Chapter 6.2
PAGKARATING pa lang ni Brix sa coffee shop, wala siyang nakitang Camila na hinahanap. Kaya naman inutusan niya ang mga subordinates na hanapin ito nang mabilis. Mamaya ay kung ano na ang nangyari sa babaeng iyon. May pagkatanga pa naman si Camila at mabilis ma-take advantage.
At tama nga ang hinala ni Brix dahil nakita niya na lang ang sarili na sinuntok ang lalaking may balak gawing masama rito.
"Damn it. What kind of stupid are you, woman?" he murmured as he hugged her.
Dahil sa sigawan, bahagyang nagising ang diwa ni Camila. Dahan-dahan nitong iminulat ang mga mata at tiningnan ang lalaki sa harapan. Napakunot si Camila ng noo at mahina nitong tinawag ang pangalan ng lalaki sa balintanaw.
"Brix... Are you a dream?"
Ang hitsura ni Camila sa mga bisig niya ay lalong nakapagpagalit kay Brix.
Ano?
Bilang asawa kahit sa papel na lang, ganoon ba kaimposibleng puntahan niya ito para bantayan ang blind date? Bakit naisip nito na panaginip lang siya?
Napakurap pa ang mga mata ni Camila na hindi ma-focus habang nakatitig kay Brix.
"Yes, this is a dream."
Bagamat minsan ay inisip ni Camila na magpapakita si Brix bilang "knight in shining armor" para iligtas si Camila sa kapahamakan, parang malabo itong mangyari dahil sa kanilang sitwasyon ngayon.
Biglang tumalab ang gamot na ininom ni Camila. Sa kawalan ng kontrol at biglang init na naramdaman sa katawan, bigla nitong hinàlikan si Brix.
Sa tahimik na paligid narinig ang tunog ng magaan at biglaang hàlik na ginawa ni Camila.
Hinawakan ni Brix ang ulo ni Camila at sa hindi maipaliwanag na dahilan, naging agresibo siya at pinalalim ang magaang hàlik sa kanya nito.
Nagpumiglas si Camila nang naramdaman ang marahas niyang mga hàlik, pilit siyang itinulak palayo. Naramdaman ni Brix ang tulak sa dibdib niya kaya binitiwan niya si Camila.
Napahinga ng malalim si Camila parang natauhan na. "Brix, are you crazy?"
Nakalimutan ni Brix na nakainom pala ng gamot ang babae. Tinignan niya ito nang malamig at hinawakan ang pulso nito nang mahigpit.
"You're the one who kissed me. If you really feel something and need to ease it, why don't you go home with me?"
Hindi na hinihintay ang sasabihin ni Camila, hinila ni Brix ang babae papunta sa kotse.
Tahimik lang ang mga tauhan ni Brix sa paligid, halatang naaawa sila kay Camila habang halos kaladkarin ito ng asawa pero hindi makapagsalita dahil boss nila ang lalaki.
May biglaan silang narinig ng nagmamadaling yabag at kasunod noon…
"Ano'ng gagawin mo kay Camila?!" galit na sabi ni Eric, hinihingal pa dahil sa pagtakbong ginawa.
Tumingin si Brix sa kanya nang may bahid ng paghamak. Hindi niya napansin si Braylee na kasama ni Eric dahil ang atensyon niya ay sa 'boyfriend' ni Camila.
"Isasama ko ang asawa ko pauwi. You don't have to meddle with our business!"
Sa narinig na salitang "asawa," tila nagising si Camila.
‘This is not a dream?!’
Napansin ni Brix ang kakaibang reaksyon ni Camila. Nang tumingin siya dito, galit na galit na ang ekspresyon ni Camila.
Gamit ang naipong lakas, biglang hinila ni Camila ang kamay nito mula sa pagkakahawak ni Brix at lumayo rito
"Pasensya na, Mr. Monterde, mas mabuti pa siguro kung uuwi na lang ako kasama ang boyfriend ko."
