The Revenge of Mrs. Cojuangco

The Revenge of Mrs. Cojuangco

last updateLast Updated : 2026-11-19
By:  Fille AgathaUpdated just now
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
Not enough ratings
10Chapters
8views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

THE REVENGE OF MRS. COJUANGCO Her Second Life, Their Biggest Nightmare She died as a betrayed wife. Now she will return as the woman who would make them all kneel. Akala ni Athena Lopez, ang pagpapakasal sa lalaking mahal niya ang magiging simula ng happily-ever-after. She gave her husband everything—her loyalty, her trust, and even her own happiness. But what did she get in return? Betrayal, humiliation, and a death orchestrated by the very people she once called family. Sa kamay ng half-sister niyang si Nicole, nagtapos ang kanyang buhay. Habang si Yosef Cojuangco, the man who promised to love and protect her, just stood by and watched her die. Sa huling sandali ng kanyang buhay, iisa lang ang naiwan sa puso ni Athena: sakit, galit, at isang tanong—bakit siya ang kailangang magdusa? But death wasn't the end of her story. Binigyan siya ng pagkakataong bumalik sa nakaraan, limang taon bago tuluyang masira ang buhay niya. This time, she remembers every lie, every betrayal, and every tear she shed. Hindi na siya ang dating Athena na madaling magtiwala at handang magpatawad. She's done being the victim. This time, she'll be the one pulling the strings. Gusto ni Nicole maagaw ang buhay niya? Then she'll make her regret ever crossing her. Yosef betrayed her? Sisiguruhin niyang magbabayad ito ng malaki. But Athena's greatest revenge is a decision no one could ever see coming. She will marry Robert Cojuangco—the untouchable and powerful father of the man who destroyed her. Isang kasal na hindi nakabatay sa pagmamahal, kundi sa isang planong kayang pabagsakin ang isang buong angkan. Because this time, the woman they buried is the very woman who will bring them all down. At ito na ang simula ng paghihiganti ni Mrs. Cojuangco.

View More

Chapter 1

CHAPTER 1 

A VENGEFUL SECOND CHANCE

“Please, Nicole! Tulungan mo ako!”

Halos mawalan na ng lakas si Athena sa kakakapit sa gilid ng swimming pool. Pilit siyang umaahon, pero bago pa niya maiahon ang sarili, isang kamay ang mariing tumulak sa ulo niya pabalik sa tubig.

Si Nicole. Ang sarili niyang half-sister.

“Stop struggling, Ate. Wala ka nang kawala.”

Nanlaki ang mga mata ni Athena. Ilang minuto lang ang nakalipas, nilapitan siya ni Nicole, nag-sorry, at sinabing gusto nitong ayusin ang kanilang relasyon. Dahil pagod na rin siya sa gulo, pumayag siyang makipag-usap. Pero pagdating nila sa pool, bigla siyang itinulak ni Nicole.

“Alam mo, Ate, kung hindi ka lang sana nakialam sa buhay ko, hindi tayo aabot sa ganito.”

“Nicole… please…” Hindi siya marunong lumangoy.

Ngumiti lang ang babae. “Ang tagal mong naging pabigat. You always act like you’re the victim. Hindi ka ba napapagod magpanggap na kawawa?”

Muli siyang inilubog sa ilalim ng tubig.

Nagpumiglas at sinubukan niyang sunggaban ang kamay ni Nicole, pero lalo lamang siyang lumubog. Nauubos na ang lakas niya habang pumapasok ang tubig sa bibig at ilong niya.

Sa huling pagkakataon, nakita niya ang mukha ni Nicole. Walang awa. Walang pagsisisi.

Doon niya naintindihan na hindi lang pala nito gustong agawin ang asawa niya. Gusto rin nitong agawin ang buhay niya.

Naalala niya kung paano siya pinagtawanan ng asawa at kapatid niya nang madiscover niya ang affair. Tinawag pa siyang pathetic wife dahil hindi raw niya kayang panatilihing interesado sa kanya ang sariling asawa.

Buong buhay niya, tiniis niya ang pangmamaliit ng pamilya niya, umaasang balang araw ay matatanggap din siya ng mga ito. Pero wala siyang napala kundi pagtataksil.

