LOGINBiglang napatalon si Ednel nang may humawak sa balikat niya mula sa likod.
“Hey, bakit ayaw mo makisama sa loob?” tanong ni Edwin, nakangiti, parang walang kamalay-malay sa kumukulong tensyon sa paligid ni Ednel.Napalingon si Ednel, sumimangot. “That’s none of your business. Pumasok ka na lang. Ayos lang ako rito.”
Nakamarkang inis, ramdam sa bawat diin ng boses niya.Pero halatang ayaw paawat si Edwin. Lumapit pa lalo.
“Bakit todo tingin ka d’yan sa stripper na ‘yan? Tapos ayaw mo ‘yong nasa VIP room?” Pangungulit nito, parang sinasadya pang pumasok sa personal space niya.Hindi na sumagot si Ednel. Hindi niya ito binigyan ng kahit anong reaksyon. He simply turned away pero bago pa man siya makalayo, may biglang kaguluhan sa dance floor.
Biglang nagkarambola.
At iyon mismo ang stripper na kanina pa nagwawala sa utak ni Ednel, the masked girl who stirred something deep and dangerous inside him… now running, terrified.
Mas lalo pang nag-init ang dugo ni Ednel nang maramdaman niyang… hindi lang pala siya ang nagka-interes sa babae.
Pati si Edwin. At doon na tuluyang kumulo ang konsensiya niya. Isang halong pagkapikon, pagkalito, at hindi maipaliwanag na selos.“Ano ba?! Hindi ako nagpapa-table! Bitiwan n’yo ako!”
sigaw ng stripper habang hinahatak siya ng isang malaking Hapon. Ang lakas, parang ibinebenta ang dalaga sa harap ng lahat.“Please. One night only. I will pay you one million, baby. Please, I like you. I want to rub with you!”
sigaw ng Hapon habang mahigpit ang pagkakakapit sa braso ng babae.Hindi na nagdalawang-isip sina Ednel at Edwin.
Sabay silang lumapit. At doon nakita nila na may Yakuza pala ang grupo ng mga Hapon.Boom.
Nagkaroon ng instant rumble.Si Ednel, sanay sa martial arts, ay tila demonyo sa bilis ng galaw.
Si Edwin, kahit corporate ang dating, ay hindi nagpahuli at sumali pa siya ng gulo na para kay Ednel. Nang may Hapon na nagbanta gamit ang basag na bote, si Edwin ang humarang.At doon, sa gitna ng gulo, naramdaman ni Ednel ang hindi niya inaasahan...
Sincere si Edwin. Hindi siya pabigat. Hindi siya kalaban… at that moment, he was an ally.Pagkatapos ng matinding rambulan…
Lupaypay sa sahig ang ilang Yakuza.
Si Ednel ay humihingal pero composed; si Edwin ay bahagyang sugatan pero nakatayo pa rin.Then suddenly…
Hinubad ng mysterious stripper ang mask niya.
At ang sumunod na eksena…
parang sumabog ang buong mundo ni Ednel.Si Elise.
Nakabukas ang bibig, puno ng luha, nanginginig.
At agad siyang tumakbo papunta kay Ednel, parang nawalan ng preno ang puso.“NEIL! NEIL! Neil… ikaw ‘yan! Neil!!! Buhay ka! BUHAY KA!
Umuwi ka na, Neil! Please! Mahal na mahal kita, Neil! Kuya!”Humagulgol siya habang niyayakap nang ubod ng higpit si Ednel, walang pakialam kung napapahiya siya o hindi, walang pakialam sa audience, walang pakialam sa mundo.
Napatulala ang mga kasamahang stripper.
Pati ang bugaw niya ay naalanganin. Hindi makaimik, hindi makalapit. Kilala nila si Ednel. He’s a well-known billionaire, respected, powerful. Walang mangangahas sumingit.Pero si Elise?
Nagsusumigaw. Nanginginig. Wasak ang mascara. Bumalik lahat ng sugat na pilit niyang tinatakpan.Hindi makagalaw si Ednel.
