LOGINWarning: SPG May mga nilalaman na hindi angkop sa mga bata. *** Hindi niya pinili ang kasal. At hindi niya dapat pinagnasahan ang lalaki. Nang malaman ni Althea De Fuego na ipapakasal siya sa isang makapangyarihang CEO upang iligtas ang kanyang pamilya, isang gabi lang ang hiniling niya. Isang gabing wala siyang obligasyon, wala siyang pangalan, at wala siyang kinabukasan na iniisip. Isang gabi. Isang pagkakamali. Ngunit natuklasan niya ang katotohanan. Ang lalaking nakasama niya ay si Anderson Velasco - ang lalaking konektado sa kapangyarihang kumokontrol sa buhay niya, ang lalaking nakatayo sa maling panig ng kanyang kasal, at ang lalaking hindi niya dapat kailanman hinawakan. Sa loob ng isang mansyong itinayo sa mga kontrata, katahimikan, at kontrol, ang pagnanasa ay nagiging kasalanan. Bawat tingin ay binabantayan. Bawat hakbang ay sinusukat. Habang hinihigpitan ng kanyang mapapangasawa ang hawak sa kanya, pilit namang nilalabanan ni Anderson ang damdaming maaaring sumira sa kanilang dalawa. Ngunit kapag may lihim na kumalat, may pagtataksil ring mamabunyag, at ang araw ng kasal ay nauwi sa kaguluhan. Sa mundong ang kasal ay kasunduan at ang katahimikan ay paraan ng kaligtasan. Hanggang saan siya lalaban upang bawiin ang sarili at paano kung ang lalaking gusto niya ay ang lalaking hindi niya maaaring piliin? Paano itatago ang pagnanasang hindi na kayang pigilan?
View MoreAlthea’s POV“Hibang na ba siya?” natatawang tanong ko kay Anderson.Hindi nakapagsalita ang asawa ko. Nakatitig lamang siya sa ako, mapagmasid. “Gusto niyang iwan ang anak niya? Kaya niyang iwan at mapalayo sa anak niya?!” Hindi ako makapaniwala sa nalaman ko. Paanong kaya niyang iwan ang sarili niyang anak? Humakbang papalapit sa akin si Anderson ngunit umatras ako at bahagyang inangat ang aking kamay para pigilan siya. Nagsalubong ang aking kilay. “Do you agree with this?” Malalim ang kanyang buntong hininga. “I think it’s better that way. Amira is lost. She wants to know herself by-““By escaping her responsibility as a mother,” seryoso kong sambit. Hindi ko pinutol ang masama kong titig sa aking asawa. Hindi ko gustong magalit sa kanya pero knowing na hinahayaan niya si Amira na gawin lamang ang gusto nito ay hindi ako papayag. “No. She’s trying to figure out what she really wants and feel the life she never experienced,” paliwanag ni Anderson. Umiling ako. “That’s bullshi
Anderson’s POV“A-anak ko…” Kaagad akong naalimpungatan sa tinig na aking narinig. Hindi agad ako napakali at nagmulat ako ng aking mata. Pinagmasdan ko ang mukha ng aking asawa na umiiyak at pawis na pawis sa kanyang pagtulog. Mukhang pati sa panaginip ay hindi kayang patahimikin ng sakit na nararamdaman ang asawa ko. Isang bangungot.Masakit mawalan ng anak. Masakit na makitang nasasaktan ang mahal kong asawa. Marahan kong hinaplos ang mukha ni Althea para na rin alisin ang tikwas na buhok at pawis sa kanyang mukha. Mahina ang mga tinig na lumalabas sa kanyang boses. “Althea…” malambing kong sambit. “A-anak-”Naputol ang sasabihin ni Althea nang magising siya. Deresto ang tingin niya sa akin at kaagad akong niyakap. Tulad ng kanyang nakasanay nitong mga nakaraang linggo, nilulubog ni Althea ang kanyang mukha sa aking dibdib at doon umiiyak.Hinagod ko ang likod niya at marahang hinaplos para aluhin siya kahit alam kong hindi mapapawi nun ang sakit na kanyang dinadala. “I am he