“Kung mabibigyan lang ako ng pangalawang pagkakataon, hindi na ako magiging mabait sa mga taong tulad ninyo.”

“Hindi na ako magmamakaawa. Hindi na ako magpapagamit.”

“I will make you pay. Every single one of you.”

Pagkatapos noon, tuluyan nang nagdilim ang kanyang paningin.

*****

Biglang nagkamalay si Athena. Napasinghap siya at mabilis na bumangon. Nanginginig ang mga kamay niya nang mapahawak siya sa kanyang dibdib. Buhay siya. Nakakahinga. Wala siyang injury, at tuyo ang damit niya.

Napatingin siya sa swimming pool. Ito ang parehong lugar kung saan siya namatay.

“Ano’ng nangyari?”

Pamilyar ang garden at ang mansion sa likod niya. Napansin niya ang cellphone sa tabi niya. Dad Calling. Kinuha niya iyon, pero natigilan nang makita ang date sa screen.

February 18, 2021. Limang taon na ang nakalipas.

Bumalik siya sa nakaraan—sa mismong araw na inannounce ng kanyang ama na siya ang ipapalit kay Nicole sa isang arranged marriage.

“I’m back…”

Bumalik sa isip niya ang lahat. At twenty-three, pinakasalan niya ang lalaking inakala niyang magbibigay sa kanya ng pamilyang matagal na niyang pinapangarap. She did everything just to be a good wife, but Yosef chose Nicole. Palihim silang nagkikita, at nang matuklasan niya ang affair, ginawa pa siyang katatawanan. And in the end, she died in the hands of her own sister, Nicole.

Napahigpit ang hawak niya sa cellphone.

Hindi na siya iiyak para sa kanila. Hindi na niya hahabulin ang pagmamahal na hindi naman nila kayang ibigay. This time, hindi lang siya makakatakas sa arranged marriage. Sisiguraduhin niyang pagsisisihan nila ang lahat ng ginawa nila.

Muling nag-vibrate ang cellphone niya.

“Athena! Nasaan ka na ba?” iritadong bungad ng kanyang ama. “Go home. We have an important family dinner tonight. Huwag mo akong paghintayin.”

“I’m coming, Father.”

Pagkababa ng tawag, muli niyang tiningnan ang swimming pool.

“Enjoy your life, Nicole. Dahil this time, hindi na ako ang magiging kawawa.”

*****

Pagdating ni Athena sa mansion, narinig niya ang boses nina Margaret at Nicole mula sa living room. Huminto siya sa may pintuan nang marinig ang pinag-uusapan ng dalawa.

“Mom, hindi ko maintindihan kung bakit si Ate ang papakasalan ni Yosef!” reklamo ni Nicole.

“Nicole, nineteen ka pa lang. You’re not even ready to be a wife.”

“But I want him! I don’t want anybody else.”

Napabuntong-hininga si Margaret. “Your father has already made a decision. Athena will take your place. Twenty-three na siya. Besides, she’s nothing but a freeloader.” Napangiti si Athena.

Ganoon din ang nangyari noon. Si Nicole ang unang nakatakdang ikasal, pero tumanggi si Margaret dahil ayaw niyang maagang mag-asawa ang paborito niyang anak. Kaya ang ama ni Athena ang nagdesisyong ialok siya bilang kapalit.

Anak siya ng dating kasambahay ng pamilya ng kanyang ama. Dahil bunga siya ng affair, hindi siya itinuring ni Margaret na tunay na bahagi ng pamilya. Bata pa lang, ramdam na niya ang pagkakaiba ng trato sa kanya at kay Nicole.

Noon, nasasaktan siya sa bawat insulto. Ngayon, wala na siyang pakialam. Hindi niya kailangang patunayan ang sarili niya sa mga taong hindi naman siya itinuring na pamilya.

May isa pa siyang naaalala mula sa previous life niya: hindi biological son ni Robert Cojuangco ang kinikilalang anak nito na—si Yosef.

Ilang buwan after ng kasal nila, narinig niyang nagtatalo ang ex-wife ni Robert at ang anak nito. Inamin ni Almira na matagal na niyang itinatago ang pagkatao ng tunay na ama ni Yosef.

