Share

Kabanata 043

Author: Miss A.
last update Last Updated: 2025-01-07 20:33:01

Magang-maga ang mata ni Jhaira kakaiyak, kasalukuyang nakaupo siya sa gilid ng kama sa condo ni Zach. Napalilibutan siya ng katahimikan, ngunit tila lalong bumibigat ang kanyang dibdib sa bawat sandaling dumadaan. Hindi niya alam kung paano haharapin ang sunod-sunod na rebelasyon sa kanyang buhay.

Hindi niya lubos maisip na siya pala ang tunay na anak ng kanyang ama—isang katotohanang itinatago sa kanya ng mga taong akala niya ay magmamahal sa kaniya tulad ng isang pamilya. Sa halip na maipagmamalaki siya, pakiramdam niya'y isa siyang pasanin. Ngayon, malinaw na sa kanya ang dahilan kung bakit gustong-gusto siyang palayasin nila Risa sa bahay—dahil siya ang tunay na anak, at si Diane, ang anak na itinuring na perpekto, ay hindi naman pala tunay na kadugo.

Ramdam niya ang bigat ng kawalang-katarungan. Paulit-ulit ang mga salitang binitawan ng kanyang ama kanina sa party—ang malamig, mapanakit, at hindi makatarungang akusasyon.

Sa gitna ng kanyang pagluha, narinig niya ang mahina nguni
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Anita Valde
aminin muna din Jhaira na Mahal mo siya
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire found his Soulmate   New story:

    Yung mga naguguluhan po kung saan ko i u-update yung new story na My husband is a Billion-dollar, sa ibang book ko po siya I susulat at hindi na dito sa libro nila Jhaira at Zach Also you can add me on F* or message me doon, mag u-upload po ako ng mga teaser sa ating bagong libro roon at mga scenes habang hindi pa po na u-upload yung libro. Doon din po ako mag a-announce kung may update na po para aware po kayo F* name: MAyka Faye (3 cats profile) Muli salamat po, naway suportaha niyo po ang magiging story nila Jazeah at Raven at makikita niyo rin doon si Draven Kalsen at ang kaniyang magiging female lead hehehe, mana sa ama.

  • Billionaire found his Soulmate   Special chapter

    Ang hapon ay bumababa na sa abot-tanaw, at ang langit ay tila nilarawan ng mga kamay ng Diyos—kahel, rosas, at gintong halo ng liwanag. Sa ilalim ng kulay ng dapithapon, ramdam ang init ng araw na unti-unting humihina, ngunit ang init ng yakap ni Zach sa likuran ko ay nananatiling buo—matatag. Parang kasiguraduhang kahit gaano ka-unstable ang mundo noon, ay meron pa rin palang pagmamahal na hindi kayang lipulin ng panahon o sakit."Mommy! Daddy, look!" sigaw ng anak namin mula sa may buhanginan, gamit ang maliit niyang kamay para ituro ang kinulayan niyang sea shell. "It's blue now! Like my shirt!"Tumawa si Zach, habang hindi pa rin inaalis ang baba niya sa balikat ko. "He's got your curiosity," aniya. "Lahat gusto niyang malaman. Lahat gusto niyang hawakan.""Pero mana sa'yo sa pagkakalikot," sagot ko, sabay lingon sa kaniya. "May sinira na namang laruan kanina para lang makita kung paano gumagalaw."Pareho kaming natawa.Ang anak namin—isang maliit na kombinasyon ng aming dalawa. Ma

  • Billionaire found his Soulmate   End

    Mabigat ang talukap ng mga mata ko. Parang ang bigat ng buong katawan ko. Parang pagod na pagod ako sa isang mahabang laban na hindi ko alam kung kailan nagsimula at kailan natapos.Maya-maya pa, unti-unti kong naramdaman ang malamig na simoy ng aircon, ang mahina ngunit pamilyar na amoy ng disinfectant, at ang kawayang ingay ng monitor na may tunog na beep... beep... beep sa gilid ko.Pagdilat ng mata ko, unang sumalubong sa akin ang maputing kisame ng ospital. Tahimik ang paligid. Malinis. Mapayapa.Napasinghap ako nang dahan-dahan kong igalaw ang kamay ko. Masakit. Mabigat ang puson ko. Ngunit... buháy ako. Buhay."Baby"Isang pamilyar, pabulong na tinig ang sumalubong sa akin. Mababaw ngunit punô ng emosyon. At sa paglingon ko sa kanan, tumigil ang mundo ko.Si Zach.Naka-sando lang siya, mukhang hindi pa naliligo, magulo ang buhok at may mga luha sa mata. Pero kahit ganoon, kitang-kita sa kaniya ang saya—at ang kaba—habang hawak-hawak niya sa kanang braso ang isang maliit na kumot

