03: Her father and the Howards
“He changed…after my wife got murdered,”
Hindi na ngayon makapagsalita si Madison dahil ramdam niya ang tensyon kay Solomon Howard. Hindi siya makapaniwala na…katulad ng kanyang ama ay wala na rin ang asawa nito. Kung ganoon byudo na ito. Hindi niya maiwasang ma curious kung may anak ba ito. Masyadong private ang mga Howards na kahit ang mga mababaw na impormasyon tungkol sa kanila ay wala sa internet.
“I’m sorry…I shouldn’t have brought that up,” he said and looked away. Sumimsim ito sa kanyang wine at mariing tumitig dito.
“W-Why? What happened to your wife if you don’t mind?” Madison hesitantly asked. Ayaw niya sanang magtanong ngunit sa tono niya kanina parang pinapahiwatig nito na maaaring may alam ang kanyang ama sa pagkamatay ng asawa nito. Hindi niya maintindihan at gusto niyang maliwanagan.
“The day after my son’s birthday she was killed by a group of men. My son…found her body soaked with her own blood inside our room. Five bullets were found in her body. The funny thing is…until now the murderers are still unknown,” he told Madison. Napalunok ng mariin si Madison. Nangilabot siya sa alaala ng dugo. Naalala niya ang duguang kamay ng kanyang ama habang sinusugod ito sa Emergency room.
“Are you okay?” biglang tanong ni Solomon Howard sa kanya. Napansin nito ang pagkakabalisa ni Madison. Umayos ng upo si Madison at maiksing ngumiti kay Solomon.
“I-I’m fine…c-can I have your business card so I could get in touch with you? I need to go home now,” hindi mapigilan ni Madison ang biglang pagsakit ng kanyang ulo. Nag-aalala namang tumingin sa kanya si Solomon.
“Okay…here’s my card. Are you sure you’re okay?” he asked worriedly.
“Opo…m-medyo nahilo lang…” alanganing tumawa si Madison para pagaanin ang lahat. Tumayo na siya. Agad siyang inalalayan ng kanyang kuya Nelson.
“You’re so much like your father. Ganyan na ganyan din siya noon dahil takot siya sa dugo. Marinig niya lang ang salitang dugo ay halos mahimatay na ‘yon. But in the end…he became a successful doctor,” hindi mapigilang mamangha ni Madison sa sinabi ni Solomon Howard. Unti-unti na siyang nakukumbinse na kaibigan nga ito ng kanyang ama.
Pati ang bagay na ‘yon ay alam nito. Minsan nang naikwento ng kanyang Mommy sa kanya ang ganoong trauma ng kanyang Daddy na sa kasamaang palad ay namana niya. Ngunit matapang ang kanyang ama dahil na overcome nito ang takot sa dugo at naging tanyag na doctor. Iilan lang na mga tao ang nakakaalam sa bagay na ‘yon tungkol sa kanyang ama kaya at hindi niya akalain na isa roon ang isang Solomon Howard.
“S-Salamat po…sa dinner,” paalam ni Madison kasabay ng isang ngiti dahil kahit papaano ay napatunayan nitong isa siyang kaibigan ng namayapa niyang ama.
“Before you leave, I know you know the appointment I want with your mother’s company. My intention for your company is harmless. Gusto kong makatulong sa kompanya niyo lalo na’t…isa sa mga mahahalagang kaibigan ang iyong ama para sa akin,” sambit niya. Napatitig si Madison dito.
Gusto niyang malaman kung nagbubulaan ito ngunit nararamdaman niyang seryoso ito sa sinasabi nito kaya hindi niya maintindihan kung bakit matindi ang pag ayaw ng kanyang tito Rey sa mga Howards.
“Susubukan ko…Sir Solomon…” nakangiti nang sinabi ni Madison.
“Just Uncle Solomon, hija…” he said softly. Nag-iwas ng tingin si Madison. Hindi niya maiwasang maalala ang kanyang ama sa katauhan ni Solomon Howard. Minsan naiisip niya na baka sobrang namimiss niya lang ang kanyang ama kaya interesado siya sa mga sasabihin ni Solomon Howard.
Pagkauwi sa mansion ay kinatok niya ang kwarto ng kanyang ina. Hindi na ito sumasagot kaya marahil ay tulog na ito. Tinanong niya sa mga katulong kung kumain na ito at sinabi nilang kumain naman ito kahit naubos ang lahat.
Hindi maalis sa isip ni Madison ang mga sinabi ni Solomon Howard sa kanya at tungkol sa asawa nitong namatay. Hindi maiwasan ni Madison na ihalintulad ang nangyayari ngayon sa kanyang ina at Solomon Howard. Naisip niya tuloy ang anak nito. Katulad ba niya ay nalulungkot at nag-iisa rin ito? Katulad ba niya ay binubuhat niya ang kalungkutan na dala ng kanyang ama?
Kinabukasan ay maagap siya sa opisina dahil balak niyang kausapin ang kanyang tito Rey. Agad naman niya itong nakita sa opisina nito.
