Tempted By My Husband's Uncle

Tempted By My Husband's Uncle

last updateHuling Na-update : 2026-01-15
By:  iamAexyzIn-update ngayon lang
Language: Filipino
goodnovel16goodnovel
Hindi Sapat ang Ratings
6Mga Kabanata
13views
Basahin
Idagdag sa library

Share:  

Iulat
Buod
katalogo
I-scan ang code para mabasa sa App

She forced Theo Alcaraz to marry her, but later found herself tempted by another Alcaraz. ***** Malandi at mang-aagaw. Iyon ang tingin ng lahat kay Luna Amaris Pedrigal. Nagkagusto siya kay Theo Alcaraz, ang boyfriend ng pinsan niya at anak ng mayamang pamilya sa kanilang bayan. May nangyari sa kanila ni Theo at nabuntis siya, ngunit tinatanggi nito na ito ang nakabuntis sa kaniya. Sa huli, wala na rin itong nagawa kundi ang pakasalan siya. Pinilit ni Luna na maging mabuting asawa kay Theo sa kabila ng malamig nitong pagtratosa kaniya. Kahit na palaging pinamumukha nito sa kaniya na hindi siya nito mahal at ang batang nasa sinapupunan niya lamang ang dahilan kung bakit sila nagpakasal. Ngunit isang aksidente ang naganap at nawala ang nag-iisang batang nag-uugnay sa kanilang mag-asawa. Dahil sa nangyari ay mas lalong nawalan ng pakialam si Theo kay Luna. Hanggang sa muli bumalik ang dating girlfriend ni Theo na si Candice upang bawiin daw umano ang lalaki. Pero kasabay noon ay dumating sa buhay nila ang gwapo at makisig na si Atticus Alcaraz, ang illegitimate son ng Lolo ni Theo. Sa pagdating nina Candice at Atticus, mas lalong gugulo ang buhay nilang mag-asawa. Hindi inaasahan ni Luna na magkakaroon ng interes sa kanya ang lalaki. Kaya ba niyang iwasan ang tuksong dala ni Atticus upang hindi magkasala sa asawa? O magpapadala siya sa init ng mga haplos at yakap nito? Sino nga ba ang pipiliin ni Luna? Si Theo na asawa niya o si Atticus na handang gawin ang lahat, makuha lang siya?

view more

Kabanata 1

Kabanata 1

LUNA AMARIS

Malaki nag ngiti ko habang naglalakad ako sa hallway kung saan patungo ako sa birthday party ni Tita Maris, ang ina ng lalaking gustong-gusto ko. Late na akong dumating dahil galing pa ako sa opisina. Ang alam ko ay nauna na ang madrasta ko at ang pamangkin niyang magtungo sa party. Wala si Daddy dahil nasa Manila siya at parating pa lang siya ngayong gabi kaya hindi na siya makakadalo.

Nakasuot ako ngayon ng back na long gown, tube iyon at kitang-kita ang hubog ng katawan ko. Naka-lower bun naman ang buhok ko. Marami nang tao nang dumating ako. Pero hindi agad ako nagpakita sa kanila at lumapit ako sa may sulok kung saan walang masyadong makakapansin sa akin. May isang lalaking may dalang champagne na nakalagay sa pabilog ang lumapit sa akin.

Ngumiti ako sa kaniya.

"Wait for my signal," mahinang saad ko.

Marahan siyang tumango sa akin. Kinuha ko ang alak na dala niya bago ako lumayo sa kaniya. Agad naman akong nakita ni Tita Maris kaya ngumiti ako sa kaniya at binati siya.

"Happy birthday, Tita." Nagbeso ako sa kaniya.

"Thank you, Luna. Akala ko hindi ka na darating," malaki ang ngiting saad niya.

Mas nagmukha siyang bata sa suot niyang red gown. Ang alam ko dati siyang beauty queen dahil lumaban siya sa Binibining Pilipinas, hindi nga lang siya pinalad na manalo.

"Pwede po bang ma-miss ko ang birthday ninyo? Syempre, hindi."

"Hindi ka kasi kasabay nina Camille kanina," aniya kaya napabaling ang tingin ko sa step-mom ko. 

"Nauna lang kami dahil sinundo ni Theo si Candice, sumabay na ako," singit ni Tita Camille. 

