Share

12.1: Trauma

12.1: Trauma

Nag-iwas ng tingin si Madison. Kahit kailan ay hindi niya sinabi kahit kanino na interesado siya sa pagdodoctor. Kahit ang sarili niyang ina at ama ay hindi ‘yon alam ngunit ngayon ay walang hirap niya ‘yong nasabi sa harapan ni Rocco.

“R-Restroom lang ako!” paalam niya sa dalawa at mabilis na umalis ng office ni Kian. Bakit ba palagi na lang siya nadadala ng emosyon sa tuwing kaharap niya na si Rocco? Hindi niya makontrol ang kanyang nararamdaman sa tuwing kaharap niya si Rocco at naiinis siya sa sarili dahil doon. Hindi niya alam kung anong mayro’n kay Rocco kung bakit siya nagkakaganito.

Hinanap niya ang restroom ngunit naalala niyang hindi niya alam ang pasikot sikot dito! Hindi pa naman siya magaling sa direction! Habang naghahanap sa restroom ay natigilan si Madison nang bigla siyang makaramdam ng kakaiba.

Nagpalingon lingon si Madison sa paligid ngunit wala namang kakaiba. Nagpatuloy siya sa paghahanap ngunit ramdam niyang sa bawat hakbang ng kanyang mga paa ay may
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status