Share

Chapter 2

last update Last Updated: 2022-12-23 09:07:26

CHAPTER 2

NAALALA na naman ni Anastashia ang dahilan ng kaniyang pagiging agresibo ngayon na makapaghiganti laban kay Michel. Sa tuwing naalala niya iyon, hindi niya mapigilan ang makaramdam ng galit sa kaniyang puso. Humihinto siya saglit sa kaniyang ginagawa at pipigilan ang kaniyang sarili na hindi manginig. She just could not hold her trauma. Naging trauma niya talaga iyon.

Gabi ng February 25, sa mismong apartment nila ni Clifton. Nakita niya mismo kung paano parang sumasayaw si Michel sa nakahigang katawan ni Clifton — na alam naman niyang nasarapan ito.Hindi niya magawang umaksyon nang makita niya iyon. The fact was, she had a knife in her hand.

Kung paano umungol si Clifton sa bawat paglikha ng romansa ni Michel ay katumbas niyon ay ang kutsilyong tumarak sa kaniyang dibdib. Hindi niya makitaan ng rason kung bakit nagawa ni Clifton ang ma-tempt sa ginawang seduce ni Michel. Pero nasa isip ni Anastashia noon na matagal nang may namamagitan sa dalawa at nilihim lamang ng mga ito. Ganoon naman ang mga taksil at plastic na mga tao, magaling maglihim.

Noong gabi ring iyon, habang hawak sa kamay ang isang maliit na cake at ang kutsilyo, binitiwan niya iyon. Nagkukusa ang mga luha niyang tumulo at hindi na napipigilan kahit ano pa man ang kaniiyang pilit na pagpipigil. Sa kaniyang paglisan sa apartment, she promised herself na hindi na niya babalikan si Clifton.

I was like a lost child. Pipi niyang wika.

Nakita paghiwalay siya kinabukasan kay Clifton without telling the truth. Sinabi na lamang niya na ayaw na niyang makipagrelasyon at pagod na siya. Akala nga niya ay aayaw o magpipigil si Clifton pero hindi pala.

“Hahayaan kita, Anastashia. Pagod na rin naman ako.” Ito ang naging dahilan nito.

Mas lalo siyang nagalit sa dalawa. Inisip niya talagang matagal nang may namamagitan sa dalawa. Kasi kung hindi iyon sinadya nilang dalawa, magtatanong si Clifton at pipigilan siya nitong makipaghiwalay. Hinintay lang talaga siguro ni Clifton na siya mismo ang makipaghiwalay ng kusa.

Though, mabuti na rin iyon. Hindi pa siya nakatali kay Clifton ay lumabas na ang tunay nitong baho. Mabuti na lang talaga ay nakita niya mismo sa kaniyang dalawang mata ang pagtataksil nito.

Hindi rin naman niya itatanggi na naging bangungot niya iyon. Who would not? Minahal mo iyong tao tapos lolokohin ka pala? Sino ang hindi masasaktan kung iilan nang kapiraso sa iyong katawan ay naibigay na niyang sa lalaking iyon. Para siyang araw-araw na nababaliw. Pero nagdaan ang mga buwan ay natuto siyang mag-move on. She had to. Kung paano siya kabilis pinalitan ng dati niyang nobyo ganoon din ang ginawa niyang pag-move on. She learned fast. She got it up and moved on. Sa katunayan, na-realize niyang hindi pala talaga niya mahal si Clifton. Pinapaniwala lang niya talaga ang kaniyang sarili dahil naman sa mga matatamis nitong mga salita na siyang mahuhulog ka talaga.

Minsan din, nagawa niyang tanungin ang kaniyang sarili kung bakit naman ay nagawa niyang mahalin si Clifton. Mabuti na lang talaga nakitaan niya talaga kaagad ng rason ang lahat bago pa man siya na sobrang magsisisi na nakipagrelasyon kay Clifton.

Kaya bilang ganti ay dahan-dahan niyang hinihila si Michel pababa. She wanted Michel to suffer more. Lahat gagawin niya para lamang gantihan ang dating kaibigan. Hindi lamang para sa ginawa nitong pang-aagaw, pati na rin sa iilang taong sinayang niyang maniwalang totoo niya itong kaibigan. Marami siyang dahilan, marami rin siyang gustong gawin para makapaghigante kay Michel.

Nang tuluyan na siyang makalayo sa café shop na iyon ay pumaroon siya sa computer shop na malapit lang din doon.