Pagkatapos ng sinabi ni Camila, bigla itong nanghina at halos mawalan na naman ng malay.
Mabilis namang sinalo si Camila ni Eric at inakay ito nang parang prinsesa, pagkatapos ay may kayabangang tumingin kay Brix bago tumalikod at lumakad paalis.
Bahagyang napakunot ang noo ni Brix. Nagngingitngit siya sa galit habang nakatanaw sa kanila. Asawa niya si Camila pero paanong buhat ito ng ibang lalaki?
Fúcking fúck!
Saka lang napansin ni Brix na may batang nakasunod kay Eric. Nanliit ang mga mata niya at pinagmasdan pa ito.
Why does this child look familiar to him?
Bago pa siya makapag-isip ng mabuti, may narinig siyang boses
"…Billy, they already left. Let's go."
Napatingin si Brix kay Daisy na biglang sumulpot. Nagtaka siya kung sinong bodyguard niya ang nagsabi sa babaeng ito ng schedule niya.
He will fire that guy after he finds him. Goddammit.
Habang nakatingin si Brix kay Daisy, naagaw ang atensyon ni Daisy ng medyo namamàgang mga labi ni Brix. Agad nitong naisip na naghàlikan si Brix at Camila bago umalis ang babae na nagpangitngit ng kalooban nito.
"Ano bang gusto ni Camila? Una, gusto niyang makipag-divorce sa 'yo pero hinàlikan ka niya? Malandi talaga siya! She already got a boyfriend like what she said a while ago, hindi ba? Why did she kiss you? Hindi niya ba alam na masamang example iyon sa batang kasama nila?"
Bata?
Nagulat si Brix. Naalala niya si Braylee. Hawig ni Braylee ang batang nakasunod kay Eric at Camila…
Si Braylee ba ay anak ni Camila? At... baka anak ni Camila sa lalaking iyon?
Imposible. Kung anak ni Camila si Braylee, hindi dapat ganoon kalaki ang bata. Dapat mas maliit pa ang bata, hindi ba?
Napansin ni Daisy na walang reaksyon si Brix kaya mas lalo itong nainis. "Billy… si Camila, gusto kang hiwalayan pero siya rin mismo ang panay ang pakita sa 'yo! She also took advantage of you like kissing you while saying she doesn't like you anymore! Napakapapansin talaga ng babaeng iyon! She could never deserve you!"
Patuloy na tinititigan ni Daisy ang labi ni Brix, halatang galit sa kung gaano katindi ang nangyari kanina.
Si Brix naman, imbes na makaramdam ng saya, lalo siyang nagagalit sa mga tumatakbo sa isip.
Camila only kissed him because of drûgs but she went home with that guy! Hinaplos ni Brix ang labi niya gamit ang kanyang daliri at inisip kung ano ang hitsura ng labi ni Camila pagkatapos ng nangyari.
Kapag ba nakauwi sila, maghahàlikan sila na maaaring mauwi sa ibang bagay?
Napapikit sa inis at galit si Brix!
But there's something else he also feels.
Na-miss niyang halíkan ang mga labi nito. Hindi alam ni Brix na napangiti siyang bahagya habang hawak ang labi. Ngunit nabigla si Brix noong sapuhin ni Daisy ang mukha niya at iharap dito.
"Billy… alam kong hindi ka masaya sa lahat ng nangyari. Kung ako lang sana ang pinakasalan mo, hindi mo mararanasan ang ganito."
Tinanggal ni Brix ang kamay ng babae mula sa kanyang mukha.
Sa ilalim ng ilaw ng parking lot, hindi mabasa ang ekspresyon ni Brix habang nakatitig kay Daisy. Pero ramdam ng babae na may kakaiba sa mga tingin ni Brix.
Nakaramdam ng kaba si Daisy. Ngayon lang niya nakita si Brix na ganito ang turing sa kanya, parang leon na nagpipigil ng galit.
Matagal bago nagsalita si Brix. Sa malamig nitong boses sinabi ang mga bagay na nagpasakit ng kalooban ni Daisy.
