Chapter 6.1
SI CAMILA, ang babaeng iniisip at hanap-hanap ngayon ni Brix ay patungo na sa blind date na in-arrange ng pamilya para sa kanya. She knew she got caught by her stepmother's trap.
Sa sandaling iyon, nakaramdam siya ng kaunting kaba. Ginawan siya ng paraan ng kanyang madrasta para maitulak sa sitwasyong ito kaya siguradong may mga plano itong hinanda, hindi nga lang alam ni Camila kung ano iyon.
They want her to have this blind date because the company is facing financial problems? Umarko ang kilay niya sa naisip. Bakit hindi na lang si Charlotte ang ipa-blind date para maikasal sa isang mayamang pamilya, hindi ba?
Sa naisip, biglang sumiklab ang galit ni Camila para sa ama at sa pamilya nito. She wouldn't consider them as family. Hindi rin naman pamilya ang turing sa kanya.
Pero dahil nandito na siya, wala nang magagawa kundi ang harapin ito nang maayos at umayon sa sitwasyon.
“Miss Camila!”
Isang matangkad na lalaki na medyo mukha pa namang tao ang tumayo. Fine, she's kinda judgmental on that part. But this older man really looked like a goon. Lumapit ito para batiin si Camila, halatang mayabang ang dating dahil sa ngisi nito sa mga labi.
Hinatak pa nito ang upuan para kay Camila at panay ang salita. “Hindi ko inaasahan na mas maganda ka pala sa personal. Tama talaga iyong taong kausap ko sa pagkakakilala niya sa’yo. Ikaw ang tipo ko. Kahit may konting isyu ka noon dahil divorced ka na, mas charming talaga ang mature na babae, ‘di ba? Ano sa tingin mo?”
Sinubukan pa nitong hawakan ang makinîs balikat ni Camila mula sa likod ng upuan. Pero naramdaman iyon ni Camila kaya bigla siyang umusog ng upuan.
Nabigo ang plano ng lalaki kaya agad na sumimangot ito at kita ang inis sa mukha.
“Hindi ko inaasahan na ganito ka pala kaarogante, Miss Camila. Kung hindi ka pa iniwan ng asawa mo at isa nang diborsiyadang babae, mas may iyayabang ka pa siguro. Aren't you too full of yourself?”
Binagsak nito ang susi ng isang mamahaling sasakyan sa mesa at humalukipkip. Halatang nagpapakitang-gilas kay Camila.
“Ang mga babae, mahilig lang sa pera, lalo na ang mga tulad mo. Mga materialistic! Ito ang susi ng kotse ko. You can have it pero iayos mo ang ugali mo. How about that?” anito sa tonong may panunuya.
Pero hindi rin nito maitanggi na maganda si Camila. Sa itsura pa lang, panalo na ang lalaki kung matitikman ang babae. Lalo sa hubog ng katawan ni Camila? Walang tapon. Maisip pa lang na katabi ang babae, umiinit na ang katawan ng lalaki.
Camila slowly clapped her hands and looked at the old man who was sitting opposite her and she gave him a cold look. “Akala mo ba, mayaman ka dahil sa pinagmamayabang mong kotse? Siguro nga ilang milya na ang tinakbo ng kotse mo tapos iyayabang mo sa akin? Ang akala mo ba, wala nang ibang may mas mataas na standard? At ikaw ang gagawing standards? Please, no. You keep bringing out my past here na parang ang laking kasalanan ko bilang divorced. What's the problem with that? And here you are, having a date with a divorced woman.”
Pagkasabi noon, tumayo siya at binuhos ang kape sa harapan ng lalaki at nanghahamon na tumingin dito. “Ang dami ko nang nakilalang mayayaman, pero ikaw, ibang klase. Hindi ko pa nakita ang ganyang klaseng tao, eh. Alam ko na rin ngayon kung bakit ka nandito sa blind date—kasi mayabang ka na, masama pa ugali mo.”
