I Am the Crippled Mafia's Little Pet

I Am the Crippled Mafia's Little Pet

last updateLast Updated : 2026-11-24
By:  Dusk and AshesUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Not enough ratings
6Chapters
12views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Ipinambayad si Lilliana Perez sa utang ng sarili niyang pamilya. Ang kukuha sa kanya? Si Don Lucian Salvatorre, ang walang awa at mayabang na mafia boss na kinatatakutan ng lahat. Ang sabi ng lahat, lumpo na siya. Pero sa unang araw pa lang ni Lilliana sa mansyon, ipinakita na niya ang katotohanan na hindi siya lumpo. Ngayon, hawak ni Lilliana ang pinakamalaking sikreto ng Don, at hawak din ng Don ang buhay ng pamilya niya. Araw-araw siyang pinapahiya. Araw-araw din siyang lumalaban. Pero may dalawang mukha ang Don. Sa isang sandali, malamig at walang awa siya, handang pumatay nang hindi kumukurap. Sa susunod, nakatitig siya kay Lilliana na parang may matagal nang hinahanap, tila nangungulila. Kaya lalong naguguluhan si Lilliana. Bakit hindi siya magawang patayin ng Don? Bakit may mga gabing siya mismo ang sinasagip nito mula sa panganib? Anong bersyon ng Don ang totoo at alin ang maskara? Siya ang alaga. Ang Don ang amo. Pero sino ang talagang may hawak ng kadena?

View More

Chapter 1

KABANATA 1: PAMBAYAD-UTANG

“Kunin niyo siya, wag niyo lang kaming sasaktan!” 

Walang anu-ano ay hinablot ng ama ko ang aking braso bago ako itinulak sa paanan ng isa sa tauhan ni Lucian Salvatorre. 

“Binigyan ka namin ng isang araw para humanap ng pera, Mr. Perez. Pero sa halip na pera ang matanggap namin ay ito ang ibabayad mo?” Nakakunot ang mga kilay nito habang sinusuri ang bawat detalye ng mukha ko.

“Pa..parang awa mo na, bakit ako? Bakit ako na anak mo..” 

Hindi ko mapigilan ang sarili na magtanong sa aking ama kung paano niya nagagawang ipambayad ang sarili niyang anak sa mga utang na hindi niya magawang bayaran.

“Lilliana anak…ituring mo na lamang itong isang sakripisyo, sorry pero wala nang ibang paraan. Sana maintindihan mo”

Tila mga batong dumudurog sa puso ko ang narinig kong mga kataga mula sa aking ama. Bumaling ang tingin ko sa stepsister kong si Regina at ang ina nito na si Mathilda. 

“Bakit ako…bakit hindi si Regina…” pagmamakaawa ko kay papa upang bawiin ang desisyon niya.

Sa isang saglit ay nakaramdam ako ng hapdi  sa aking mukha matapos dumapo ang isang sampal mula sa kamay ng stepmom kong si Mathilda

“Angkapal naman nang mukha mo para subukang ipagkalulo ang anak ko. Hindi ka na ba nahiya matapos kitang pakainin at bigyan ng bahay na matutulugan, nagagawa mo pang magreklamo!” Galit na turan nito atsaka hinila ang buhok ko.

“You were never a part of this family, ito na lang ang silbi mo sa pamilya na ito kaya gawin mo na ang trabaho mo” itinulak niya ang mukha ko sa sahig at halos mangudngod na ako rito.

Alam kong siya ang nag-udyok kay papa na ako na lamang ang ibigay bilang pambayad, nang sabihin ng mga tauhan ni Don Salvatorre na kukunin nila ang isa sa kaniyang mga anak sa oras na hindi siya makapagbayad dito. 

“Sis, alam kong galit ka sa akin pero wag mo naman akong pilitin na isakripisyo ang buhay ko. Kukunin ka rin naman namin kapag may pambayad na si papa” wika ni Regina, pero alam ko na wala siyang ni kakarampot na pag-aalala sa akin.