"I just treat you like my little sister so don't confuse things, Daisy."
Halos hindi makahinga si Daisy. Lalo na noong umalis ito sa harapan niya pagkatapos sabihin iyon.
‘Ano 'to? Is he rejecting me, ganoon ba?’ sigaw ng isipan niya.
.
Chapter 233Agad na umiwas si Charlotte at nagsabing, "Sandali lang, maliligo muna ako!"Itinulak niya si Morris palayo at tumakbo papunta sa banyo, binuksan ang gripo, at tinawagan si Cyfer. Tinakpan ng tunog ng malakas na tubig ang boses niya."Cyfer, bilisan mo pumunta dito, nasa kwarto ko si Morris, dali!""Ano bang nangyayari?" tanong ni Cyfer na halatang naiinis."Tinatakot ako ni Morris, bilis na!" Dahil hindi niya alam kung kanino kampi si Cyfer, hindi na siya nagbigay ng paliwanag.Gaano man kamuhian ni Cyfer si Charlotte, mahirap para sa kanya na balewalain ang panawagan ng isang babae, kaya napilitan siyang sumang-ayon at sinabing pupunta siya.Pagkabuntong-hininga ni Charlotte, biglang may kumatok sa pintuan ng banyo."Charlotte, huwag ka masyadong matagalan. Gusto mo sabay na lang tayong maligo?""Malapit na 'to, huwag kang mag-alala," sagot niya na may inis sa mukha."Sige, bibigyan kita ng sampung minuto. Pag hindi ka pa lumabas, papasok na ako."Napatingin siya sa slid
Chapter 232Nahihiya si Cyfer at galit kay Charlotte sa pagbibigay ng masamang payo.May kasamang guilt na itsura, sinabi niya, "Pasensya na, baka hindi lang talaga ako nasa ayos. Pasensya na, Miss Perez."Tumayo si Jairus para tulungan si Camila at sinabi, "Cyfer, kung hindi ka okay, magpahinga ka muna. First time ni Camila umarte kaya sana alalayan mo siya.""Tama po kayo, Sir. Nagkamali ako," lumapit si Cyfer kay Camila at humingi ng tawad."Pasensya ka na kung ikaw pa ang naghirap dahil sa akin. Okay ka lang ba?"Umiling si Camila ng malamig, pero sa sumunod na segundo, nanginig ang katawan niya.Agad siyang inalalayan ni Cyfer, at dahil malamig ang palad ni Camila, napakunot noo siya. "Sigurado ka bang okay ka lang?"Hinawakan ni Camila ang noo niya at bahagyang ngumiti, "Okay lang ako."Maganda na talaga si Camila, pero ngayon, mas lalo siyang naging kaakit-akit dahil sa pagkahina niya. Sandaling napatulala si Cyfer.Nasa labas si Charlotte, nakatingin ng masama sa dalawa habang
Chapter 231Pagkatapos maligo, lumabas si Camila at nagtanong nang may pagtataka:"Yuri, sino 'yung dumalaw kanina?""Si Charlotte, dumalaw para makita ka." Lumapit si Yuri habang may dalang mga skincare products. "Humiga ka na, aayusin kita.""Ah, okay."Sumunod naman si Camila at humiga sa beauty bed habang ninanamnam ang masahe ni Yuri. Sa buong araw na magkasama sila, napansin ni Camila na parang lahat ay kaya ni Yuri. Marunong siya sa lahat at parang sanay na sanay.Pagkatapos ng skincare, naghanda ng hapunan si Yuri. Puro gulay at prutas lang, walang kahit anong karne. Sabi niya, hindi pwedeng tumaba si Camila kasi hindi raw maganda sa camera.Napabuntong-hininga si Camila, kinain lahat ng hilaw na gulay, tapos natulog na.Kinabukasan, nagising si Camila dahil sa alarm clock na alas sais ng umaga. Bumangon siya at pumasok sa banyo. Pakiramdam niya, parang mas makinis ang balat niya ngayon kumpara kahapon, o baka guni-guni lang niya."Camila, gising ka na ba?" ani Yuri habang ku