Nais niyang maisakatuparan kaagad ang paghihiganti niya. “Hindi mo ako masisisi Michel!” galit niyang wika sa hangin. “Sana magustuhan niyo ‘to!” bulong niya sa sarili habang matamang tiningnan ang hawak na flash drive na naglalaman ng scandal ni Michel at ng kaniyang ex boy friend.

She got it from her hired spy man. Para lamang magkaroon siya ng panlaban o panggalit kay Michel. Matapos kinatitigan ang flash drive ay parang demonyong napapangiti si Anastashia bago niya binuksan ang pinto ng computer shop. Nang makapasok siya sa loob ng computer shop, ay umupo na siya kaagad sa bakanteng upuan. At hindi nawala ang kaniyang nakalolokong ngiti sa mga labi. Suot niya ang ngiting naglalaman ng pighati, sakit, at pagkamuhyi. Hindi lang ito ang gagawin niya. Ito pa lamang ang kaniyang unang hakbang.

Gumawa siya ng pekeng account ng mga social media at ina-add ang mga kakilala nila ni Michel para naman mabilis lang makita ang scandal. Matapos niyang ginawa iyon lahat ay muli siyang nagsalita sa sarili. “This would be the start of your miserable life—” huminto siya. Nilakihan niya ang ngiti. “… Michel.”

Sa isip niya, hinding-hindi ito malilimutan ni Michel dahil ito ang pangyayaring kailangang makalimutan.

Isinaksak niya ang flash drive at ang scandal na nakapaloob nito ay kinopya niya patungo sa mga social media account. P-in-ost niya kaagad iyon. Nang makumpirmang hindi siya palpak ay lumabas na rin siya ng computer shop na hindi pa rin nawawala ang ngiting nababahiran ng karanasan. Alam niyang nasa kaniya ngayon ang alas. Ikakasaya niya kung mag-aalboroto sa galit si Michel. Well, iyon naman talaga ang pakay niya.

“Pagbabayaran mo ang lahat, Michel!” bulong niya sa hangin. “Pagbabayaran mo. Hindi kita titigilan. Hindi ako titigil sa gagawin kong ito hanggang hindi ka magmamakaawa sa akin.”

Hanggang hindi niya nakikitang naghihirap si Michel, hindi niya ito titigilan. Papahirapan nang papahirapan niya si Michel sa plano na kaniyang tinatahak.

TUMUNGO si Anastashia sa kompanyang papasukan, ang kompanyang tinutukoy niya ay ang kompanya ni Arthuro. Ito lang naman ang kailangan niya dahil gusto niyang magtrabaho sa kompanya nito. Dati niya pa gusto iyon kaso hindi siya puwede dahil talaga iyon kay Michel na sa tuwing nagpapaalam siya ay hindi ito papaya. Pero nitong nakaraang mga araw, kahit nakapasok na siya sa kompanya bilang isang sekretarya ni Arthuro, talagang ginagawa niyang magpaalam kay Michel. Akal niya pa naman alam na nito na nakapasok na siya sa kompanya pero hindi pala.

This is what I am talking about, Michel. Mamatay ka sa galit sa akin, aniya sa sarili. Iniisip din niya kung paano niya maaakit si Arthuro na siyang una niyang napagdesisyunan na gawin dahil sa naiisip pa lang niya ang ideyang iyon, ikakamatay ni Michel.

“Ikaw ang aking magiging toy ngayon, Arthuro. I am so sorry for doing this pero ikaw lang talaga itong may malakas na koneksyon kay Michel na tiyak akong may malaking epekto sa kaniya,” pagsasalita niya habang nakapukos ang mata sa daan.

Tiyak naman siya na kagagat si Arthuro sa gagawin niyang ito. Siguro naman ay hindi siya mabibigo sa plano.

Habang minamaneho niya ang kotse patungo sa parking lot ng kompanya ay hindi maiwasang sumagi sa isipan niya ang sigurong reaksiyon ni Michel sa kaniyang ginawa. Bukod pa na mahal ni Michel ang ex boy friend nito, alam din ni Anastashia kung ano ang pagtingin ni Arthuro sa kaniya. Noon niya lamang iyon nalaman dahil minsan na rin niyang narinig na nag-away ang dalawa. Of course, iyon ang magiging assest niya sa unang hakbang ng kaniyang paghihiganti. For her revenge, she will seduce Arthuro Gatciano. The super big boss of Luxury Fashion Company and as she knew, he is the richest business man in the country. Talaga namang masuwerte si Michel na naging boy friend nito si Arthuro Gatciano. Naisip niya, sigurado siyang pera lang ang habol ni Michel sa mayamang si Arthuro. Bakit pa siya nagtataksil kung mayaman naman na ang boy friend. O isa talagang higad si Michel na hindi makuntento sa isang lalaki lang.

