“Wait for me!” “Bilis, Usher, ang bagal mo! Mauuna na ako roon!” sigaw ni Lionel sabay takbo palabas.Dumagundong ang hagdan sa nagmamadaling pagbaba ni Usher. Ni hindi pa sya tapos sa pagsusuot ng kanyang damit.“Dahan-dahan–” Hindi ko natapos ang sasabihin ko. He quickly kissed my cheek and ran outside.“Dahan-dahan, Usher! Papaluin kita!” I shouted.“Love you, 'Ma!” aniya't natatawa pa. Napailing ako. The wall clock says it's already 11:58PM. Kaya ganito sila ka-hyper dahil new year count down.“Two minutes na lang! Ba't nandyan ka pa, Alliyah?” puna sa akin ni Olive. Talagang binalikan nya ako rito. Nakapamaywang pa ang bruha sa tapat ng pinto. “Eto na!” Isinuot ko ang long cardigan upang panlaban sa lamig. Hindi ko alam kung gaano katagal kami sa labas. Masakit sa ilong ang lamig ngayon, normal na nangyayari tuwing Bagong Taon. Nagmadali na akong lumabas. Halos kaladkarin pa ako ni Olive papunta sa front yard.Doon nakaipon ang lahat at pare-parehong excited sa pagsisindi ng
Inilapag ko sa tomb ang bulaklak na dala ko. Nilingon ko si Russel na tuwid na nakatayo sa aking tabi, nakapamulsa at sa puntod nakatingin. Umupo ako't tinanggal ang mga dahong nalaglag doon. I sighed as I silently prayed for her soul. “What are you doing here?” Sabay kaming napabaling ni Russel sa likuran. Hindi namin namalayan ang pagdating ni Alodia. Mayroon din syang dalang isang palumpon ng mga bulaklak. Tumayo ako at ibinigay sa kanya ang pwesto. Dahan-dahan niyang inilapag ang mga bulaklak sa tabi ng akin. “I'm here to pay respect for the child,” mahinahong turan ko. “Hindi naman kami magtatagal.”“Thank you.”Napatitig ako sa kanya nang sambitin nya ang mga katagang iyon. “Thank you for understanding, Alliyah.” Hinahaplos-haplos niya ang nitso habang nagsasalita. “I know I've done too many bad things to you. I know I was such a selfish woman. I did nothing but ruin your lives.” Her voice cracked. “I hope you forgive me...”“Wala na sa akin iyon, Alodia,” I said. “Let me s
Sa pangalawang pagkakataon ay tiningnan ko ang relos sa aking palapulsuhan upang makita ang oras doon. Halos kahalating oras na pala ang nakalipas. Kaunti na lang at matatapos ko na ito. Muli akong nag-angat ng tingin, direkta sa lalaking mag-isang nakaupo sa katabing cottage kung saan ako naroon. Naka-side view siya kaya marahil ay hindi niya ako napapansin at bukod diyan ay seryoso siyang nagbabasa ng libro. Nakapatong naman sa mesa ang sketchpad ko kaya naging madali sa akin na iguhit siya. Pinatungan ko pa ng kaunting shading ang paligid at dinagdagan ng highlight ang kaniyang wavy hair bago muling tinitigan ang kabuuan ng drawing. Isinama ko na rin sa sketch ang cottage. Habang pinapasadahan ito'y hindi ko maiwasang mamangha, hindi sa sketch kundi sa kaniya mismo. Marami naman na akong nakilalang lalak
Nanatili akong nakatingin sa salamin habang dinadampot ang face powder sa study table na nakapuwesto sa gilid ng aking higaan. Doon din nakapatong ang mga libro ko at ilang sketchpad. Naglagay ako ng kaunting pulbos sa mukha at pinahiran ng kaunting liptint ang maninipis kong labi. Marahan kong sinuklay ang aking buhok at pagkatapos ay itinali iyon.Sa harap ay kumikinang ang repleksyon ng suot kong hikaw. Simpleng white pearls lang ang mga iyon na bumagay sa pink kong dress. Hiniram ko lang ito kay Venus dahil lahat ng bestida ko ay luma na. Ayoko namang humarap sa mga bisita na ganoon ang suot.Umupo ako sa dulo ng kama para maisuot ang sandalyas na kabibili ko lang din kahapon. Sinuwerte ako sa sinalihan kong art competition kaya't nagkaroon ako ng sapat na pambili ng mga gusto ko at yung iba ay ibinigay ko kay Nanay.Nagawi ang tingin ko sa naka-frame na sketch sa aking study table. Halos tatlong taon na rin ang nakalipas magmula nung iginuhit ko siya at han
