LOGINSi Jela ay isang simpleng saleslady na nagtatrabaho sa isang high-end na department store. Sanay na siya sa simpleng buhay, tahimik, iwas sa gulo at paulit-ulit na routine sa buhay—trabaho, bahay, ulit. Iwas siya sa mga katrabaho upang maiwasan ang mga intriga sa kanyang buhay. Gusto niyang panatilihing lihim ang kanyang buhay, lalo na pagkatapos ng isang gabing pagkakamali at nagbunga ang kapusakang iyon. Si Jupiter ay kilala sa kanyang malupit na taktika sa negosyo, ngunit kulang ang kanyang personal na buhay. Pagkatapos ng nakaka-stress na meeting sa kumpanya, naisipan niyang pumunta sa luxury bar. He spends a passionate night kasama ang isang kaakit-akit na babae. Sa isang gabi ng kapusakan, walang pangalan, walang contact details ang mayroon sila sa isa't isa. He can't shake the memory of their night together. Bigla kasi siyang na-attach sa babae mula sa 'di malilimutang gabi. Pursigido siyang hanapin ang misteryosong babae na humatak sa kanyang puso. Habang iniimbestigahan niya kung sino ang babaeng iyon, hindi niya akalaing nasa paligid lang pala ito. Na-recognize niya ang isang pabango na katulad sa pabango ng naka-one night stand niya. Pabango ng isang saleslady na nagtatrabaho sa pagmamay-ari nilang department store. Habang lumalalim ang koneksyon nila, lalo pang lumalaki ang mga sikreto, mga intriga, at mga hadlang sa kanilang dalawa, lalo na ang malaking agwat sa estado ng buhay nila. Ngayon, kaya ba nilang panindigan ang isang pagmamahalan na nagsimula sa isang gabing pagkakamali? Puso ba ang pipiliin o katahimikan para sa lahat?
View MoreOne Night Stand
Napatda ako sa nakita ko pagpasok ko sa loob ng kwarto ng boyfriend ko. Nawala ang excitement sa mukha ko at napalitan ito ng galit at sama ng loob. Nilabas ko ang dala kong spray paint. "Mga hayop kayo! Mga taksil! Ang bababoy ninyo! Tangina n’yo, mga walanghiya kayo!" malakas kong sigaw, galit na galit sa kanila, habang panay pa rin ang pag-spray sa gawi ng dalawang magkasiping sa sahig. Wala na akong pakialam kung pati ang mukha nila ay malagyan ng spray paint. Dahil maputi ang boyfriend ko, halos itim na lahat ang buo nitong likod. Itim pala ang nahawakan kong spray paint at iyon ang ginamit ko sa kanila. Lahat ng madaanan ko ay in-sprayhan ko, pati mga pader ng bahay na ito, display, at lahat. Bago ako tumakbo palabas ng bahay, hindi ko pinalagpas na isama ang puting pinto ng bahay na ito. Humagulhol ako dahil sa sakit na nararamdaman. Hindi ko matanggap na niloloko na pala ako ng boyfriend ko. Nang mahimasmasan ako, agad akong umangkas sa motorcycle ko. Paalis pa lang ako nang makita kong palapit na sa gawi ko ang boyfriend ko. Binilisan ko ang patakbo ng motorcycle ko para makaalis na agad sa bahay nito. Pagdating sa bahay, sinalubong ako ng malakas na sampal ng aking ina na ikinagulat ko. "Kahit kailan, problema at kahihiyan ang dala mo sa pamilyang ito!" sigaw ng ina ko. "Bakit, anong ginawa ko na naman ba?" galit na tanong ko sa aking ina. "Nagmamaang-maangan ka pa, na walanghiyang bata ka! Wala ka nang pinag-aralan, wala ka pang-mudo, bata ka!" galit na sigaw ng aking ina, at sampal ulit sa kabilang pisngi ko. "Hindi ba't ito naman ang gusto mo, Mom, ang maging mangmang sa paningin mo? Ayaw mo naman palang maungusan ko ang anak mo. Bukod sa mas maganda ako sa anak mong si Crystal, mas matino at matalino pa ako sa kanya! Hindi ko alam kung anong dahilan ng pananakit mo sa akin, Mom. But, never mind!" sumbat ko, nilagpasan ko na ito. Hindi ko na pinansin ang pagsigaw ng ina sa pangalan ko. Sa gabi ring iyon ay nagtungo ako sa bar, sa luxury bar sa Makati kung saan ako pinasyal ng aking ama noon. Kagaya ng dati, nag-ala Spider Woman na naman ako at bumaba sa terrace. Sakay ang motorcycle ko, pinaharurot ko ng matulin palayo sa mansyon namin. Mabilis akong