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 140

    My pregnancy journey wasn't easy.Minsan talaga, para akong may topak—may araw na tatawa lang ako buong umaga, tapos bigla nalang akong iiyak dahil naiwan ko ang paborito kong unan sa kabilang kwarto. May oras na kahit simpleng tanong ay naiirita ako, at kahit ang lambing ni Zach, hindi ko maintindihan minsan kung nakaka-comfort ba o lalo lang akong naiiyak. Hormones. Emotions. Exhaustion. Lahat-lahat.Pero kahit pa ganu'n, hindi niya ako iniwan. He stayed. Not just physically—but truly present. With every unpredictable mood swing, with every unreasonable craving, with every breakdown I couldn't explain—Zach was there, steady like the sea on a calm day."Okay lang, baby," he'd whisper while gently rubbing my back. "Pagod ka lang. And I love you. Always."And as for my mom... she never left my side either. Para bang bumalik ako sa pagkabata, 'yung panahong may sakit ako at siya 'yung gumagabay sa'kin. Ngayon, siya pa rin ang nandiyan—guiding me through the aches, the fears, and even the

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 139

    Ang mga sumunod na buwan pagkatapos ng kaguluhan... parang pelikula lang. Pero hindi 'yung tipong action-packed na may barilan at habulan—kundi 'yung uri ng pelikulang tahimik pero punô ng damdamin. Marahang umikot ang oras, pero sa bawat segundo, ramdam ang pagbabago.Kung dati, sanay akong si Zach ay tila isang guwapong demonyo—mataas ang ihi, malamig ang titig, at tila walang pake sa paligid—ngayon, araw-araw ko siyang nakikitang may hawak na eco bag mula Landers, habang sa kabilang kamay ay maingat niyang binabasa ang sulat-kamay kong grocery list na may mga kulot-kulot pa sa dulo ng letra."Zach, hindi 'yan 'yung tamang gatas."Napahinto siya sa gitna ng aisle, hawak ang isang lata ng formula milk, at napakunot-noo na para bang CEO na sinabihan ng accountant niya na nalugi ang kumpanya sa loob ng dalawang araw."Ha? Pero 'yan 'yung may DHA,.""Oo, pero 'di hypoallergenic 'yan. Sabi ni OB ko, dapat sensitive-friendly 'yung bibilhin."Tahimik siyang tumango. Walang reklamo. Parang

  • Billionaire found his Soulmate   Kabanata 138

    "Zach..."Halos himatayin ako habang patakbo palapit sa kaniya. Nanginginig ang katawan ko, halos mapatid ang hininga ko sa sobrang bigat ng nararamdaman. Paglapit ko sa kaniya, agad ko siyang niyakap—mahigpit, desperado, parang mawawala ulit siya sa isang iglap.Yinakap ko siya na parang hindi na ako hihinga kung hindi ko siya mahahawakan.Pinasok ko ang mukha ko sa marumi niyang dibdib. Amoy usok, dugo, at pawis ang kanyang katawan, pero wala na akong pakialam."L-ligtas ka..." hikbi ko habang tumutulo na naman ang luha ko.Sinuntok ko pa siya sa likod, mahina pero may galit. Hindi galit na galit. Galit na halong takot—dahil muntik na niya akong iwan. Dahil muntik na siyang mawala sa'kin."I'm sorry if I made you nervous," bulong niya, paos ang boses. Ramdam ko ang bahagyang panginginig sa dibdib niya habang humihinga siya ng malalim.Hinawakan niya ang magkabila kong pisngi. Maingat. Parang dinuduyan ang mukha ko. Pinilit niyang hanapin ang mga mata ko, kahit na hindi ko pa rin map

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status