LOGINChapter 3
5 Years Later Jela Nagmamadali akong binihisan ang tatlo kong anak. Late na sila sa paaralan dahil late akong nagising kinabukasan. Napuyat kasi akong kahahanap ng trabaho kagabi sa website. Sa wakas, may nahanap na ako. May nag-email agad at may interview na ako mamayang hapon. Gano'n kabilis ang naging sagot ng nag-message ako. Sana, Panginoon, matanggap ako sa Cromwell Mall. Kailangan ko ng trabaho para sa tatlo kong anak. Ayaw kong umasa na lang sa perang pinapadala ng Tito nila sa bank account nila. Kailangan ko na rin kumayod at kumita sa sarili kong sikap at pagod. Iipunin ko na lang ang perang pinapadala ng Tito ko para sa akin para sa emergency. "Dalian niyo na, mga anak. Okay na ba ang lahat?" tanong ko sa kanila. "Opo, Mama," sabay nilang sagot. "Kasalanan mo, Mama, kapag mahuli kami sa klase," sabi ni Jon. "Kasalanan mo, Mama, kapag wala kaming star na makuha," simangot na sabi rin ni Jan. "At kasalanan mo, Mama, kapag late at wala kaming star na ibibigay ni teacher kasi late kami," dagdag naman ni Jam. "Kasalanan ninyong tatlo kapag hindi pa kayo mabilis kumilos para makaalis na tayo," sagot ko naman. "Let's go!" sigaw ng tatlong makukulit na bata. Walking distance lang ang paaralan nila kaya madali lang sa akin na ihatid sila. "Oh, Jon at Jan, hawak kamay na kayong dalawa. Huwag malikot, at huwag kung saan-saan kayo tumitingin, ha," bilin ko pa habang hawak ko naman si Jam. "Opo, Mama," sabay naman na sagot nilang dalawa. Maliksi na silang naghawak-kamay at nagsimula nang maglakad. May building malapit sa amin na pinapatayo kaya medyo traffic ang kalsada. Dumaan kami sa tabi ng mga nagsisimulang magtrabaho sa building. Napatigil kami ng mga anak ko nang may humarang sa amin. "Miss, bawal ang dumaan dito. Hindi mo ba nabasa ang karatulang 'Construction work in progress?' May 'Dangerous Site' pang nakalagay. Hindi mo ba nababasa, Miss?" seryosong tanong ng lalaki sa akin. "Hoy, Mister, kapag na-late ang mga anak ko sa paaralan at nawalan sila ng star na ibibigay ng teacher sa kanila, ingungudngod kita sa semento," malakas kong sigaw sa lalaking kaharap ko. "Alam mong may nagpapatayo ng building dito at may signboard na bawal ang dumaan dito, tapos nagpupumilit ka pa!" sagot ng lalaki na ayaw yata niyang padaanin kami. "Kahapon nakadaan pa kami dito! Tinulungan pa kami ng construction worker. Ikaw, lalaki ka na nagtatrabaho dito, pagbabawalan mo kami? Bago ka lang ba at wala kang alam sa mga signboard na nakalagay dito sa labas?" sarkastiko kong tanong. "Nag-iingat lang ako, Miss, dahil tatlong bata ang kasama mo. Sumunod na lang sa payo kaysa makipagtigasan ka pa! Kapag napahamak kayo dito, sinong sisisihin mo, kami?" pagalit na sambit ng lalaki. "Tulungan mo na lang kaming dumaan!" sabi ko naman. "Sa kabila kayo dumaan, huwag dito! Walang daanan dito dahil pinasara ko na," galit na sagot ng lalaki. "Kuya!" "Sir!" "Tito!" "Huwag mo po awayin ang Mama namin," sabay-sabay na sambit ng tatlo. "Wow! Kuya na nga, naging Sir pa, Tito pa, nagkaroon tuloy ako ng mga pamangkin," natutuwang bulalas ng lalaki. "Padaanin niyo na po kami dito, Tito," sabi ni Jon. "Male-late na po kami sa school," dagdag pa ni Jam. "Mawawalan na kami ng star dahil late kami pumasok," si Jan. "Kasalanan mo po kapag na-late kami," malakas na sambit ng tatlong bata. "Bahala ka pong ingungod ni Mama sa semento," banta pa ni Jon. Napahagikhik naman ang dalawang bata. "Kaya paraanin mo na kami! Pwede!" singit ko naman. Tinaasan ko pa siya ng kilay. Wala akong pakialam kung may itsura siya. Construction worker na walang alam sa signboard. Langya! "Please po, Kuya, Tito, Sir," sabi naman ni Jan. "Bawal kasi talaga ang dumaan dito! Ang kukulit ninyong apat!" sumusukong sabi ng lalaki, pero galit ang mukha. "Walang pulang karatula ang nakalagay dito, kaya huwag ka nang magreklamo dahil trabaho niyo naman ito. Masesante ka sana sa katangahan mo! Lalo na't wala kang alam," sikmat ko. Dahil