Parang multo ng nakaraan ang dumapo sa harap niya. At ang masama pa’y buhay, humihinga, at umiiyak.Si Edwin naman ay napatulala rin, hindi makapaniwala sa eksenang nasa harap niya.
Lumabas pa ang mga kasamahan nila mula sa VIP room na shocked, confused, bulong-bulong.
At doon lang natauhan si Ednel.
He snapped back.Hinila niya ang kamay niya palayo kay Elise.
Pero si Elise?
Mas kumapit pa. Hanggang sa lumuhod na ito, nanginginig, at yumakap sa binti ni Ednel na parang may hinihinging himala.“HINDI AKO SI NEIL! Umalis ka na diyan!”
sigaw ni Ednel, halos matanggal ang ugat sa leeg niya sa galit.Pero hindi bumitaw si Elise.
Lalo pa siyang humagulgol, halos hindi na ma-recognize ang mukha sa luha at mascara.At doon pumutok ang galit ni Ednel.
Sa sobrang inis, sinipa niya nang madiin si Elise para mapatumba.
Hinawakan niya ang braso nito, mariin, malamig, walang konsiderasyon.“Makinig ka. STRIPPER ka lang at BILLIONAIRE ako. Kung iniisip mong makukuha mo ako sa ganiyang iyak-iyak mo, HINDI KITA PAPATULAN.”
Nanginginig ang boses niya sa kontroladong galit.“I am NOT Neil. You’re mistaken. I am Ednel Hernandez Wilson. Tumingin-tingin ka naman sa magazine bago ka magmukhang tanga!
Let go of my body, you… stinky stripper bitch!”At nagsaliva si Ednel, sinadya pa niyang duraan ang sahig malapit kay Elise.
An unmistakable act of humiliation.Tahimik ang buong club.
Walang makagalaw. Walang sumingit.Tumalikod si Ednel at umalis.
Sumunod ang BOD, pati si Dick, kahit halatang naguguluhan.Pero si Edwin… hindi nakatiis.
Habang naglalakad palayo si Ednel, lumapit si Edwin kay Elise.
Hindi niya na kayang hayaan iyon.“Pasensiya na, Mister Ednel,” sigaw niya pero hindi na lumingon si Ednel.
Bumaling siya kay Elise. “Kamukhang-kamukha mo lang talaga ‘yong kuya niya. Ako nga rin, napagkamalan ko siyang si Neil dati. Kilala ko si Neil. Ako na mismo humihingi ng pasensya sa’yo.”Pinatayo niya si Elise nang marahan, inalalayan, pinaupo.
Inabotan ng tubig. At hindi nagdalawang isip hubarin ang suit jacket at ipinayakap ito sa balikat ng dalaga.“Elise… do you still remember me?” tanong ni Edwin, may lambing sa tinig, may lungkot sa mata.
Umiling si Elise, humihikbi.
“Sorry… hindi. Punong-puno ang utak ko ngayon. Shocked ako. Akala ko si Neil kasi kamukhang-kamukha niya…”Tumango si Edwin.
“Naiintindihan ko. Si Kuya Neil mo… siya ‘yong nanuntok sa’kin noong JS prom natin. Ako ‘yong partner mo noon.” Napakamot siya ng batok. “At… ikaw ang first kiss ko.”Nagulat si Elise, bahagyang natigilan.
“Talaga…? Ironic. Si Neil… namatay siya sa sunog. Sa kulungan. Pero parang… buhay pa siya sa katauhan ni Sir Ednel.”At bumuhos ulit ang luha niya.
Dahan-dahang lumapit si Edwin, tinapik ang balikat niya.
“Look, kalimutan mo na siya. Ito ang gawin mo, mag-apply ka sa kumpanya namin bilang secretary. Ayoko nang makita kang nagtatrabaho rito.
