로그인Chapter 4
Slap and Kiss Nakapasok ako sa Cromwell Mall bilang isang saleslady. Kilala ako ng may-ari ng mall kaya nakiusap ako na mananatiling lihim ang aking personal na buhay. Nagmakaawa akong sana tanggapin nila ako bilang isang saleslady sa kanilang mall. Ito nga, isang buwan na akong nagtatrabaho dito. Masaya ang bawat araw ko dahil may mga totoong kaibigan na ako na alam kong balang araw sila ang makakaunawa sa sitwasyon ko nang walang halong paghusga. Busy na ako sa pwesto ko nang may dumating na delivery boy. "Miss, saan ko ilalagay ang mga delivery na ito?" tanong ng lalaki. Nagkagulatan pa kaming dalawa nang lumingon ako sa kanya. Kita ko ang kanyang pag-ngisi. "Ikaw?" malakas kong sambit. "Ako?" sagot naman ng lalaki. "Sinusundan mo ba ako?" akusa ko. "Sino ka ba?" tanong naman ng lalaki. "Anong ginagawa mo dito?" iniba ko ang tanong. Mukhang nakalimutan na yata niya ang eksena noong nakaraang buwan. "Nagde-deliver lang ako, Miss," ngisi ng lalaki. "Ang sungit mo pala talaga! Long time no see," ngisi ulit nito. So, naaalala niya ako? Kunwari lang na hindi niya ako kilala. Oh, well, hindi talaga niya ako kilala dahil hindi ko naman sinabi ang pangalan ko. Sa hitsura lang kami magkakilala. "Nakita na naman kita, buo na naman ang problema ko!" sabi ko at tinalikuran ko na siya. Mahina naman itong tumawa. "Huwag mong iwan dito ang mga delivery na nakakalat, Miss. Charge sa'yo ang mga ito kapag may nawala ni isa sa mga item," seryosong sabi ng lalaki. "Bakit kasi dito mo pinunta ang mga iyan? Hindi naman dito ang delivery area. Ako ang pagbubuhatin mo sa mga iyan?" pagsusungit kong sabi. "Mukha ka na ngang matanda, ang hilig mo pang mainis at magalit. Ngiti naman diyan kahit pilit lang. Para mawala ang wrinkles sa mukha," pang-aasar niya sa akin. "Hayop!" agad na bulalas ko. Masama ko siyang tinignan. Humalakhak lang naman ang gago. "Makahayop ka sa akin, akala mo beautiful creature ka!" ganting sagot nito. "Ngiti na baka magandahan pa ako sa'yo!" ngisi pa nito. "Hindi tayo close para ngumiti ako sa iyo. Alis na dito, double na ang problema na dulot mo nang makita na naman kita. Bwesit ka!" angil ko. Sinamaan ko pa siya ng tingin. Ngumisi lang naman ito sa akin. "Ang hilig mo ring magmura, kababae mong tao!" puna niya sa akin. "Ang hilig mo ring ngumisi, nagmukha ka ng aso!" sagot ko. "Ang harsh mo na nga, ang hilig mo pa ring magmura!" iiling-iling na sabi nito. "Sa iyo ko lang ito nagagamit, salamat ha! Never forget ang panghaharang mo sa amin, nahuli sa klase tuloy ang mga bata. Ako ang sinisi nila dahil pag-uwi nila, wala silang reward na star dahil sa'yo!" inis na sambit ko. Halos kalmutin ko na ang mukha ng lalaking ito. Gwapo naman, kaya lang sobrang inis ako sa pagmumukha niya. Napatigil ang lalaki na parang may inaamoy sa ere. Nagulat ako nang lapitan niya ako. Napaatras ako ng bahagya, pero hindi siya tumigil sa paglapit sa akin. "Hoy! Anong ginagawa mo?" "Stay still," sagot ng gago. "Siraulo ka!" bulyaw ko. "Wait lang! Don't move," utos nito. "Hindi ako tae na sinisinghot-singhot mo! Tangina nito!" sa galit kong tono. Parang aso itong may sinisinghot-singhot habang papalapit siya sa akin. Ano ba talaga ang