Home / Romance / Billionaire's Diary Carousel / Chap. 69 "Side of Story"

Share

Chap. 69 "Side of Story"

last update Last Updated: 2026-01-18 01:25:03

Saglit siyang huminto at umayos ng upo.

Parang may malamig na kamay na dahan-dahang humahaplos sa batok niya habang inaalala iyon.

Ramdam niya kung paanong bumibigat ang hangin sa pagitan nila ni Ednel, parang ang bawat alaala ay may sariling bigat na pumapatong sa dibdib niya.

“Noong una, hindi ako naniwala,” patuloy niya.

Bahagyang nanginginig ang tinig niya.

“Hanggang ipinakita niya sa akin ang sinasabing ‘tatlong ulo’ ng mga kaibigan ni Kuya Neil.”

Bahagya siyang napalunok.

Nagtagpo ang mga daliri niya sa dibdib niya na para bang may biglang kirot na umakyat mula sa puso hanggang lalamunan.

“Hindi naman literal,” dagdag niya, pilit kinakalma ang sarili.

“Pero doon sa bodega nila, inihilera niya iyong tatlong lumang manika na tinanggalan niya ng katawan, puro ulo na lang. Nilagyan niya ng damit ng mga kaibigan ni Kuya Neil. Nakangiti.”

Napasinghap siya nang mahina.

“‘Yong ngiti na parang alam nila kung anong puwedeng mangyari sa akin kapag nagsalita ako.”

Napatungo siya, hinihigpit
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter

Latest chapter

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 69 "Side of Story"

    Saglit siyang huminto at umayos ng upo.Parang may malamig na kamay na dahan-dahang humahaplos sa batok niya habang inaalala iyon.Ramdam niya kung paanong bumibigat ang hangin sa pagitan nila ni Ednel, parang ang bawat alaala ay may sariling bigat na pumapatong sa dibdib niya.“Noong una, hindi ako naniwala,” patuloy niya.Bahagyang nanginginig ang tinig niya.“Hanggang ipinakita niya sa akin ang sinasabing ‘tatlong ulo’ ng mga kaibigan ni Kuya Neil.”Bahagya siyang napalunok.Nagtagpo ang mga daliri niya sa dibdib niya na para bang may biglang kirot na umakyat mula sa puso hanggang lalamunan.“Hindi naman literal,” dagdag niya, pilit kinakalma ang sarili.“Pero doon sa bodega nila, inihilera niya iyong tatlong lumang manika na tinanggalan niya ng katawan, puro ulo na lang. Nilagyan niya ng damit ng mga kaibigan ni Kuya Neil. Nakangiti.”Napasinghap siya nang mahina.“‘Yong ngiti na parang alam nila kung anong puwedeng mangyari sa akin kapag nagsalita ako.”Napatungo siya, hinihigpit

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 68 "The Chase"

    Una niyang pinuntahan ni Edwin ang gusali ng kumpanya ni Ednel Wilson, dala ang magkahalong kaba at determinasyon sa dibdib niya na parang naglalaban ang dalawang tibok ng puso. Bawat hakbang niya papasok ng lobby ay mabigat, halos parang hinihila siya ng sahig pababa, pero pilit pa rin niyang itinatag ang sarili. Hindi niya kayang magpakita ng kahinaan. Hindi ngayon. Hindi sa araw na ito.Pagpasok niya, agad siyang nagtungo sa reception desk, hawak ang bag strap niya nang mahigpit. “Miss, puwede ko po bang malaman kung nasa opisina si Elise?” tanong niya, pilit kinokontrol ang kaba sa kanyang tinig kahit nanginginig na ang loob niya.Ngunit tumigil siya sa pagkakamang nang marinig ang sagot. “Ah, sir, wala po siya ngayon. Kasama po niya si Sir Ednel sa isang business trip.”“Business trip?” Naupos ang hininga niya at bahagya siyang napasandal sa desk. Biglang parang bumigay ang mga tuhod niya. Hindi niya maintindihan. Paano nangyari iyon? Kailan? Bakit hindi niya alam? Para bang big

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 67 "He knows"

