Dapat ay paalis na si Jhaira pero dahil kadarating ng mag tito na si Arjay at Zachary ay kailangan niya munang magpakita ng respeto sa mga ito
"Zachary hindi ko akalain na sasamahan mo pa ang son-in-law ko papunta rito, salamat at bumisita ka ulit saamin" ang tatay niya ang sumalubong sa kanila Ilang segundong tumigil ang mata ni Zachary sa kaniya at para siyang nakamatis dahil sa pamumula ng mukha, kakaiba kasi ang titig ng binata sa kaniya. Ganoong ganoon ang tingin nito nuong nasa kama sila sa bar sa unang pagkikita nila "Gusto ko ding makilala pa ang pamilya ng fiancee ng pamangkin ko kaya sumama ako" kaswal ang boses ni Zachary "Huwag kayong mag-alala, nasa mabuting kamay si Arjay. Isa pa maalaga ang anak naming si Diane, tinuruan ko kaya itong maging mabuting asawa para kay Arjay" nakisali pa pati si Risa na pinagyayabang si Diane "Nice to meet you ulit, ako si Diane ang soon-to-be wife ni Arjay" Inabot ni Diane ang kamay ni Zachary, pinagmasdan niya kung paano tinanggap ni Zach ang kamay ng step-sister niya at tumango. Tipid at mabilis lang iyon halatang hindi ito interesadi bago sumulyap sa kaniya si Zachary "Iyan si Jhaira, ang bunso kong anak. May asawa na siya" tipid ang salita ni Risa para ipakilala siya nito, muntikan pa siyang matawa ng ipakilala siya nitong bilang bunso nitong anak. Ngayon niya lang kasi ito narinig "Nag-asawa kana Jhaira? Kanino at bakit hindi ko alam" Kahit siya ay nagulat sa tanong ni Arjay "Hmm talaga? Anong pangalan ng asawa niya kung ganoon napakabata niya naman para mag-asawa" ngumisi si Zachary sa kaniya "Si Mr. Andrada ang asawa niya, mahal nila ang isa't isa kaya sa papel na sila nagpakasal dahil gusto nilang mapabilis na ang proseso ng pagpapakasal nila" ngayon ay si Diane na ang sumagot, kakaibang tingin ang binabaling nitonkay Zachary. Malagkit at nang-aakit pero ang mga mata ni Zach ay nasa kaniya lamang "Mr. Andrada?" Mukhang napagtanto ni Zachary ang nangyayari, hindi pa siya ipinakilala ni Jhaira bilang asawa nito at mukhang wala ring balak ang dalaga na ipakilala siya nito bilang asawa, nagtataka tuloy siya kung bakit Ikinahihiya ba siya nito? Guwapo at mayaman naman siya kaya walang dapat ikahiya si Jhaira sa kaniya. Imbes na ma offend ay mas nagustuhan niya pa ito, kakaiba talaga ang dalaga at mas nagustuhan niya pa ito "Kumain naba kayo? Tara muna at saluhan niyo kami, hindi kasi namin alam na darating kayo kaya hindi kami nakapaghanda ng maraming ulam pero sasaya kami kung sasaluhan niyo kami" inanyayahan pa ng tatay niya ang dalawa para saluhan sila "Paumanhin pero mauuna na ako, may kailangan pa akong gawin sa bahay" sinubukan niyang magpaalam sa kanila pero "Mas importante ba iyan kaysa sa amin? Gusto ko pa namang tanungin ang tungkol sa inyo ni Mr. Andrada" komento ni Zachary, ngayon ay igting na ang panga Napasulyap siya sa tatay niya na masama ang titig sa kaniya, mukhang ayaw nitong mapahiya kay Zachary "Mamaya ka na umuwi Jhaira, saluhan mo muna kami" matigas ang mga salita ng tatay niya kaya wala siyang nagawa "Sige, mamaya nalang ako uuwi" Nagtungo sila sa lamesa at duon naupo, nabigla pa siya na imbes na maupo si Zach sa harap niya ay tumabi ito sa kaniya. Agad na sumunod ang tingin ni Diane sa kanila kaya umakto siyang wala lang ang nangyayari "Kamusta ang lolo ninyo? Nabalitaan kong nasa