trabaho ng lalaking ito? Noong nakaraang buwan, nakita ko siyang nagtatrabaho bilang isang construction worker. Tapos ngayon, delivery boy na. Ano na naman kaya sa susunod na pagkikita namin? Napasinghap ako nang amuyin nito ang leeg ko. Na-corner kasi niya ako sa gilid, at hindi ko ito mapigilan sa paglapit niya sa akin. "Your scent smells familiar. I like your smell, I'm so addicted," anas niyang bulong. Nanigas ako nang lumapit ang mukha nito sa leeg ko, nagtaasan pa ang balahibo ko sa katawan ng dumampi ang ilong sa leeg ko. Naramdaman ko ang pagsamyo nito doon na nagpakilabot sa buong katawan ko. Dahil sa hindi ko na mapigilan ang sarili, tinulak ko siya sabay sampal. Napasinghap ang ibang mga katrabaho ko sa ginawa ko. "Manyak ka! Siraulo!" sigaw ko sa kanya. "I'm just smelling you! Manyak na kaagad?" seryosong tanong ng lalaki sa akin. "Anong tawag mo sa ginagawa mo sa akin? Bakit aso ka ba na amoy-amoyin mo ang leeg ko? Pagkatapos, ano? Sasakmalin mo, ang leeg ko? Gago!" galit na sambit ko. Ngunit ang hindi ko napaghandaan ay ang hilain nito ang batok ko. Mabilis at mapusok na halik sa labi ang ganti ng gagong lalaki. Itinikom ko ng mariin ang labi ko, pero kinagat niya ang ibabang labi ko kaya napasinghap ako. Mas pinailalim pa nito ang paghalik sa akin. "Uhmp!" hampas ko sa ulo niya. Siraulo ba ang lalaking ito? Gumawa na naman ng eskandalo ang damuho! Kinurot ko siya sa tagiliran dahilan para mabitawan niya ang labi ko. Sinampal ko ulit siya sa pisngi. "Wala kang karapatan na basta mo na lang ako halikan!" tumakbo ako palayo sa department store kung saan ako nakapwesto. "Gumanti lang ako sa pananampal mo sa akin, Miss?" sigaw niya para marinig ko siguro. Pero hindi ko na siya pinansin pa. "Bwesit siya! Gago siya! Anong karapatan niyang halikan na lang ako ng ganu'n na lang. Lintik!" masamang loob na sambit ko. Kakabago-bago ko pa lang dito, baka mamaya tanggalin ako ni Tita Belen dahil sa kapangahasan ng lalaking iyon. "Tangina niya, eh!" mura ko na naman sa inis sa gagong iyon. Baka isa na ako sa tampulan nila ng chismis dito sa mall. Ano kaya ang pangalan ng gagong iyon para maipakulam ko nga siya? Yung gigil at inis ko abot hanggang langit. Bwesit! Nagtungo ako sa toilet at dito ko pinakalma ang sarili ko. Naghilamos at nagmumog ako. Mahimasmasan pa ako nang mabasa ko na ang mukha ko. Napahaplos ako sa dibdib ko dahil kanina pa malakas ang tibok. Kakaibang tibok na hindi ko mapangalanan.Solo JELA POV Tahimik na ang buong bahay. Pagkatapos ng maingay na hapunan, isa-isa nang nakatulog ang mga bata, pagod sa kakatawa, kakain, at kakadaldal. Mga walang katapusang tawanan at kwentuhan. Kahit si Jam, na parang may unlimited energy, himbing na rin sa sofa habang yakap ang medal case ni Jupiter. Pasaway na bata, mas lalong naging hyper. Lumabas ako sa terrace, dala ang isang baso ng tubig. Mahangin, ang sarap sa pakiramdam. Nakahinga at guminhawa rin ang tainga ko dahil sa katahimikan ng gabi. Parang nasa ibang mundo na ako kumpara sa ingay kanina. Huminga ako nang malalim. "Finally... have peace and quiet," sambit ko. "Sure ka?" Agad akong napalingon sa likuran ko. Nakasandal si Jupiter sa pinto, nakatingin sa akin, may hawak na dalawang baso ng juice. Napangiti ako nang makita ko siya. Ang gwapo talaga nito lalo na kapag nakangiti parang may kalokohang dala ang ngiting iyon. Masyadong maraming meaning sa utak ko ang paraan ng pagngiti niya. "Tahimik da
