MasukPagkatapos ng naging pag-uusap nila Edwin at Elise, agad niya itong inihatid pauwi. Ngunit pagdating nila sa kanto ng eskinita, kung saan itinuro ng dalaga ang isang maliit at halos tagpi-tagping bahay na nakadikit sa gilid ng estero, may kung anong kumurot nang malalim sa dibdib ni Edwin.
Tahimik ang paligid, parang humihinga lang ang hangin sa pagitan nilang dalawa. At doon, nakita niya ang bigat at pagod sa mga mata ni Elise. Isang lungkot na pilit pinupunasan pero hindi matakpan.
“D’yan ka nakatira?” tanong ni Edwin, mababa ang boses, may halong pag-aalala at hindi maipaliwanag na kirot.
“Oo…” sagot ni Elise, mahina at halos nahihiya.
Ang sagot niyang iyon ay parang naglagay ng invisible tension sa pagitan nila na tahimik pero ramdam.“‘Di ba mayaman kayo dati? Asan na ‘yong furniture business ng tatay mo?”
May pag-aalinlangan sa tono ni Edwin, pero halatang gusto niyang maintindihan.Napayuko si Elise. “Basta… maraming nangyari. Kaya napilitan akong kumapit sa patalim… doon sa club.”
Hindi man niya sabihin nang buo, ramdam ni Edwin ang hiya at sakit na dala ng bawat salitang binitawan ng dalaga. And strangely, may init na parang gusto niyang protektahan ito.“‘Wag kang mag-alala.” Lumambot ang tinig ni Edwin, pero nanatiling matatag. “Pag nasa company ka na namin, never ka nang titira dito. Puntahan mo ako bukas, nando’n ang business contact number ko. Dumating ka between 10 AM to 11 AM. Pag 12 na, lunch break na namin. Wala ka nang maaabutan.”
Tumango si Elise, medyo nanginginig pa ang mga daliri niya sa pagkakahawak sa pinto. Pero bago pa man niya mabuksan iyon...
“Wait.”
Bumaba si Edwin, mabilis pero kontrolado, at tinakbo ang passenger side ng sasakyan. Siya mismo ang nagbukas ng pinto para sa dalaga, at hinawakan ito nang marahan pero may authority. Protective pero may halong suggestive na nakapagpapainit sa balat ni Elise.
“Edwin, nag-abala ka pa. Hindi na ako bata,” nahihiyang sabi ng dalaga, pero halatang may kilig na gumagapang sa boses niya.
“No. You deserve to be treated like a princess.”
May kumpiyansang ngumiti si Edwin, halos mapalalim ang hinga ni Elise sa titig niya. “Ngayon wala na ‘yong kapatid mo na lagi mong sinasabi noon na dapat gayahin ko. I think I’ve reached his level. I’m a grown man now, Elise.”Natigilan ang dalaga. Biglang nanubig ang mga mata nito.
“Edwin…” huminga siya nang malalim. “Si Neil… hindi ko siya tunay na kapatid. Ampon lang siya. Naging… naging magkasintahan kami ilang buwan. Pero wala na ‘yon. Patay na siya. Nasunog sa kulungan.”
Parang bumigat ang hangin. Pero bago pa man makasagot si Edwin, bumaba na si Elise at pumasok sa bahay. Naiwan siyang nakatitig sa pintong isinara nito at hindi niya mapigilang ngumiti nang kaunti.
Para bang may kung anong kakaibang saya ang gumapang sa dibdib niya, hindi niya maipaliwanag.Kinaumagahan…
Nasa harap ng maliit na salamin si Elise. Suot niya ang white long sleeve polo na pinilit niyang plantsahin kagabi at isang lumang itim na skirt mula sa ukay. May light makeup siyang nilagay; sapat para magmukhang buhay ang mukha kahit pagod.
