Umalingawngaw ang iyak ni Chicago sa buong villa ni Katherine.
Naiirita na si Alora—ang ina ni Katherine at Maveliene. "Hindi ba titigil kakaiyak ang batang yan? Naririndi na ako sa iyak niya! Mana talaga siya sa namayapa niyang ina. Mga walang silbi!"
"Ma, 'wag mong sabihin 'yan. Anak ni ate Mavi si Chicago at hindi ng asong yun!”
"Whatever! Papunta na si Max dito, hindi ba? At bakit hindi pa rin bihis ang batang yun at nag-iinarte pa rin? Mabuti pang turuan mo ng leksyon ng matuto. Lumalaking sutil e."
"Hindi pwede! Paano kung malaman ng iba? Kahit na ayaw ni Max kay Khelowna, tunay pa rin niyang anak si Chicago."
Bagama't kinasusuklaman ni Katherine si Chicago, alam niyang si Chicago ang tanging tagapagmana ni Max. Kung gusto niyang mapalapit kay Max, dapat siyang magkunwari na mahal niya ang anak nito.”
Nagpatuloy sila sa kanilang ginagawa, at hindi nila napansin na umakyat si Chicago sa bintana, sinusubukang tumakas….
Bang!
Pagkatapos ay sumigaw ang guwardiya sa labas ng pinto, "MA’AM! Nahulog ang young master mula sa bintana!"
Agad na namutla si Katherine nang marinig iyon at sumugod sa labas, nakita niya si Chicago na puno ng dugo na nakahandusay sa ilalim ng bintana ng kwarto nito.
“CHICAGO!”
Bigla siyang kinabahan ng husto.
At hindi inaasahan na biglang lumitaw ang kotse ni Max sa dulo ng kalsada na papalapit sa bahay nila.
Mas lalo silang natakot. Pinagpapawisan na rin siya ng malamig, sa tindi ng takot na nararamdaman ay bigla siyang sumugod upang pigilan ang convoy ni Max.
"M-Max, n-nahulog si Chicago sa bintana!"
Agad na tumulo ang luha sa mga mata niya. Kinakabahan siya ng sobra sa maaring gawin ni Max sa kaniya.
Lumabas si Max sa sasakyan niya.
"Hindi ko alam kung anong nangyari. Gustong magkulong ni Chicago sa kwarto. Hindi ko naman inaasahan na maglulumikot siya at mahulog sa bintana. Max, I'm sorry. Kasalanan ko lahat. Kasalanan ko na hindi ko nabatanyan ng mabuti si Chicago..."
Biglang umakyat ang dugo ni Max sa ulo. Para siyang nanginig sa kinatatayuan niya.
"Nasaan ang anak ko?"
Galit na galit siya. Halos gusto niyang patayin si Katherine.
Itinuro ni Katherine si Chicago na nasa bushes at puno ng dugo ang ulo. Lahat ng katulong ay nanginginig sa takot, at walang nangahas na magsalita.
Kita ang litid ng ugat ni Max sa leeg niya. Agad niyang kwinelyuhan si Katherine. "Kung may mangyaring masama sa anak ko, papatayin kita!"
Sa sobrang takot ni Katherine ay umiyak siya sa harapan nito at hindi na nakapagsalita. Agad na kinuha ni Max ang anak niya at agad na isinugod sa ospital.
Pagdating nila sa ospital, si Max ay sinalubong mismo ng direktor. Malubha ang sugat ni Chicago at kinailangan agad ng operasyon.
Pinuntahan ng direktor ang isang doktor na kaka-hire pa lang mula sa ibang bansa na magsagawa ng operasyon kay Chicago. Ang doktor ay kilalang magaling sa kaniyang trabaho at kahit kailan ay wala pa itong operasyon na namatayan siya ng pasyente.
"Doc, ang pasyente ngayon ay isang limang taong gulang na batang lalaki, nag-iisang anak ng isang maimpluwensyang tao. Kailangang maging mas maingat ka sa operasyong ito. Kung hindi, baka ay magdadala ito ng malaking gulo sa ospital!"