The kids dramaJELA POV "Tito Papa," sabi ng isa sa kambal, "paano po ba maging champion? Gusto ko rin kasi maging champion kagaya mo." Nagkunwari si Jupiter na seryoso. "Kailangan... kumain ng maraming gulay." "Ha?!" sabay reklamo ng tatlo. Natawa naman sila Tita. "Hindi po totoo 'yan!" kontra agad ni Jam. "Hindi po mukhang kumakain ng ampalaya si Tito Papa!" "Aba!" natatawang sagot ni Jupiter. "Kumakain ako, huh!" "Proof po, Tito Papa!" sigaw ng kambal. "Wala akong proof sa ngayon," natawa siya. "Sabi ko na nga ba," mahinang sabi ni Jam. "Fake news si Tito Papa." Halos mabulunan ako ng tubig. "Jam, ikaw talaga!" "Totoo naman po, Mama!" sagot ni Jam. "Saka, Mama, sabi ni teacher kapag gusto lumakas ang katawan, pwede rin kainin ang prutas, manok, karne, isda, kahit wag na ang gulay," sagot ni Jon. "May tawag si teacher sa mga pagkain na 'yan, eh . Pro-something, basta gano'n, wait lang isipin ko pa. Para di kami fake news dito," sagot rin ni Jan. Lalong nag-ingay ang me
FAMILY DINNER JELA POV Punong-puno ang mahabang hapag sa bahay ni Tito. Iba't ibang putahe, may lechon, may pansit, may spaghetti na halatang request ng mga bata at kung anu-ano pang handa na parang fiesta. "Grabe, parang may kasal!" bulong ko habang nakatingin sa mesa. Ang dami ba naman kasing pagkain at parang kami lang naman ang kakain. Kahit isama pa ang mga security guard, drivers at kasambahay. Hindi pa rin namin ito mauubos. "Hindi, Ma," sabat ni Jam. "Mas bongga pa po 'to. May champion kasi. Pagod siya, nagpana kaya kailangan niya kumain ng marami," "Ha? Pagod? Nagpana lang naman ah." Sabay lingon ko kay Jam. "Si Tito Papa! Champion siya!" sabay taas niya ng kamay na parang announcer ulit. "Jam..." napapailing na lang ako sabay tawa. Pagpasok pa lang namin ay sinalubong agad kami ni Tito. Tumakbo naman ang mga bata para yumakap sa Lolo at Lola nila. "Oy! Andito na ang sikat! Champion pa!" malakas niyang sigaw sabay tapik sa balikat ni Jupiter. Natawa na lang rin kam
"Tito Papa! May banner kami!" sabay turo sa papel na naka-tape sa dingding. *WELCOME HOME CHAMPION* at may drawing pa na pana at bituin . Pero mali ang spelling nila. CHAMPYON ang nakalagay. Natawa si Jupiter nang malakas. "CHAMPYON?!". "Eh kasi po, Tito Papa, pinoy version po yan!" proud na proud na sagot ni Jam. "Ahh, Pinoy version pala! Sige, pwede na," tawa ni Jupiter. Tapos biglang tumakbo ang kambal sa kwarto . Pagbabalik nila, may dala-dala na silang improvised crown. Gawa sa karton iyon at may glitter pa. May nakadikit pang sticker na "Princess" sa gilid. Napangiti ako sa ginawa nila. "Tito Papa! Suotin mo na po!" sabay abot nila. Napatingin si Jupiter sa crown na iniabot nila, tapos sa akin. "Babe... papayag ka?" "Ako pa tinanong mo?" sagot ko. "Edi suotin mo , para naman iyan sa'yo." Ngumiti siya at sinuot ang crown. Pagtingin ko sa kanya, muntik na akong matawa nang malakas. World champion sa archery... pero ngayon? Mukha siyang hari ng kinder.
