Kabanata 4
NAPUNO ng luha ang mga mata ni Daisy. "Camila, paano mo nagagawang sabihin ang mga ‘yan? Ako ang biktima sa nangyari tatlong taon na ang lumipas. Sa tingin mo ba, gugustuhin kong saktan ang sarili ko?"
Ngumisi nang bahagya si Camila. "Sa totoo lang, hindi na gagaling pa ang talento mo sa piano. Mas magaling pa ako sa ‘yo noong bata pa ako. Ngayon naman, ginagamit mo pa ang mga imbento mong kwento kaya nasira ang kasal ko kay Brix—sabihin na nating nanalo ka na."
Nanlamig ang mukha ni Daisy. Galit itong pumalo sa mesa at tumayo. "Ano bang pinagsasabi mo? Hindi na nga kita sinisi sa ginawa mo noon, tapos ikaw pa ngayon ang nagmamalinis?!"
Kalmado lang si Camila na umiinom ng kape. "Sige na nga, huwag na nating balikan ang nakaraan. Tanong ko lang, hanggang saan na ba kayo ni Brix?"
Natigilan si Daisy sa tanong niya. "A-Anong ibig mong sabihin?"
Ngumiti nang bahagya si Camila at tumingin sa relo. "Let’s put it this way, mukhang nasasayang lang ang effort mo. Do you know, hindi pa pala kami divorce ni Brix. I wanted to but he's the one who declined the divorce. Kasal pa rin kaming dalawa."
Parang tinamaan ng kidlat si Daisy. Tumigil ito, nanlamig ang katawan habang mabilis ang tibok ng puso.
Tumayo si Camila matapos ubusin ang kape, may ngiti sa labi. "Daisy, mas galingan mo pa. Tatlong taon akong nawala pero nandito ka pa rin, stuck sa parehong pwesto, kababata pa rin ng asawa ko. C'mon, step up your game. Paghiwalayin mo ulit kami. Maghihintay ako sa bago mong tatahiing kwento."
Lumakad si Camila palabas, iniwang nakatulala si Daisy. Tinitigan ni Daisy si Camila habang palayo ito, mahigpit ang pagkakakuyom ng kanyang mga kamay.
Hindi pa pala sila hiwalay?!
Pero bakit bumalik si Camila ngayon?
Nagbalikan na ba sila ni Brix? O baka nalaman na ang totoo tungkol sa nangyari noon, kaya bumalik si Camila para maghiganti?
Napakagat sa labi si Daisy, galit na galit habang nakatingin sa dinaanang direksyon ni Camila.
Camila, tatlong taon kang nawala. Bakit ka pa bumalik? Bakit?!
MASIGLA si Camila buong hapon. Ang bilis ng kanyang trabaho at tila ang saya-saya niya.
Ang mga kasamahan niya sa opisina na akala'y magwawala siya matapos bigyan si Camila ng maraming workload ay nagtaka nang makita siyang nakangiti, kumakanta pa nga habang nagtatrabaho.
Hindi nila maintindihan kung bakit ganoon ang mood ni Camila.
Maghahatinggabi na nang matapos ni Camila ang huling dokumento sa kanyang mesa. Inunat niya ang kanyang leeg, inayos ang lamesa at bumaba na. Pagdating niya sa labas, nakita niya ang isang hindi inaasahang tao.
"Boss, ikaw yata ang empleyado na mas busy pa kaysa sa akin na isang CEO," pabirong sabi ni Eric.
Ngumiti si Camila. "Bakit ka nandito?"
"Nag-aalala ang 'baby' mo, kaya pinasundo ka sa akin," sagot ni Eric habang binubuksan ang pinto ng passenger seat.
"Thank you, Eric." Umupo si Camila, ikinabit ang seatbelt at marahang minasahe ang masakit niyang balikat.
Habang nagmamaneho, tinanong ni Eric, "Ginulo ka ba ng mga Perez?"
Tumingin si Camila sa labas ng bintana, malamig ang ekspresyon. "I guess so. Matagal nang gusto ng tatay ko na ipasa ang kumpanya kay Charlotte Vivian na anak nila ng stepmother ko. Pero hawak ko ang 30% ng shares at marami sa mga dating tauhan ng nanay ko sa board of directors ang kampi sa akin. Gusto siguro niya akong kusang umalis."
