Share

Chapter 9

Author: JV Writes
last update Last Updated: 2025-02-16 13:32:55

Nanginginig ang mga kamay ni Alyssa habang marahang pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya inakalang aabot sa ganitong punto ang kanilang relasyon. Mula sa isang relasyong hindi sinadya ngunit pilit pinagtibay, ngayon ay unti-unting nawawasak ang lahat.

Tumitig siya kay Marco, pinagmasdan ang lalaking minsang sinamahan niya sa sakit, sa pagbangon, at sa pagbuo ng isang buhay na akala niya’y magiging matibay. Ngayon, muli itong nakaratay sa kama—gaya ng tatlong taon na ang nakalipas. Parehong may mga sugat, parehong mahina, ngunit may isang malaking kaibahan. Noon, siya ang unang tinawag ni Marco. Noon, siya ang nasa isip nito.

Bumalik sa kaniyang alaala ang panahong nag-ugat ang lahat.

Tatlong taon na ang nakakalipas, isa siyang nurse sa parehong ospital kung saan siya naroroon ngayon. Hindi pa siya doktor noon, ngunit isa siya sa mga pinaka-maaasahang staff sa buong ward. Isang gabi, dinala sa emergency room si Marco matapos ang isang matinding aksidente sa sasakyan. Basag
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 9

    Nanginginig ang mga kamay ni Alyssa habang marahang pinunasan ang luha sa kaniyang pisngi. Hindi niya inakalang aabot sa ganitong punto ang kanilang relasyon. Mula sa isang relasyong hindi sinadya ngunit pilit pinagtibay, ngayon ay unti-unting nawawasak ang lahat.Tumitig siya kay Marco, pinagmasdan ang lalaking minsang sinamahan niya sa sakit, sa pagbangon, at sa pagbuo ng isang buhay na akala niya’y magiging matibay. Ngayon, muli itong nakaratay sa kama—gaya ng tatlong taon na ang nakalipas. Parehong may mga sugat, parehong mahina, ngunit may isang malaking kaibahan. Noon, siya ang unang tinawag ni Marco. Noon, siya ang nasa isip nito.Bumalik sa kaniyang alaala ang panahong nag-ugat ang lahat.Tatlong taon na ang nakakalipas, isa siyang nurse sa parehong ospital kung saan siya naroroon ngayon. Hindi pa siya doktor noon, ngunit isa siya sa mga pinaka-maaasahang staff sa buong ward. Isang gabi, dinala sa emergency room si Marco matapos ang isang matinding aksidente sa sasakyan. Basag

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 8

    Maayos ang lagay ni Alyssa. Mahigpit ang kapit ng kaniyang anak pero dahil na rin sensitibo ang pagbubuntis ni Alyssa dahil maaga pa lamang, kailangan niyang magpahinga. Oo, alam na ng doktor na nagcheck sa kaniyang lagay ang kaniyang pagkabuntis. Pero sigurado naman si Alyssa na hindi ito ilalabas ng doktor dahil na rin confidential ang impormasyon na ito.Paglabas ni Alyssa mula sa kwarto ng clinic, sinalubong siya ng malamig na simoy ng aircon na bumalot sa kanyang balat. Mahina niyang hinilot ang sentido, pinipilit na labanan ang hilo na nagsisimula na namang lumukob sa kanya. Masyado pang sariwa ang mga sinabi ng doktor tungkol sa kanyang kondisyon, pero wala siyang panahon para iproseso ang lahat ng iyon ngayon. Kailangan niyang magpatuloy.Sa labas ng clinic, agad niyang napansin ang pamilyar na pigura ni Lucas na nakatayo malapit sa pinto, hawak-hawak ang isang nakahandang wheelchair. Hindi ito nagsalita, ngunit sapat na ang tingin nito para ipaalam sa kanya na alam nitong hin