Posibleng ang tanging lungkot na madarama nila ay ang pagkawala ng alila nila sa bahay. 

“Nauubos na ang pasensiya ko Mr. Perez” wika ng isa sa mga debt collector at saka bumunot ng baril at itinutok sa ulo ni papa.

“PARANG AWA NIYO NA! WAG NIYO KAMING PATAYIN!” pagmamakaawa ni papa atsaka tumingin sa akin, nagmamakaawa na tanggapin ko na ang kapalaran ko.

Kahit masakit ay hindi ko magawang hayaan na lamang na patayin nila ang ama ko. Sa huli ay tinanggap ko na lamang ang pagkatalo ko.

“Oo na…ako nalang..” 

Hindi ko mapigilan ang pagbuhos ng luha ko sa sakit, dahil wala akong magawa kundi isakripisyo ang sarili ko para sa pamilyang hindi naman ako kailanman itinuring na kasapi.

“Good choice” turan nito bago sinenyasan ang mga tao niya na lumabas ng bahay namin.

“May isang oras ka para mag-empake, isang maleta lang ang pwede mong dalhin” mabilis na turan nito bago lumabas at nag-antay sa itim na kotseng nakapark sa harap ng bahay namin.

“Maraming salamat anak! Pangako, kukunin kita! Intayin mo lang na makahanap ako ng pera” 

Gusto kong maniwala sa sinabi ni papa, pero alam kong ito na ang huli naming pagkikita.

“Tulungan na kitang mag-empake, sis, as a thank you sa sakripisyo mo” wika ni Regina bago isinangkal ang braso niya sa braso ko. 

Alam kong sa mga oras na ito ay tuwang-tuwa na siya na mawawala na ako sa bahay nila at malaya siya mula sa responsibilidad na maging pambayad kay Don Salvatorre.

Pagkapasok pa lamang namin sa kwarto ko ay mabilis siyang nagpalit ng anyo, mula sa mala-anghel na katauhan ay inilabas niya ang totoong masama niyang ugali.

“How unfortunate your life is Lilliana, sure akong hindi ka tatagal sa mansyon ni Don Salvatorre” ngumiti siya sa akin, isang ngiting malademonyo at natutuwa sa maaaring kahinatnan ng buhay ko.

“I heard he has killed people before. Kaunting pagkakamali mo lang Lilliana ay pwedeng ikaw na ang susunod” 

Kinuyom ko ang kamay ko, walang magawa kundi tanggapin ang mga sinasabi niya dahil wala namang mangyayari kung lalaban ako.

Agad kong ipinagpatuloy ang pag-eempake matapos siyang lumabas sa kwarto ko. Matapos ay bumaba na ako at sumakay sa kotse ng dalawang debt collector. Hindi na ako nagpaalam sa kanila dahil alam kong nagcecelebrate na sila ngayon matapos maresolba ang problema.

“Sana alam mo ang pinapasok mo iha” sabi ng isa na nagmamaneho ng kotse.

“Wala naman akong ibang choice” sagot ko dahil hindi ko naman ginusto ang mapunta sa sitwasyon na ito, ipinambayad ako ng labag sa loob ko.

Matapos ang ilang oras na byahe ay natanaw ko na ang mansiyon ni Don Salvatorre.

“Advice ko lang sayo, wag kang lalamya-lamya sa harapan ni Don Salvatorre. Lahat ng narinig mong kwento patungkol sa kaniya, totoo yun lahat. Kahit ngayon na permanente na siyang hindi makalakad, kaya parin niyang pumatay. Mainitin ang ulo ni Don, kaya hangga’t maaari wag kang magkakamali”

Paalala sa akin ng isa sa mga debt collector nang makapasok na kami sa mansiyon ni Don Salvatorre. Taimtim akong nagdasal upang magkaroon ako ng kaunting lakas ng loob. 

“P*TANG *NA! SINONG NAGLUTO NITO! GUSTO NIYO BA AKONG LASUNIN!” 