Napangiti si Eric. "Sigurado ka bang anak ka ng tatay mo?"
Napatawa rin si Camila. "Maybe not? Because he doesn't really like me."
Minsan, iniisip niya, baka hindi talaga sila mag-ama kundi magkaaway.
Katamtaman ang patakbo ni Eric ng sasakyan nang biglang may kotse na mabilis na dumaan sa gilid nila. Nagulat silang dalawa. Agad inapakan ni Eric ang preno.
Ngunit ang kotse sa harapan ay biglang lumiko at mabilis na bumalik sa direksyon nila.
Nagbago ang ekspresyon ni Eric, mabilis nitong inapakan ang accelerator at iniwas ang manibela.
Nagsalubong ang dalawang sasakyan at natanggal ang isa sa mga side mirror ng kotse nila.
Nanlaki ang mata ni Camila sa takot, pinagpawisan nang malamig, hindi halos makahinga sa bigla.
Agad sinuri ni Eric kung may sugat si Camila. Nang makita niyang wala itong galos, bumaba ito ng kotse.
Bumaba rin ang driver ng kabilang sasakyan. Hindi ito nagsalita. Bigla na lang nitong hinila si Eric sa kwelyo at itinulak si Eric sa hood ng kotse.
"Argh!"
Hindi nakapaghanda si Eric kaya tumama ang likod nito sa kotse. Napasinghap ang lalaki sa sakit.
Isang suntok ang tumama rito na nagpasadsad kay Eric sa kalsada. Dahan-dahang pinunasan ni Eric ang dugo sa gilid ng mga labi. Hindi nito inasahan na si Brix na asawa ni Camila ang nasa kabilang sasakyan.
"Brix!" halos isigaw ni Camila, bakas sa mga mata niya ang pag-aalala para kay Eric.
"Ano? Naaawa ka sa kabit mo?" Mapanuksong ngumisi si Brix, pero bago pa ito makapagpatuloy, tinamaan ito ng nakatayo nang si Eric.
Galit si Brix. Hindi nito inakalang lalaban ang lalaki. Dumagdag pa ang inis nito sa iniisip na naagaw nito si Camila. Muling sumugod si Brix at sinuntok si Eric na napaatras at muling tumama sa kotse.
Napagtanto ni Camila na hindi na ito pwedeng magtagal. Lumapit siya at sumigaw, "Brix! Ano bang karapatan mo?!"
Natigilan ang dalawa.
"Si Eric ang boyfriend ko. Ikaw? Isa ka lang pagkakamali ko! Anong karapatan mong makialam sa buhay ko ngayon?" malamig na sigaw ni Camila.
Nagulat si Eric sa sinabi ni Camila pero pinili nitong manahimik.
Samantala, parang nawalan ng lakas si Brix. Tahimik nitong tinanggap ang mga sinabi ni Camila.
"Hindi na ako babalik sa’yo, Brix! At hahanapan ko ng paraan para makipag-divorce sa'yo agad. Sana rin, huwag mo nang guluhin pa ang buhay ko!"
Pagkasabi noon ay hinatak nito si Eric papasok sa kotse at iniwan doon si Brix na masamang-masama ang tingin sa kanilang dalawa. Pinatakbo muli ni Eric ang kotse paalis.
"Okay ka lang ba? Wala bang masakit?" tanong ni Eric para basagin ang katahimikan.
Umiling si Camila. "Ikaw ang may sugat. Aasikasuhin natin yan pagdating sa apartment. Tungkol naman sa sinabi ko kanina—"
"Alam ko, huwag mo nang isipin," tugon ni Eric na may ngiti.
Habang nakasandal sa bintana, biglang naalala ni Camila ang anak niyang si Braylee.
Paano kung malaman ni Brix na buhay ang bata? Dadalhin ba niya ito kay Daisy? Nakakakilabot ang ideya. Napailing siya at hindi namalayang nakatulog sa pagod.
SAMANTALA, nakasakay na si Brix sa kotse at tahimik na ginamot ang sarili. Sa hindi inaasahang pagkakataon, napadpad siya sa dating paaralan na pinapasukan.
Napangiti siya ng mapait at napabulong. “That woman who really loved me in the past, now she could turn her back on me without remorse."
