HAWAK ni Beth ang portfolio folder. Bumuga siya nang marahas na hangin bago binuklat ang nilalaman niyon. It was a high profiled customer. Naroon pa sa pahina kung ano ang kinasasangkutan nitong kaso. A terrible allegations of human trafficking. Nilingon ni Beth ang katiwala slash kaibigan na si Yngrid. She shake her head. Palatandaan iyon na hindi niya pa makakaya na humawak nang panibagong kaso muli. Isa siyang abogada. At sa hindi ni Beth na maipaliwanag na dahilan ay kailangan niyang iwaglit sa isip na kabilang siya sa mga abogada na gusto lamang na panatilihin ang mamuhay nang tahimik nang walang kahit anomang iniisip.
"E bakit hindi? Nakabingwit ka nang isang malaking isda sa malawak na karagatan! Kung ako sa iyo ay dapat mong tutuldukan ang kaso na iyan." Nagmungkahi si Beth nang muling pagtutol sa naging opinyon nang kaibigan. Hindi sa ipinagmamayabang niya iyon ngunit may alam si Bethany kung bakit siya lapitin nang mga bigating kliyente. Tinagurian siyang "Monster on Court" iyon ang laging trademark niya sa mga nakasosyo. Palagi niyang naipapanalo ang kaso. Batak rin ang sahod na natatanggap ni Bethany minu-minuto. "Ito na ang huli. Pangako ko sa iyo." Muling sulsol ni Yngrid. "I just want to relax and forget everything, 'Grid. Gusto kong manahimik na muna." "Pagkatapos mong ilampaso ang gobernador at natalo mo ang manyak na iyon! I doubt you could live a normal life, Beth. Ito ang reyalidad. Kailangan mong harapin ang katotohanan." Tiniklop ni Bethany ang portfolio saka tumayo. "O, saan ka na naman kaya pupunta?" Hindi niya sinagot si Yngrid at tuloy-tuloy lang sa paglalakad. "For some reason ay kakilala ko ang tao na iyang nasa folder mo. Hindi ganoon kakilala pero kaunti lang mga one fourth kumbaga. He was a popular billionaire owned a lot of businesses including casino's. Tiba-tiba ka riyan kung tatanggapin mo ang kaso na kanyang inalok, Beth. Siguro limang taon ang magiging sustento nang pera na kaya niyang iaalok sa iyo. Ikaw ang pinakamagaling na abogada. Literal na mahahatak mo ang atensyon kahit ninoman. Hinding-hindi ka makakatakas sa iyong responsibilidad, Beth. You should have done it with yourself. In fact, pagkatapos nito ay hahayaan na kitang gagawin ang gusto mo. Maybe a trip for Europe in three months. How's that?" "Pag-iisipan ko muna. Pero huwag kang pasisiguro na tatanggapin ko ang kaso na iyan upang depensahan 'Grid." "Nice!" Pumalakpak si Yngrid. "I'll give you two weeks." Iyon na ang huling palugit na alam ni Bethany ay masasakal siya sa leeg. Yngrid knows how her mind works. Kailangan ni Bethany na mag-isip-isip hanggang sa magkaroon nang tamang desisyon. Walang ibang maisip na tao si Bethany na maituro upang ilipat iyon para na rin mahawakan ang kaso na inaalok ni Yngrid sa kanya. Kalakip siya ay pawang mga baguhan lahat ng mga abogado ang nakapasok sa Law firm ni Yngrid. Beyond that, she is still the spotlight. At hindi gugustuhin ni Bethany iyon. Sumakay si Bethany sa kotse. Pinaandar ang makina at mabagal na pinausad ang sasakyan palabas sa parking. Iyon ang normal na araw para sa iilan ngunit kay Bethany ay parang isa iyong sakit na dapat niyang iwasan. Hindi lamang ma-expose sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hindi sa hindi siya komportable pero sa bawat sandaling lilisanin niya ang apartment ay nababanaag ni Beth ang sarili na anomang oras ay may mangyayari. Walang magandang maidudulot sa kanya ang pinili niyang propesyon ngunit kinakailangan dahil may ninanais siyang makamtan sa bawat araw na mga magdaan. She wants to make ends meet. Ayaw niya na palaging nakakuha nang atensyon ngunit iyon na ang