nag-park sa nakitang bakante sa parking lot. Hindi ko na pinansin ang nagreklamo na siya raw ang nauna. Diretso lang ako ng lakad papasok sa loob ng bar. Nakaupo lang ako at nanonood sa mga nagsasayaw sa gitna ng entablado. Gusto ko rin sumayaw, kaso nakita ko ang mga grupo ng kapatid. Kaya imbes na sumayaw ako sa gitna, in-enjoy ko na lang ang sarili ko dito sa upuan ko. Umiindak ako at sinasabayan ang kanta. Nakataas na rin ang mga kamay ko, umiindak kasama ang ulo ko. "Wooohh, break it down!" sigaw ko pa. "Shut up!" may narinig akong sumita sa akin, pero hindi ko ito pinansin. Siraulo, nandito kami sa disco bar. Dapat VIP na lang ito kung ayaw nito ng maingay. "I don't care, I'm enjoying myself here!" malakas kong sigaw. Iba na namang tugtog at nakakadala sumayaw. Puwede rin palang mag-enjoy kahit mag-isa lang. Dahil medyo may tama na ako, tumayo ako at sumayaw na mag-isa. May nakita akong nakaupo na lalaki na mag-isa sa tabi ng upuan ko. Lumapit ako at wala sa sariling hinila ko ito patayo. "Fvck!" mura nito. "Let's dance, don't sulk in the corner. Let's enjoy while we're still alive. Come on!" hila ko sa lalaki. Hindi ko naman siya kilala, pero parang mag-isa siya, kaya kailangan ko ring mapasaya ang ibang tao, hindi lang ang sarili ko. "Stop, woman!" suway niya sa akin. "Just dance. Don't be shy, men!" sigaw ko at sinimulan ko nang sumayaw sa harapan nito. Hinawakan ko pa ang isa nitong kamay at nagpa-ikot-ikot ako habang hawak ko ito. "AAAYYY!" sigaw ko nang bigla akong hilain. Napasubsob ako sa dibdib nito. Hmmm... ang bango naman ng lalaking ito. Pero ang ikinalaki ng aking mga mata ay ang bigla nitong pagdapo ng mapusok na halik sa labi ko. Dahil naka-inom ako at may tama na. Wala sa sarili, ginaya ko ang paggalaw ng labi nito. Tumugon ako agad sa matamis nitong halik sa akin. Malalalim at mapusok ang halik nito. "Oh God," bulalas ng isip ko. Napayakap na ako sa batok nito, nakikipaglaban sa mapupusok nitong halik sa akin. Ang dila nito’y ginalugad na ang loob ng aking bunganga. Nakikipag-espadahan na rin ang dila ko sa dila nito. Nakakadala ang halik ng lalaki. Nagugustuhan ko ang bawat hagod ng labi nito sa aking labi. Epekto na siguro ng hard drink na ininom ko kanina. "Fvck! I want you now!" marahas na bulong nito sa akin. Siniksik pa nito ang mukha sa leeg ko, at ramdam kong inaamoy niya ito. Maya’t maya ay humahalik na siya doon. "You smell good, I like it, and I'm so addicted." Magsasalita na sana ako nang bigla na naman akong sinunggaban ng mapusok na halik sa labi. Baka may makakita sa amin dito kaya pinatigil ko na ang lalaki sa paghalik sa akin. Pero hindi ito natinag, maalab pa rin niya akong hinalikan sa labi. Halos kainin na nito ang buong labi ko. Pero masarap naman at gustong-gusto ko. "Come on and fly with me, as we make our great escape. Not here," kanta 'yun, huh? Sabi ko pa sa isip. Kinakanta ko lang kanina, tapos ginamit na nito ang lyrics na 'yun sa akin? "Let's go, don't worry, you are my only. No need to worry, baby, I'm horny down there," anas pa nitong bulong sa akin. Uminit naman bigla ang aking katawan dahil sa init ng hininga nito sa tainga ko, lalo na nang bahagyang halikan pa nito ang punong tainga ko. Hindi pa ito nakontento, marahan pa nitong kinagat-kagat. Kinilabutan ako at nakiliti. Kaya bahagya kong nilayo ang ulo. Hinila na niya ako palayo sa loob ng club. Kinapa ko ang maliit kong backpack. Nasa likod ko pa naman. Pero baka manakaw ang motor ko. Huwag naman sana. Tutunog naman iyon kapag ginalaw nila, at nasa akin ang remote at susi ng motor ko. Kaya bahala na.Jela Pov "Hey, babe!" Nagulat pa ako sa biglaan niyang pagsulpot sa boutique ko. Wala ba itong trabaho at nandito na naman ang lalaking ito. "Why are you here?" tanong ko. Pero masaya ang puso ko na makita siya. "Aren't you