“This is it, Anastashia. Wala na itong atrasan pa. Para ito sa kawawa mong sarili” pampalakas niya sa sarili. Higit na napangiti siya dahil do’n. Mahigpit niyang hinawakan ang manibela at siya’y muling nagsalita. “First operation is to seduce the dangerous, super big boss, and the richest business man—Arthuro Gatciano.”

P-ina-rk niya ang kotse sa tabi ng kotse ni Arthuro kahit ipinagbabawal iyon. At nang maayos na ang sarili niya ay lumabas na siya ng kotse niya. She was in glamour and bold. Gusto rin niyang makita siya ni Arthuro at maglalaway ito sa kaniya. Dapat lang.

She wore her best sweet but psycho smile. Inayos niya ang pagkasakbit ng luxury bag niya sa braso at ibinaling ang tingin sa buong lugar. As she walked through the elevator, ang kaniyang suot na high heel ay talaga namang agaw atensiyon dahil sa tunog nito. Kailangan niyang makakuha ng atensiyon sa mga taong kababa lang din sa kani-kanilang mga kotse. Iilan pa naman sa kanila ay mga lalaki na mayayaman din. Siguro ang mga ito ay may appointment kay Arthuro. Kilala kasi si Arthuro sa pagiging socialize na tao. Marami itong business na pinapalakad at higit na mas marami itong kaalyadong mga mayayamang tao. Higit na mas mayaman pa si Arthuro sa kilalang mga personality sa buong mundo bagaman, sobrang mayaman, nanatiling tago sa mga press o medya. Kahit pa nga nakaupo lang si Arthuro, fifty million dollars ang naidagdag sa bank nito. Maraming koneksyon, maraming business, maraming tao, at maraming pera.

Nakasuot ng fitted red dress si Anastashia na manipis lamang ang strap na tumatanday sa kaniyang maputi at makinis na balikat. Ang kaniyang labi rin ay pinalandasan niya ng dark red lipstick. She was like woman on red; wearing her obvious dress—red in color, red lipstick, and red luxury bag.

Madali lang sa kaniya ang umani ng atensiyon.

Napahinto siya sa gitna ng daan nang makita niya kung paano nagkumpol-kumpolan ang mga lalaki para puriin siya. Then she sexily smiled. Ibinaling niya ang kaniyang tingin sa mga lalaking nakatingin sa kaniya mula sa iba’t ibang bahagi ng parking lot. “How’s your fantasies, boys? I mean—” ibinaba niya ang strap ng suot niyang damit sa may braso niya at kinagat ang labi bago muling nagsalita. “… How’s my dress?”

Kitang-kita niya kung paano nanlaki at parang nahugis puso ang mga mata ng mga lalaki habang nakatingin sa kaniyang dibdib. Nabighani na yata sa angking kagandahan niya. Lihim siyang natuwa sa mga reaksyon nito. Pero hanggang paglalaway lang ang mga ito dahil kahit kailan, hindi siya papatol sa mga kahit sino-sino lang na lalaki. Well, pero kung mayaman din, puwede naman iyong pag-usapan. Natawa si Anastashia sa kaniyang sarili. She is different now. Hindi siya ganito dati. But she likes it that way. Ito na rin ang kaniyang dapat maging siya dahil talagang epektibo sa mata ng ibang tao.

“Ops! Nagmamadali ako kaya hanggang dito na lang muna baby boys. See you next time!” Inayos niya ang pagkasabit ng strap sa balikat niya. Kumindat siya sa mga ito. Ganoon din ay nanunukso siyang nag-flying kiss sa lahat na lalaking nandoon. Pagkatapos ay iniwan niya ang mga ito na nakabukas ang bibig at parang may tutulong laway.

She walked sexily. Chin up and chest out. Nang nasa harap na siya ng elevator ay inilapit niya kaagad ang daliri para pindutin ang 70th floor. Ngunit sa pagpindot niya ay may umagaw sa kaniya sa mga numero. Napahinto siya sa pagpindot.