    Kinakabahan na si Edwin. Halos isang buong araw na rin mula nang mawala si Elise, at bawat oras ay parang nagiging habambuhay sa kanya. Kahit anong pilit niyang kalmahin ang sarili ay hindi niya maiwasang mangamba. Ang mga tawag sa telepono ay hindi sapat. Gusto niyang makita, maramdaman, at siguraduhing ligtas siya. Hindi niya na kayang maghintay, kaya kusa niyang sinuot ang kanyang paboritong suit at sumakay sa kotse. Pinaharurot niya ito, bawat segundo ay tila nagiging mabigat habang papalapit siya sa squatter’s area kung saan naninirahan ang pamilya ni Elise.Tumunog ang kanyang kamao sa pinto. “Tao po,” mahinang sabi niya.Hindi nagtagal, lumapit ang maliit na anino ng bata na si Julius, anak ni Elise. “Tito Edwin, kumusta po? Tuloy po kayo.” Agad niya itong pinagbuksan ng pinto, sabay nagmano at pinatuloy sa loob.Napangiti siya sa simpleng galaw ng bata. Napakabait, napakasipag na tila’y isang batang kahanga-hanga kahit sa murang edad. Ngunit hindi niya maiwasang mairita ng ka

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 66 "Failed Plan"

    Ayoko na siyang makausap, inis na sambit ni Ednel sa sarili habang pinipilit pigilan ang pintig ng dibdib na parang gusto na lang sumabog sa galit at sama ng loob. Hindi niya akalain na ganito kasama ang pakiramdam na dulot ng ginawa ni Jessa. Unforgivable.“Paano na lang engagement ninyo?” tanong ng pinsan niya na mukhang hindi pa rin makapaniwala sa reaksyon niya.Napahawak si Ednel sa ulo, halatang nag-iisip. “Dude, are you stupid? Gano’n ko na lang ba ibababa ang sarili ko? Nabastos ako sa mga kakilala ko dahil sa ginawa niyang pakikipaglampungan sa ibang lalaki tapos gusto mo ituloy ko pa ang wedding namin ni Jessa?” Halos sumabog ang boses niya sa inis.“Dude… tumatanda ka nang walang pamilya. You are in your thirties. Dapat may mapasahan ka na rin ng mana mo,” sagot ng pinsan na halatang pilit nagmamalasakit pero nai-irita rin.Ngumisi si Ednel na may halong pang-aasar. “‘Wag kang mag-alala. May anak na ako sa pagkabinata kung iyon lang ang problema mo. Sige na, busy pa ako.” K

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 65 "Uncontrolled Temptation"

    Maingat na binuhat ni Ednel si Elise matapos itong himatayin. Ramdam niya ang bigat ng takot sa dibdib niya habang nakasubsob ang ulo ng dalaga sa balikat niya na parang takot siyang iwan ulit ito ng kahit isang segundo. Mula sa parking lot hanggang sa elevator, hindi niya binitiwan si Elise, tila ba kapag basta niya itong pinabayaan ay babalik ang mga aninong pilit na gumigising sa trauma nito.Pagkapasok nila sa loob ng condo, diretso siyang lumapit sa kama at marahang inihiga ang dalaga. Kumalat ang buhok ni Elise sa mga unan, bumagay sa maputi nitong mukha na parang sinuklay ng hangin. Ilang saglit pa ay napatingin si Ednel at halos mapatigil ang paghinga niya. Para itong prinsesa sa isang lumang fairy tale ang mala-rosas na pisngi, ang maputing balat, at ang mahimbing na pagtulog na tila may sariling ningning.“Sleeping Beauty,” mahina niyang bulong. “O baka Snow White.”Pero hindi ito pantasya. Hindi ito kathang-isip. Si Elise ito. Ang Elise na nakababata babaeng kapatid sa pili

  • Billionaire's Diary Carousel   Chap. 64 "Saved her again"

    Hindi na niya kaya...Hindi na niya talaga kaya ang panghuhusga ng mga ito sa kanya. Ang bawat salitang ibinabato sa kanya ay parang matutulis na bato na sabay-sabay dumadagundong sa dibdib niya. Masakit. Nakakapagod. Nakakapanghina.Lalo na’t alam na niya ang balita tungkol kay Jessa.Alam niya na ngayon kung bakit hindi natuloy ang pagpapakasal ni Ednel. Alam na ng halos buong kumpanya ang tungkol sa viral video at mga larawan na may kahalikang ibang lalaki si Jessa sa mismong engagement party nila ni Ednel.At ngayon, siya ang ginagawang masama.Hindi niya rin akalain na ganoon pala sila ka-interesado sa kanya. Na may mga matang nagmamatyag sa bawat galaw at kilos niya. Na may mga matang nagmamasid sa bawat hakbang niya. Lalo na ang pinsan ni Ednel na si Dick.Wala naman siyang ibang hangarin kundi buhayin ang anak at ang ina niya. Iyon lang. Iyon lang ang dahilan kung bakit siya nananatili sa kumpanyang iyon. Iyon lang ang dahilan kung bakit kinakaya niyang lunukin ang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status