Sinabay niya ang pagtakip ng bibig at ilong gamit ang kanyang kamay pagkatapos ay pumaypay siya sa hangin. “I have a suggestion for you. May katapat tayong dentist clinic. Kilala ko ang dentist ‘don ar expert siyang magpagaling sa mga taong may bad breath. Pero you know, ang masamang ugali mo? Parang walang solusyon na diyan, eh.”
Pagkatapos ni Camila na ilabas ang galit, tumalikod siya at naglakad paalis.
Sa mga narinig, dumilim ang mukha ng lalaki at humabol ito para hawakan siya sa braso nang mahigpit. Pinaharap pa siya nito sa gawi nito at mahigpit ang pagkakahawak sa kanya.
Pero hindi natakot si Camila, imbes, inilapit pa niya ang kanyang mukha sa lalaki.
“Sige, subukan mo akong saktan. I'll report you to the authorities. Kapag nanakit ka ng babae, wala nang papatol sa’yo kahit kailan kasi woman beater ka. ”
Camila smiled as she said that. Hindi siya takot sa ganitong eksena.
“Okay!” Sigaw ng lalaki at binitiwan siya. Instead of being mad, halatang may paghangang nakapaskil sa mukha nito.
“You're good, Miss Camila. Hinahangaan kita dahil diyan.”
Tinawag ng lalaki ang waiter at nagpakuha ng isang baso ng red wine. “Miss Camila, please drink this? Pagkatapos nito, we're good alright? Kahit hindi mag-work ang blind date, pwede naman tayong maging magkaibigan tayo, tama?”
Habang tinitingnan ang pulang alak na inabot sa kanya, alam ni Camila na hindi siya makakaalis kung hindi niya ito iinumin.
Kinuha ni Camila ang baso at inubos ito. Pagkatapos, ipinakita niya sa lalaki ang baso bilang patunay na wala nang laman.
Akala niya, matatakot niya ang lalaki, pero hindi niya alam na siya na pala ang biktima ng plano nito.
May kislap ng tagumpay sa mata ng lalaki habang nakatingin sa kanya. Ilang segundo lang, pakiramdam ni Camila ay nahihilo na siya. Lumapit ang lalaki at inalalayan siya na parang magkasintahan, ngunit halata ang malaswang intensyon dahil sa nilalabas nitong ekspresyon.
Dinala si Camila nito sa isang underground garage at pilit siyang isinakay sa kotse.
Habang nakahiga siya at nanghihina, naramdaman niyang may malamig na hangin sa kanyang dibdib at may mabahong amoy sa kanyang mukha kaya napagilid ang mukha niya para umiwas doon.
Wala siyang lakas para kumilos, pero ayaw niyang sumuko kaya kahit hinang-hina, sinubukan niyang gumalaw. Naiiyak si Camila dahil inuna niya ang katangahan. Ngayon, nasa ganito siyang sitwasyon.
Kinagat niya ang kanyang dila para labanan ang epekto ng gamot at pilit hinatak pababa ang laylayan ng kanyang damit bilang huling depensa sa lalaki.
“Sumunod ka na lang sa akin. Kahit na may kwarto akong inihanda para sa'yo, dito lang na lang pala sa kotse dahil ‘yan lang ang karapat-dapat sa’yo. Divorced ka na kaya bakit magiging espesyal ka?” sabi ng lalaki habang tumatawa.
Umiiwas pa rin si Camila pero hindi niya maidilat nang maayos ang mga talukap ng mga mata. Bigla, may narinig siyang malakas na sigaw at nawala ang bigat sa katawan ni Camila.
Nagulat ang manyak nang may pumigil sa kanya at nang tingnan, isa iyong lalaki na inalis ito sa pagkakadagan kay Camila. Bago pa man makapag-react, naramdaman nito ang matinding sakit sa katawan at napahandusay ito sa lupa habang dumadaíng sa sakit ng katawan.
“Who the hell are you? You ruined my good job! Hindi mo ba ako kilala? Makakatikim ka sa akin! Makikita mo!” sigaw ng lalaki, halatang hindi natatakot kahit nasa alanganing sitwasyon dahil hindi nito kilala kung sino ang kaharap.