Tiningnan niya ang kamay nito. Isang kamay ng lalaki. Nagulat siya pero hindi niya inalis ang kaniyang daliring nakapindot sa numero.

“Oh, sorry… Ladies’ first,” anang lalaki. Sa boses pa lang nito ay talagang hindi isang beke. Lalaking-lalaki ito.

Nagulat si Anastashia. Kilalang-kilala niya kung sino ang may ari ng boses na iyon. Ang malamig at malalim na boses ay isa lamang ang may nagmamay-ari no’n. Umayos ng tayo si Anastashia. This is what she was waiting. Nag-isip kaagad siya ng kaniyang dapat na gawin.

May ideya kaagad na umusbong sa isip niya. Kung ano ang kagustuhan niyang akitin ito ay iyon ang gagawin niya ngayon. Ito na ang pagkakataon niya, hindi na puwedeng magpatumpik-tumpik pa.

“Oh… It is you, Arthuro.” Nang-aakit ang kaniyang mga labi. She bit her lower lip to look sexy. Pero hindi sumagot si Arthuro sa kaniya bagkus tiningnan siya nito mula ulo at inihinto ang paningin nito sa dibdib niya bago ibinaba ang paningin nito sa paa niya.

Nakita niya ang pagtaas ng kilay nito. Kapagkuwan ay nangunot din ang noo. Hindi siguro nito naipinta sa isip ang kaniyang hitsura. O hindi lang nito inaasahan ang pagiging ganito niya ngayon? Pero di bale na kung ano ang nasa isip nito. Ang mahalaga para kay Anastashia ngayon ay maisakatuparan ang kaniyang seducing plan.

“Anastashia?” Nababanaag sa boses nito ang pagkamangha. “Ano ang ginagawa mo? Ano ang mayro’n?” sunod-sunod na tanong nito.

Napataas siya ng kilay. Hindi pa niya ito akit kaagad? Well, hindi pa naman ito ang pagkakataon. Siguro kailangan pa niyang galingan para mas lalong maakit sa kaniya si Arthuro.

“Yes, I am, Arthuro.” lumapit siya sa binata ng kaunti. Matangkad ito kumpara sa kaniya kaya tumingala siya. “Did you find me sexy, Arthuro?” Ginamit niya ang mapang-akit niyang boses. Siguro naman puwede na iyon, iyon ang nasa kaniyang isip.

Biglang umatras ng kaunti si Arthuro para lumayo sa kaniyang katawan na masiyadong malapit. Hindi rin ito sumagot bagkus ay bumaling ang tingin nito sa ibang direksiyon. Napaghalataa ni Anastashia na nagpipigil si Arthuro. Kahit nasa ibang direksyon ang mukha nito, kita niya kung paano ito nagkagat ng labi. Dahil do’n, lihim niyang ikinatuwa.

“Answer me, Arthuro.” Inilapit niya ng kaunti ang katawan sa binata. Hinawakan niya ang malambot nitong pisngi. “Do you find me sexy, Arthuro?” muli niyang tanong dito. Nilandas ng kaniyang dali ang pisngi nito pababa sa cheek bone.

“I like you cheek, huh.” Dahan-dahan niyang ibinaba ang kamay sa leeg ng binata. Ipinalandas niya ang kaniyang daliri patungo sa likod ng tainga nito at muli na namang ibinaba patungo sa dibdib nito. “Do you like it, Arthuro? You can answer me,” aniya pa.

Nangasim ang mukha ni Arthuro. “Stop it!” mahina lamang iyon pero may bangis dahil sa malamig nitong boses. Gayunpaman, hindi siya natakot.

Anastashia enjoyed it. Ito ang hinahanap niya. Mas gagaling niya ulit. Hindi puwedeng hindi siya magtatagumpay.

“I know you like it, Arthuro. Bakit mo ako papahintuin? Gusto mo ibaba ko pa?” aniya sa malambot na boses.

Sa isip siguro ni Arthuro ay hindi nito maipaliwanag ang kasalukuyang nangyayari. Hindi ba naman nito inaasahan ang biglang ganito may isang babaeng nang-aakit sa ‘yo. Gumulo siguro sa isipan ni Arthuro ang nangyari. Kung ganoon man, dapat na mag-celebrate si Anastashia.

“Stop it already, Anastashia. This is a public place. Ayaw ko ang maiskandalo,” anito, mahina lang pero nagbabanta.