Muntik kong mabitawan ang bagahe ko nang umalingawngaw ang sigaw mula sa loob ng isang kwarto. 

Binuksan ito ng dalawang debt collector. Bumungad sa amin ang isang maid na nakaluhod sa sahig, umiiyak at nanginginig ang mga kamay habang pinupulot ang mga basag na plato at natapong ulam.

“WALANG SASAGOT?! DO YOU ALL WANT TO F*CKING DIE?!” halos manginig ang tuhod ng lahat ng mga maids na nasa loob ng kwartong iyon.

Doon nagtugma ang aming mga mata.

Si Don Salvatorre habang nakaupo sa wheelchair at nakatutok ang hawak na baril sa ulo ng maid na nakasalampak sa lupa.

“Who is this?” iritadong tanong niya sa dalawa niyang tauhang nagdala sa akin doon.

Hindi ko alam kung anong sumanib sa akin para kusang sumagot sa katanungan niya.

“Lilliana Marie Perez, ako ang pambayad ng ama kong si Diego Perez sa utang niya” diretsong sagot ko, sinusubukang patatagin ang loob ko.

Alam kong hindi ako tatagal kung lalamya-lamya ako sa harapan ni Don Salvatorre. Kung mamamatay lang din naman ako, ay pipiliin kong mamatay nang may dignidad. 

“You? T*ngina ang laki ng utang ng gagong yun sa akin tapos ikaw lang ibabayad?” 

Hindi ko maiwasang ikuyom ang kamao ko sa galit dahil pakiramdam ko ay ang tingin nilang lahat sa akin ay mas mababa pa ang halaga sa pera. 

“Binigyan na po namin si Mr. Perez ng oras para maghanap ng pera pero wala boss, bilang kapalit ay kinuha namin ang isa sa mga anak niya” Paliwanag ng isa sa mga debt collector.

Napahilamos ng palad si Don Salvatorre sa inis atsaka tumingin ng diretso sa akin.

“Nawala na ang pera ko, madadagdagan pa ang palamunin sa bahay na to. T*ngina ang daming inutil sa paligid ko!” Inis na wika niya bago may pumasok na isa pang maid.

“D-Don Salvatorre, o-oras na po ng paligo niyo” utal na banggit nito.

Hindi niya inalis ang mga mata niya sa akin na. Sinubukan kong patatagin ang aking loob at hindi nagpatinag kahit pakiramdam ko ay nababasa na niya ang mga nasa isip mula sa pagtingin pa lamang niya sa akin.

“You, you will bathe me” napalunok ako bigla, ramdam ang panunuyot ng lalamunan ko.

“A-ako?” sabi ko sabay turo sa sarili ko.

“Are you deaf?” inis na saad niya habang nanlalaki ang mga mata.

Nakita ko ang mga nag-aalalang ekspresyon ng mga maid sa harapan niya, habang nagsesenyasan.

Wala na akong nagawa kung hindi sundin ang utos nito. Tinanong ko muna ang mga maid kung saan ang C.R. upang hindi maligaw at saka itinulak ang wheelchair ni Don Salvatorre papunta roon.

Nang makarating na kami sa tapat ng C.R. ay ipinasok ko na agad si Don Salvatorre.

Napansin ko lamang kung gaano katikas ang katawan nito kahit na halos isang taon na siyang nakaupo sa wheelchair. Kahit mahaba at magulo ang kaniyang buhok na hanggang leeg ay pansin ko parin ang kagwapuhan niya. Makapal na kilay at mapungay na mata, naparang nakatingin sa kaluluwa ko.

“Tapos ka na bang pagnasahan ako?” 

Napabalik ako sa realidad ng marinig ang iritadong boses niya at napaiwas ng tingin matapos makitang nakatanggal na pala ang damit-pantaas niya.

“If you are, then take my pants off” parang nag-echo sa ulo ko ang sinabi niya.

“H-ha?” pagsisigurado ko

“I said, take my pants off” 

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
6 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status