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 7

    "Pero kung ako ang tatanungin mo… gusto ko sana ng babae. A daughter. Isang maliit na prinsesa na may ngiti tulad ng kay Sam, may mga mata niya… pero kahit ano pa 'yan, basta sa akin, okay lang. Basta anak namin." Para bang binagsakan ng mabigat na bagay si Alyssa dahil sa kaniyang narinig sa sarili pa mismo nitong asawa. Kung makapagsalita si Marco sa kaniyang harapan ngayon, ang asta nito ay tila normal na doktor lang si Alyssa at hindi asawa niya. Wala itong preno. Hindi nga alam ni Alyssa kung sadyang dahil lang sa pagkabagok ni Marco kaya ganyan siya mag-isip, o sadyang wala na talagang pakialam si Marco sa kaniyang nararamdaman.Tila huminto ang kanyang mundo habang pinapanood ang kasiyahan sa mukha ng kanyang asawa. Isang kasiyahang na hindi niya kailanman makikita dahil sa ngayon, wala nang balak si Alyssa na ipaalam pa ang sarili nitong pagbubuntis. Malamang ay itatago niya ang katotohanan na ito. Sa istilo pa lang ng kaniyang asawa ngayon, tila wala na talagang puwang si A

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 6

    Tahimik na nakatayo si Alyssa sa tabi ng kama ni Samantha, pinagmamasdan ang payapang mukha nito. Hindi pa ito nagigising mula sa operasyon. Dahil sa matinding trauma sa ulo na natamo nito sa aksidente, kinailangan siyang i-cesarean upang mailigtas ang bata. Mabuti na lamang at maayos ang lagay nilang dalawa. Ang sanggol ay kasalukuyang nasa infirmary room, inaalagaan ng mga neonatal nurses. Napabuntong-hininga si Alyssa. Sa mga nagdaang buwan, hindi niya naisip na hahantong sila ni Marco sa ganitong sitwasyon. Kahit anong pilit niyang isalba ang kanilang pagsasama, heto siya ngayon—nakatingin sa babae na minsang naging bahagi ng buhay ng kanyang asawa, ngayon ay may anak na rin mula rito. Hindi niya alam kung paano pa maibabalik ang kanilang relasyon. Hindi na. Hindi na sila magiging ayos ni Marco.Pinikit niya ang kanyang mga mata, pilit na nilalabanan ang bigat sa kanyang dibdib. Ayaw na niyang mag-isip, ayaw na niyang magtanong. Alam na niya ang sagot. Dahil sa pagod, lumaba

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 5

    ISANG LINGGO NA RIN ANG NAKALILIPAS, isang karaniwang abalang araw na naman sa ospital ang sinimulan ni Alyssa. Tulad ng dati, nakatutok siya sa kanyang mga pasyente, sinisigurong walang nakakalimutang detalye sa kanilang mga chart. Ngunit sa gitna ng kanyang trabaho, isang balita mula sa mga kasamahan ang gumulantang sa lahat—may nangyaring banggaan sa isang bahagi ng Maynila, at isinugod ang ilang biktima sa ospital.Naging doble ang pagod ni Alyssa sa pag-aasikaso ng kanyang mga pasyente at sa pagko-coordinate sa emergency room para sa mga bagong dating na biktima. Ang tunog ng sirena ng ambulansya ay hindi tumigil, at ramdam niya ang bigat ng tensyon sa paligid. Mabilis niyang binalikan ang mga detalye ng kanyang trabaho habang naghahanda para sa anumang maaaring mangyari.Nasa kanyang opisina siya nang biglang bumukas ang pinto. Halos hinahabol ang hininga, pumasok si Lucas, hawak ang clipboard sa kanyang kamay.“Doc Alyssa, may naghahanap po sa inyo sa emergency room!” mabilis n

  • Beyond The Broken Marriage   Chapter 4

    Bumalik ang isip ni Alyssa sa kasalukuyan habang nakaupo siya sa harap ng kanyang lamesa sa opisina. Nakapila ang mga papeles sa harapan niya—mga pasyente niyang kailangang asikasuhin, mga test results na kailangang repasuhin, at ilang reports na dapat niyang isumite bago matapos ang linggo. Ang dami ng trabaho niya ang karaniwang nagbibigay sa kanya ng motibasyong magpatuloy. Ngunit sa pagkakataong ito, tila mas mabigat ang dinadala niya.Kinuha niya ang unang papel mula sa stack. Isang medical record ito ng isang pasyenteng nakatakdang manganak sa susunod na linggo. Binasa niya ito nang mabuti, sinusuri ang bawat detalye. Sa kabila ng pagsubok niyang ituon ang isip sa trabaho, hindi niya mapigilang bumalik ang usapan nila ni Sam kanina.Bumuntong-hininga siya at inilapag ang papel. Hinawakan niya ang kanyang sintido, pilit nilalabanan ang bigat ng emosyon na tila kumakapit sa kanyang dibdib. Biglang bumukas ang pinto ng kanyang opisina, dahilan para magulat siya at mapalingon. Pum

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status