Nakasuot ng uniporme ang doktor at surgical mask. May hawak itong mga dokumento sa kamay. "I always treat all my patients equally. I will do my best in this operation. Pero... sino itong maimpluwensyang tao ang sinasabi mo, director?"
"Ang tagapagmana ng Linae. Si Maximillian Linae."
Bakas ng pagkagulat sa magandang mukha ni Khelowna sa ilalim ng mask.
Hindi niya inaasahan na makikita niya agad ang ex-husband niya sa ospital. Pero, anak ni Max? takang tanong niya sa kaniyang isipan.
"May anak si Max Linae?"
Sabi ng direktor, "Oo, isang batang lalaki, limang taong gulang. Hindi ba kakasabi ko lang sayo tungkol sa impormasyon ng bata?"
“Pero hindi ba, patay na ang dating asawa ni Max, kaya saan nanggaling ang limang taong gulang na bata? Kahit na ipinanganak ito ng dati niyang asawa, dapat anim na taong gulang na siya ngayon."
"Ang batang ito ay hindi anak ng dati niyang asawa, anak ito ni Maveliene."
“Pero comatose siya ayon sa pagkakaalam ko.”
“Nagising si Maveliene isang taon matapos namatay ang dating asawa ni Max Linae. Nagkaanak sila matapos ngunit may nangyari na hindi na nila isinapubliko. Sa pagkakaalam ko e nacoma ulit si Maveliene.”
Nakaramdaman ng matinding kirot sa dibdib si Khelowna, at ang liwanag sa kanyang mga mata ay nawala sa isang iglap.
‘So ayun ang nangyari, nagkaanak sila ni Maveliene.”
Hinubad niya ang kanyang surgical gown at sinabing, "I'm sorry, Director. I can't do this operation."
Laking gulat ng director sa sinabi niya. "Hindi pwede! Bakit hindi ka papayag? Bakit hindi mo gagawin?"
Khelowna tried her best to calm down saka sinabing, "Marami akong inoperahan kanina at hindi maganda ang pakiramdam ko. Let Dr. Jacob do this surgery."
Isa lang siyang ordinaryong tao. Hindi siya nagbibigay ng himala. Ngunit kahit sino pa ang nakahiga sa operating table, ginagawa niya ang lahat para mabuhay ang pasyente. Hindi siya sumusuko kaya iyon ang dahilan kung bakit lahat ng inoperahan niya ay successful.
Gayunpaman, ang taong naghihintay sa kaniya sa operation room ay anak ng ex-husband niya sa ibang babae.
Tumalikod si Khelowna at umalis, ngunit hinabol siya ng direktor.
Sa oras na ito, handa na ang operating room, at hindi na rin mapakali si Max. Ngunit nagtataka siya na hindi pa dumadating ang doktor na mag-oopera sa anak niya. At bahagya siyang natigilan ng makita niya sa may unahan, ang director na kausap ang isang doktor.
“Ayoko ngang operahan, director. Si Dr. Jacob nalang.”
Kumuyom ang kamao ni Max. Galit siya nang marinig na ayaw operahan ng surgeon ang kanyang anak. Galit na galit niyang inutusan ang mga bodyguard na mabilis pigilan si Khelowna sa corridor.
Kitang-kita ni Khelowna ang tingin ni Max matapos siyang hawakan ng mga bodyguards sa kamay niya. Hindi niya alam kung anong mararamdaman niya na ang asawang umabandona sa kaniya anim na taon na ang nakalipas ay heto ngayon sa harapan niya.
Naikuyom ni Khelowna ang kanyang mga kamao.
‘Tinawagan kita noon Max ng ilang beses pero hindi mo sinagot ang tawag ko. Ni hindi mo ‘ko pinuntahan kahit na nag-aagaw buhay ako. Ngayon ay gusto mong iligtas ko ang anak mo? katawa-tawa!’ Puno ng gigil na sabi ni Khelowna sa isipan niya.
Sinalubong niya ang malamig na mata ni Max. Walang nagbago, puno pa rin ng kayabangan at napaka arogante.