Here, take my card. Tawagan mo ko anytime. Nandito ako. Handang tumulong.” Niyakap niya si Elise, mahigpit pero gentle. “Sandal ka lang. Iyak mo lahat. Ilabas mo lahat ng sakit dito sa balikat ko.”Iniabot niya ang pera. Hindi puro pera, kundi isang lifeline.
“Kaka-dalawang buwan ko pa lang dito…” iyak ni Elise, pero tinanggap ang pera, mahina pero may pasasalamat.
“Salamat… malaking tulong ito.”Matapos ang halos isang oras na pagtatanong ni Ednel patungkol sa pamilya, mga ari-ariang nawala, kung paano inangkin nina Lanto ang lahat. Pakiramdam ni Elise ay parang nalimutan niyang huminga. Sa bawat detalye ay parang hinuhukay niya ang bangungot na pilit na niyang tinakasan noon. Tahimik lang si Ednel ngunit halatang kumukulo ang dugo nito, para bang ayaw nitong tanggapin na ganoon kadali silang pinahirapan ng mga Lanto.Bigla itong tumayo. “Tara.”Hindi pa man siya nakakabangon ay marahan ngunit determinadong kinalas ni Ednel ang pagkakaposas niya sa headboard. Saglit siyang nakalanghap ng kalayaan, pero agad itong napalitan ng kaba nang may inilabas itong tela at dahan-dahang itinali sa kanyang mga mata.“Ednel, teka ano ba ‘yan?” Nauutal ang boses niya habang muling itinali ang kanyang mga kamay. “Saan mo ako dadalhin? Pakawalan mo na lang ako, parang awa mo na. Naghihintay pa sa akin sina Mama at ang anak ko…”Sa halip na makaramdam ng awa, bahagyang ngumiti ang binata. Hind
Saglit siyang huminto at umayos ng upo.Parang may malamig na kamay na dahan-dahang humahaplos sa batok niya habang inaalala iyon.Ramdam niya kung paanong bumibigat ang hangin sa pagitan nila ni Ednel, parang ang bawat alaala ay may sariling bigat na pumapatong sa dibdib niya.“Noong una, hindi ako naniwala,” patuloy niya.Bahagyang nanginginig ang tinig niya.“Hanggang ipinakita niya sa akin ang sinasabing ‘tatlong ulo’ ng mga kaibigan ni Kuya Neil.”Bahagya siyang napalunok.Nagtagpo ang mga daliri niya sa dibdib niya na para bang may biglang kirot na umakyat mula sa puso hanggang lalamunan.“Hindi naman literal,” dagdag niya, pilit kinakalma ang sarili.“Pero doon sa bodega nila, inihilera niya iyong tatlong lumang manika na tinanggalan niya ng katawan, puro ulo na lang. Nilagyan niya ng damit ng mga kaibigan ni Kuya Neil. Nakangiti.”Napasinghap siya nang mahina.“‘Yong ngiti na parang alam nila kung anong puwedeng mangyari sa akin kapag nagsalita ako.”Napatungo siya, hinihigpit
Una niyang pinuntahan ni Edwin ang gusali ng kumpanya ni Ednel Wilson, dala ang magkahalong kaba at determinasyon sa dibdib niya na parang naglalaban ang dalawang tibok ng puso. Bawat hakbang niya papasok ng lobby ay mabigat, halos parang hinihila siya ng sahig pababa, pero pilit pa rin niyang itinatag ang sarili. Hindi niya kayang magpakita ng kahinaan. Hindi ngayon. Hindi sa araw na ito.Pagpasok niya, agad siyang nagtungo sa reception desk, hawak ang bag strap niya nang mahigpit. “Miss, puwede ko po bang malaman kung nasa opisina si Elise?” tanong niya, pilit kinokontrol ang kaba sa kanyang tinig kahit nanginginig na ang loob niya.Ngunit tumigil siya sa pagkakamang nang marinig ang sagot. “Ah, sir, wala po siya ngayon. Kasama po niya si Sir Ednel sa isang business trip.”“Business trip?” Naupos ang hininga niya at bahagya siyang napasandal sa desk. Biglang parang bumigay ang mga tuhod niya. Hindi niya maintindihan. Paano nangyari iyon? Kailan? Bakit hindi niya alam? Para bang big