Ikinatuwa ni Anastashia iyon. Well, wala siyang pakialam kung nasa isang public place sila. Wala siyang pakialam kung ikakasira iyon sa imahe ni Arthuro. Ang gustong mangyari lang talaga ni Anastashia ay ang maakit ito sa kaniya. Pero sa kaniyang nakikita, parang mahihirapan siya.

Muli itong nagsalita, “This is not you.” may halong pag-alala iyon.

Nasorpresa siya dahil do’n pero nakabawi din naman. Well, hindi na siya ang dating Anastashia na kilala nitong kaibigan ni Michel. In front of him is Anastashia with revenge.

Kapagkuwan naramdaman niyang lumayo ng kaunti sa kaniya si Arthuro. Pero mabilis ang kanang kamay niya at pumulupot ito sa baywang ng binata. Lakas-loob niyang hinila palapit sa katawan niya ang katawan nito.

“Don’t stop me, Arthuro… Hindi mo na nobya si Michel. kaya ngayon, puwede kang mambabae,” walang takot niyang saad. Ni hindi siya nababahala sa ano man ang maaari nitong gawin sa kaniya. Muli siyang nagsalita, “at ako ang magiging babae mo. Di ba masaya iyon?”

Hindi niya alam kung bakit hindi siya tinulak o sinuntok ng binata gayong mas malakas ito kaysa sa kaniya.

“Ano’ng kailangan mo sa akin, Anastashia?” pagsasalita nito.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • Billionaire’s Desire (Tagalog)   Chapter 93

    CHAPTER 93HINDI MAKAPANIWALA si Anastashia sa kaniyang nabasa. Talagang dumating na sa puntong gusto na niya agad na makauwi si Arthuro para sabihin ang pagbabalik ni Chescka nang hindi nila inaasahan. “Mom, you must be tired. Puwede ka namang magpahinga na muna,” payo ni Owen sa kaniya. Bumaling siya dito. Hindi agad niyang tiningnan ang kaniyang anak sa mga mata. Wala itong kaalam-alam sa nararamdaman niya. “I’m not really tired, darling. May nabasa lang talaga ako,” pagdadahilan niya. Hindi na siya pinilit ni Owen. Nabalik na agad ang tingin nito sa pinanuod. Habang siya naman ay kinakabahan pa rin. “Arthuro, umuwi ka na please,” pagdarasal niya. Kahit naman kasi gusto niya itong tawagan ay hindi puwede. Nasa biyahe na ito ayaw niyang magmamadali ito at baka may mangyari pang masama. Pero biglang dumapo ang alaala ni Anastashia sa mga nakaraan niya. She was living in a cruelty before. Akala

  • Billionaire’s Desire (Tagalog)   Chapter 92

    CHAPTER 92HANGGANG SA MGA ARAW na ito ay hindi makapaniwala si Anastashia sa mga nangyari. Hindi pa nakauwi si Arthuro pero gusto na niya itong pauwiin. Malay ba niya, para talagang may mali sa kanilang dalawa. Nasa labas siya ngayon ng bahay habang nakalublob sa swimming pool ang kaniyang dalawang paa. Umiinom siya ng wine habang may kinakain na snacks. “Mom, tumawag pala sa ‘kin si daddy. He said that he’s gonna be home this later this nnight,” imporma ng kaniyang anak. Kaya mabilis siyang napatingin dito. Ngumiti siya ng simple. “Thank you for letting me know, darling.” Ngumiti rin sa kaniya si Owen bago ito umalis. Nagtataka siya kung bakit sa kaniya mismo tumawag si Arthuro. Pero pinagpatuloy lamang niya ang kaniyang pagmuni-muni hanggang sa biglang tumunog ang kaniyang cell phone. Mabilis niya itong kinuha at binasa ang text message na galing pala kay Arthuro. ‘I missed you. Gonna be home later this night. Pl

  • Billionaire’s Desire (Tagalog)   Chapter 91

    CHAPTER 91LIMANG TAON ang mabilis na lumipas. Alam ni Anatashia na nababago na ang kaniyang buhay. From her connection with the mafia world and the normal world. Ang kaniyang pagiging asawa din ay naging maganda ang takbo. And now, malaki na si Owen. But one thing she was worried about. “Nagsisinungaling lang kaya sa ‘kin si Arthuro?” Parating iyan ang kaniyang tanong sa sarili kung minsan na malalim ang kaniyang iniisip. Malay ba niya sa sarili, kahit naman kasi napapatunayan ni Arthuro ang kanilang pagmamahalan, parang may kulang. Or it was because the trust she had... already gone. “Mom,” tawag ni Owen sa kaniya. Nilingon niya agad ang kaniyang anak. “Yes, darling?” takang tanong ni Anastashia. “Kailan pala tayo babalik sa Pilipinas? I miss my friend there,” malungkot nitong sagot. Ngumiti si Anastashia at pinalapit ang kaniyang anak para mayakap niya ito. “Next month na tayo uuwi sa Pinas, Owen. Nakabili ka na

