Share

Kabanata 5

last update Last Updated: 2024-12-26 09:05:40

Kabanata 5

TINITIGAN ni Braylee si Brix habang ito’y nakayuko. Ang gwapo ng lalaki pero napansin din ng bata ang mga sugat sa mukha ng lalaki. Dahan-dahan niyang hinawakan ito gamit ang maliit niyang kamay.

"Uncle, masakit ba?"

Parang may kumurot sa puso ni Brix. Ang malambot na boses ng bata ay tila may hinaplos sa kanyang kalooban.

"I'm not hurt, little kid. You, why are you alone?" tanong ni Brix na nagulat sa sarili sa lambot ng tonong gamit niya sa bata. 

‘Kung buhay pa ang anak ko... baka ganito rin ako kalambing magsalita sa kanya.’

Ngumiti si Brix sa naisip at nahiya naman si Braylee sa ngiti ni Brix. Masaya nitong tinakpan ang mukha gamit ang kamay.

“Uncle, ang gwapo mo pala kapag ngumiti! Nahihiya ako!” Mas lalong natawa si Brix. Ang batang kaharap ay talagang magaling magpa-cute.

"Ako nga pala si Braylee. Pero hindi ko pwedeng sabihin ang full name ko. Sabi ni Mommy, huwag daw akong magtiwala sa strangers."

Napangiti si Brix. “Is that so? But you're alone. Samahan muna kita sandali.”

Ngumuso ang bata at sumimangot kay Brix. "Kaya ko ang sarili ko. Gusto ko lang makita ang lugar kung saan nag-aral si Mommy noon."

Tahimik na tiningnan ni Brix ang bata. Ang tapang nitong bata para umalis mag-isa pero hindi niya ito masita at baka umiyak ang bata. 

Sa huli, nakuha ni Braylee ang loob ni Brix. Nagpunta sila sa isang convenience store habang nagpapalipas ng oras. 

"Uncle, gusto ko ng popsicle!" masiglang sabi ni Braylee habang tinitingnan ang mga frozen treats.

Hindi makatanggi si Brix kaya binilhan niya ito. Nang tinikman niya ang popsicle na binili kasabay ng popsicle ni Braylee, tapos ay naalala niya si Camila. Noong teenagers pa nila, paborito rin ni Camila ang popsicle na may milk flavor.

Habang kumakain sila, natanong ni Brix ang bata. "Ang mommy mo, nag-aral ba dito dati?"

Tumango si Braylee. "Opo, Uncle! Sabi ni Mommy, ang dami raw niyang masasayang alaala rito pero hindi siya makapunta kasi laging pagod kaka-work para sa akin kaya kailangan kong tumulong sa kanya."

Nahabag si Brix kay Braylee. He's still young to think about helping his mother. Siguro ay nasa apat na taon pa lang ang bata pero may pag-iisip nang ganoon. 

"Si Mommy kasi mag-isa lang at kailangan niya akong alagaan. Palaging akong may sakit at sobrang pagod na si Mommy araw-araw sa work kaya lagi masakit heart ko kasi sad ako para kay Mommy. Papagod siya tapos magastos ako."

Habang nagsasalita, biglang tumayo si Braylee at nilagay nito ang kamay sa beywang. "Kaya dapat maging big boy na agad ako o kaya naman, maghahanap ako ng magiging Papa ko para may asawa na si Mommy! Para hindi siya mag-isa!"

Natatawa si Brix habang nakikinig kay Braylee. Bibong-bibo ang bata at kung hindi raw ito makakatulong, maghahanap ito ng magiging Papa para sa Mommy nito. Hindi namalayan ay naubos ni Brix ang popsicle na kinakain sa aliw kay Braylee. 

Nang dumilim na, tiningnan ni Brix si Braylee nang may pag-aalala. Lumapit siya rito at hinaplos ang malambot na buhok nito, may pagmamalasakit sa kanyang mukha na hindi niya inaasahan.

"Ano ang pangalan ng Mommy mo?"

Brix was thinking of looking for this kid's mom. Delikado ang panahon ngayon. Paano kung mapahamak ito? 

"Ca..." Pinutol ni Braylee ang salita. "Sabi ni Mommy, bawal daw basta sabihin ang pangalan namin sa mga hindi kakilala."