kaakibat nang kanyang trabaho. Kinuha ni Bethany ang car keys sa may kalakihan niyang bag. Muli ay napabuga nang marahas na hangin. Wala siyang dapat na ipagpangamba sapagkat sa lahat ng mga kasong naipanalo niya ay walang kahit na sinoman ang nakakilala sa kung sino ba talaga siya. Misteryoso siyang tunay. Hindi magugustuhan ang ilayag ang sarili sa korte na pupwedeng maging dahilan upang targetin siya nang mga kunsyomer. It was Yngrid who did it all. Si Yngrid ang palaging nariyan upang tulungan siya. Si Yngrid ang tumatayong abogada bilang si Bethany sa tuwing may kaso siyang dapat na haharapin. Nakakonekta palagi ang kanyang monitor kay Yngrid sa tuwing naroon ang kaibigan sa korte and she will do the rest. Isa iyong PowerPoint presentation na parang may mini audio. Hindi isang tipikal na aksyon para depensahan ang kliyente sa loob nang korte ngunit doon si Bethany komportable. May mga iilang taong hinahangad na makita siya sa personal ngunit binabahiran niya iyon agad nang isang tuldok. Ayaw ni Bethany. Inaprobahan na lamang rin iyon nang korte sapagkat ang Law Firm ni Yngrid kung saan si Bethany nagtatrabaho ay tunay na nakikilala sa kahit saan mang panig ng mundo. Mayroon rin siyang nakakasamang mga native speakers ngunit hindi ganoon kagaling kung ikokompara sa abilidad ni Beth. At isa siya sa mga paborito ni Yngrid sa kadahilanang iyon. Walang gana na ibinaba ni Bethany ang bag sa kama. Pagkatapos ay naupo sa kaliwang bahagi. Ngayon, ano na ang kasunod? Hindi ni Bethany alam. Walang mapaglagyan ang kanyang loob kung ano ba ang dapat na ipagpasya. Sa katunayan ay dalawang linggo pa naman ang ibinigay ni Yngrid sa kanya kaya hindi na rin iyon masama upang makapag-isip-isip siya. Nang masilip ang nakausling kurtina ay tumayo si Bethany at tinakpan ang sinag nang araw na umaambang papasukin ang kanyang kwarto. Humiga siya sa kama. At hindi namalayan na mahaba-habang oras ang naitulog niya. Nagising si Bethany dahil sa malakas na ingay nang kanyang cellphone. Si Yngrid. Tatlong missed call na hindi niya nasagot. "Alam ko na nakaistorbo ako sa iyo at alam ko rin na may ipinangako ako sa iyo, Beth. Ngayon ay kalimutan mo na ang dalawang linggo na ibinibigay ko sa iyong palugit. Sa ayaw o sa gusto mo, I need you now in the firm as soon as possible. This is urgent. Oh my god! What should I do?" Nagpang-abot ang magkabilang kilay ni Bethany. Natataranta si Yngrid sa kabilang linya base sa naririnig niyang reaksyon nito. "Bakit, ano ba ang nangyayari?" "Nalaman ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang pagtanggi mo upang hawakan ang kaso na kinasasangkutan niya. At ngayon ay binabantaan niya ako na hahakutin niya ang bawat kasosyo nang law firm at ililipat ang mga stocks sa kompanya niya na nabili ng mga investors. He was tracking and targeting our company down kung hindi ka papayag sa kanyang inaalok. He even gave me three more days to convince you, Beth!" "Sino ba iyang Kirk Franklin Alfonso Ruiz na iyan at masyado namang paimportante. Gusto kong manahimik muna pagkatapos nang dalawang magkasunod na kaso na nahawakan ko—" pinutol ni Yngrid ang sasabihin ni Beth. "Alam ko iyon! Nakalimutan mo ba ang portfolio folder na sinuri mo kanina sa opisina? Siya ang taong iyon! Ang sinasabi ko sa iyong tycoon and business bachelor na nagmamay-ari nang sandamakmak na mga kompanya kabilang ang malalawak na mga Casino's!" Naririnig ni Bethany sa kabilang linya ang maramdaming hagulhol ni Yngrid sa kabilang linya. Ano ang kanyang gagawin? Hindi pa si Bethany gaanong nakapostura sa dalawang kaso na nahawakan niya. Kagat niya ang ibabang labi. "I am sorry, 