missing me?" parang batang tanong niya. "Nope! Kahapon ka lang nakikain sa bahay ah. Paano kita mamimiss kung palagi ka sa apartment namin?" ingos ko. Natawa naman ito. "Eh, bakit ako minu-minuto, oras-oras, gabi-gabi, at araw-araw kitang namimiss. Pakiss nga," hindi pa ako nakakasagot, nakahalik na siya. Kinurot ko siya sa tagiliran habang hindi pa niya binibitawan ang labi ko. Palagi kasing gigil ang paghalik niya. Parang palaging sabik na sabik humalik. Bumitaw naman na ito kapag alam niyang kinurot ko na siya. Hindi naman ako tumatanggi na halikan ako. Kaso nga lang, baka mamaga ang labi ko sa paraan ng paghalik niya. Humalik na muna siya sa noo ko bago niya ako magaan na niyakap. "Wala ka bang trabaho?" tanong ko habang nakatingala ako sa kanya. "Du
Kwentuhan Jela Pov"Hindi ko pa alam kung saan kami hahantong. Pero alam ko na hindi niya kami iiwanan nang basta-basta," mahina kong sabi.Nagkatitigan kaming magkakaibigan. Wala silang sermon sa akin, walang panghuhusga, puro pag-unawa lang ang nakikita ko sa kanilang mga mata. "Basta nandito lang kami, suportado ka namin," sabi nila halos sabay-sabay. "At kung siya ang nagpapasaya sa'yo... okay kami doon." "At kung niloloko ka o sinaktan niya ang damdamin mo, susugod kami para damayan ka at para awayin siya para sa'yo," sabi ni Rosey. Ganyan din ang sasabihin ng isa kong kaibigan na si Brigitta kapag nandito siya. Kaso, bigla na lang siyang nawala at hindi na nagparamdam pa. "Count me in," sagot agad ni Wenneth. "Me too," sunod-sunod na sabi ng iba pa. Ngumiti ako, ramdam ko ang totoong pagpapahalaga nila sa friendship namin. Kaya na-appreciate ko naman sila lahat."One for all, all for one and all!" humagikhik pa sila pagkatapos ng sinabi nila. "Salamat ng marami. Grateful
Interrogation ng mga kaibigan ko Jela Pov Masaya ang lahat sa opening ng boutique shop ko. Saka na ako mag-hire ng kasama ko kapag okay na at darayuhin na ng mga tao. Matapos ang programa, nagkanya-kanya na ng kwentuhan ang mga bisita. May mga nagpa-pictures sa harapan, kasama ng mga triplets. May mga nagtanong tungkol sa mga damit, at may ilang nag-order na agad. Hinila ako ng mga kaibigan ko sa gilid, malapit sa maliit na table kung saan nakahain ang juice at pastries. "Hoy, bruha ka. Magkwento ka!" bungad ng isa kong kaibigan. Nakangisi pero halatang atat makasagap ng tsismis. "Ang dami mong surprise ngayon, ah. Gulat ang person." Napatawa ako sa sinabi niya. "Anong surprise?" "Tatlo agad?" biro ni Wenneth, pero kita ko sa mata niyang curious talaga. "As in ang galing ng pûke mo bruha ka, hindi talaga namin alam na may mga anak ka na pala." humalakhak sila sa sinabi nito. Pinalo ko naman siya sa braso. Sumunod naman si Rosey na excited magtanong. "Bes, bakit di mo man lang
Jela Pov Masaya kami para sa'yo, hija," yakap sa akin ni Tita. "Salamat po sa inyo, Tita," masayang pasasalamat ko. "Congratulations, Jela," "Congrats, bes," "Congratulations," Bati nila sa akin, nagagalak ko naman silang sinagot ng salamat ang lahat. Pero sa gitna ng palakpakan at batian, ay ramdam ko rin ang ilang matang nagtatanong lalo na ang mga kaibigan ko. May narinig pa akong pabulong mula sa mga bisita sa gilid. "May tatlo na pala siyang anak?" "Kaya nga ang bibo nila at kay ganda at gwapo na mga bata. Siya ba ang tatay?" tanong rin ng isa. "Hindi ka ba nakikinig kanina? Di ba sabi niya boyfriend niya yung si Jupiter at tanggap ang pagiging single mom ni Jela?" "Ah, oo nga pala. Pero tignan mo ang mga bata, hawig ni Jupiter. Hindi ba napapansin iyon, ni Jela?" "Pero sino kaya ang ama ng mga anak niya?" hindi ko na narinig ang sagot ng kausap niya. Bahagya akong kinabahan, pero naramdaman ko ang kamay ni Jupiter sa likod ko. Hindi niya ako hinawakan,












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
Ratings
reviewsMore