Panay ang pangaral sa akin ni Nanay tungkol sa relasyon namin ni Russel lalo na't minsan ay nakikitulog ako sa condo nito. I can't blame her though. Ang mahalaga, alam ko ang ginagawa ko at kung mangyari man ang mga bagay na wala sa inaasahan, paninindigan ko.
“Hayaan mo na, Allissa. Nasa edad naman na si Alliyah,” singit ni Tiya Marga sa usapan namin.
Bihira akong makasabay sa kanila sa agahan dahil sa farm sila kumakain. Mas maaga silang nagigising kaya madalas akong naiiwan sa bahay. Ngayon naman, sadyang inagahan ko ang paggising dahil may commission ako kay Luke.
“Oo nga. Basta ba'y pakakasalan ka, hija,” segunda ni Tiyo Carlos.
I smiled at them. I appreciate their concern. Wala pa rin naman akong balak mag-asawa. It's just that... may mga pagkakataong hindi napipigilan ang bugso ng damdamin. Nobyo ko si Russel at imposibleng makaiwas ako sa tuksong dala niya.
“Ang sinasabi ko lang, sana'y hindi magpadalos-dalos dahil alam niyo naman ang
Katatapos lang naming mag-almusal nang dumating si Luke kasama si Lionel. They both smiled at us. Nang alukin ko ng pagkain, tinanggihan ni Luke dahil nakapag-almusal na rin sila.“I'm excited!” si Lionel na kanina pa nanonood sa ginagawa ko. Kahit hindi niya sabihin, bakas na bakas ang galak sa kaniya.Kaming dalawa lang ang narito sa sala dahil sina Russel at Luke ay mukhang may seryosong pinag-uusapan sa kusina.Mayroon ding sariling canvas at easel si Lionel. Determinado siyang sundan ang gagawin ko. I can't help but smile at him sa tuwing namamangha siya sa bawat galaw ko. Hindi gaya sa huli kong commission, katamtaman lang ang sukat nitong pangatlo. I think the girl here is matured than the last pero hindi naman nabawasan ang ganda. Her face shows the same innocence and peace, bagay na sana'y 'wag mawala sa kaniya. Mas lalong tumindi ang kuryosidad ko kung bakit at paano nagkaroon ng malaking problema si Luke at ang asawa niya. Mukha kasi itong
Pagkagaling ko sa shop, umuwi muna ako sa bahay at ayos lang sana sa akin na mag-commute na lang pero nagpumilit si Russel kaya pati si Lionel ay nakarating doon. Tuwang-tuwa si Nanay. Natatandaan kong minsan na ring niyang pinangarap magkaroon ng anak na lalaki ngunit pinagdamutan siya ng kapalaran dahil maagang kinuha sa amin si Tatay. “Good afternoon po!” Lionel greeted them. Nasa terasa sina Nanay at Tiya Marga, nagbabalot ng suman. Si Tiyo Carlos naman ay nasa farm pa't mamaya pa uuwi. Samantala, parehong nasa eskwelahan pa ang magkapatid na sina Olive at Kleen. Bakas sa hitsura ni Lionel ang pagiging kuryoso sa ginagawa nina Nanay kaya lumapit siya sa kanila. Si Russel naman ay nanataling nakatayo sa tabi ko. “Aba, may naligaw na bata!” bulalas ni Nanay. Lumapad ang ngiti ni Tiya Marga matapos magmano ni Lionel sa kanila. “Anak po ni Luke... at estudyante ko,” pagbibigay ko ng impormasyon. Napasinghap si Nanay. “Kaya pala
Ipinaalam ko kay Russel ang lakad namin ni Eiser sa darating na Sabado, ilang araw pa mula ngayon. “Sasamahan kita.” Minamasahe niya ang palad ko, nilalaro pati ang mga daliri. Break time ng mga bata ngayon. May palaruan sa gilid nitong shop at halos ang lahat ay naroon kasama ang mga magulang. Ang tanging naiwan lang dito sa loob ay si Arianne at ang kaniyang ina. Nahihiwagaan nga ako kung bakit nariyan siya gayong palagi naman niyang iginagala noon si Arianne kapag break time. Pasulyap-sulyap si Rica sa gawi namin samantalang abala naman ang kaniyang anak sa pangungulit kay Lionel. “Medyo malayo pala iyon... kakailanganin ng suite na matutulugan,” napagtanto ko. “That's not a problem.” Nagbalik ang tingin ko kay Rica, sabay lihis kay Russel. “Arianne's mom likes you,” I understated. Ni hindi nawala ang mga mata sa akin ni Russel nang sabihin ko iyon. “Ilang araw ka nang pinagmamasdan,” dagdag ko. He lazily sig