“What is it?” Bakit ang prangka naman yata niya? “Sorry, S-sir... ano... thank you sa paghatid nung gift.” Sa ibang direksyon ako nakatingin dahil hindi ko siya kayang tingnan sa mata. “That's from Ruan. He should be the one you're saying thanks to. Do you have anything else to say?” Napahiya naman ako roon. Kay Ruan pala. Gusto kong sapukin ang sarili ko. “Sige, S-sir... magpapasalamat pa rin ako sa kaniya. P-pero ikaw yung naghatid kaya... salamat din.” Ilang segundo ang lumipas bago siya muling nagsalita. “I'm leaving. I won't grant another favor from your boyfriend again. There'll be no next time.” “Sir, hindi ko po siya boyfr—” Tuluyan na siyang nakasakay sa kotse kaya hindi na niya narinig iyon. Nang mawala na ang sasakyan niya sa paningin ko ay saka lamang
Agad nasagot ang pagtataka ko nang iluwal ng asul na kurtina ng stage si Russel... at yung sinasabing Denise na ngayon ay nakakapit sa braso niya. Kung gaano kaingay ang cheers na naririnig ko ay ganoon din kalakas ang kabog ng d****b ko. Nilingon ko ang mga kasama ko sa table. Nakikipalakpak din sila gayundin si Ruan na pormal na nakaupo sa tabi ko. “Napakaganda naman nung kasama niya,” rinig kong sabi ni Venus. Bakas ang totoong pagkamangha roon. Ni hindi niya napapansin ang pagkabalisa ko. Maganda. Walang-wala ako kumpara sa kaniya. Parehong magkahalong kulay asul at itim ang suot nila. Hapit sa katawan ang suot nung babae dahilan para mas madepina ang hubog ng kaniyang katawan. Mas lalo rin siyang tumangkad sa suot na stilettos. Mukha rin siyang may ibang lahi, sa aura pa lang. Bagay na bagay sila ni Russel. Napalunok a
Hinanap ng mga mata ko si Denise pero hindi ko ito nakita. Nagtataka lang akong parang wala siya. “This is Russel, ang aking panganay,” nakangiting panimula niya habang isa-isa kaming tinitingnan. “Son, they're our most loyal workers kaya inimbitahan ko sila ngayon.” “Magandang gabi, Sir. Ako ho si Banny. Isa ako sa mga katiwala ng Clausen farm.” Bahagyang yumuko si Russel para tanggapin ang kamay ni Tiyo Banny. “Russel Clausen. Thank you for coming,” pormal niyang tugon. “Ilang beses pa lang kitang nakita, hijo. Tawagin mo na lang akong Tita Allissa,” magiliw na sabi ni Nanay. Sumilay ang tipid na ngiti sa mga labi ni Russel nang magkamay sila. “Nice meeting you again, Tita.” “Yo, man. Ruan here,” nakangising singit ni Ruan. “Wala ka yatang balak lumipat ng mesa,” sagot ni Russel
Nakapagtatakang nagkakagulo sa bahay nang umuwi kami ni Venus. Nagtipon sa aming bakuran ang ilang farmers. “What's happening, Tiyo?” kunot-noong anas ni Venus. Iniwan ko na silang dalawa roon sa labas ng gate. Agad kong nilapitan si nanay na ngayon ay maluha-luhang nakikipag-usap sa kaniyang mga kasama. Napalingon silang lahat sa akin. “Ano pong nangyayari?” “Alliyah, halos kalahati lang ng kabuuang ani ang naisalba mula sa mga peste. Mas marami ang hindi na mapakikinabangan.” Bigla akong nilukob ng kaba. Pinagmasdan ko ang mga naroon. Bakas ang pagod sa kanilang lahat na sinasabayan pa ng kaguluhan. Muling nagsalita si nanay nang hindi agad ako nakaimik. “Ngayon lang nangyari ito. Sa ilang taon naming pagtatra