Hindi ako bumaba kinabukasan. Makalipas ang dalawang linggo, parang kahapon lang nangyari ang lahat. Tuwing gigising ako sa umaga, una kong hinahanap ang buhay na dapat ay nasa loob pa ng aking tiyan pero wala na. I feel like I lost the meaning of my life after I lost my baby. Hindi ako lumabas ng kwarto at kahit ang bintana ko ay hindi ko na binuksan pa. At hindi ko hinayaang pumasok ang liwanag.Para bang kung mananatili akong nakapikit sa dilim, may posibilidad na hindi totoo ang lahat. Na kapag hindi ko nakita ang mundo, hindi rin ako makikita ng sakit na nasa puso ko. Ngunit kahit gaano ko piliting tumakas, hindi ako pinapalaya ng alaala.Ang malamig na sahig ng simbahan.Ang amoy ng pulbura.Ang bigat ng dugo sa aking mga kamay.At ang sigaw ko na hanggang ngayon ay parang paulit-ulit na umaalingawngaw sa loob ng aking ulo.Ang anak ko.Unti-unti akong napadilat.Tahimik ang kwarto, ngunit ang dibdib ko ay parang hindi mapakali. May kung anong gumugulo sa akin, isang bigat na
Althea’s POVTulala ako nang makauwi kami sa mansyon. Wala akong sinabi sa buong byahe at wala akong ibang narinig din kay Anderson kundi ang malalalim na buntong hininga at ang mga pasimpleng tingin na tila ba may gustong sabihin pero hindi niya magawa. Naramdaman ko na lamang na naglalakad ako papasok sa loob ng mansyon habang inaalalayan ni Anderson. “A-althea…” tunog nangangaralgal ang boses.Nasa baba ang aking tingin kaya hindi ko agad nalaman kung sino ang tumawag sa akin. Pero wala akong lakas para mag-angat ng tingin kung sino man ang nagsalita. Dumapo ang tingin ko sa aking tiyan at mabilis na namang nangilid ang aking luha. Ramdam ko ang marahang pisil ng kamay ni Anderson sa aking braso. “Althea,” si Anderson na mismo ang tumawag sa akin.Marahan akong nag-angat ng tingin sa kanya. “A-a-anak ko…” bigo kong tinig. Nilunok ko ang laway na namumuo sa aking lalamunan at agad na pinaalis ang aking luha. Malungkot ang mga mata ng asawa kong hindi alam kung paano ako tutulu
Tila may buhangin sa aking lalamunan, tuyo at mabigat ito. Marahan kong binuksan ang aking mga mata bago sinubukan namang galawin ang aking kamay at paa. Dahan-dahan lang dahil sa pamamanhid. Silaw ang unang sumalubong sa akin bago ko maramdaman na may humawak sa aking kamay. “Althea…” mahinang bu
Sa screen, bumukas ang unang pinto ng sasakyan.Isang lalaki ang bumaba.Matangkad at simple ang suot.Pero hindi siya ordinaryo.Lumapit siya sa gate na parang alam niyang pagbubuksan siya.Nanlaki ang mata ko nang mapagtanto kung sino ang lalaking iyon. “Si… si Mateo Alvarez,” bulong ko.Ang kanan
Galit ako sa lahat. Galit ako kay Anderson. Pakiramdam ko naiwan akong mag-isa. Pakiramdam ko naging panangga lamang ako sa dalawang magkalaban na panig. Parehas nila akong ginawa.Mahigpit ang aking kapit sa aking wedding dress. Kinakabahan ako sa susunod na mangyayari dahil maaring gawin na ni
Impit ang aking hikbi nang makita ang kapatid ko. Kilalang-kilala ko ang hubog at itsura ng aking kapatid. Sa video, may pumasok na isang lalaki. Nanlaki ang mata ko kung sino iyon, si Adrian ang pumasok. Bumalik ang tingin ko sa kanya na may nakakalokong ngiti ngayon. “Kung hindi kita kayang maku






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.
reviewsMore