Lumapit naman ang assistant ni Brix nang makitang tangkang susugurin ng lalaki ang amo. Pinigil nito ang lalaki sa tulong ng mga guards na dala nito. Tumingin ito kay Brix para maghintay ng utos.
Tahimik ang buong garahe, tanging ang marahas na paghinga na lang ng lalaki ang maririnig.
Tiningnan ni Brix ang lalaki nang malamig, ngunit lumambot ang kanyang mata nang mapatingin kay Camila na disoriented ngayon. Hindi niya namalayan na may ganoon na siyang ekspresyon.
“Dalhin ‘yan sa Perez Family, para makita nila kung gaano kagaling ang blind date na inihanda nila. But before that, break his hands. I don't like someone laying their hands on my wife.”
*
Chapter 233Agad na umiwas si Charlotte at nagsabing, "Sandali lang, maliligo muna ako!"Itinulak niya si Morris palayo at tumakbo papunta sa banyo, binuksan ang gripo, at tinawagan si Cyfer. Tinakpan ng tunog ng malakas na tubig ang boses niya."Cyfer, bilisan mo pumunta dito, nasa kwarto ko si Morris, dali!""Ano bang nangyayari?" tanong ni Cyfer na halatang naiinis."Tinatakot ako ni Morris, bilis na!" Dahil hindi niya alam kung kanino kampi si Cyfer, hindi na siya nagbigay ng paliwanag.Gaano man kamuhian ni Cyfer si Charlotte, mahirap para sa kanya na balewalain ang panawagan ng isang babae, kaya napilitan siyang sumang-ayon at sinabing pupunta siya.Pagkabuntong-hininga ni Charlotte, biglang may kumatok sa pintuan ng banyo."Charlotte, huwag ka masyadong matagalan. Gusto mo sabay na lang tayong maligo?""Malapit na 'to, huwag kang mag-alala," sagot niya na may inis sa mukha."Sige, bibigyan kita ng sampung minuto. Pag hindi ka pa lumabas, papasok na ako."Napatingin siya sa slid
Chapter 232Nahihiya si Cyfer at galit kay Charlotte sa pagbibigay ng masamang payo.May kasamang guilt na itsura, sinabi niya, "Pasensya na, baka hindi lang talaga ako nasa ayos. Pasensya na, Miss Perez."Tumayo si Jairus para tulungan si Camila at sinabi, "Cyfer, kung hindi ka okay, magpahinga ka muna. First time ni Camila umarte kaya sana alalayan mo siya.""Tama po kayo, Sir. Nagkamali ako," lumapit si Cyfer kay Camila at humingi ng tawad."Pasensya ka na kung ikaw pa ang naghirap dahil sa akin. Okay ka lang ba?"Umiling si Camila ng malamig, pero sa sumunod na segundo, nanginig ang katawan niya.Agad siyang inalalayan ni Cyfer, at dahil malamig ang palad ni Camila, napakunot noo siya. "Sigurado ka bang okay ka lang?"Hinawakan ni Camila ang noo niya at bahagyang ngumiti, "Okay lang ako."Maganda na talaga si Camila, pero ngayon, mas lalo siyang naging kaakit-akit dahil sa pagkahina niya. Sandaling napatulala si Cyfer.Nasa labas si Charlotte, nakatingin ng masama sa dalawa habang
Chapter 231Pagkatapos maligo, lumabas si Camila at nagtanong nang may pagtataka:"Yuri, sino 'yung dumalaw kanina?""Si Charlotte, dumalaw para makita ka." Lumapit si Yuri habang may dalang mga skincare products. "Humiga ka na, aayusin kita.""Ah, okay."Sumunod naman si Camila at humiga sa beauty bed habang ninanamnam ang masahe ni Yuri. Sa buong araw na magkasama sila, napansin ni Camila na parang lahat ay kaya ni Yuri. Marunong siya sa lahat at parang sanay na sanay.Pagkatapos ng skincare, naghanda ng hapunan si Yuri. Puro gulay at prutas lang, walang kahit anong karne. Sabi niya, hindi pwedeng tumaba si Camila kasi hindi raw maganda sa camera.Napabuntong-hininga si Camila, kinain lahat ng hilaw na gulay, tapos natulog na.Kinabukasan, nagising si Camila dahil sa alarm clock na alas sais ng umaga. Bumangon siya at pumasok sa banyo. Pakiramdam niya, parang mas makinis ang balat niya ngayon kumpara kahapon, o baka guni-guni lang niya."Camila, gising ka na ba?" ani Yuri habang ku