Hospital parin siya ngayon at naghahanda para sa operasyon niya?" Nag-umpisa ng pag-uusapan ang tatay niya "Mabuti naman ang lolo" sagot ni Zach, ang akala niya ay normal lang ang lahat hanggang sa Naramdaman niya ang kamay nito sa kaniyang hita, muntikan pa siyang mapaigtad at mahulog ang hawak na kutsara kung hindi niya lang napigilan ang sarili. Tumikhim siya at masamang tinignan si Zach "Ang kamay mo" bulong niya rito pero hindi nakinig si Zach sa kaniya "Baka po papabilisin ang kasal dahil gusto ni mommy na makasal na kami agad ni Diane" ngumiti si Arjay at sumulyap sa kaniya Hindi naman siya makapagpokus dahil sa kamay ni Zachary sa kaniyang hita, hindi pa nakuntento ang lalaki at hinaplos pa nito ang balat niya "Zachary makikita ka nila" ani niya "Masarap pala ang pagkain niyo rito, babalik at babalikan ko talaga ito" hindi parin siya pinansin ni Zach at kinausap ang mga tao sa harap niya "Talaga ba? Ako ang nagluto niyan?" Sayang saya si Diane ng makitang nasasarapan si Zachary sa niluto niyang tinola "Hmm mukhang handa kana talaga bilang asawa ng pamangkin ko, kuryoso ako kay Jhaira kung ano ang lasa ng luto niya gusto ko ring matikman" sumulyap pa sa kaniya si Zachary "Hindi hobby ni Jhaira ang pagluluto eh, ang gusto lang niya ay matulog ng matulog" sagot ni Risa at nagtawanan sila Nahihiya siya hindi dahil sa sinabi ni Risa dahil ngayon ang kamay ni Zachary ay nasa kaniyang panty na, hinahaplos na nito ang kaniyang panty kung saan nakaparte ang kaniyang basang pagkababae. Napakabilis mag-init ng katawan niya at sa pagkakataon na iyon ay nag-iinit na siya "Parehas na parehas sila ng asawa ko" mahinang tumawa si Zachary at natigilan ang mga tao sa harapan niya "May asawa kana tito? bakit hindi ko alam?" si Arjay na mukhang nagulat din sa sinabi ng tito niya "Kahapon lang, mahal na mahal namin ang isa't isa kaya sa papel na kamj pumirma para mapabilis ang proseso" ngumisi si Zachary at tinignan siya natakot naman siya dahil baka sabihin no Zachary ang tungkol sa relasyon nilang dalawa, ayaw niyang malaman ito nila Risa at Diane dahil sigurado siyang papahirapan siya ng mga ito kapag nalaman nilang asawa niya si Zachary Ngayon nawala na ang ngiti sa labi ni Diane, palihim pa niyang inirapan si Jhaira na wala sa kaniya ang pokus kung hindi sa kamay ni Zachary na walang tigil sa paghaplos sa kaniyang natatakpan na pagkababaeNaagaw ang atensiyon kay Risa ng bigla nitong nahulog ang kutsara, nanlaki ang mga mata niya ng bigla itong yumuko para pulutin ang nahulog na kutsara, kapag hindi pa tinanggal ni Zach ang kamay nito sa gitna ng kaniyang hita ay makikita sila
"Zach" bulong niya pero huli na ang lahat dahil yumuko na si Risa
Yung mga naguguluhan po kung saan ko i u-update yung new story na My husband is a Billion-dollar, sa ibang book ko po siya I susulat at hindi na dito sa libro nila Jhaira at Zach Also you can add me on F* or message me doon, mag u-upload po ako ng mga teaser sa ating bagong libro roon at mga scenes habang hindi pa po na u-upload yung libro. Doon din po ako mag a-announce kung may update na po para aware po kayo F* name: MAyka Faye (3 cats profile) Muli salamat po, naway suportaha niyo po ang magiging story nila Jazeah at Raven at makikita niyo rin doon si Draven Kalsen at ang kaniyang magiging female lead hehehe, mana sa ama.