“Kung ganoon, ihahatid na lang kita pauwi. It's close to evening. Delikado para sa bata ang mag-isa.”

Napa-cross arms si Braylee, nakasimangot. “Ayaw mo ba akong kasama kaya pinapaalis mo na ako, Uncle? Lalaki pa naman pero ayaw mo ng responsibilidad. Ikaw ang gusto akong kasama tapos ngayon, iiwan mo na lang ako bigla.”

Bahagyang kumunot ang noo ni Brix, hindi niya inasahan na makakarinig ng ganitong salita mula sa bata. Who told this little kid he's abandoning him? 

Ihahatid = Inaabandona? 

"Pwede bang magsalita ka nang maayos. Don't talk like an adult, Braylee? Don't be like them, hmm." Naiinis na siya pero hinaplos pa rin niya ang ulo ng bata.

Nagdahilan si Braylee, sinabing napanood lang nito sa TV ang sinasabi pero ayaw pa rin nitong tigilan si Brix. “Hindi! Ang mga lalaki dapat hindi tinatanggi ang responsibilidad nila. Lalaki tayo kaya dapat maging responsible man tayo. Hindi ako tutulad sa'yo kung iresponsable ka, Uncle.”

Dahil bata pa, walang preno si Braylee sa sinasabi nito. Sa sinabi ng bata, nakaramdam si Brix ng kakaiba. Parang may sinisisi ang bata sa kanya kahit na alam niya naman na napulot lang nito ang mga sinasabi sa telebisyon. 

“Hindi maganda na ganyan ang ugali mo, Uncle. Ang laki mo na pero parang hindi mo alam ‘yon.” 

Parang proud pang tumingin si Braylee pagkatapos sabihin iyon kay Brix na hindi na maipinta ang mukha. 

"Braylee, hindi na maganda ang sinasabi mo. Be a good kid, hmm?"

Medyo galit si Brix at tiningnan si Braylee nang masama pero nang makita ang inosente nitong tingin, nawala nang parang bula ang kanyang inis. 

God, he couldn't do anything to this kid. Sa huli, napilitan si Brix na sumuko. Talagang natalo siya ng cute na itsura ni Braylee, parang likas ang pagkagusto niya sa bata. 

Namalayan na lang ni Brix na nasa loob na ng kotse si Braylee. Nagmaneho siya para isama ito sa pupuntahan. 

Pagdating sa bahay ng lolo ni Brix, nakita ni Brix ang mga tagapaglingkod nila na nakatingin sa bata na parang gustong kunin si Braylee sa kanya. Brix creased his forehead. 

Brix wanted to hide Braylee to protect him, pero huli na dahil nahablot na ito ng isang matandang babae. Niyakap nito si Braylee nang mahigpit, tila ayaw nang bitawan.

Hindi naman pumalag si Braylee, mukhang natutuwa pa sa atensyon na nakuha. Magalang si Braylee habang ini-interview ito ng mga katulong at katiwala ng lolo ni Brix. 

"Hala, little master po ba namin ‘to, Sir Billy? Ang gwapo niya at kamukhang-kamukha ninyo, Sir. Nagugutom ka ba, little master? Anong gusto mong kainin?"

Nakipagkilala ang bata, tinawag ang mga helper ng kuya, ate, lolo, at lola.

Napailing si Brix, pakiramdam niya’y wala siyang panama sa batang ito. 

Sa ilalim ng papalubog na araw, nakita niya si Braylee na sakay ng isang kabayo na galing sa kwadra. Tumakbo siya para alalayan ito pero nakita niyang marunong itong sumakay. Namangha si Brix. 

Ang cute talaga ni Braylee. Kung wala lang ditong maghahanap at maaaring manatili sa kanya, bibigyan ni Brix si Braylee ng magandang buhay at hindi niya papayagang maghirap.

Habang lumilipas ang oras, narinig niya ang usap-usapan ng mga helper. 

“Si Little Master, ang galing at ang cute niya.”

“Sana dito na lang tumira si Little Master. Tingnan mo, parang hindi bata kung sumakay ng kabayo.”