Chapter 230Tumango ang assistant director. "Oo, boyfriend niya. Bakit?""Wala naman."Palihim na kumunot ang noo ni Morris at sumenyas kay Cyfer na magpatuloy sa pag-arte.Hindi magkasundo ang magkapatid na Perez at si Cyfer ay boyfriend ni Charlotte. Hindi niya alam kung magiging okay kay Camila kung siya ang magiging male lead.Pero hindi rin naman niya isusuko ang isang gwapo at sikat na aktor dahil lang dito. Habang iniisip iyon, pinanood niyang mabuti ang pagganap ni Cyfer.Sa hindi inaasahan, talagang nasiyahan siya sa acting nito.May tipikal na gwapong mukha si Cyfer - mahahabang kilay, matangos na ilong, at perpektong hugis ng mukha. Lalo na't maliit ang kanyang mukha kumpara sa iba, kaya napakaganda niya sa screen.Ang karakter ng male lead na si Lindon ay kailangang maging mas makapangyarihan at dominante sa mga huling bahagi ng kwento. Kahit hindi perpekto ang pagganap ni Cyfer, siya pa rin ang pinaka-mahusay sa lahat ng nakita niya.Tumingin siya sa assistant director, a
Chapter 229Inayos ni Eric ang kanyang kwelyo na ginulo ni Brix at napangiti nang bahagya, "Huwag mo nang alalahanin, Young Master Monterde."Bahagyang nadismaya si Brix. "Hindi ko alam kung kailan aalis si Mr. Pimentel. Paano kung ipaghanda kita ng despedida bago ka umalis?""Huwag na, ayos lang ako." Pilit ang ngiti ni Eric, pero nanatili siyang kalmado.Tumaas nang bahagya ang kilay ni Brix. Sayang at hindi niya mismo mapapaalis ang matagal na niyang karibal.Napairap si Camila. "Sige na, tigilan niyo na ang pagpapanggap."Lumingon si Brix at kinurot ang pisngi niya. "Bakit parang kabisado mo na ako?""‘Wag mo akong hawakan!" Pinagpag ni Camila ang kamay niya."E ano naman kung hawakan kita?" Muli siyang kinurot ni Brix."Ikaw talaga!" Napalaki ang mga mata ni Camila, mukhang isang galit na maliit na puffer fish.Natakot si Brix na baka tuluyang magalit o maiyak siya, kaya agad niyang inalis ang kamay niya."Mr. Monterde, Camila—" biglang nagsalita si Eric, sabay tingin sa kanyang
Chapter 228"Charlotte! Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ba hiwalay na tayo?" sigaw ni Cyfer sa kabilang linya ng telepono."Ano bang gusto mong gawin?"Malamig ang mukha ni Charlotte habang sinagot ito, "Sinabi ko na sa agent mo, gusto kong makipagbalikan sa’yo.""Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin, tapos ikaw rin ang gusto makipagbalikan? Ano bang ibig mong sabihin?""Hindi na mahalaga yun. Gawin mo na lang ang sinasabi ko.""Charlotte, baliw ka na ba? Bakit ako susunod sa’yo?""Oh, baliw pala ha? Kung hindi mo ako pagbibigyan, huwag mo akong sisihin kung ilabas ko ang katotohanan na tumanggap ka ng pera. Huwag mo rin akong sisihin kung bigla akong magwala sa internet. Kapag nangyari yun, masisira ang imahe mong 'prime actor' at siguradong hindi maganda ang kalalabasan niyan.""Charlotte!" galit na galit si Cyfer at napakuyom ang kamao. "Sobra na ang mga naitulong ko sa’yo!""Kung gusto mong takutin ako gamit ‘yan, sige, ilabas mo na lang!" Hindi ba’t 30 milyon lang naman ang tinanggap