Ang hapon ay bumababa na sa abot-tanaw, at ang langit ay tila nilarawan ng mga kamay ng Diyos—kahel, rosas, at gintong halo ng liwanag. Sa ilalim ng kulay ng dapithapon, ramdam ang init ng araw na unti-unting humihina, ngunit ang init ng yakap ni Zach sa likuran ko ay nananatiling buo—matatag. Parang kasiguraduhang kahit gaano ka-unstable ang mundo noon, ay meron pa rin palang pagmamahal na hindi kayang lipulin ng panahon o sakit."Mommy! Daddy, look!" sigaw ng anak namin mula sa may buhanginan, gamit ang maliit niyang kamay para ituro ang kinulayan niyang sea shell. "It's blue now! Like my shirt!"Tumawa si Zach, habang hindi pa rin inaalis ang baba niya sa balikat ko. "He's got your curiosity," aniya. "Lahat gusto niyang malaman. Lahat gusto niyang hawakan.""Pero mana sa'yo sa pagkakalikot," sagot ko, sabay lingon sa kaniya. "May sinira na namang laruan kanina para lang makita kung paano gumagalaw."Pareho kaming natawa.Ang anak namin—isang maliit na kombinasyon ng aming dalawa. Ma
Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Parang ang bigat ng buong katawan ko. Parang pagod na pagod ako sa isang mahabang laban na hindi ko alam kung kailan nagsimula at kailan natapos.Maya-maya pa, unti-unti kong naramdaman ang malamig na simoy ng aircon, ang mahina ngunit pamilyar na amoy ng disinfectant, at ang kawayang ingay ng monitor na may tunog na beep... beep... beep sa gilid ko.Pagdilat ng mata ko, unang sumalubong sa akin ang maputing kisame ng ospital. Tahimik ang paligid. Malinis. Mapayapa.Napasinghap ako nang dahan-dahan kong igalaw ang kamay ko. Masakit. Mabigat ang puson ko. Ngunit... buháy ako. Buhay."Baby"Isang pamilyar, pabulong na tinig ang sumalubong sa akin. Mababaw ngunit punô ng emosyon. At sa paglingon ko sa kanan, tumigil ang mundo ko.Si Zach.Naka-sando lang siya, mukhang hindi pa naliligo, magulo ang buhok at may mga luha sa mata. Pero kahit ganoon, kitang-kita sa kaniya ang saya—at ang kaba—habang hawak-hawak niya sa kanang braso ang isang maliit na kumot
My pregnancy journey wasn't easy.Minsan talaga, para akong may topak—may araw na tatawa lang ako buong umaga, tapos bigla nalang akong iiyak dahil naiwan ko ang paborito kong unan sa kabilang kwarto. May oras na kahit simpleng tanong ay naiirita ako, at kahit ang lambing ni Zach, hindi ko maintindihan minsan kung nakaka-comfort ba o lalo lang akong naiiyak. Hormones. Emotions. Exhaustion. Lahat-lahat.Pero kahit pa ganu'n, hindi niya ako iniwan. He stayed. Not just physically—but truly present. With every unpredictable mood swing, with every unreasonable craving, with every breakdown I couldn't explain—Zach was there, steady like the sea on a calm day."Okay lang, baby," he'd whisper while gently rubbing my back. "Pagod ka lang. And I love you. Always."And as for my mom... she never left my side either. Para bang bumalik ako sa pagkabata, 'yung panahong may sakit ako at siya 'yung gumagabay sa'kin. Ngayon, siya pa rin ang nandiyan—guiding me through the aches, the fears, and even the
Ang mga sumunod na buwan pagkatapos ng kaguluhan... parang pelikula lang. Pero hindi 'yung tipong action-packed na may barilan at habulan—kundi 'yung uri ng pelikulang tahimik pero punô ng damdamin. Marahang umikot ang oras, pero sa bawat segundo, ramdam ang pagbabago.Kung dati, sanay akong si Zach ay tila isang guwapong demonyo—mataas ang ihi, malamig ang titig, at tila walang pake sa paligid—ngayon, araw-araw ko siyang nakikitang may hawak na eco bag mula Landers, habang sa kabilang kamay ay maingat niyang binabasa ang sulat-kamay kong grocery list na may mga kulot-kulot pa sa dulo ng letra."Zach, hindi 'yan 'yung tamang gatas."Napahinto siya sa gitna ng aisle, hawak ang isang lata ng formula milk, at napakunot-noo na para bang CEO na sinabihan ng accountant niya na nalugi ang kumpanya sa loob ng dalawang araw."Ha? Pero 'yan 'yung may DHA,.""Oo, pero 'di hypoallergenic 'yan. Sabi ni OB ko, dapat sensitive-friendly 'yung bibilhin."Tahimik siyang tumango. Walang reklamo. Parang
"Zach..."Halos himatayin ako habang patakbo palapit sa kaniya. Nanginginig ang katawan ko, halos mapatid ang hininga ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. Paglapit ko sa kaniya, agad ko siyang niyakap—mahigpit, desperado, parang mawawala ulit siya sa isang iglap.Yinakap ko siya na parang hindi na ako hihinga kung hindi ko siya mahahawakan.Pinasok ko ang mukha ko sa marumi niyang dibdib. Amoy usok, dugo, at pawis ang kanyang katawan, pero wala na akong pakialam."L-ligtas ka..." hikbi ko habang tumutulo na naman ang luha ko.Sinuntok ko pa siya sa likod, mahina pero may galit. Hindi galit na galit. Galit na halong takot—dahil muntik na niya akong iwan. Dahil muntik na siyang mawala sa'kin."I'm sorry if I made you nervous," bulong niya, paos ang boses. Ramdam ko ang bahagyang panginginig sa dibdib niya habang humihinga siya ng malalim.Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Maingat. Parang dinuduyan ang mukha ko. Pinilit niyang hanapin ang mga mata ko, kahit na hindi ko pa rin map