Pero nang makita niyang may maliit na butas ang stockings niya, napangiwi siya. “Naku…”
Biglang bumukas ang pinto ng kwarto. Lumabas ang mama niyang si Patricia, naka-daster, may lambing sa tinig at bahagyang ngiti sa labi.
“Saan punta mo, anak?” tanong nito.
“Mag-aapply ako, Ma. Sa malaking kumpanya. H&W Furniture Group Co.”
Kumikinang ang mata ni Elise habang sinasabi iyon na may halong excitement at kaba.“Malaki ‘yon, hija! Pero wag mo suotin ‘yang stockings na ‘yan.”
Binuksan ni Patricia ang lumang maleta, hinanap ang paborito niyang slacks, at iniabot iyon kay Elise. Halatang pinagdaanan na ng panahon, pero maayos pa.“Ito ‘yong bigay sa’kin ni Neil noon…”
Naluha si Patricia. Kusang tumulo ang luha ni Elise nang marinig iyon.“Ma,” napangiti-luha siya. “Si Edwin pala ang amo ko kahapon. Naalala n’yo? Partner ko sa JS Prom. ‘Yong binugbog ni Kuya Neil.”
Napangiti si Patricia kahit may luha. “Sige na, anak. Suotin mo na ‘yan. Baka ma-late ka.”
Pagkatapos mag-ayos, dinala ni Elise ang resume at diploma niya. Sa bawat hakbang papunta sa pinto, ramdam niya ang kaba at kilig na parang naghahalo sa bituka niya. This is it.
Muling papasok siya sa corporate world. At… makikita niya ulit si Edwin.Pagdating niya sa H&W Building…
Nanlaki ang mata ni Elise nang makita ang mataas na gusali. Tatlumpung palapag. Malinis. Makintab. Parang ibang mundo.
Pagpasok niya, agad niyang tinanong ang receptionist kung nasaan si Edwin. At pagdating niya sa elevator ay glass walls, napakaganda. Habang tumataas, parang lumulubog ang tiyan niya. Mixed emotions: awe, excitement, nostalgia… at konting sakit nang maalala niya ang Ferris wheel ride nila noon ni Neil.
“Ding!”
Tenth floor. Huminga siya nang malalim.
Pagbukas ng elevator, naroon agad si Edwin at nakangiti, naka-business attire, at may presence na parang nagda-drop ng gravity sa paligid.
“Glad you came, Elise. Take a seat,” sabi niya, malamig pero smooth ang boses. Controlled. Commanding. At may init na parang hindi sinasadya pero nararamdaman mo.
Umupo si Elise sa sofa na sobrang lambot, halos parang bulak. Napatingin siya sa paligid at may mga naka-line up din na applicants.
“Ah… ano pala apply-an ko, Edwin?” tanong niya.
“Kahit ano. But I think bagay ka maging secretary ni Ednel. Sinesante niya ‘yong previous secretary niya.”
May confidence sa boses ni Edwin na parang sinasabi, Trust me.“Nakakahiya naman…” bulong ni Elise. “Ang pangit ng reputation ko noon… kasi akala ko siya ‘yong kapatid ko o kasintahan ko…”
“Don’t worry,” sagot ni Edwin, may lambing at authority sa tono. “Ako bahala. Marunong ka. Matalino ka. And you will never fail the interview.”
Nalungkot agad si Elise. “Pero Edwin… high school lang natapos ko. Marami kasing nangyari sa buhay ko… hindi ko alam kung ano tingin ng tao sa’kin. Pati ‘yong pagta-trabaho ko sa club.”
Hinawakan ni Edwin ang balikat niya. Matatag. Warm.
Almost intimate.“Be positive,” sagot niya sabay kindat.
That small gesture almost made Elise melt on the spot.Hanggang sa tawagin na siya ng HR.
Kinabahan siya. Pero tumayo siya, inayos ang buhok, at pumasok sa opisina.
Nakatalikod ang swivel chair. Tahimik ang loob. Malamig ang aircon.