ayaw ko rin patalo. "Ikaw ang walang alam, Miss! Kahit anong kulay pa 'yan, kung may nakalagay naman na 'Dangerous' sa signboard, it means delikado ang lugar na ito. You never know when an accident might happen kapag biglang may matumba, gumuho, o mahulog dito. Nagmamagandang loob ako tapos sabihan mo ako ng ganyan!" galit na galit na ang lalaki. Construction worker lang naman, akala mo kung sino maka-English. Pwe! "Walang nakalagay na bawal diyan! At kung meron man, di sana hindi na kami dumaan. Kaya nga may nakatalaga sa labas para tulungan at i-guide ang mga dumadaan dito! Mahirap bang gawin iyon?" Hinila ko na ang anak kong babae at inutusan ang dalawang batang lalaki na anak ko na maglakad na. "Dalian ang paglalakad, pareho na tayong late sa pupuntahan natin," galit kong sabi sa mga bata. Pati ang mga inosenteng bata nadamay na sa inis ko sa lalaking ito. Bwesit siya! "Relax lang, Mama, gagalit ka na naman eh," sabi ni Jam. "Tsaka wala kaming kasalanan po ah," singit ni Jon. "Kasalanan ninyong dalawa ni Kuya, aaway kayo eh," sabi rin ni Jan. "Tapos kami ang pagalitan ninyo, Mama!" sabay-sabay na sambit ng kambal. "Oo na, sorry na. Dali na, lakad na," Nakarinig ako ng mahinang pagtawa mula sa lalaki sa likuran namin. "Mag-iingat kayo! Bukas, bawal na kayong dumaan dito," paalala pa ng lalaki. "Dadaan pa rin kami!" sagot ko naman. "For your safety and the kids, Miss. Lakad na, male-late na kayo. Baka ako pa ang sisihin ninyo," seryosong salita ng lalaki. "Bay-bay po, Tito pogi," kaway pa ni Jam. "Bay-bay po!" sabay-sabay na sabi ng kambal. "Mama, mag-ba-bay ka na rin," utos ng kambal. "Lakad na! Huwag na maraming salita!" sagot ko naman. "Bay-bay daw po, sabi ni Mama. Next time, huwag mo na po aawayin Mama namin, ha," sabi pa ni Jan. "Sabihin mong magpakabait muna ang Mama ninyo para hindi kami mag-away!" natatawang sabi ng gonggong na lalaki. "Huwag nang sasagot. Nawili na naman kayo! Lakad na!" sikmat ko sa mga bata. Peborit pa naman nila ang magsalita.Chapter 66 Jela Hinawi ko ang buhok ko at matapang na tumingin sa aking ina. Hindi ko pinahalata na nasaktan ako sa pananampal niya sa akin. Ayokong mas lalo niya akong kakawawain. "Masaya ka na dahil nakasakit ka na naman ng tao?" sarkastiko kong tanong. "Your son of a b!tch!" sabi naman niya. Mahina akong natawa. Ako pa ngayon ang tawagin niyang gano'n. "Likewise!" palaban kong sabi. "Let's go, Mom." Akay ni Crystal sa ina. "I'm not done yet!" galit na sigaw nito.God! Hindi ko alam kong bakit may mga ganitong tao! Gumagawa sila ng ikakapahiya ng sarili nila. Tanong ko sa isip ko. "Akayin mo na ang Nanay mo nang hindi kayo nakakahiya dito. Next time, kapag gusto ninyo akong ipahiya ulit, mag-rehearsal muna kayo bago kayo sumugod dito," mabilis na akong tumalikod sa kanila. "Hindi pa ako tapos sayong bastos ka!" sigaw ni Mommy. Napatigil ako sa paglalakad at lumingon ng bahagya sa kanila. "Scripted na yang polpol ninyo pagpapahiya sa akin! Gasgas na gasgas na. Wala na ba
Pestering Me Jela Akala ko sa ilang araw na nakalipas simula nang makita ko ang half-sister ko ay hindi na ito pupunta pa dito. Kaso, mali ako ng akala dahil nandito na naman ito. Napostura na naman ang suot nito kasama ang Nanay niyang feeling maganda! Mabuti na lang kay Daddy ako may hawig at wala kay Mommy. Baka kapag nagkataon ay kamumuhian ko ang mukha ko. Umiwas ako at ayaw kong i-assist sila. Nagkunwari na lang akong busy. Kaya lang, ako pa talaga ang tinawag nila na parang nananadya sila. Pero ang ginawa ko, umalis ako nang hindi ko sila tinapunan ng tingin at agad na sinalubong ang bagong dating na customer. "Hello ma'am, welcome to Cromwell Mall. Happy shopping," magiliw kong bati. Ngumiti naman ito sa akin at nagtanong tungkol sa mga bagong arrival na mga dress dito. Iginiya ko ito sa kabilang pwesto. Malayo sa mahaderang mag-ina. Pero hindi ko alam kung nagpapapansin sila dahil lumapit ang mag-ina sa pwesto namin ng customer na ina-assist ko. "Mom, ang g