Habang naglalakad, nakarinig siya ng tawa ng bata. Napansin niyang may batang tumatakbo papalapit sa kanya—mukhang maliit na siopao ang pisngi nito sa sobrang cute.
Kung buhay pa ang anak nila noon, ganito na rin siguro ang bata kalaki...
Nawala siya sa kanyang iniisip at hindi napansin na papalapit na pala ang bata sa kanya.
"Hey! Uncle! Nakipag-away ka ba?"
Curious si Braylee at hinawakan ang namamagang kamay ni Brix nang makalapit.
Nagulat si Brix sa bata ngunit hindi nakaramdam ng inis. Sa halip, yumuko pa siya at tiningnan nang mabuti ang bata sa harapan niya.
Napansin niya na ang kilay, mata, ilong, at labi ng bata ay parang eksaktong nasa imagination niya ng itsura ng anak nila ni Camila.
‘Ano 'to? Nasiraan na ba ako ng ulo kakaisip sa anak namin? Paano ko naisip na ang batang 'to ay kamukha ng dapat na anak namin ni Camila?’
*
Chapter 230Tumango ang assistant director. "Oo, boyfriend niya. Bakit?""Wala naman."Palihim na kumunot ang noo ni Morris at sumenyas kay Cyfer na magpatuloy sa pag-arte.Hindi magkasundo ang magkapatid na Perez at si Cyfer ay boyfriend ni Charlotte. Hindi niya alam kung magiging okay kay Camila kung siya ang magiging male lead.Pero hindi rin naman niya isusuko ang isang gwapo at sikat na aktor dahil lang dito. Habang iniisip iyon, pinanood niyang mabuti ang pagganap ni Cyfer.Sa hindi inaasahan, talagang nasiyahan siya sa acting nito.May tipikal na gwapong mukha si Cyfer - mahahabang kilay, matangos na ilong, at perpektong hugis ng mukha. Lalo na't maliit ang kanyang mukha kumpara sa iba, kaya napakaganda niya sa screen.Ang karakter ng male lead na si Lindon ay kailangang maging mas makapangyarihan at dominante sa mga huling bahagi ng kwento. Kahit hindi perpekto ang pagganap ni Cyfer, siya pa rin ang pinaka-mahusay sa lahat ng nakita niya.Tumingin siya sa assistant director, a
Chapter 229Inayos ni Eric ang kanyang kwelyo na ginulo ni Brix at napangiti nang bahagya, "Huwag mo nang alalahanin, Young Master Monterde."Bahagyang nadismaya si Brix. "Hindi ko alam kung kailan aalis si Mr. Pimentel. Paano kung ipaghanda kita ng despedida bago ka umalis?""Huwag na, ayos lang ako." Pilit ang ngiti ni Eric, pero nanatili siyang kalmado.Tumaas nang bahagya ang kilay ni Brix. Sayang at hindi niya mismo mapapaalis ang matagal na niyang karibal.Napairap si Camila. "Sige na, tigilan niyo na ang pagpapanggap."Lumingon si Brix at kinurot ang pisngi niya. "Bakit parang kabisado mo na ako?""‘Wag mo akong hawakan!" Pinagpag ni Camila ang kamay niya."E ano naman kung hawakan kita?" Muli siyang kinurot ni Brix."Ikaw talaga!" Napalaki ang mga mata ni Camila, mukhang isang galit na maliit na puffer fish.Natakot si Brix na baka tuluyang magalit o maiyak siya, kaya agad niyang inalis ang kamay niya."Mr. Monterde, Camila—" biglang nagsalita si Eric, sabay tingin sa kanyang
Chapter 228"Charlotte! Nasiraan ka na ba ng bait? Hindi ba hiwalay na tayo?" sigaw ni Cyfer sa kabilang linya ng telepono."Ano bang gusto mong gawin?"Malamig ang mukha ni Charlotte habang sinagot ito, "Sinabi ko na sa agent mo, gusto kong makipagbalikan sa’yo.""Ikaw ang nakipaghiwalay sa akin, tapos ikaw rin ang gusto makipagbalikan? Ano bang ibig mong sabihin?""Hindi na mahalaga yun. Gawin mo na lang ang sinasabi ko.""Charlotte, baliw ka na ba? Bakit ako susunod sa’yo?""Oh, baliw pala ha? Kung hindi mo ako pagbibigyan, huwag mo akong sisihin kung ilabas ko ang katotohanan na tumanggap ka ng pera. Huwag mo rin akong sisihin kung bigla akong magwala sa internet. Kapag nangyari yun, masisira ang imahe mong 'prime actor' at siguradong hindi maganda ang kalalabasan niyan.""Charlotte!" galit na galit si Cyfer at napakuyom ang kamao. "Sobra na ang mga naitulong ko sa’yo!""Kung gusto mong takutin ako gamit ‘yan, sige, ilabas mo na lang!" Hindi ba’t 30 milyon lang naman ang tinanggap