Nagkunwaring hindi interesado si Brix sa sinasabi nila pero natutuwa siya habang patungo sa kwarto. Nang lumabas siya, wala na si Braylee. Kinabahan si Brix. 

"Where's Braylee? Hindi n'yo ba binantayan ang bata?!"

Napayuko ang mga helper sa galit ni Brix. Sa wakas, may umimik. "Umalis na po si Little Master. Sabi niya, baka mag-alala na ang Mommy niya kaya uuwi na siya. Dahil alam ang address pauwi, nagpahatid po siya sa isa sa driver."

Bahagyang nakahinga nang maluwag si Brix, pero nag-alala pa rin. Biglang tumunog ang cellphone.

“What did you say? Camila went to a fúcking blind date? That woman! Humanda siya sa akin!” 

Bumaling si Brix sa isa sa mga katulong. “Ihanda ang sasakyan! I'm going somewhere!”

*

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 230

    Chapter 230Tumango ang assistant director. "Oo, boyfriend niya. Bakit?""Wala naman."Palihim na kumunot ang noo ni Morris at sumenyas kay Cyfer na magpatuloy sa pag-arte.Hindi magkasundo ang magkapatid na Perez at si Cyfer ay boyfriend ni Charlotte. Hindi niya alam kung magiging okay kay Camila kung siya ang magiging male lead.Pero hindi rin naman niya isusuko ang isang gwapo at sikat na aktor dahil lang dito. Habang iniisip iyon, pinanood niyang mabuti ang pagganap ni Cyfer.Sa hindi inaasahan, talagang nasiyahan siya sa acting nito.May tipikal na gwapong mukha si Cyfer - mahahabang kilay, matangos na ilong, at perpektong hugis ng mukha. Lalo na't maliit ang kanyang mukha kumpara sa iba, kaya napakaganda niya sa screen.Ang karakter ng male lead na si Lindon ay kailangang maging mas makapangyarihan at dominante sa mga huling bahagi ng kwento. Kahit hindi perpekto ang pagganap ni Cyfer, siya pa rin ang pinaka-mahusay sa lahat ng nakita niya.Tumingin siya sa assistant director, a

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 229

    Chapter 229Inayos ni Eric ang kanyang kwelyo na ginulo ni Brix at napangiti nang bahagya, "Huwag mo nang alalahanin, Young Master Monterde."Bahagyang nadismaya si Brix. "Hindi ko alam kung kailan aalis si Mr. Pimentel. Paano kung ipaghanda kita ng despedida bago ka umalis?""Huwag na, ayos lang ako." Pilit ang ngiti ni Eric, pero nanatili siyang kalmado.Tumaas nang bahagya ang kilay ni Brix. Sayang at hindi niya mismo mapapaalis ang matagal na niyang karibal.Napairap si Camila. "Sige na, tigilan niyo na ang pagpapanggap."Lumingon si Brix at kinurot ang pisngi niya. "Bakit parang kabisado mo na ako?""‘Wag mo akong hawakan!" Pinagpag ni Camila ang kamay niya."E ano naman kung hawakan kita?" Muli siyang kinurot ni Brix."Ikaw talaga!" Napalaki ang mga mata ni Camila, mukhang isang galit na maliit na puffer fish.Natakot si Brix na baka tuluyang magalit o maiyak siya, kaya agad niyang inalis ang kamay niya."Mr. Monterde, Camila—" biglang nagsalita si Eric, sabay tingin sa kanyang

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 228

    Chapter 228"Charlotte! Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ba hiwalay na tayo?" sigaw ni Cyfer sa kabilang linya ng telepono."Ano bang gusto mong gawin?"Malamig ang mukha ni Charlotte habang sinagot ito, "Sinabi ko na sa agent mo, gusto kong makipagbalikan sa’yo.""Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin, tapos ikaw rin ang gusto makipagbalikan? Ano bang ibig mong sabihin?""Hindi na mahalaga yun. Gawin mo na lang ang sinasabi ko.""Charlotte, baliw ka na ba? Bakit ako susunod sa’yo?""Oh, baliw pala ha? Kung hindi mo ako pagbibigyan, huwag mo akong sisihin kung ilabas ko ang katotohanan na tumanggap ka ng pera. Huwag mo rin akong sisihin kung bigla akong magwala sa internet. Kapag nangyari yun, masisira ang imahe mong 'prime actor' at siguradong hindi maganda ang kalalabasan niyan.""Charlotte!" galit na galit si Cyfer at napakuyom ang kamao. "Sobra na ang mga naitulong ko sa’yo!""Kung gusto mong takutin ako gamit ‘yan, sige, ilabas mo na lang!" Hindi ba’t 30 milyon lang naman ang tinanggap

