"Hindi ba dapat ay magpasalamat ka saakin? Niligtas ko ang future mo sa matandang iyon"
Napanguso si Jhaira sa sinabi ni Zachary "Hindi mo naman kailangang gawin pero salamat" ani niya Nakaupo ngayon si Zach sa harapan niyang couch at matiim na nakatitig sa kaniya, hindi mapigilang maglakbay ang mata ng binata sa kabuuan ni Jhaira. Hindi niya maiwasang alalahanin ang itsura nito nuong unang pagkikita nila at nakatalik niya ito Tumikhim si Zach, ramdam niya ang pagtigas ng pagkalalaki dahil sa naiisip "So ano ng plano mo ngayon? Hindi kaba babalik sa kompanya ko?" Tanong ni Zach at hinaplos ang sariling labi Napakagat ng labi si Jhaira, wala naman na siyang ibang kailangan pang gawin pero hindi naman masama ang offer nito "P-pag iisipan ko pa, sa ngayon uuwi muna ako" ani niya "Sa bahay ko" Ani ni Zach na nagpataas ng kaniyang kilay "Simula ngayon uuwi kana sa bahay ko dahil asawa na kita, hindi magandang tignan na magkaibang bubong naninirahan ang mag-asawa" Napalunok siya ng ilang beses sa sinabi nito, mukhang wala na itong takas ngayon sa lalaki "Uuwi ka sa bahay ko o ako ang uuwi sa tinitirhan mo? Kahit anong pilihin mo sa iisang bubong parin tayo dadalhin ng desisyon mo" seryoso ang mukha ni Zachary pero na e-enjoy niya talaga ang reaksiyon ng dalaga sa harapan niya Nilaro ni Jhaira ang kamay bago bumuntong hininga, wala naman na siyang choice "Sige sa bahay mo ako uuwi, pero bigyan mo muna ako ng isang araw. Kailangan ko pang ayusin ang mga gamit ko para makalipat" Ayaw naman niyang manirahan sila ni Zach sa tinitirahan niya dahil maliit at masikip lamang ito "All right, tara na ihahatid kita" tumayo si Zach at sinulyapan ang watch nito na mamahalin "Hindi na kaya ko naman, mag t-taxi nalang ako" sinubukan niya itong tanggihan pero nagsalubong ang nuo ni Zach "Ihahatid kita sa ayaw at gusto mo, baka mamaya tatakasan mo na naman ako" ani nito at naunang naglakad palabas Siya naman ay nahulog ang panga, mukha ba siyang tagatakbo sa lahat ng problemang dumadating sa kaniya? Inihatid siya ni Zach gamit ang magara nitong sasakyan, tahimik lang siya sa sasakyan dahil hindi siya makapaniwala na asawa na niya ang lalaking kailan lang ay iniiwasan niya. Asawa na niya ang tito ng kaniyang ex-boyfriend at ang CEO ng isang successful na kompanya, pakiramdam niya ay panaginip lang ang lahat at nasa isang ilusyon lamang siya Ilang beses niya pang kinurot ang sarili pero pinigilan siya ni Zach "Stop pinching your skin, mabilis pa namang mamula yan" komento ni Zach sa seryosong boses "Paano mo alam na mabilis mamula ang balat ko?" Gulat niyang tanong, siya lang kasi ang nakakaalam nuon sa sarili niya "Well ilang beses ko na yang hinalikan at kinagat nuong nagkita tayo sa bar, wala pang isang segundo pero namumula na pati ang nipples mo" Halos maging kamatis ang kaniyang mukha sa sinabi nito, tinago niya ang mukha sa gilid ng upuan at napapikit nalang sa kahihiyan Sa Zach naman ay tahimik na ine-enjoy ang reaksiyon ni Jhaira. Ng makarating sila sa apartment ni Jhaira ay saka siya bumaba "Samahan na kita" akmang bababa pa si Zachary sa sasakyan pero pinigilan niya ito "H-huwag na hindi naman ako tatakas promise, pupuntahan kita bukas sa kompanya" ani niya Kumunot ang nuo ni Zach at seryoso siyang tinitigan, lumabas ito ng kaunti sa bintana hanggang sa magkalapit na ang mga mukha nila. Napalunok siya ng bumaba