At may presence… raw, powerful, intimidating.“What’s your name?” tanong ng lalaking nakaupo, hindi pa rin lumilingon.
“Elise Cordovo po,” sagot niya, pilit na kalmado.
Dahan-dahang umikot ang swivel chair.
Parang eksena sa TV show.At doon siya halos natigilan.
Matikas.
Malamig ang mga mata. Sharp jawline. Dangerous aura.Si EDNEL.
At sa mismong sandaling nagtagpo ang tingin nila…
para bang may sumabog na kuryente sa hangin.Saglit siyang huminto at umayos ng upo.Parang may malamig na kamay na dahan-dahang humahaplos sa batok niya habang inaalala iyon.Ramdam niya kung paanong bumibigat ang hangin sa pagitan nila ni Ednel, parang ang bawat alaala ay may sariling bigat na pumapatong sa dibdib niya.“Noong una, hindi ako naniwala,” patuloy niya.Bahagyang nanginginig ang tinig niya.“Hanggang ipinakita niya sa akin ang sinasabing ‘tatlong ulo’ ng mga kaibigan ni Kuya Neil.”Bahagya siyang napalunok.Nagtagpo ang mga daliri niya sa dibdib niya na para bang may biglang kirot na umakyat mula sa puso hanggang lalamunan.“Hindi naman literal,” dagdag niya, pilit kinakalma ang sarili.“Pero doon sa bodega nila, inihilera niya iyong tatlong lumang manika na tinanggalan niya ng katawan, puro ulo na lang. Nilagyan niya ng damit ng mga kaibigan ni Kuya Neil. Nakangiti.”Napasinghap siya nang mahina.“‘Yong ngiti na parang alam nila kung anong puwedeng mangyari sa akin kapag nagsalita ako.”Napatungo siya, hinihigpit
Una niyang pinuntahan ni Edwin ang gusali ng kumpanya ni Ednel Wilson, dala ang magkahalong kaba at determinasyon sa dibdib niya na parang naglalaban ang dalawang tibok ng puso. Bawat hakbang niya papasok ng lobby ay mabigat, halos parang hinihila siya ng sahig pababa, pero pilit pa rin niyang itinatag ang sarili. Hindi niya kayang magpakita ng kahinaan. Hindi ngayon. Hindi sa araw na ito.Pagpasok niya, agad siyang nagtungo sa reception desk, hawak ang bag strap niya nang mahigpit. “Miss, puwede ko po bang malaman kung nasa opisina si Elise?” tanong niya, pilit kinokontrol ang kaba sa kanyang tinig kahit nanginginig na ang loob niya.Ngunit tumigil siya sa pagkakamang nang marinig ang sagot. “Ah, sir, wala po siya ngayon. Kasama po niya si Sir Ednel sa isang business trip.”“Business trip?” Naupos ang hininga niya at bahagya siyang napasandal sa desk. Biglang parang bumigay ang mga tuhod niya. Hindi niya maintindihan. Paano nangyari iyon? Kailan? Bakit hindi niya alam? Para bang big
Kinakabahan na si Edwin. Halos isang buong araw na rin mula nang mawala si Elise, at bawat oras ay parang nagiging habambuhay sa kanya. Kahit anong pilit niyang kalmahin ang sarili ay hindi niya maiwasang mangamba. Ang mga tawag sa telepono ay hindi sapat. Gusto niyang makita, maramdaman, at siguraduhing ligtas siya. Hindi niya na kayang maghintay, kaya kusa niyang sinuot ang kanyang paboritong suit at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya ito, bawat segundo ay tila nagiging mabigat habang papalapit siya sa squatter’s area kung saan naninirahan ang pamilya ni Elise.Tumunog ang kanyang kamao sa pinto. “Tao po,” mahinang sabi niya.Hindi nagtagal, lumapit ang maliit na anino ng bata na si Julius, anak ni Elise. “Tito Edwin, kumusta po? Tuloy po kayo.” Agad niya itong pinagbuksan ng pinto, sabay nagmano at pinatuloy sa loob.Napangiti siya sa simpleng galaw ng bata. Napakabait, napakasipag na tila’y isang batang kahanga-hanga kahit sa murang edad. Ngunit hindi niya maiwasang mairita ng ka