“Tito…” tawag niya rito.
“Oh? What are you doing here? You should’ve been in the SOMARS now,” he said.
“Gusto ko po sana kayong makausap,” marahan na sinabi ni Madison at umupo sa visitor chairs sa harapan ng table nito.
“Ano ‘yon?” he asked curiously. Binaba ng tiyuhin niya ang ginagawa para makinig sa kanya.
“About the…Howards—”
“Don’t you ever think about it, Madison,” mariin agad ang tono nito pagbanggit niya pa lang sa apelyido ng mga Howards. Kumunot ang noo ni Madison.
“Why? They seem nice, Tito. Gusto lang nilang makatulong sa kompanya. Why don’t we hear them, tito?” pagkumbinse ni Madison sa kanya. Nagsalubong ang kilay ng kanyang tito Rey.
“What made you say that? Sabihin mo nga sa akin? May nakausap ka ba sa isa sa mag ama?” her Uncle Rey said critically.
“Yes, Tito at nalaman kong matagal na siyang kaibigan ni Daddy—”
“Mana ka talaga sa Daddy mo, Madison. Pakitaan mo lang ng kabaitan mauuuto agad,” natigilan si Madison sa sinabi ng kanyang Tito. Hindi niya nagustuhan ang sinabi nito. Walang mali sa kabaitan na ipinapakita ng kanyang ama.
“It’s because my father is not an evil, Tito Rey,” hindi maiwasang diinan ni Madison ang kanyang pananalita. Umiling ang kanyang Tito Rey. Hindi makapaniwala na ginagamit niya ang tonong ‘yon sa kanya.
“Hindi mo kilala ang mga Howards, Madison. At kung gusto mo ng maayos na buhay pilitin mong lumayo sa kanila. Your father was close to them. Maaaring hindi niya naipakilala sa ‘yong ina ang mga Howards bilang kaibigan niya ngunit alam ko ang lahat, Madison. At hindi ko na gugustuhin pang makilala ng ‘yong ina ang mga taong ‘yon,” Rey said grittily to his niece.
“But—”
“Your father tried to get away! Humingi ng tulong sa akin ang ama mo na protektahan kayo! Kaya ginawa ko ang lahat para protektahan kayo! Kaya sana naman makinig ka sa ‘kin Madison!” nagulat si Madison sa pagtaas ng tono ng kanyang tiyuhin.
Her father tried to get away? Humingi ng tulong ang kanyang Daddy sa kanyang tito Rey para sa proteksyon?
What the hell just happened between her dad and Solomon?
Part 2: WakasKung totoo nga na nakabalik na si Madison sa Pilipinas hindi niya hahayaang makaalis ulit ito ng hindi niya man lang ito nakikita. O baka naman… sa pagkakataong ito pwede na silang dalawa. Gagawin niya ang lahat para bumalik sa kanya si Madison. Kung kailangan niyang magmakaawa o lumuhod sa harapan ni Mary Ramos ay gagawin niya. He just wants her back.He drove towards Angeline’s house. Sa lahat ng pwedeng tao si Angeline lang ang matatanong niya dahil ito lang naman ang matalik na kaibigan ni Madison. Sa loob ng pitong taon ay hindi siya dito nagtanong. Ngayon lang talaga.Dalawang katok niya lang ay pinagbuksan na siya nito ng pinto. Kitang kita ang gulat sa mga mata nito.“A-Anong ginagawa mo rito?” halata ang gulat sa boses at ekspresyon nito.“I have a few questions to ask, Angeline,” he said. Kataka-taka ang paglabas nito sa bahay kahit pwede naman siya nitong papasukin. Pinagkibit balikat niya na lang ito.“What is it?” tanong nito.Rocco was about to ask when som
Part 1: WakasNapahawak sa sentido niya si Rocco dahil sa ingay ni Apollo at Damian na nagtatalo sa kanyang harapan. Hindi niya alam kung paano siya tumagal na kasama ang dalawang ito. Mabuti na lang hindi nakikisabay si Gregor sa dalawa kung hindi ay kanina niya pa nabaril ang tatlong ‘to.“Napaka walang kwenta mo naman kasi Damian! Syempre aalis yung babae kapag hindi mo pinansin, bobo naman!” pag aadvise ni Apollo kay Damian na masama na ang tingin dito.“Eh tanga ka ba? Paano ko papansinin kung galit nga sa ‘kin? Baka mamaya mas lalo akong masuntok no’n!”“Napaka torpe mo naman. Alam mo dude ang babae nagkukunyare lang yan na galit sa’yo pero ang totoo gwapong gwapo na ‘yan sa’yo!”Greg chuckled a bit with what Apollo said. Mas lalo lang sumakit ang ulo ni Rocco sa sinabi ni Apollo.“Bakit ako maniniwala sa’yo eh hanggang ngayon nasusuntok ka pa rin ni Miss Angeline!” utas naman ni Damian. Doon nagsalubong ang kilay ni Apollo. Mukhang natamaan ang mokong.“Iba kami ng Angeline ko
57: Last kiss“Natatakot akong mas masaktan ko ang aking ina sa oras na harapin ko si Rocco…” she wiped a bit of her tears from her cheeks. “… dahil nasisiguro kong sa oras na subukan ako ni Rocco na sumama sa kanya… baka sumama nga ako at iwan ang aking ina,” patuloy niya.“Kung sakaling… maisipan mong makita siya… ibibigay ko ‘to sa’yo,” Apollo handed her a piece of paper. Binuksan niya ito at natigilan sa nabasa. Ito ang Ramos Residence.“Araw-araw siyang pumupunta diyan… umaasa na pag nagising ka ay ‘yan ang lugar na una mong pupuntahan. Dahil katulad ng pangako niya sa’yo… maghihintay siya sa pagbabalik mo,” he said.Kung ganoon… narinig din ni Apollo ang mga salitang ‘yon ni Rocco. Mas lalong kumirot ang puso niya. Sinikap niyang masabayan si Angeline at Apollo sa mga kalokohan ng mga ito. Sinulit niya ang huling araw na kasama ang kaibigan. Pero alam niya sa sarili niya na ang laman ngayon ng kanyang isipan ay si Rocco.“Kuya Nelson… pwede bang pumunta tayo sa Ramos Residence?”