ang mata ni Zach sa kaniyang labi "Kapag tinakasan mo ako ulit, itatali na kita sa kama ko" Saka ito umalis habang bagsak ang kaniyang panga ______ Gulong gulo si Jhaira habang nasa harapan ng hapagkainan, kasalukuyan niyang kasama ngayon ang pamilya dahil pinatawag siya ng tatay niya at may importante daw itong sasabihin "Hindi na ako magpapaligoy pa, kailangan nating mapatalsik si Zachary sa posisyong CEO. Ang dapat na nakaupo roon ay ang fiancee mo Diane, si Arjay dapat dahil maari niya tayong tulungan sa kompanya kapag nakuha niya ang posisyong CEO" Agad na tumaas ang kilay niya sa sinabi ng kaniyang tatay "Diane dapat ay I seduce mo si Zachary at mapilit siyang bumaba sa posisyong CEO" tumingin ang tatay niya kay Diane Agad nag react ang step-sister niya "Dad magiging fiancee ko na si Arjay, kapag nahuli ako at sinumbong ni Zachary na sineduce ko siya ay baka hindi na matuloy ang kasal namin" nag-aalalang ani nito "Wala tayong magagawa, hindi madaling patalsikin si Zachary dahil wala siyang kahinaan. Ikaw lang ang tanging pag-asa natin kung hindi ay babagsak ang kompanya natin" seryoso ang boses ng tatay niya "At ano naman ang silbi ng anak mo sa labas? Ano pat pinatawag mo siya rito?" Sakristong tanong ni Risa at tinaasan pa siya ng kilay Nagbaba siya ng tingin at nilaro nalang ang pagkain "Jhaira ikaw ang tutulong kay Diane para ma seduce niya si Zachary, tutal ikaw naman ang sekretarya niya ay----" hindi niya pinatapos ang sasabihin ng tatay niya "Hindi na po ako ang sekretarya niya, nag resign na ako" "Ano?! Tanga kaba? Alam mo ba kung gaano ka importante ang posisyon mo sa kompanya? Bukas na bukas bumalik ka sa kompanya at makiusap kay Zachary na tanggapin ka niya nilang sekretarya, sabihin mo nagkamali ka sa naging desisyon mo" galit na sigaw ng tatay niya Hindi niya mapigilang masaktan dahil wala man lang consideration ang tatay niya sa kaniyang nararamdaman, hindi man lang nito tinanong kung bakit siya nag resign Hindi nga pala alam ng mga ito ang nangyari kahapon, kinasal na sila ni Zachary at mukhang walang ka-alam alam ang mga ito kahit si Risa na siyang nag set-up ng kaniyang kasal "Kamusta naman ang kasal ninyo ni Mr. Andrada? Dapat ay lumipat kana sa bahay niya para naman may silbi ka bilang asawa niya" ani ni Risa Hindi siya umimik, sobrang baba ng tingin ng mga ito sa kaniya "Talagang pinakasalan mo ang matandang iyon? Yuckk" pabulong na ani ni Diane pero rinig niya iyon Pumikit siya at bumuntong hininga, napuno na siya sa mga insulto nito "Kung tapos na ay aalis na ako" malamig niyang ani at pinunasan ang labi, bago siya makatayo ay nagsalita ang kakapasok na maid "Senor nandito po si sir Arjay at Sir Zachary" Natigilan siya ng marinig ang pangalan ng binataYung mga naguguluhan po kung saan ko i u-update yung new story na My husband is a Billion-dollar, sa ibang book ko po siya I susulat at hindi na dito sa libro nila Jhaira at Zach Also you can add me on F* or message me doon, mag u-upload po ako ng mga teaser sa ating bagong libro roon at mga scenes habang hindi pa po na u-upload yung libro. Doon din po ako mag a-announce kung may update na po para aware po kayo F* name: MAyka Faye (3 cats profile) Muli salamat po, naway suportaha niyo po ang magiging story nila Jazeah at Raven at makikita niyo rin doon si Draven Kalsen at ang kaniyang magiging female lead hehehe, mana sa ama.