May hinala si Robert, pero wala siyang sapat na ebidensiya. Hindi rin alam ng Cojuangco patriarch ang katotohanan at kinikilala pa rin nito si Yosef bilang apo at nag-iisang tagapagmana.

Sa dati niyang buhay, pinili ni Athena na manahimik dahil ayaw niyang makialam sa problema ng mga Cojuangco, but now, that same information will be her biggest weapon para makawala sa arranged marriage with Yosef.

*****

Hindi na nag-aksaya ng oras si Athena. Umalis siya sa mansion at dumiretso sa isang exclusive club na madalas puntahan ni Robert.

Agad niya itong nakita sa private section, tahimik na nakaupo habang may tinitingnan sa cellphone.

Si Robert Cojuangco.

Forty-five years old, a powerful billionaire, a royalty in the business scene. He’s untouchable.

Suot ang perfectly tailored black suit, kalmado itong nakaupo. Hindi siya madaling lapitan, pero wala nang ibang choice si Athena.

“Good evening, Mr. Cojuangco.”

Tiningnan siya ni Robert.

“Miss Lopez.”

Nagulat siya nang makilala agad siya nito, pero hindi niya iyon ipinahalata. Umupo siya sa bakanteng upuan sa tabi nito.

“I’m surprised you know me.”

“I know who you are. You’re supposed to marry my son, aren’t you?”

“Then perhaps you can help me with that.”

“Help you with what?”

Inilagay ni Athena ang kamay sa braso nito at bahagyang lumapit.

“Maybe I just want to spend some time with a handsome, wealthy man.”

Bahagyang tumaas ang kilay ni Robert. Hinayaan muna siya nito, pero nang susubukan na niyang umatras, bigla nitong hinawakan ang kanyang baywang.

“Enough, Miss Lopez. I know exactly what game you’re playing.”

“Then let’s stop pretending.”

Binitiwan siya ni Robert at sumandal sa upuan.

“Go on. I’m listening.”

“I can’t marry your son.”

“And why is that?”

“Because I know I’ll eventually die in his hands.”

Natawa nang bahagya si Robert. “That’s quite a dramatic statement. How can you be so certain?”

“Because I know things about him. Things that even you don’t know.”

“Such as?”

Tumingin siya nang diretso sa mga mata nito.

“Your son isn’t your biological son.”

Biglang nawala ang amusement sa mukha ni Robert.

“Where did you get that information?”

“I heard Yosef and his mom talking. Inamin ni Almira na matagal na niyang itinatago ang katotohanan tungkol sa tunay na ama ni Yosef.”

“And you expect me to believe you based on something you overheard?”

“Hindi mo kailangang maniwala agad. I want to offer you a deal.”

Robert studied her. “How exactly can you accomplish something my own investigators haven’t managed to do?”

Ngumiti si Athena at bahagyang lumapit.

“People underestimate me. Akala nila isa lang akong powerless illegitimate daughter na madaling lokohin at uto-utuin. Pero alam ko kung paano lumapit sa mga taong kagaya nila. And I’m good at making them reveal things they shouldn’t.”

Bago pa siya makalayo, hinawakan ni Robert ang kanyang baywang.

“You’re very brave to approach me with a deal like this.”

“Maybe you need a woman like me.”

Ilang segundo siyang tinitigan ni Robert bago nagsalita.

“Fine. What’s your price?”

Hindi nag-atubili si Athena.

“I want to marry you.”

Nanatiling blangko ang ekspresyon ni Robert.

“Excuse me?”

“You heard me. I don’t want to marry your son, Mr. Cojuangco.”

Hindi niya inalis ang tingin sa lalaki.

“I want to marry you instead.”

Sa unang pagkakataon nang gabing iyon, tila nawalan ng sagot si Robert Cojuangco.

Mapanganib ang desisyon ni Athena. Hindi madaling pakitunguhan ang isang lalaking tulad ni Robert, pero hindi na siya natatakot. Minsan na siyang namatay dahil nagtiwala sa maling tao. At hindi na mauulit iyon.

This time, siya ang pipili ng magiging asawa niya. Siya ang magdedesisyon sa buhay niya.

At kung ang pagiging Mrs. Robert Cojuangco ang unang hakbang para makamit ang paghihiganti niya, wala siyang balak umatras.

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.


No Comments
10 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status