ログインNakarami rin ako ng chapter this January. Try ko but not promise na Mag-update pa ng marami sa story na ito. Maraming salamat sa suporta always 🫶🩷🩵 GBU
Solo JELA POV Tahimik na ang buong bahay. Pagkatapos ng maingay na hapunan, isa-isa nang nakatulog ang mga bata, pagod sa kakatawa, kakain, at kakadaldal. Mga walang katapusang tawanan at kwentuhan. Kahit si Jam, na parang may unlimited energy, himbing na rin sa sofa habang yakap ang medal case ni Jupiter. Pasaway na bata, mas lalong naging hyper. Lumabas ako sa terrace, dala ang isang baso ng tubig. Mahangin, ang sarap sa pakiramdam. Nakahinga at guminhawa rin ang tainga ko dahil sa katahimikan ng gabi. Parang nasa ibang mundo na ako kumpara sa ingay kanina. Huminga ako nang malalim. "Finally... have peace and quiet," sambit ko. "Sure ka?" Agad akong napalingon sa likuran ko. Nakasandal si Jupiter sa pinto, nakatingin sa akin, may hawak na dalawang baso ng juice. Napangiti ako nang makita ko siya. Ang gwapo talaga nito lalo na kapag nakangiti parang may kalokohang dala ang ngiting iyon. Masyadong maraming meaning sa utak ko ang paraan ng pagngiti niya. "Tahimik da
The kids dramaJELA POV "Tito Papa," sabi ng isa sa kambal, "paano po ba maging champion? Gusto ko rin kasi maging champion kagaya mo." Nagkunwari si Jupiter na seryoso. "Kailangan... kumain ng maraming gulay." "Ha?!" sabay reklamo ng tatlo. Natawa naman sila Tita. "Hindi po totoo 'yan!" kontra agad ni Jam. "Hindi po mukhang kumakain ng ampalaya si Tito Papa!" "Aba!" natatawang sagot ni Jupiter. "Kumakain ako, huh!" "Proof po, Tito Papa!" sigaw ng kambal. "Wala akong proof sa ngayon," natawa siya. "Sabi ko na nga ba," mahinang sabi ni Jam. "Fake news si Tito Papa." Halos mabulunan ako ng tubig. "Jam, ikaw talaga!" "Totoo naman po, Mama!" sagot ni Jam. "Saka, Mama, sabi ni teacher kapag gusto lumakas ang katawan, pwede rin kainin ang prutas, manok, karne, isda, kahit wag na ang gulay," sagot ni Jon. "May tawag si teacher sa mga pagkain na 'yan, eh . Pro-something, basta gano'n, wait lang isipin ko pa. Para di kami fake news dito," sagot rin ni Jan. Lalong nag-ingay ang me
FAMILY DINNER JELA POV Punong-puno ang mahabang hapag sa bahay ni Tito. Iba't ibang putahe, may lechon, may pansit, may spaghetti na halatang request ng mga bata at kung anu-ano pang handa na parang fiesta. "Grabe, parang may kasal!" bulong ko habang nakatingin sa mesa. Ang dami ba naman kasing pagkain at parang kami lang naman ang kakain. Kahit isama pa ang mga security guard, drivers at kasambahay. Hindi pa rin namin ito mauubos. "Hindi, Ma," sabat ni Jam. "Mas bongga pa po 'to. May champion kasi. Pagod siya, nagpana kaya kailangan niya kumain ng marami," "Ha? Pagod? Nagpana lang naman ah." Sabay lingon ko kay Jam. "Si Tito Papa! Champion siya!" sabay taas niya ng kamay na parang announcer ulit. "Jam..." napapailing na lang ako sabay tawa. Pagpasok pa lang namin ay sinalubong agad kami ni Tito. Tumakbo naman ang mga bata para yumakap sa Lolo at Lola nila. "Oy! Andito na ang sikat! Champion pa!" malakas niyang sigaw sabay tapik sa balikat ni Jupiter. Natawa na lang rin kam
"Tito Papa! May banner kami!" sabay turo sa papel na naka-tape sa dingding. *WELCOME HOME CHAMPION* at may drawing pa na pana at bituin . Pero mali ang spelling nila. CHAMPYON ang nakalagay. Natawa si Jupiter nang malakas. "CHAMPYON?!". "Eh kasi po, Tito Papa, pinoy version po yan!" proud na proud na sagot ni Jam. "Ahh, Pinoy version pala! Sige, pwede na," tawa ni Jupiter. Tapos biglang tumakbo ang kambal sa kwarto . Pagbabalik nila, may dala-dala na silang improvised crown. Gawa sa karton iyon at may glitter pa. May nakadikit pang sticker na "Princess" sa gilid. Napangiti ako sa ginawa nila. "Tito Papa! Suotin mo na po!" sabay abot nila. Napatingin si Jupiter sa crown na iniabot nila, tapos sa akin. "Babe... papayag ka?" "Ako pa tinanong mo?" sagot ko. "Edi suotin mo , para naman iyan sa'yo." Ngumiti siya at sinuot ang crown. Pagtingin ko sa kanya, muntik na akong matawa nang malakas. World champion sa archery... pero ngayon? Mukha siyang hari ng kinder.