Welcome home party Jela Pov Maaga pa lang, parang may fiesta na dito sa bahay. Hindi pa man sumisikat nang todo ang araw, gising na ang mga bata, lalo na si Jam. Hindi na siya mapakali. Paikot-ikot sa sala, hawak ang maliit na papel na ginawa niyang "WELCOME HOME" banner. "Mama, dapat po may confetti!" excited na sigaw niya. "Anong confetti?" singhal ko, nakataas pa ang kilay ko. "Jam, bahay 'to, hindi birthday party ang magaganap. Welcome party lang." "Eh champion po siya, Mama! Pwede po yung confetti. Dapat may pa-salubong tayo sa champion!" sabay taas ng kamay niya na parang announcer. "WELCOME HOME, GOLD MEDALIST! TITO PAPA!" Napapikit ako. "Anak... wag kang sumigaw, pakihinaan ang boses mo. Baka marinig tayo ng kapitbahay, isipin nilang may artista dito." awat ko sa bata. "Ay, Mama, artista naman po si Tito Papa ngayon. Dami niya fans po!" singit ng kambal sabay tawa. Ako naman, pilit kong kinakalma ang sarili habang nag-aayos ng mesa. Pero sa totoo lang, kinakabahan ta
Happy and Thrilled Jela Pov "TITO PAPA! CONGRATS POOOOO!" malakas na sigaw nilang tatlo. Napatakip na lang ako sa isang tainga ko. Narinig ko ang tawa ni Jupiter sa kabilang linya. "Hello, babies ko." "WOW! Tito Papa, GOLD KA PO!" sigaw ni Jam. "Ikaw na po ang pinaka-astig sa lahat!" "Thank you," malambing niyang sagot. "Ang galing-galing mo po," sambit rin ni Jon. "Gusto rin po namin maglaro ng ganyan," bulalas ni Jan. "Tuturuan ko kayo soon," sagot naman ni Jupiter. "YEEEEH!" malakas na naman na sambit ng tatlo. Tapos, bumalik siya sa akin. "Babe..." "Ano." "Hindi ko sinabi... kasi natatakot akong isipin mo na masyado akong... malayo sa mundo niyo," malumanay na sabi ni Jupiter. Napakagat ako sa labi. Tama ang nasa isip niya dahil nakakatakot maging sikat sa mundo at nakakatakot ang mga mapanghusgang tao. "Hindi ka malayo," mahina kong sagot, "pero minsan... nakakagulat ka. Baka mamaya may mga reporter na dito ha! Sasakalin na talaga kita." Tumawa siya
Chapter 6 Asaran with the Delivery Boy "Mama, wake up na! Maga na po, may pasok ka sa work. Kailangan natin ng pera dahil matakaw kami kumain po," malakas na sambit ni Jan. "Yung promise mo, Mama, na kakain tayo kay pareng Jabebe," dagdag naman ni Jon. What? Pareng Jabebe? Gusto kong tumawa
Chapter 5 Meet againSabado ngayon, iniwan ko ang mga bata sa anak ng landlady kung saan ako nangungupahan. Gusto kong bumisita sa puntod ng aking ama. Every week ako dumadalaw sa kanya sa sementeryo. Masakit pa rin para sa akin ang maagang pagkawala ng aking ama. Kung sana nabubuhay pa siya, mas
Chapter 3 5 Years LaterJelaNagmamadali akong binihisan ang tatlo kong anak. Late na sila sa paaralan dahil late akong nagising kinabukasan. Napuyat kasi akong kahahanap ng trabaho kagabi sa website. Sa wakas, may nahanap na ako. May nag-email agad at may interview na ako mamayang hapon. Gano'n
Chapter 2Dim night Pagpasok pa lang namin sa loob ng condo nito ay agad na niya akong sinunggaban ng halik sa labi. Mapusok at malalim niya akong hinalikan sa labi. Sabik na sabik tila may pagmamadali ang bawat kilos nito. Ako, na madaling mag-init ng katawan, ay agad na bumigay.Kahit nahihilo a