Nasisira ang konsentrasyon ko sa pagpipinta dahil kay Ivan Herdima. Nakadagdag pa sa pagkabahala ko ang paalala ni Arcel kanina. Malakas ang pakiramdam kong kilala niya iyon sa paraan pa lang ng pagtingin niya rito hanggang sa pangangaral niya sa akin.Panaka-naka'y napapasulyap ako sa cellphone ko, pinag-iisipan kung tatawagan ko ba si Russel upang ibalita iyon. Subalit dahil alam kong nasa planta siya ngayon, ayaw ko siyang abalahin.Isang katok ang nakapukaw sa malalim kong pag-iisip. Tumayo ako't binuksan ang pinto. Si Kleen ang nabungaran ko roon.I smiled. “Ano iyon, Kleen?”“Magpapatulong po sana ako, ate... Hindi kasi ako marunong mag-drowing.”“Oh, sure!”He shyly nodded. “Tara po sa sala...”Sinundan ko siya't iniwan muna ang ginagawa ko. Sa kawayang mesa'y nakalatag ang ilang bond papers kasama ng mga nilamukos na papel.Sabay kaming naupo. Agad niyang nilinis ang mga k
Dumating sina Luke sa sinabing oras. Sa tabi niya'y naroon ang asawa. Patakbong nagtungo sa kaniya si Lionel at hindi na napigilang maiyak. Nakangiti ngunit may luha rin sa pisngi si Slyghen. Marahan niyang hinagod ang likod ng kaniyang anak. “I'm sorry, Clay...” aniya sa garalgal na tinig. Nagbara ang lalamunan ko sa nasasaksihan. Masyadong madamdamin ang tagpong iyon dahilan para mamasa ang mga mata ko. Kumurap-kurap ako upang mapigilan ang nagbabadyang luha. Nahahabag lang ako sa iyak ni Lionel. Hindi ko itatangging napamahal na rin sa akin ang bata. I sighed as I composed myself. Hindi naman ako ang ina ni Lionel pero damang-dama ko ang saya ng muli nilang pagkikita. Ilang sandali lang ay tumahimik na si Lionel. Naantala ang pagtuloy nila sa sala dahil sa mag-ina. Iginiya sila ni Luke sa couch. “I'm happy for you, bro,” halos pabulong na saad ni Russel. Luke smirked. Hindi gaya noong unang beses siyang nagpunta rito, medyo maaliwal
Mabigat ang loob na pumasok ako sa gallery. Hanggang sa labas lang ako nagpahatid kay Russel dahil ayaw kong makadagdag pa sa hahabulin niyang oras. Marami raw siyang aasikasuhin ngayon. Hindi na namin muling napag-usapan ang tungkol doon pero ni isang segundo'y 'di nawala sa isip ko.Nasasaktan ako at wala akong karapatang magreklamo. Kung mayroon man, wala pa rin naman akong laban. Bakit kailangang siya pa ang pumasan sa problema ng mga Lewisham? Bakit palaging siya? Mula sa pekeng engagement, pag-aalaga kay Denise, hanggang ngayon... sa anak nito. Isang napakalaking insulto sa akin ito. Ni hindi man lang inisip ng Senior ang magiging opinyon ko hinggil dito. Kung sabagay, noon pa man ay mainit na ang dugo niya sa akin. Ngayon pa kayang opisyal na kaming magkasintahan ng apo niya?Kagabi, panay ang paghingi ng tawad ni Russel kalakip ng mga pangakong aayusin niya ito sa lalong madaling panahon. Ngunit ang kapalit no'n ay ang pagbalik niya sa mansion. Oo, babalik na s
Litong-lito ako sa kung anong unang gagawin. Lalapitan ko ba siya o tatanungin ko muna? Hindi ako makapaniwalang si Russel nga itong nakikita ko. I never thought he can drive a motorbike!Pakiramdam ko'y mukha na akong katawa-tawa dahil ang tagal kong nakatunganga.“Come here...” namamaos niyang sabi.Bahagyang kumikirot ang puso ko sa sandaling ito dahil sa pangungulila. Hindi ko gustong maramdaman na unti-unti na naman siyang inilalayo sa akin. Ganito rin kasi noon, nagsimula sa ilang araw na wala kaming komunikasyon hanggang sa naging taon.Lumapit pa rin ako sa kaniya sa kabila ng halo-halong nararamdaman.“Ikaw pala yung dumaan?”“Yeah.”My brows furrowed. “Bakit gano'n? Ang bilis mong magpatakbo! Paano kung madisgrasya ka?” hindi ko na napigilang sermonan siya.He sighed. “I'm sorry. May hinahabol kasi ako.”“Sino namang hinahabol mo at kailangang ga
Napabalikwas ako ng bangon nang maramdaman ang init ng araw sa mukha ko. The windows are wide opened so the sunlight is freely kissing my skin. Ang cellphone ko kaagad ang una kong hinanap pagkabangon ko.Napahilamos ako nang makitang alas siyete na nang umaga. Dali-dali kong inayos ang higaan. Nagulat ako nang halos sabay lang kaming lumabas ng kuwarto ni Olive. Nagkatinginan kami at parehong natawa.“Buti na lang at Biyernes ngayon, wala akong gagawin!” bulalas niya habang humihikab pa. “Napuyat ako, sobra. Buti na lang hindi nagtaka si Mama!”Kinusot-kusot ko ang mga mata ko habang magkasunod kaming nagtungo sa kusina.“Uh... ako rin nga. Hindi ko namalayang nakatulog ulit ako. Wala rin akong pasok ngayon sa shop. Sa gallery lang ako pupunta pero saglit lang ako doon,” anas ko sa namamaos pang boses. Sinimulan ko nang maghilamos.“Oh, so it's both our free day! Gala tayo?” yaya niya.Ngumisi