo.”She was surprised by her own bravery. Nag-iisa siya sa balwarteng ito, walang magtatanggol sa kanya. There was no one to call for help anytime soon. The man stared at her with a piercing gaze. Sa totoo lang, nakakatakot ang lalaking ito. Para itong tahimik na bulkan na nakakatakot kapag sumabog. Sa abot ng makakaya, hindi siya nangiming makipagsukatan ng titig kahit na nga binubundol ng kaba ang dibdib.“You are here to do one goddamn job, and that is to pleasure me.”Ginalit niya ang lalaki. He could see it in how his jaw tightened, his eyes narrowed, and his lips were pursed. Yet, she showed no sign of fear. She would never back down. “Kung gusto mo akong ikama, gawin mo, but don’t ever make me do things that violate my worth as a woman.”Kita
Surprisingly, naging mahimbing ang pagtulog niya sa kabila ng katotohanang katabi niya ang lalaking ‘yon. Napanatag na rin kasi ang loob niya nang marinig ang patag na paghinga nito sa kanyang likuran, tanda na nakatulog na rin ito. Maingat pa niya itong nilingon at ganoon na lang ang relief na naramdaman nang matuklasang hindi naman pala totally naked ang katabi niya. May suot na itong jogger pants. Nakaunan sa dalawang braso ang ulo, one leg over the other.At least, nagbihis.The feeling is enough to make her feel at ease.Paggising niya, nag-iisa na lang siya sa kama.It was such a relief.Bumangon siya at nag-ayos ng sarili. Sabi kahapon ni Manang, may mga personal na gamit nang nakahanda para sa kanya. Naghalungkat siya sa walk-in closet. Una niyang nakita ang mga lalagyan ng damit ng lalaki. Black, gray, navy blue and white and pawang kulay na nakikita niya sa mangilan-ngilang nakasabit na suits at polo. Ang mga pantalon naman, puros itim, gray at khaki.“At least, he knows khak
“Eat.” Kanina pa sila nakaupo ng lalaki sa harapan ng sixteen-seater dining table kaharap ang masasarap na mga pagkaing nakahain. Lobsters, Beef, soup. Lahat ng nakahain, pawang masasarap pero hindi niya makuhang ganahang kumain. Tumataas ang anxiety level niya habang lumalalim ang gabi. Natatanaw niya mula sa malalaking French windows ng villa na kinaroroonan sa ngayon na madilim na madilim na nga sa labas. Hanggang sa naakita niya na lang na may laman ng pagkain ang plato niya nang ibalik niya ang tingin sa plato. Awtomatikong napatingin siya sa lalaki. Nasa mukha nito ang disgusto sa ikinikilos niya sa harapan ng pagkain. Paano ba naman kasi siya gaganahang kumain kung ang buong isipan niya ay kinakain din ng lahat ng posibilidad na maaaring mangyari? Para siyang suspect na naghihintay ng hatol. Habang tumatagal na nakaupo siya kasama ang lalaking ito, tumitindi ang pakiramdam na tila sinisilaban ang puwet niya. Kinakabahan siya. “I said eat.” Baka mamaya, magalit niya ang mal
Dalawang araw simula nang ma-confine ang ama, iniuwi na rin niya ito kaagad sa bahay. Bilin ng doctor, iwasan ang stress at masyadong pisikal na trabaho. Quite a challenge for his father to follow. Nasanay itong umikot ang buhay sa hacienda at sa refinery. Wala nang mas makapagpapababa ng morale nit
Nagpupuyos ang kalooban ni Margaux habang mahigpit na hawak ang manibela. Sa tindi ng nagbabagang emosyon sa dibdib niya, lumampas pa siya sa speed limit na nararapat. That man went beyond the line. Katulad din pala ito ng governor, mapagsamantala. He was also a predator like Tito George. Ang lahat
“I was expecting the father but he sent a daughter instead.”Just like that, napukaw ng malamig at pormal na boses ng lalaking nakaupo sa dulo ng mesa ang pagtataka at kaba na nararamdaman sa ngayon. How in the world did she end up meeting this man again? Sa ganitong paraan pa.He motioned for her to