Hindi niya alam kung bakit mahal na mahal niya ang lalaking ito sa simula! Ngayon kasi, nauwi sa poot ang lahat.
Malamig ang boses ni Khelowna habang sinasabi, "Mr. Linae, hindi maganda ang pakiramdam ko ngayon at hindi ko kayang operahan ang young master. Magaling na si Dr. Jacob kaya pupuntahan ko siya ngayon para siya nag mag-opera sa anak ninyo."
Nagulat si Max sa boses niya. Napamilyaran nito kaagad ang boses niya.
Kumislap ang mata niya habang nakatitig sa mga mata ni Khelowna. Nakamaskara pa kasi ito kaya hindi pa niya ito namumukhaan.
"Paano kung ikaw ang gusto kong mag opera sa anak ko? Ano ang gagawin mo?"
Agad na pinalibutan ng mga bodyguards ni Max si Khelowna kaya kinabahan siya bigla.
“Kahit patayin mo ako ngayon, hindi ko gagawin ang operasyong ito!"
Hello everyone, salamat po sa pagbabasa ng story ni Max. You can read my other stories too if you like. Completed na po sila lahat. List of my stories.-The Lust Love-His Personal Affair -Love In Mistake -Ang Makasalanang Asawa-Shade Of Lust[-Shein Family-] -Binili Ako ng CEO (Book1)- Mr. Shein and Lorelay -Pag-aari Ako ng CEO (Book2) -Asawa Ako ng CEO - (Second Gen: Rico Shein) -Binihag Ako ng CEO - (Second Gen: Sico Shein) {-Connected Stories-} -Hiding The CEO's Quintuplets (Rod and March, Clarissa and Clark) -I Put A Leash On My Boss - He Tricked Me Into Becoming His Daughter's Nanny-Billionaire Ex-Husband, I Want My Baby Back-Never Tame A Beast
Years of being married with Max wasn’t easy for Khelowna. Siya ay isang doctor, isang ina, kaibigan at asawa. Kahit na may mga pagkakataon na nag-aaway sila, they always find ways to fix their misunderstanding.Hindi na sila umaabot sa puntong magaya sa iba na nauuwi sa hiwalayan. And Max made sure that Khe won’t get tired of him so day by day, mas lalo niyang minamahal at pinapahalagahan ang asawa niya. And with that, nagiging magandang ihemplo sila ng kanilang mga anak.First year college na ang triplets, si Rome ay kumuha ng kursong business ad, si Chicago naman ay gaya ng sa mama niya. Gusto niya maging isang magaling na surgeon. Si Paris naman ay hindi muna nag-enrol.She couldn’t figure out what profession she wanted to pursue. Kaya hanggang hindi pa siya nag-aaral, nasa bahay muna siya at siya ang nag-aalalaga kay Sydney na ngayon high school na.Nasa sofa siya, nakaupo at nag-s-scrol sa kaniyang social media account, pero tapos na siya sa kaniyang duty as ate. May pagkain ng na
“Hindi pa ba kayo tapos diyan sa ginagawa niyo?” taas kilay na tanong ni Khe matapos niyang makita ang dalawa na busy pa rin sa kanilang ginagawa.Napatigil si Max sa kaniyang pagpapausok at napatingin sa asawa niya. “W-Wife!” Gulat na bulalas niya.“Ginawa mong bubuyog si Dr. Smith. Tama na yang kalokohan mo Max.” Kunwari seryosong sabi ni Khelowna kahit na sa kaloob-looban niya ay natatawa na siya.Ngumuso si Max at agad na binitawan ang layang dahon ng niyog at umakbay kay Khe. “I looked pitiful, wife. Kiss me please…” Paglalambing niya.Napakurap kurap si Dr. Smith. “Pitiful my ass. Hindi ba ginawa mo ‘kong steam meat ngayon lang? Sinong mas kawawa sa atin dito?”Itinaas lang ni Max ang kaniyang middle finger at humaIik sa pisngi ni Khe. “Don’t listen to him, wife. Let’s go.” Ang sabi pa ni Max.Napahagikgik nalang si Khelowna sa tabi. “Dr. Smith, maligo ka na dahil kakain na. At ikaw Max, maghugas ka muna ng kamay para makakain tayo.”Ngumisi si Dr. Smith kay Max na siya namang ba