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 227

    Chapter 227Matapos isara ang kahon, itinaas ni Camila ang tingin at tinitigan siya."Hindi ako interesado.""Ah, eh, ito..."Hindi pinansin ni Camila ang mukhang kunot na noo ni Morris at handa na sanang paalisin ito nang biglang tumakbo si Ruby papunta sa kanya na halatang kinakabahan."Ma’am! Ang kapatid niyo po, ang kapatid niyo...""Camila!"Isang pigura na nakasuot ng itim at puti ang mabilis na lumapit at matalim na tinitigan siya.Dahan-dahang lumakad si Camila papunta kay Ruby at iniabot ang kahon. "Dalhin mo 'yan sa taas."Pagkatapos, humarap siya kay Charlotte at may panunuksong sinabi, "Bakit? Bakit ang bilis mong tumakbo? Hinahabol ka ba ng aso o baka naman naaksidente na si Vivian kaya ka nagmamadali?""Manahimik ka! Huwag mong isumpa ang nanay ko!"Masamang tumingin si Charlotte sa kanilang dalawa bago mapait na ngumiti.Matapos siyang tanggihan ni Morris kahapon, nagpagawa siya ng paraan para alamin kung nasaan ito. At hindi niya inaasahan na maaga pa lang ay pumunta n

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 226

    Chapter 226Pagbalik ni Camila sa pamilya Monterde at makita ang pamilyar na paligid, pakiramdam niya ay parang matagal siyang nawala.Pagkatapos maghapunan, umakyat siya sa itaas. Pareho pa rin ang ayos ng kwarto niya gaya noong umalis siya. Matapos magmasid saglit, humiga siya sa sofa."Mommy!" Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip ang maliit na ulo ni Braylee.Kinawayan siya ni Camila, "Halika rito."Masayang tumakbo papasok ang bata, humiga sa tabi niya sa sofa, parang isang maamong kuting.Hinaplos ni Camila ang malambot niyang buhok. Habang tahimik at mainit ang atmospera, biglang bumukas ulit ang pinto.Sabay na itinaas ng mag-ina ang kanilang ulo at nakita si Brix na nakasuot ng mahabang kulay abong pantulog na papasok sa kwarto."Brix, may kailangan ka ba?" Halata sa boses ni Camila na hindi niya ito gustong makita."Wala naman."Lumapit siya sa sofa, tumayo sa harap ni Braylee, at itinuro ang pinto gamit ang baba. "Gabi na, matulog ka na."Hinawakan ni Braylee nang mahi

  • Billionaire Daddy Please Divorce my Mommy   Chapter 225

    Chapter 225"Direktor Morris? Anong nangyayari sa'yo?"Nang makita siyang tulala, hindi napigilan ni Charlotte na tawagin siya."Ayos lang ako."Tumayo si Morris at nag-ayos para umalis."Direktor Morris, sandali lang!"Nagmamadali si Charlotte, hindi pa nga niya nasasabi ang totoong pakay niya. Huminto si Morris at kalmadong tumingin sa kanya. Para bang kaya niyang basahin ang iniisip ng tao."Anong role ang gusto mo sa pelikula ko?"Nabuking ang plano niya, kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Charlotte at deretsong sinabi:"Nabalitaan ko na naghahanap ka ng bidang babae para sa pelikula mong 'Smoke and Willow Heartbreak'. Pwede mo bang tingnan kung bagay ako sa role?"Sinukat siya ni Morris mula ulo hanggang paa, saka umiling. "Hindi tugma ang aura mo sa karakter ng bida ko. Pasensya na, Miss Perez. Salamat sa pagsundo sa akin ngayon."Ang babaeng bida sa "Smoke and Willows" ay dapat isang pambihirang ganda—pero ang kagandahang dalisay at inosente. Wala sa alinman sa dalawang kat

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status