"Siya, enjoy the party. Maraming food, kumain ka muna," wika sa akin ni Tita Maris kaya tumango ako at nagpasalamat. 

Nagpaalam naman siya sa akin dahil tinawag siya ni Tito Micheal. Ang asawa niya.

Napabaling ang tingin ko kina Candice at Theo na nasa malapit lang sa amin pero may kausap silang dalawang may edad na sa tingin ko ay mag-asawa. Nakahawak pa si Candice sa braso ni Theo.

"Bagay na bagay sila, hindi ba?" wika ni Tita Camille kaya tumingin ako sa kaniya.

Ngumiti siya sa akin at sumimsim sa wine glass na hawak niya. Nakaupo siya ngayon habang nakatayo pa rin ako.

"Candice will be an Alcaraz soon. I am excited," dagdag pa niya.

Hindi ako nagsalita at tumalikod sa kaniya. Inisang lagok ko ang champagne na hawak ko. Candice will never be an Alcaraz. Hindi ako ako papayag.

Ako ang pakakasalan ni Theo. Sisiguraduhin ko ang bagay na iyon.

Hinanap ko ang kaibigan kong si Katniss. Pinsan niya si Theo dahil pinsan ng mama niya si Tita Maris kaya imbitado siya. Napangiti naman ako ng malaki nang makita ko siya. Agad akong naupo sa tabi niya.

"Ang ganda mo tonight, pero bakit nakasimangot ka?" nagtatakang tanong niya.

Muli akong tumingin kung nasaan sina Theo. Mukhang nakuha naman agad niya ang ibig kong sabihin.

"Alam mo, tigilan mo na iyan. May girlfriend na si Theo at sa iisang bubong pa kayo nakatira. Aahasin mo talaga siya?"

Matalim na tumingin ako sa kaniya.

"Ako ba talaga ang ahas o si Candice?" mababa ang boses na tanong ko pero hindi ko maitago ang pagkainis ko.

"Pero anong magagawa mo? Sila na."

"Ako dapat iyon. Ako dapat ang girlfriend niya," mariing saad ko. "Kaya sisiguraduhin ko ngayong gabi na magiging akin siya."

Ngumisi ako kay Katniss at hindi makapaniwalang tumingin naman siya sa akin saka ako muling tumingin kay Theo. Nagtama ang mga mata naming dalawa pero agad din siyang nag-iwas kaya napasimangot ako.

"Seryoso ka ba talaga sa gagawin mo?" tanong sa akin ni Katniss. "Kabaliwan talaga ang pinaplano mo."

Tumingin ako sa kaniya at ngumiti. Parang mas kinakabahan pa siya sa akin. Nasabi ko na sa kaniya ang plano ko. Ilang beses nga niya akong pinigilan pero desidido na ako. Hindi pwedeng wala akong gawin para mabawi ko si Theo.

"Mukha ba akong nagbibiro?" balik-tanong ko sa kaniya at muling tumingin sa lalaking kanina ko pa pinagmamasdan. 

"Nababaliw ka na talaga. Mapapahamak ka sa ginagawa mo," nag-aalalang saad niya.

Muli akong bumaling ng tingin sa kaniya.

"He will be mine tonight, Katniss" matigas na saad ko.

Napailing na lang si Katniss sa sinabi ko.

Sinisigurado kong hindi ako papalpak sa plano ko. Pinaghandaan ko na ang gabing ito.

Nagpatuloy ang party. Kumain na rin ako dahil pagkagaling ko sa trabaho ay dumiretso na ako ng uwi at nagmamadaling nagbihis at pumarito. Wala pa talagang laman ang tiyan ko kaya tinuon ko muna ang atensyon ko sa pagkain.

Napangiti ako nang mabusog ako. Pero habang kumakain ako ay nakikiramdam ako sa paligid ko. Kita ko si Lolo Thomas, ang lolo ni Theo na kausap ang mayor ng San Simon. Maging ito ay  imbitado. Ang Alcaraz ang pinakamayan sa bayan ng San Simon kaya hindi na nakapagtataka na maraming mayayamang tao ang imbitado.

Pero isang tao lang ang target ko ngayong gabi. Kita ko si Candice na may binulong kay Theo bago siya tumayo.