Back to normal Jela "Uy, Jela, nabalitaan ko na malapit ka nang umalis sa trabaho mo?" bungad sa akin ni Wenneth, ang manager dito sa clothing department. "Saan mo 'yan nabalitaan?" tanong ko naman. "Sa asawa ko, ano pa nga ba. Remember, kamag-anak siya ni ma'am Beverly." "Sorry, nakalimutan ko. Hindi naman malapit, may tatlong buwan pa naman ako dito," sabi ko. "May bago ka nang trabaho? Nagsawa ka na dito?" usisa pa nito. " Puwede bang huwag ko na muna sagutin ang tanong mo?" "Bakit? Kailan ka pa naglilihim sa akin?" taas-kilay nitong sambit. "Mahabang kwento kasi ito at hindi pwedeng sabihin dito. It's a very confidential story," kamot ko sa ulo ko. "Alam ko naman na malihim ka talaga. Hindi ka gaanong makwento sa buhay mo. Nag-ask ako kay Anton, ang sabi lang niya, iwasan kong makialam sa buhay ng may buhay. True naman iyon, pero as a friend, parang wala kang tiwala sa amin kapag ganu 'n," pakonsensya pa niya sa akin. "Huwag mo akong konsensyahin diyan. Soon, you will k
My kids happiness Jela Si Kuya Aaron pala ang driver kasama ang mga kapatid niya. Sabik na sabik talaga sila na magkaroon ng pamangkin. Kaya heto, alagang-alaga nila ang mga anak ko. Kada Friday ng hapon at Sabado sa bahay nila Tito sila natutulog na kahit ayaw ko. Kaya no choice, ako doon na rin nakikitulog minsan. "Mamaaaaa!" sigaw ng tatlong bata. Nagtakbuhan na silang lumapit sa akin pagkababa nila sa loob ng sasakyan. "Na-miss ko kayo. Kumusta ang pamamasyal ninyo sa mall, ha?" magiliw kong tanong. "Masaya po, Mama. Marami po kami ibigay na gift sa teacher po namin at sa classmate namin po bukas," masayang bulalas ni Jan. "Para hindi lang po kami ang happy, sila rin po," sabi naman ni Jam. "Sabi nila Tito, mag-share ng blessings po kami para marami pa pong blessings na bumalik sa amin," sabi naman ni Jon. "Excited na po kami bukas, Mama," tuwang-tuwa nilang sabi. Napalingon sila sa gawi ni Jupiter. "Tito Papa," masayang sigaw nila at lumapit rin sila kay
Very caring Jela Inayos ko na ang mesa at kumuha na rin ako ng kubyertos para sa amin dalawa ni Jupiter. "Saan ang knife, Jupiter?" tanong ko. Nagulat pa ako nang paglingon ko, nasa likuran ko na pala siya. Nagulat ako sa pagsunggab niya sa labi ko. Bahagya pa niya itong kinagat ang pang-ibabang labi ko. "Hindi inaapakan ang pagkalalakï ko, babe, isinusubo iyon! Maawa ka naman sa kaligayahan ko, pati ang itlog ko, dinamay mo pa!" bulong ni Jupiter. Lihim ko naman siyang kinurot. Napaigtad ito sa ginawa ko. "Napakalandi mo! Ikaw ang nagsimula, sumagot lang ako, huh!" ingos ko. "And call me babe, not Jupiter!" giit nito. "Tinawag mo akong Jelang, di Jupiter rin sayo. Fair and square," taas-kilay na saad ko. "Palaban ang babe ko, ha. Hindi porke nag-I love you ka na sa akin ay ganyan mo na lang ako lalabanan." Pingot niya sa ilong ko. "Agh! Aray, ha!" inis na reklamo ko. Malambing naman niyang kinintalan ng halik ang tungki ng ilong. Napangiti na lang ako. Lumalabas lalo ang
Laughter Jela Halos gumulong ako sa sofa sa kakatawa. Paano nagulat ito sa pagkakahulog niya sa swimming pool. Bahagya pa itong inubo dahil mukhang nakainom ng tubig. "Tinulak mo ba ako ha?" Sabay saboy niya sa akin ng tubig ng mahimasmasan. "No!" natatawang sagot ko. Lumayo ako roon para hindi niya ako mabasa. "Sino ba kasing baliw ang magpagulong-gulong sa sahig eh alam mong malapit lang tayo sa pool! Tapos sisisihin mo ako!" malakas kong sigaw dahil malayo ako sa kanya. "Hindi mo ako pinigilan!" sumbat nito. "Kasalanan mo!" natatawa kong sigaw. "Come let's swim together," tawag niya sa akin. "Wala akong pamalit. Next time na lang. Umahon ka na diyan! Ipagluluto mo pa ako di ba? You promised me!" Humalukipkip na akong tumingin sa kanya. "Maaga pa naman ah," "Yung bilin ni Kuya, baka maagang uuwi ang mga bata. May pasok pa sila bukas sa paaralan. Teacher's Day, magpapakain yata sila Tito bukas doon. At wala akong pasok sa work kaya sasamahan ko ang mga anak ko. M