“Papa, come on!” Sabi ni Sydney habang hila hila ang kamay ni Max papasok sa bahay ni Dr. Smith.Ang triplets naman ay nakasunod sa dalawa habang nakatingin sa mga cellphone nila. Kapwa ito mga busy at walang pakialam sa nangyayari sa paligid, basta nakasunod lang sila kay Sydney at sa papa nila.“Baka madapa kayo!” Ang sabi ni Khelowna na nasa pinakalikuran at sinasabihan ang mga bodyguards na dahan-dahan lang sa pagdala ng mga pagkain na dinala nila ni Max.Napailing si Khe at mahinang natawa sa mga anak niya. 'How come hindi sila nadadapa kahit hindi sila nakatingin sa nilalakaran nila?' she wondered. Pagkapasok nila sa loob, nakita nila si Mina at Dr. Smith na nakatayo sa sala. Dala ni Dr. Smith si baby Melon.“Tito, can I take a look?” sabi ni Sydney na halos magningning ang mata nang makita si baby Melon na dala-dala ng kaniyang daddy.Kanina pa siya excited. “Sure baby,” tuwang tuwa na sabi ni Dr. Smith. Umupo siya sa sofa at agad na ibinaba si baby Melon para makita ni Sydney
Pagkalabas ni Max mula ng elevator, agad niyang nakita si Dr. Smith na pinagkakaguluhan ng mga doctor.Agad niya itong pinuntahan. Nang makalapit siya, narinig niyang pinapayuhan siya ng mga kapwa niya doctor na siya ay isang magiting na doctor at hindi siya kinakabahan.“Tama. Haha… Hindi dapat tayo kakabahan pagka’t nakasalalay sa atin ang buhay ng pasyente.”‘Hindi pa ba siya tapos diyan?’ tanong ni Max sa sarili niya.Natawa naman ang ibang nurses at lihim nilang kinukunan ng litrato si Dr. Smith pagka’t suntok sa buwan nilang masaksihan ang ganitong eksena.“Dr. Smith, ayos lang kayo?” tanong ng isang doctor pagkaraan ng ilang minuto.“Ako? Haha. Ayos lang ako. I am perfectly fine.” Sabi niya.“Pero namumutla ka po.”Mahinang natawa si Max. Kinuha niya ang kamay ni Dr. Smith at nilagay sa balikat niya para kaniyang maalalayan lalo’t pansin niyang medyo gumegeywang ito.“Matulog ka muna matayog at magiting na doctor.” Bulong ni Max at agad na binatukan si Dr. Smith kaya ito’y nakat
-Few months later-Nakatingin si Max kay Dr. Smith na nasa labas ng delivery room. Kasalukuyan siyang ngumunguya ng dried mango at nakaupo habang hinihintay ang balitan tungkol kay Mina.“Kung nag-aalala ka, bakit hindi ka pumasok?” aniya. Kanina pa kasi niya ito napapansin na balisa kahit na ayaw nitong sabihin.“Ayaw ni Mina.” Sabi ni Dr. Smith na mukhang kalmado kahit na nanginginig ang kamay. Kita rin ni Max ang ilang butil ng pawis na dumaosdos mula sa noo nito.“Bakit ayaw niya? You’re her fiancé at isa pa, doctor ka kaya allowed kang pumasok sa loob.”“Nahihiya siya.”Mahinang natawa si Max.“Magaling naman na OB ang inassign mo di ba?”“Yeah.”“Baka kaya nahihiya si Mina kasi alam niyang mahihimatay ka lang doon sa loob.”Sinamaan ng tingin ni Dr. Smith si Max na ngayon ay natatawa lang.Inubos ni Max ang dried mango at tumayo saka tumabi kay Dr. Smith. Huminga siya ng malalim at inakbayan ito. “No’ng ako kay Khe, nong pinapanganak niya si Sydney, nahimatay rin ako kaya naiinti