Chapter 230Tumango ang assistant director. "Oo, boyfriend niya. Bakit?""Wala naman."Palihim na kumunot ang noo ni Morris at sumenyas kay Cyfer na magpatuloy sa pag-arte.Hindi magkasundo ang magkapatid na Perez at si Cyfer ay boyfriend ni Charlotte. Hindi niya alam kung magiging okay kay Camila kung siya ang magiging male lead.Pero hindi rin naman niya isusuko ang isang gwapo at sikat na aktor dahil lang dito. Habang iniisip iyon, pinanood niyang mabuti ang pagganap ni Cyfer.Sa hindi inaasahan, talagang nasiyahan siya sa acting nito.May tipikal na gwapong mukha si Cyfer - mahahabang kilay, matangos na ilong, at perpektong hugis ng mukha. Lalo na't maliit ang kanyang mukha kumpara sa iba, kaya napakaganda niya sa screen.Ang karakter ng male lead na si Lindon ay kailangang maging mas makapangyarihan at dominante sa mga huling bahagi ng kwento. Kahit hindi perpekto ang pagganap ni Cyfer, siya pa rin ang pinaka-mahusay sa lahat ng nakita niya.Tumingin siya sa assistant director, a
Chapter 229Inayos ni Eric ang kanyang kwelyo na ginulo ni Brix at napangiti nang bahagya, "Huwag mo nang alalahanin, Young Master Monterde."Bahagyang nadismaya si Brix. "Hindi ko alam kung kailan aalis si Mr. Pimentel. Paano kung ipaghanda kita ng despedida bago ka umalis?""Huwag na, ayos lang ako." Pilit ang ngiti ni Eric, pero nanatili siyang kalmado.Tumaas nang bahagya ang kilay ni Brix. Sayang at hindi niya mismo mapapaalis ang matagal na niyang karibal.Napairap si Camila. "Sige na, tigilan niyo na ang pagpapanggap."Lumingon si Brix at kinurot ang pisngi niya. "Bakit parang kabisado mo na ako?""‘Wag mo akong hawakan!" Pinagpag ni Camila ang kamay niya."E ano naman kung hawakan kita?" Muli siyang kinurot ni Brix."Ikaw talaga!" Napalaki ang mga mata ni Camila, mukhang isang galit na maliit na puffer fish.Natakot si Brix na baka tuluyang magalit o maiyak siya, kaya agad niyang inalis ang kamay niya."Mr. Monterde, Camila—" biglang nagsalita si Eric, sabay tingin sa kanyang
Chapter 228"Charlotte! Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ba hiwalay na tayo?" sigaw ni Cyfer sa kabilang linya ng telepono."Ano bang gusto mong gawin?"Malamig ang mukha ni Charlotte habang sinagot ito, "Sinabi ko na sa agent mo, gusto kong makipagbalikan sa’yo.""Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin, tapos ikaw rin ang gusto makipagbalikan? Ano bang ibig mong sabihin?""Hindi na mahalaga yun. Gawin mo na lang ang sinasabi ko.""Charlotte, baliw ka na ba? Bakit ako susunod sa’yo?""Oh, baliw pala ha? Kung hindi mo ako pagbibigyan, huwag mo akong sisihin kung ilabas ko ang katotohanan na tumanggap ka ng pera. Huwag mo rin akong sisihin kung bigla akong magwala sa internet. Kapag nangyari yun, masisira ang imahe mong 'prime actor' at siguradong hindi maganda ang kalalabasan niyan.""Charlotte!" galit na galit si Cyfer at napakuyom ang kamao. "Sobra na ang mga naitulong ko sa’yo!""Kung gusto mong takutin ako gamit ‘yan, sige, ilabas mo na lang!" Hindi ba’t 30 milyon lang naman ang tinanggap