Kinakabahan na si Edwin. Halos isang buong araw na rin mula nang mawala si Elise, at bawat oras ay parang nagiging habambuhay sa kanya. Kahit anong pilit niyang kalmahin ang sarili ay hindi niya maiwasang mangamba. Ang mga tawag sa telepono ay hindi sapat. Gusto niyang makita, maramdaman, at siguraduhing ligtas siya. Hindi niya na kayang maghintay, kaya kusa niyang sinuot ang kanyang paboritong suit at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya ito, bawat segundo ay tila nagiging mabigat habang papalapit siya sa squatter’s area kung saan naninirahan ang pamilya ni Elise.Tumunog ang kanyang kamao sa pinto. “Tao po,” mahinang sabi niya.Hindi nagtagal, lumapit ang maliit na anino ng bata na si Julius, anak ni Elise. “Tito Edwin, kumusta po? Tuloy po kayo.” Agad niya itong pinagbuksan ng pinto, sabay nagmano at pinatuloy sa loob.Napangiti siya sa simpleng galaw ng bata. Napakabait, napakasipag na tila’y isang batang kahanga-hanga kahit sa murang edad. Ngunit hindi niya maiwasang mairita ng ka
Ayoko na siyang makausap, inis na sambit ni Ednel sa sarili habang pinipilit pigilan ang pintig ng dibdib na parang gusto na lang sumabog sa galit at sama ng loob. Hindi niya akalain na ganito kasama ang pakiramdam na dulot ng ginawa ni Jessa. Unforgivable.“Paano na lang engagement ninyo?” tanong ng pinsan niya na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa reaksyon niya.Napahawak si Ednel sa ulo, halatang nag-iisip. “Dude, are you stupid? Gano’n ko na lang ba ibababa ang sarili ko? Nabastos ako sa mga kakilala ko dahil sa ginawa niyang pakikipaglampungan sa ibang lalaki tapos gusto mo ituloy ko pa ang wedding namin ni Jessa?” Halos sumabog ang boses niya sa inis.“Dude… tumatanda ka nang walang pamilya. You are in your thirties. Dapat may mapasahan ka na rin ng mana mo,” sagot ng pinsan na halatang pilit nagmamalasakit pero nai-irita rin.Ngumisi si Ednel na may halong pang-aasar. “‘Wag kang mag-alala. May anak na ako sa pagkabinata kung iyon lang ang problema mo. Sige na, busy pa ako.” K
Maingat na binuhat ni Ednel si Elise matapos itong himatayin. Ramdam niya ang bigat ng takot sa dibdib niya habang nakasubsob ang ulo ng dalaga sa balikat niya na parang takot siyang iwan ulit ito ng kahit isang segundo. Mula sa parking lot hanggang sa elevator, hindi niya binitiwan si Elise, tila ba kapag basta niya itong pinabayaan ay babalik ang mga aninong pilit na gumigising sa trauma nito.Pagkapasok nila sa loob ng condo, diretso siyang lumapit sa kama at marahang inihiga ang dalaga. Kumalat ang buhok ni Elise sa mga unan, bumagay sa maputi nitong mukha na parang sinuklay ng hangin. Ilang saglit pa ay napatingin si Ednel at halos mapatigil ang paghinga niya. Para itong prinsesa sa isang lumang fairy tale ang mala-rosas na pisngi, ang maputing balat, at ang mahimbing na pagtulog na tila may sariling ningning.“Sleeping Beauty,” mahina niyang bulong. “O baka Snow White.”Pero hindi ito pantasya. Hindi ito kathang-isip. Si Elise ito. Ang Elise na nakababata babaeng kapatid sa pili







