"Saan ninyo ako dadalhin?" tanong ni Althea sa mga lalakeng kasama niya sa sasakyan. Mukhang malayo-layo na ang nalalakbay nila. Nangawit na ang mga paa niya at nakaramdam siya na naiihi na. Puputok na ang pantog niyang kanina pa niya pinipigilan."I need to go. I can't hold it anymore," aniyang nakikiusap sa kung sino. "Ano daw Pre?" tanong ng nasa tabi niya. Hindi yata siya naintindihan kaya naman inulit niya ang sinabi."Naiihi na ako...""Pre..." alanganing tinawag ng katabi niya ang nagmamaneho. "Gusto daw jumingle..." may halong tawa pa na sabi nito. "Kung ayaw ninyo akong pababain. I'll just pee here! Iihi—" Nagulat siya nang bigla na lang nagpreno ang sasakyan. Muntikan siyang mahulog sa kinauupuan kung hindi lang siya nahawakan ng katabi niyang lalake. "Pare, dahan-dahan naman baka mapano itong si Miss Maganda..." Kinilabutan si Althea. Paano ay kakaiba ang tono ng lalaking nagsalita. Maging ang hawak nito sa kanya na may kaunting pisil at gigil. May pahaplos pa sa kanya
Nakatitig si Maxine kay Elias habang karga nito si Rain. Pinapatulog nito ang sanggol at sinasayaw-sayaw. Nasa balkonahe sila dahil maganda ang simoy ng hangin doon."Be a good boy, buddy. Mawawala ang Dada ng ilang araw kaya magpakabait ka," bilin pa nito na dahilan para mapangiti siya.Iyakin ang anak niyang lalake habang ang batang babae ay tahimik lamang. Ni mabibilang sa daliri ang pag-iyak nito. Nagagawa na rin nitong ngumiti at halatang masayahin. Samantalang ang baby niya na lalake ay laging aburido at iyakin. Namumuyat lagi sa gabi. Halatang may pinagmanahan ito.Biglang napawi ang ngiti sa mga labi niya at napalitan ng lungkot. Pagkatapos ng balita tungkol kay Sharon ay hindi na siya muling nakibalita tungkol kay Craig. For her peace of mind. For her emotional health. Dahil kung maaalala niya ang lalake ay masasaktan lamang siya. Sapat na sa kanya ang kanilang mga anak. At ang buhay niya kasama ang kanyang ama. Hinayaan niya si Rain kay Elias habang hawak niya naman si Rai
Gabi na ay nasa labas pa si Elias. May kausap ito sa telepono at hindi mapakali."Muntikan makatakas boss," aniya ng kausap.Humigpit ang hawak niya sa telepono habang ang kamay niya ay naglabasan na ang ugat. Nagtagis ang mga bagang niya dahil sa sinabi ng tauhan. "Boss...""Bantayan ninyong mabuti. Mahirap na kung makatakas. Luluwas ako sa makalawa. May aasikasuhin lamang ako dito. But now, make sure you do your job well. Nagawa niyo ba ang pinapagawa ko?""Yes, boss...""Good. I am sure they will start moving on their pace now. I'll be there. Ready the package. Huwag ninyong hayaang makawala..."Binaba niya ang kanyang telepono nang maramdaman na may tao sa kanyang likuran."Max," medyo gulat na sambit niya sa pangalan ng babae. Kanina pa ba ito roon? Narinig ba ang pinag-usapan nila ng tauhan niyang nagbabantay? "Bakit narito ka? Gabi na, baka mahamugan ka," aniyang tinanggal ang jacket na suot at ibinalabal sa likod ng babae."Gusto ko lang magpahangin, Elias. Tulog naman ang m
*REVELATION*"Althea..."Naiiyak na saad ni Sofia. Naglakad ang babae papunta sa loob ng kinaroroonan niya dahil itinulak ito ng lalaking nasa likuran niya. Tahimik lang na pumasok si Althea. Alam niyang hindi na siya makakatakas pa. Kahit anong gawin niya hindi na niya matatakasan pa ang lalakeng ngayon ay nakangising nakamasid sa pagpasok niya. Kanina pa siguro siya nito hinihintay. Alam niyang tauhan nito ang biglang lumapit sa kanya sa airport at wala siyang nagawa kundi ang sumama. Or else, mapapahamak siya maging si Sofia. At labis din niyang iniiwasan na mapahamak ang ibang nakapaligid sa kanya. Mga tumulong katulad na lang ni Aivan."Why are you doing this to us? We did our part. Ginawa namin lahat ng inutos mo. Lahat ng gusto mong mangyari..."puno ng diin na sumbat niya dito.Humalakhak ang lalake."Ginawa ang lahat? Pinapatawa mo ba ako, Althea?"Ang pagkakasabi nito sa pangalan niya ay naging dahilan upang panindigan siya ng balahibo sa katawan."Althea, you had your chan
REVELATION 1"What does this mean?" tanong ni Aivan. Kinuha niya ang envelope na may lamang litrato na kuha sa cctv sa airport.Nanlaki ang mga mata niya nang makita na larawan iyon ni Althea. Inisa-isa niya ang mga litrato. Hindi siya makapaniwalang napatingin sa dalawang kaibigan."She trick you! Pinaikot niya sa kanyang palad," ani Baron. Matamamg nakatitig sa kaibigan.Ayaw sanang maniwala ni Aivan. Pero naroon na ang ebidensiyang nakalap ni Baron. A picture where she is literally standing and walking. May nakaalalay ditong dalawang lalaki. Magkabilaan ang mga ito like they we're guarding her.Guarding? It doesn't look like a guarding."Where is she now?" tanong niya kay Baron. Naroon pa rin ang concern sa babae."We still tracking her whereabout...""Do you think she has to do with Sharon's passing?" tanong niyang muli. Alam niyang ito ang huling pinuntahan nila Craig at Sharon bago sumabog ang sasakyan ng babae. Maaring kinonekta ni Craig ang lahat kaya nito pinaimbestigahan si