56: BetrayedPinangarap ni Madison ang magkaroon ng simple at masayang buhay. Nangarap na siya na darating ang panahon na may darating na lalaki upang mahalin ang buong pagkatao niya. Naniniwala siya na may lalaking tatanggap sa kanya. Akala niya noon ang pag-ibig ay katulad lang din ng mga nasa pelikula. Nakakaranas man ng maraming problema sigurado pa ring magkakatuluyan ang mga bida.Pero ngayon niya lang narealized na ang pag-ibig ay maraming pwedeng hantungan. Hangga’t gumagalaw ang panahon at oras hindi mo malalaman ang kasiguraduhan. Walang kasiguraduhan ang lahat kaya naman nang makita niyang nakatutok ang baril sa likod ni Rocco hindi siya nagdalawang isip upang protektahan ito.Dahil kung sakaling mabubuhay siya ng wala si Rocco hinding hindi siya magiging masaya. Kaya naman naisip niyang siya na lang ang magsakripisyo ng buhay dahil iniisip niya na bukod sa kanya maaari pang magmahal si Rocco ng iba.Pero ang isiping may hawak na ibang babae si Rocco ay nagpapakirot ng puso
55: ProtectNilagay siya ni Rocco sa isang sasakyan at doon ay nakita niya si Apollo sa driver seat. Kinabahan siya dahil pakiramdam niya alam niya na ang mangyayari. Nangyari na ito noon at alam niyang ito pa rin ang gagawin ni Rocco para malayo siya sa gulo.“Please… don’t leave me here,” pakiusap ni Madison at mahigpit na hinawakan si Rocco sa damit nito. Naririnig niya pa rin ang mga pagputok ng baril pero dahil nasa sasakyan siya hindi na ito gaanong malakas sa kanyang panrinig.“I’m going to come back, Madison. Kailangan ko ng tapusin ito,” Rocco said gently. Napayuko si Madison dahil alam niyang tama ito pero hindi niya makakaya kung may mangyayaring masama kay Rocco.“P-Paano kung… may mangyaring masama—”“Just like the last time I will be safe. Walang mangyayaring masama sa ‘kin,” sambit nito.Madison bit her lower lip and loosened her hold to Rocco. Bumaba ang kanyang kamay sa kanyang kandungan. Nagtaas siya ng tingin kay Rocco. Ayaw niyang may mangyaring masama kay Rocco p
54: HomeUmihip ang malamig na hangin sa balat ni Madison nang makalabas siya ng sasakyan. Matapos niyang magdesisyon kanina na sabihin kina Layla at sir Sargent kung nasaan ang tape recorder ay hiniling niya sa mga ito na puntahan ang Ramos Residence. Hindi niya pa sinasabi ang eksaktong lugar kung nasaan nga ang tape recorder pero alam niyang nag conclude na ang mga ito na nakatago ang bagay na ‘yon sa Ramos Residence.It’s already 6 in the morning and she can’t help but feel nervous. She didn’t know if she’s doing right. Pero ang nasa isip niya na lang ngayon ay ang kaligtasan ni Rocco. Ayaw niyang mapahamak pa ito kaya kung ito lang ang paraan para mailigtas si Rocco gagawin niya.“Where is it?” tanong ni Layla habang nagmamasid sa buong paligid. Si sir Sargent naman ay tahimik lang sa isang tabi. Marami silang kasamang tauhan ni Layla at lahat ito ay mga armado. Kaya naman kung pipiliin niyang tumakas ngayon wala rin siyang magagawa.“I-I’m… still thinking,” sambit ni Madison. Na