'Grid. Kailangan ko munang aasikasuhin ang sarili kong problema. Alam mo ang istorya nang buhay ko at lately, ay nakakaramdam ako ng post traumatic stress disorder. I'm not in a good state right now. You can fire me if you want to." Naiintindihan ni Yngrid at nirespeto nito ang kanyang desisyon. Sa katunayan, bago nito pinatay ang tawag ay sinabihan siya nito na hindi siya tatanggalin sa trabaho. Bago ito tuluyang nagpaalam ay naghabilin pa ito nang kataga na tumatak sa isipan ni Bethany. Hindi ni Bethany kasalanan kung anoman ang mangyayari sa law firm at huwag din niyang sisihin ang sarili. Sa mga salitang iyon ay parang domoble pa ang kanyang mga naging responsibilidad. Malaki ang utang na loob ni Beth kay Yngrid. Tinulungan siya nang Ginang upang makaraos hanggang sa nakakaya na ni Beth na matustusan ang sariling pangangailangan sa bawat araw na magdaan.Yngrid was in her mid fifties. More likely a mother figure to her and a friend. Si Yngrid rin ang unang taong nakadiskubre sa kanyang abilidad bilang isang magaling na abogada. Pinangaralan ni Bethany ang sarili na hindi iisipin ang pag-uusap nilang dalawa ni Yngrid. Nag-order siya nang pagkain online dahil nawawalan siya nang gana upang magluto. Napaigtad siya nang may marinig na sunod-sunod na doorbell sa kanyang pinto. Marahil ay ang delivery rider. Inignora ni Bethany iyon dahil alam na naman nang rider kung ano ang kanyang gusto. Ilalapag lang nito sa tapat nang pinto ang kanyang pagkain na inorder at hindi na siya iistorbohin. Sa halip ay kabaliktaran ang nangyari. Napakunot ang noo ni Beth. Hindi ba natanggap nang rider ang kalakip niyang mensahe bago nito idiniliver ang pagkain sa kanyang apartment? Nagtaka si Beth. Lumapit siya sa pinto at sumilip kung sino ang nasa peephole. Si Gladys ang nandoon. Kasamahan niya sa trabaho. May dala itong dalawang bag sa magkabilang balikat at medyo may kalakihan ang mga iyon. Binuksan ni Bethany ang pintuan nang walang pag-aalangan. Nagulat pa si Gladys nang makita siya. Nanlaki ang mga mata nito na nagbaba ang tingin. Isang tanong lamang ang nabuo sa utak ni Bethany sa mga oras na iyon. Paano nalaman ni Gladys ang lokasyon ng kanyang apartment? Marahas itong napabuntong hininga. Inangat muli ang tingin sa kanya na may pirmeng ekspresyon sa mukha. Tumikhim bago magsalita nang taas-noo. "Alam ko na hindi tayo ganoon ka-close pero kakapalan ko na ang mukha ko, Beth" Base sa inisyal na obserbasyon ni Beth ay halatang napipilitan ito. Nahihiya kumbaga. "Pupwede bang makitulog muna sa iyo ngayong gabi. Kung hindi mo mamasamain?" Hindi ni Beth ipinakita ang pagtataka. Sa halip ay iginapay niya ito papasok sa apartment. Ni-lock ang pinto nang dalawang beses. Nakamata si Gladys roon, mukhang nagtatanong. "Ah, kasi. Nasanay ako na dalawa ang lock ng pintuan para sa kaligtasan." Tumango si Gladys. "Tuloy ka rito." Inalok niya itong maupo sa sofa. Nakikitaan ni Beth na nahihiya nga ito. Kimi itong naupo sa kanyang harapan. Iginala ang paningin sa kabuuang parte nang tinitirhan ni Beth. Diretso siyang nagtanong. Nahihiwagaan lamang si Beth kung bakit biglaan ang pagdating nang ka-trabaho. Mahigpit pa naman niyang ipinapangako sa sarili na walang kahit na sinoman ang dapat makatunton sa kanyang apartment. "Ano ang nangyayari, Gladys?" Nakagat nito ang labi bago inangat ang tingin kay Beth. "Natanggal ako sa trabaho. Walang magagawa si Yngrid kaya kinakailangan niyang magbawas ng mga empleyado. Ang pambabanta ni Mr. Ruiz ay tuluyang nagupo. Isang salita lang ay tuluyan na kaming nawawalan nang trabaho. Pero huwag kang mag-aalala sinabihan kami ni Yngrid na palagi kaming welcome kung