"He is handsome," hindi ko mapigilang sabihin.

"Oo, pero hindi naman sobrang gwapo, matangkad lang kaya bakit patay na patay ka sa kaniya," kontra naman ni Jana kaya masama ko siyang tiningnan.

Bakit ba hindi na lang siya maging supportive? Gwapo naman si Theo. Maypagka-chinito siya, maputi pero halatang hindi naggi-gym dahil walang matitigas na masel sa braso. Halatang pampered siya at laking aircon masyado. Pero matangkad, mayaman at matalino siya. Mahilig talaga ako sa matatangkad, kaya nga nagustuhan ko siya.

"I'll go ahead," paalam ko kay Katniss at tumayo na ako.

"Luna, pwede pang magbago ang isip mo. Huwag mo nang ituloy," muling pigil niya sa akin pero nginitian ko lang siya ng matamis.

Walang makakapigil sa plano ko.

Wala akong pakialam kung may masasaktan ako sa gagawin ko pero gusto ko si Theo at sisiguraduhin ko na magiging akin siya ngayong gabi. Tumingin ako sa waiter na lumapit sa kaniya. Pasimpleng tumingin pa ako rito at tumango bago ako tumalikod at iniwan ang kaibigan ko.

Matatapos ang gabing ito, akin na si Theo.

Habang palabas ako sa bulwagan ay napalingon ako sa lalaking nabangga at muntik pa akong matapilok pero agad niya akong nahawakan sa beywang ko.

"Careful," he said in low but dangerous tone.

Nag-angat ako ng tingin at muntik nang manlambot ang mga tuhod ko nang masilayan ko ang mukha niya. Ngayon ko lang siya nakita, but damn. He looks fine. 

Sa unang pagkakataon. May isang lalaking masasabi kong walang duda, mas gwapo kay Theo. Mula sa makapal niyang mga kilay at mahahabang pilik-mata. Maging ang mga mata niyang hinihigop ako habang nakatingin sa akin, bumaba ang tingin ko sa matangos at perpektong ilong niya habang sa mapupula niyang mga labi.

Hindi ko mapigilang mapalunok pero agad din akong natauhan nang lumayo siya bigla sa akin at walang salitang nilampasan ako. Kaya napasunod ako ng tingin sa kaniya.

Hindi ko alam kung gaano ako katagal na nakatitig sa malapad niyang likod. Kahit nakatalikod siya, parang ang lakas ng dating niya. Naiiwan pa ang mabangong pabango niya na nanonoot sa ilong ko.

Pero agad din akong natauhan. Parang gusto kong sampalin ang sarili ko dahil sa naging reaksyon ko. Hindi ako pwedeng humanga sa iba dahil si Theo lang ang gusto ko at gagawin ko para makuha siya ngayong gabi.

Nuli akong humakbang patungo sa hallway para magtungo sa hotel room ni Theo. Ngumisi ako nang tumingin ako sa card na hawak ko. Sa tulong ni Katniss na may pinsan na nagtatrabaho rito ay nakuha ko ito.

Mabilis akong pumasok sa loob ng kwarto na okupado ni Theo. Wala pa si Theo. Pero alam kung anumang oras ay maari na siyang dumating. Kapag tumalab na ang gamot na nilagay sa alak niya.

Kinuha ko muna ang alak na nasa table at binuksan ko iyon saka ako nagsalin sa kopita at uminom.

Alam kong magdudulot ng gulo ang gagawin ko ngayong gabi. Pero ang tanging nasa isip ko lang ay makuha si Theo.

I want him to be mine. At dahil gusto ko siya, gagawin ko ang lahat para makuha siya. Walang makakapigil sa akin.

I will be Mrs. Luma Amaris Pedrigal- Alcaraz. 

Palawakin
Susunod na Kabanata
I-download

Pinakabagong kabanata

Higit pang Kabanata

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Walang Komento
6 Kabanata
Galugarin at basahin ang magagandang nobela
Libreng basahin ang magagandang nobela sa GoodNovel app. I-download ang mga librong gusto mo at basahin kahit saan at anumang oras.
Libreng basahin ang mga aklat sa app
I-scan ang code para mabasa sa App
DMCA.com Protection Status