Chapter 227Matapos isara ang kahon, itinaas ni Camila ang tingin at tinitigan siya."Hindi ako interesado.""Ah, eh, ito..."Hindi pinansin ni Camila ang mukhang kunot na noo ni Morris at handa na sanang paalisin ito nang biglang tumakbo si Ruby papunta sa kanya na halatang kinakabahan."Ma’am! Ang kapatid niyo po, ang kapatid niyo...""Camila!"Isang pigura na nakasuot ng itim at puti ang mabilis na lumapit at matalim na tinitigan siya.Dahan-dahang lumakad si Camila papunta kay Ruby at iniabot ang kahon. "Dalhin mo 'yan sa taas."Pagkatapos, humarap siya kay Charlotte at may panunuksong sinabi, "Bakit? Bakit ang bilis mong tumakbo? Hinahabol ka ba ng aso o baka naman naaksidente na si Vivian kaya ka nagmamadali?""Manahimik ka! Huwag mong isumpa ang nanay ko!"Masamang tumingin si Charlotte sa kanilang dalawa bago mapait na ngumiti.Matapos siyang tanggihan ni Morris kahapon, nagpagawa siya ng paraan para alamin kung nasaan ito. At hindi niya inaasahan na maaga pa lang ay pumunta n
Chapter 226Pagbalik ni Camila sa pamilya Monterde at makita ang pamilyar na paligid, pakiramdam niya ay parang matagal siyang nawala.Pagkatapos maghapunan, umakyat siya sa itaas. Pareho pa rin ang ayos ng kwarto niya gaya noong umalis siya. Matapos magmasid saglit, humiga siya sa sofa."Mommy!" Dahan-dahang bumukas ang pinto at sumilip ang maliit na ulo ni Braylee.Kinawayan siya ni Camila, "Halika rito."Masayang tumakbo papasok ang bata, humiga sa tabi niya sa sofa, parang isang maamong kuting.Hinaplos ni Camila ang malambot niyang buhok. Habang tahimik at mainit ang atmospera, biglang bumukas ulit ang pinto.Sabay na itinaas ng mag-ina ang kanilang ulo at nakita si Brix na nakasuot ng mahabang kulay abong pantulog na papasok sa kwarto."Brix, may kailangan ka ba?" Halata sa boses ni Camila na hindi niya ito gustong makita."Wala naman."Lumapit siya sa sofa, tumayo sa harap ni Braylee, at itinuro ang pinto gamit ang baba. "Gabi na, matulog ka na."Hinawakan ni Braylee nang mahi
Chapter 225"Direktor Morris? Anong nangyayari sa'yo?"Nang makita siyang tulala, hindi napigilan ni Charlotte na tawagin siya."Ayos lang ako."Tumayo si Morris at nag-ayos para umalis."Direktor Morris, sandali lang!"Nagmamadali si Charlotte, hindi pa nga niya nasasabi ang totoong pakay niya. Huminto si Morris at kalmadong tumingin sa kanya. Para bang kaya niyang basahin ang iniisip ng tao."Anong role ang gusto mo sa pelikula ko?"Nabuking ang plano niya, kaya hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Charlotte at deretsong sinabi:"Nabalitaan ko na naghahanap ka ng bidang babae para sa pelikula mong 'Smoke and Willow Heartbreak'. Pwede mo bang tingnan kung bagay ako sa role?"Sinukat siya ni Morris mula ulo hanggang paa, saka umiling. "Hindi tugma ang aura mo sa karakter ng bida ko. Pasensya na, Miss Perez. Salamat sa pagsundo sa akin ngayon."Ang babaeng bida sa "Smoke and Willows" ay dapat isang pambihirang ganda—pero ang kagandahang dalisay at inosente. Wala sa alinman sa dalawang kat