Ayoko na siyang makausap, inis na sambit ni Ednel sa sarili habang pinipilit pigilan ang pintig ng dibdib na parang gusto na lang sumabog sa galit at sama ng loob. Hindi niya akalain na ganito kasama ang pakiramdam na dulot ng ginawa ni Jessa. Unforgivable.“Paano na lang engagement ninyo?” tanong ng pinsan niya na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa reaksyon niya.Napahawak si Ednel sa ulo, halatang nag-iisip. “Dude, are you stupid? Gano’n ko na lang ba ibababa ang sarili ko? Nabastos ako sa mga kakilala ko dahil sa ginawa niyang pakikipaglampungan sa ibang lalaki tapos gusto mo ituloy ko pa ang wedding namin ni Jessa?” Halos sumabog ang boses niya sa inis.“Dude… tumatanda ka nang walang pamilya. You are in your thirties. Dapat may mapasahan ka na rin ng mana mo,” sagot ng pinsan na halatang pilit nagmamalasakit pero nai-irita rin.Ngumisi si Ednel na may halong pang-aasar. “‘Wag kang mag-alala. May anak na ako sa pagkabinata kung iyon lang ang problema mo. Sige na, busy pa ako.” K
Maingat na binuhat ni Ednel si Elise matapos itong himatayin. Ramdam niya ang bigat ng takot sa dibdib niya habang nakasubsob ang ulo ng dalaga sa balikat niya na parang takot siyang iwan ulit ito ng kahit isang segundo. Mula sa parking lot hanggang sa elevator, hindi niya binitiwan si Elise, tila ba kapag basta niya itong pinabayaan ay babalik ang mga aninong pilit na gumigising sa trauma nito.Pagkapasok nila sa loob ng condo, diretso siyang lumapit sa kama at marahang inihiga ang dalaga. Kumalat ang buhok ni Elise sa mga unan, bumagay sa maputi nitong mukha na parang sinuklay ng hangin. Ilang saglit pa ay napatingin si Ednel at halos mapatigil ang paghinga niya. Para itong prinsesa sa isang lumang fairy tale ang mala-rosas na pisngi, ang maputing balat, at ang mahimbing na pagtulog na tila may sariling ningning.“Sleeping Beauty,” mahina niyang bulong. “O baka Snow White.”Pero hindi ito pantasya. Hindi ito kathang-isip. Si Elise ito. Ang Elise na nakababata babaeng kapatid sa pili
Hindi na niya kaya...Hindi na niya talaga kaya ang panghuhusga ng mga ito sa kanya. Ang bawat salitang ibinabato sa kanya ay parang matutulis na bato na sabay-sabay dumadagundong sa dibdib niya. Masakit. Nakakapagod. Nakakapanghina.Lalo na’t alam na niya ang balita tungkol kay Jessa.Alam niya na ngayon kung bakit hindi natuloy ang pagpapakasal ni Ednel. Alam na ng halos buong kumpanya ang tungkol sa viral video at mga larawan na may kahalikang ibang lalaki si Jessa sa mismong engagement party nila ni Ednel.At ngayon, siya ang ginagawang masama.Hindi niya rin akalain na ganoon pala sila ka-interesado sa kanya. Na may mga matang nagmamatyag sa bawat galaw at kilos niya. Na may mga matang nagmamasid sa bawat hakbang niya. Lalo na ang pinsan ni Ednel na si Dick.Wala naman siyang ibang hangarin kundi buhayin ang anak at ang ina niya. Iyon lang. Iyon lang ang dahilan kung bakit siya nananatili sa kumpanyang iyon. Iyon lang ang dahilan kung bakit kinakaya niyang lunukin ang