Welcome home party Jela Pov Maaga pa lang, parang may fiesta na dito sa bahay. Hindi pa man sumisikat nang todo ang araw, gising na ang mga bata, lalo na si Jam. Hindi na siya mapakali. Paikot-ikot sa sala, hawak ang maliit na papel na ginawa niyang "WELCOME HOME" banner. "Mama, dapat po may confetti!" excited na sigaw niya. "Anong confetti?" singhal ko, nakataas pa ang kilay ko. "Jam, bahay 'to, hindi birthday party ang magaganap. Welcome party lang." "Eh champion po siya, Mama! Pwede po yung confetti. Dapat may pa-salubong tayo sa champion!" sabay taas ng kamay niya na parang announcer. "WELCOME HOME, GOLD MEDALIST! TITO PAPA!" Napapikit ako. "Anak... wag kang sumigaw, pakihinaan ang boses mo. Baka marinig tayo ng kapitbahay, isipin nilang may artista dito." awat ko sa bata. "Ay, Mama, artista naman po si Tito Papa ngayon. Dami niya fans po!" singit ng kambal sabay tawa. Ako naman, pilit kong kinakalma ang sarili habang nag-aayos ng mesa. Pero sa totoo lang, kinakabahan ta
Happy and Thrilled Jela Pov "TITO PAPA! CONGRATS POOOOO!" malakas na sigaw nilang tatlo. Napatakip na lang ako sa isang tainga ko. Narinig ko ang tawa ni Jupiter sa kabilang linya. "Hello, babies ko." "WOW! Tito Papa, GOLD KA PO!" sigaw ni Jam. "Ikaw na po ang pinaka-astig sa lahat!" "Thank you," malambing niyang sagot. "Ang galing-galing mo po," sambit rin ni Jon. "Gusto rin po namin maglaro ng ganyan," bulalas ni Jan. "Tuturuan ko kayo soon," sagot naman ni Jupiter. "YEEEEH!" malakas na naman na sambit ng tatlo. Tapos, bumalik siya sa akin. "Babe..." "Ano." "Hindi ko sinabi... kasi natatakot akong isipin mo na masyado akong... malayo sa mundo niyo," malumanay na sabi ni Jupiter. Napakagat ako sa labi. Tama ang nasa isip niya dahil nakakatakot maging sikat sa mundo at nakakatakot ang mga mapanghusgang tao. "Hindi ka malayo," mahina kong sagot, "pero minsan... nakakagulat ka. Baka mamaya may mga reporter na dito ha! Sasakalin na talaga kita." Tumawa siya
My aunt saw my kids Jela Kapag day off ko sa trabaho, ganito lang ang ginagawa naming apat ng mga anak ko. Lalabas at magtatambay sa park, kapag hapon, uuwi na lang kapag medyo gumabi na. Pinakabonding na namin ito. At masaya ako dahil kontento na sila sa ganitong set-up. Dahil nakikinig sila sa
Suspicious Jela Break time ko at nagtungo ako sa mga tambayan dito sa mall. May maganda rin kasing tambayan dito. Palaruan ng mga bata at tambayan na rin. Gusto ko dalhin dito ang mga anak ko kaso ayokong mai-chismis ako at gawan ng kung ano-anong kwento. Baka mapapaaway ako ng bongga. Saka
Change Department Jela "Oh, bruhela, 'yong pangarap mong department store natupad na. Huwag ka lang magsuot ng mga dress na 'yan ha, baka mahawaan ang mga gagamit na sikat at kilalang tao dito sa bansa ng kabaliwan mo," patutsada ni Wenneth, ang manager dito. Masaya ako para sa kanya dahil na
Taho Jela Umiiyak ang tatlo dahil hindi nila naabutan ang taho na dumaan dito kanina. Bingi yata ang tindero ng taho. Kaya bibili na nga lang ako ng portable microphone na gagamitin ng mga anak ko sa tuwing umaga para pagtawag sa taho para marinig niya. "Tahan na, mga anak. May bukas pa naman
![Just One Night [Tagalog]](https://www.goodnovel.com/pcdist/src/assets/images/book/43949cad-default_cover.png)