Ang hapon ay bumababa na sa abot-tanaw, at ang langit ay tila nilarawan ng mga kamay ng Diyos—kahel, rosas, at gintong halo ng liwanag. Sa ilalim ng kulay ng dapithapon, ramdam ang init ng araw na unti-unting humihina, ngunit ang init ng yakap ni Zach sa likuran ko ay nananatiling buo—matatag. Parang kasiguraduhang kahit gaano ka-unstable ang mundo noon, ay meron pa rin palang pagmamahal na hindi kayang lipulin ng panahon o sakit."Mommy! Daddy, look!" sigaw ng anak namin mula sa may buhanginan, gamit ang maliit niyang kamay para ituro ang kinulayan niyang sea shell. "It's blue now! Like my shirt!"Tumawa si Zach, habang hindi pa rin inaalis ang baba niya sa balikat ko. "He's got your curiosity," aniya. "Lahat gusto niyang malaman. Lahat gusto niyang hawakan.""Pero mana sa'yo sa pagkakalikot," sagot ko, sabay lingon sa kaniya. "May sinira na namang laruan kanina para lang makita kung paano gumagalaw."Pareho kaming natawa.Ang anak namin—isang maliit na kombinasyon ng aming dalawa. Ma
Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Parang ang bigat ng buong katawan ko. Parang pagod na pagod ako sa isang mahabang laban na hindi ko alam kung kailan nagsimula at kailan natapos.Maya-maya pa, unti-unti kong naramdaman ang malamig na simoy ng aircon, ang mahina ngunit pamilyar na amoy ng disinfectant, at ang kawayang ingay ng monitor na may tunog na beep... beep... beep sa gilid ko.Pagdilat ng mata ko, unang sumalubong sa akin ang maputing kisame ng ospital. Tahimik ang paligid. Malinis. Mapayapa.Napasinghap ako nang dahan-dahan kong igalaw ang kamay ko. Masakit. Mabigat ang puson ko. Ngunit... buháy ako. Buhay."Baby"Isang pamilyar, pabulong na tinig ang sumalubong sa akin. Mababaw ngunit punô ng emosyon. At sa paglingon ko sa kanan, tumigil ang mundo ko.Si Zach.Naka-sando lang siya, mukhang hindi pa naliligo, magulo ang buhok at may mga luha sa mata. Pero kahit ganoon, kitang-kita sa kaniya ang saya—at ang kaba—habang hawak-hawak niya sa kanang braso ang isang maliit na kumot
My pregnancy journey wasn't easy.Minsan talaga, para akong may topak—may araw na tatawa lang ako buong umaga, tapos bigla nalang akong iiyak dahil naiwan ko ang paborito kong unan sa kabilang kwarto. May oras na kahit simpleng tanong ay naiirita ako, at kahit ang lambing ni Zach, hindi ko maintindihan minsan kung nakaka-comfort ba o lalo lang akong naiiyak. Hormones. Emotions. Exhaustion. Lahat-lahat.Pero kahit pa ganu'n, hindi niya ako iniwan. He stayed. Not just physically—but truly present. With every unpredictable mood swing, with every unreasonable craving, with every breakdown I couldn't explain—Zach was there, steady like the sea on a calm day."Okay lang, baby," he'd whisper while gently rubbing my back. "Pagod ka lang. And I love you. Always."And as for my mom... she never left my side either. Para bang bumalik ako sa pagkabata, 'yung panahong may sakit ako at siya 'yung gumagabay sa'kin. Ngayon, siya pa rin ang nandiyan—guiding me through the aches, the fears, and even the
Ang mga sumunod na buwan pagkatapos ng kaguluhan... parang pelikula lang. Pero hindi 'yung tipong action-packed na may barilan at habulan—kundi 'yung uri ng pelikulang tahimik pero punô ng damdamin. Marahang umikot ang oras, pero sa bawat segundo, ramdam ang pagbabago.Kung dati, sanay akong si Zach ay tila isang guwapong demonyo—mataas ang ihi, malamig ang titig, at tila walang pake sa paligid—ngayon, araw-araw ko siyang nakikitang may hawak na eco bag mula Landers, habang sa kabilang kamay ay maingat niyang binabasa ang sulat-kamay kong grocery list na may mga kulot-kulot pa sa dulo ng letra."Zach, hindi 'yan 'yung tamang gatas."Napahinto siya sa gitna ng aisle, hawak ang isang lata ng formula milk, at napakunot-noo na para bang CEO na sinabihan ng accountant niya na nalugi ang kumpanya sa loob ng dalawang araw."Ha? Pero 'yan 'yung may DHA,.""Oo, pero 'di hypoallergenic 'yan. Sabi ni OB ko, dapat sensitive-friendly 'yung bibilhin."Tahimik siyang tumango. Walang reklamo. Parang
"Zach..."Halos himatayin ako habang patakbo palapit sa kaniya. Nanginginig ang katawan ko, halos mapatid ang hininga ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. Paglapit ko sa kaniya, agad ko siyang niyakap—mahigpit, desperado, parang mawawala ulit siya sa isang iglap.Yinakap ko siya na parang hindi na ako hihinga kung hindi ko siya mahahawakan.Pinasok ko ang mukha ko sa marumi niyang dibdib. Amoy usok, dugo, at pawis ang kanyang katawan, pero wala na akong pakialam."L-ligtas ka..." hikbi ko habang tumutulo na naman ang luha ko.Sinuntok ko pa siya sa likod, mahina pero may galit. Hindi galit na galit. Galit na halong takot—dahil muntik na niya akong iwan. Dahil muntik na siyang mawala sa'kin."I'm sorry if I made you nervous," bulong niya, paos ang boses. Ramdam ko ang bahagyang panginginig sa dibdib niya habang humihinga siya ng malalim.Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Maingat. Parang dinuduyan ang mukha ko. Pinilit niyang hanapin ang mga mata ko, kahit na hindi ko pa rin map