  • Billionaire’s Desire (Tagalog)   Chapter 90

    CHAPTER 90NANG matapos na maligo si Owen ay agad na pumunta sila sa kusina. Nadatnan niya si Arthuro na nagkakape.“Good morning, Owen!” masayang bati nito sa anak nila. Agad na tumakbo si Owen papalapit kay Arthuro. Yumakap din agad ito.“Mommy told methat you had a surprise for me,” imporma nito.Tumingin naman si Arthuro sa kaniya habang nakangiti pa ito. Ngumisi rin siya.“Hindi ko lang mapigilan ang sarili ko. At saka malalaman din naman niya,” saad niya.“Totoo ang sinabi ng mommy mo, anak. Pero mamaya mo pa malalaman kung ano ‘yon. Mamayang hapon na kasi ang birthday celebration mo,” imporma nito.Nakangiti lang siya habang tiningnan ang mag-ama. Habang kinatitigan niya ang mga ito, noon lang din niya napansin na sobrang malapit si Owen kay Arthuro. Naiinggit siya pero hindi naman iyong gusto niya ring agawin ang atensiyon ni Owen. “Excited na akong makita ang sorpresa ninyo!” sabi pa ni Owen. Bumaling ulit ang tingin ni Arthuro sa kaniya. Magsasalita na s

  • Billionaire’s Desire (Tagalog)   Chapter 89

    CHAPTER 89ITO na ang araw na ipagdiriwang nila ang kaarawan ni Owen. Owen’s 11th birthday. Dahil maagang nagising si Anastashia ay hinintay na lamang niyang magising ang kaniyang anak. Hindi niya lubos maiisip na ngayon lang ulit niya naipagdiwang ang kaarawan nito. “Ang aga mo yatang nagising, hindi ka ba pagod?” tanong ni Arthuro nang magising ito. Simula rin noong may nangyari sa kanila ni Arthuro ay mas lalong lumalalim ang kaniyang pagtitiwala rito. Alam niyang sobrang bilis ng pangyayari pero ayos na rin iyon dahil mas matunan nila ng pansin ang buhay ni Owen. “Excited lang akong mabati si Owen dahil ilang taon din ang lumipas na hindi ko man lang makita ang anak ko na magdiwang ng kaniyang birthday. Sobrang saya ko ngayon, Arthuro,” saad niya.Lumapit sa kaniya si Arthuro. Humalik ito sa kaniyang batok. Naramdaman din niya ang pagtusok ng ari nito sa puwetang bahagi ng kaniyang katawan.“We can’t have sex,” sabi niya.Tumawa ng mahina si Arthuro. “Hindi natin i

  • Billionaire’s Desire (Tagalog)   Chapter 88

    CHAPTER 88NANG MATAPOS nang maligo si Anastashia ay pagbukas pa lamang niya ng pintuan ng banyo ay bungad na agad sa kaniya ang buho at hubad na katawan ni Arthuro. Nanlaki ang kaniyang mga mata at hindi makapaniwala sa kaniyang nakita.“A-Arthuro,” nauutal niyang sambit sa pangalan nito.Bumaling ang kaniyang paningin sa kama pero wala na doon si Owen at nakasirado rin ang pintuan. “Ano ang ginagawa mo rito?” tanong niya. Pero napaisip din siya na maliligo rin pala itong si Arthuro.Ngunit hindi niya maigalaw ang kaniyang katawan lalo nang biglang bumaba ang kaniyang paningin sa ari nito. Tirik na tirik ang pagkalalaki ni Arthuro na para bang binabaril siya nito. Nailayo niya agad ang kaniyang paningin. Sa mga oras na iyon ay nag-iinit na ang kaniyang buong katawan.Hinintay niya ring magsalita si Arthuro pero nakangiti lang ito at alam na nitong kung ano ang mangyayari.“M-Maliligo ka ba?” nauutal niyang tanong ulit.Tumango lang si Arthuro. Hindi pa rin nawala ang n

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status