gugustohin man naming bumalik. Iyon ay kung mababawi niya ang dahan-dahang porsyento nang damage na ipinataw ni Mr. Ruiz sa law firm." Napag-alamang sinabi ni Yngrid kay Gladys ang kung saan ang kanyang apartment kaya ay natunton nito ang tinitirhan niya. Si Yngrid lamang ang natatanging tao na nakakaalam kung saan nga ba siya nakatira. Malaki ang tiwala ni Bethany sa ginang. Ngunit ang dagok na nangyari sa kompanya ni Yngrid ay totoong maraming mga tao ang naaapektuhan. Kalakip niyon ay ang mga kasamahan niyang abogado na lahat ay mga pamilyado. Sino nga ba ang Kirk Franklin Alfonso Ruiz na iyon at ganoon lamang nito yupiin ang mga buhay ng mga tao? Naikuyom ni Bethany ang kamao. Habang nakahiga sa kama ay binalingan muna ni Beth nang tingin si Gladys na ngayon ay natutulog na sa kabilang kama. Napapansin niya kanina habang nag-uusap sila ay tila ito balisa. Hindi na lamang niya iyon pinuna. Kahit miminsanan lamang siyang naroon sa opisina ay talagang nakikilala siya nang mga katrabaho sa personal man o kahit hidden ang kanyang presensya. Natatanging kasalungat nang kanyang trabaho ang magbibigay lamang ng panibagon niyang pagsubok na nararanasan mula pa sa simula. Kinaumagahan ay maagang nagpaalam si Gladys dahil ang sabi ay aalis na ito. Maghahanap nang panibagong trabaho kaya ay naisipan ni Beth na magtungo sa law firm. Hindi niya ninanais na matanaw ang blangkong information desk. Na noon ay talamak ang usapan upang i-assist ang mga posibleng kliyente o kahit ang mga guest. Naiiba ang awra nang naturang law firm sa kanyang nakasanayan. Tahimik ito at walang kahit na sinong tao ang naroon upang magtrabaho. Nahanap ni Bethany ang sariling opisina ni Yngrid. Binuksan niya iyon at nakahinga si Beth nang maluwang nang makitang nakaupo roon si Yngrid na malayo ang tingin. Sa labas nakatuon ang atensyon nito. Kung hindi pa siya nagsasalita ay hindi ng Ginang napapansin na nakapasok siya sa opisina nito. Ngumiti si Yngrid subalit hindi umabot sa mga mata. Nakikinita ni Beth na umiiyak ito buong magdamag gawa nang mga eyebag sa ilalim nang mga mata nang Ginang. Nakagat ni Beth ang labi. Iginala niya ang pangingin sa apat na sulok nang opisina. It was indeed a good spot for Yngrid to work. Nang magtanong ang Ginang kung ano ang kanyang naging pakay ay ora-orata na inihayag ni Beth kung ano ang dahilan nang pagtungo niya sa law firm. Habang nagsasalita ay hindi nakaligtas sa paningin ni Beth ang mga luhang nagsilandasan sa pisngi ni Yngrid. Lihim nitong pinupunasan ang mga iyon. Ngumiti si Yngrid nang ubod tamis. "Hindi mo kinakailangang alalahanin ang firm, Beth. Higit sa lahat ay mas importante ang mental health. Gusto kong magpahinga ka sandali. This set-up was just part of challenges. Sinusubok man tayo nang panahon. Darating ang araw na tuluyan naman tayong makakaraos. Saka, huwag mo nang isipin ang mga tulong na inaalok ko. Kung papipiliin ako ay gagawin ko rin naman iyon sa ibang tao. Kirk Franklin Alfonso Ruiz is really a threat pero makasanayan ko rin iyon. Hindi nga lang ganoon kadali." "Ibigay mo sa akin ang impormasyon nang lalaking ito, 'Grid." Natilihan si Yngrid ngunit inabot naman kay Beth ang portfolio na ang nilalaman ay ang personal background nang lalaki. Matanda na ang nasabing Kirk Franklin Alfonso Ruiz nasa late sixties o seventies. Hindi iyon napansin ni Beth kahapon nang sinuri niya ang folder. Nilukob nang kakaibang pakiramdam si Beth nang matingnan ang litrato sapagkat alam niya na literal ay lubhang napakdelikado. Iminungkahi ni Beth kay Yngrid ang kanyang desisyon. Labis na nagpapasalamat ang Ginang sa madalian niyang pagpasya. Sa parehong