"Pagaling ka na anak," piping pagkausap ni Maxine sa anak na nasa incubator sa icu. Ang sanggol na lalake ay mahina noong lumabas. He barely made it. Akala ng mga doctor ay hindi na ito makaka-survive. But he's a fighter. Her baby fights for her. Dahil kung nawala pa ito, hindi na niya alam pa ang gagawin. Sobrang bigat ng puso niyang pagmasdan ang kanyang anak lalo na sa kalagayan nito. Pero alam niya, lumalaban ito. Kaya labis-labis ang ginagawa niyang pagmamakaawa sa Diyos. "Let's go..." bulong ni Elias na umakbay sa kanya. Karga nito ang sanggol na babae. Kung titingnan ay para silang mag-asawa. Buong pamilya. "You need a rest, Max..." aniya. Napasulyap din sa sanggol na nasa loob. Muling sinulyapan ni Maxine ang anak. Kung puwede lang sana niyang bantayan doon ang anak ng twenty four na oras ay gagawin niya. But she knows he's in a good hand. Sa mga mababait at mabubuting nurses at doctors ay alam niyang maayos ito. She needs to take care of herself too. "Be strong anak,"
Habang ang ibang mga kamag-anak at ilang mga kakilala ay nasa harapan ng chapel na kinabuburulan ni Sharon, isang tao naman ang nasa gilid at hindi nakikisalamuha.Madilim na awra ang bumabalot sa kanya. Hindi siya makausap. Hindi nagsasalita. He just stares blank almost all of the time. Ni hindi niya madamayan ang lolo at ina niya sa pagdadalamhati sa pagkawala ni Sharon. He stay silent. Not shedding even a crocodile tears. Punong puno ng galit ang sistema niya. Bakit nangyari sa kanila iyon? Hindi na niya alam kung ano bang ugat ng lahat. Nawala na sa kanya si Maxine at kanilang anak. Pati ba naman pinsan niya na siyang nakakaintindi sa kanya ay nawala din. Who's behind it? Why they are targeting their family?"If this is karma! Stop it! They don't deserve all of this! Ako ang parusahan mo hindi sila!" Piping usap niya sa Diyos. He even questioned him, "Why not him. Siya na lang sana dahil habang lumilipas ang araw, para na rin siyang pinapatay. Kakayanin pa ba niya ang parusang bin
Hindi nakikibalita o gumagamit si Maxine ng gadget o internet sa ilang buwan niya sa probinsiya dahil ayaw niyang makibalita sa mga nangyayrai sa mga iniwan niya sa Maynila. Kilalang mga tao ang mga Samaniego kaya alam niyang magiging laman ng balita ang mga ito. Ayaw niyang makakalap ng anumang impormansyon o balita sa mga ito dahil baka maengganyo lamang siyang kumontak at kumustahin lalo na ang kaibigan niyang si Sharon. Gusto na niyang putulin ang lahat ng iyon at alam niyang nagtatagumpay siya. Pero hindi siya mapakali sa kanyang napanaginipan. After that dream ay binagabag na siya ng kanyang isipan. Ilang araw na rin nag nakalilipas pero paulit-ulit na pumapasok iyon sa kanyang isipan na para bang may ipinapahiwatig. Inignora niya iyon ng ilang araw, pero ngayon, parang hindi na niya kaya. May nag-uudyok sa kanyang kontakin si Sharon. Kahiy si Sharon lang."Max..." lumapit sa kanya si Elias. "Ang lalim yata ng iniisip mo?"Tipid siyang ngumiti kay Elias. Sa ilang buwan niyang
Nakatanaw si Maxine sa may balkonahe nang mapansin niyang may nakatayong bulto ng tao sa kanilang gate. Inaninag niya iyon. Dahil nag-aagaw na ang liwanag at dilim ay hindi niya masyadong mapagsino iyon. Pero dahil nakasuot ito ng puti ay alam niyang meron ngang tao. Kaya nagpasya siyang babain iyon."Sino ka?" Tanong niya habang bumababaNang makanaba nasiya sa hagdan ay biglang halo-halong emosyon ang bumalot sa puso niya. Gulat, takot, pagtataka at saya nang mapagsino iyon. Nanginginig siya nang puntahan ang babaeng nakaputi at nasa may gate nila. Nakangiting kumaway ito sa kanya. Kasabay ng malamig na hangin na bumalot sa kanyang balat ay ang init ng mga ngiti nito sa kanya."Sharon..." tawag niya sa babae. Binuksan niya ang gate at niyakap ito. "Paano mo akong nahanap?" tanong niya. Pero hindi na iyon importante. Na-miss niya ng sobra ang kaibigan. Nakangiti lamang sa kanya si Sharon. Hindi na rin naman siya magtataka kung natunton siya nito. Baka sa tulong na rin ni Alfre