araw ay nakikitaan ni Beth na masigla ang awra ni Yngrid. Nakangiti ito at balik normal naman ang trabaho nang mga tao sa kahit ganoon lamang kadali. May nahinuha si Beth sa mga oras na iyon. Ang lalaking nagngangalang Kirk Franklin Alfonso Ruiz ay totoong makapangyarihan. Gamay ang pera ay nagagawa nito ang lahat nang hindi napupurnada. Habang papauwi ay may hindi kaaya-ayang nararamdaman si Beth. Namataan niya mismo ang bulto nang isang lalaki. Nakatayo ito sa tapat nang kanyang apartment. Wala siyang inaasahan na bisita sa mga sandaling iyon. O higit sa lahat, ay hinding-hindi siya tumatanggap nang bisista sa makalawa at malaot. Marahil, isa na naman ito sa dahilan kung bakit kailangan niyang lumipat na naman nang matitirhan sa lalong madaling panahon.MASYADO lang ba niyang binibigyan nang kahulugan ang ikinikilos nito at mga pananalita?Mariin ni Beth na itinatanggi sa sarili ang mga bagay na iyon. She maybe is just hallucinating something. Nagkalamat na nga ang kanyang karera bilang isang abogada, ang huling kliyente na nais siyang makapanlaban sa korte ay naglaho na lamang na parang bula. She was sure of everything na hindi na niya gamay ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay.Ang potensyal ni Beth bilang isang abogada ay napapalitan na iyon ng isang posisyon bilang isang may-ari ng kompanya. At na, si Frank o Danger na kaagapay niya'y binibigyan pa siya nang palaisipan upang lituhin ang kanyang malalim na pang-uunawa.Wala siyang mapagpipilian.Hinuli ni Bethany ang mga mata nang binata ngunit masyado itong mailap. May bumabagabag kay Frank o Danger ngunit hinahayaan niya na lamang.Siguro ay hindi pa ito handa upang sabihin sa kanya kung anoman iyon.Umupo si Bethany sa swivel chair. Hindi niya napapansin ang nakasunod n
KAHIT anong paraan ni Beth sa pagpipigil. Hindi siya ni Cassandra pinapakinggan. Natatawa na lamang ang saleslady sa kanilang dalawa ni Cassandra sapagkat hindi naman nagpapaawat sa kanyang ang ginang. Sumuko na si Beth. Hinayaan na lamang niya itong gawin anoman ang gusto nitong bilhin.Alas kwatro na itong natapos. Nababagot si Beth kakahintay. Masyadong metikulusa si Cassandra upang siguraduhin ang mga bagay-bagay. She wondered how wealthy Frank or Danger was. Wala itong sinasabi sa kanya ngunit ang ina nito ay wais kung paano waldasin ang pera. She was curious, ngunit hindi niya pinili ang magtanong kay Cassandra. Baka iba ang paraan nito ng pagkakaintindi sa kanyang itatanong. Iyon pa marahil ang magiging dahilan kung magkakasamaan man sila ng loob nito.Hindi ni Beth gugustuhin na mangyayari iyon.Cassandra gives her one golden necklace. May nakapaloob roon na isang initial na pangalan na nagsisimula katulad nang sa kanya. Ibinahagi ni Cassandra kung kaninong initia ng pangalan
SA bahaging silangan nang Quezon si Beth ay dapat na magtungo. Hindi naman ganoon kalayo sa kung saan ang orihinal niyang lokasyon. Sa katunayan ay makakaya niyang ipagmamaneho ang sarili nang hindi nakakaramdam ng pagod o kahit ano pa man. Ang imahinasyon kung saan si Beth ay nakakausap nang marahan at masinsinan si Cassandra. Nagbibigay iyon sa kanya nang labis na galak.Hindi gaanong kabilis ang kanyang pagpapatakbo. Sinakto lamang niya sa tamang metro na naaayon sa dala niyang sasakyan. The car she is driving ay ang sasakyan niyang nabili noong nagsisimula pa lamang ang karera niya bilang abogada. She could say, hindi iyon ang latest model subalit hindi rin naman ang sasakyan niya nahuhuli kung ang kahalagahan ang pag-uusapan.Sa makabagong henerasyon, nauuso ang mga materyal na bagay upang may maipagmamayabang sa mga kabarkada. Mostly teenagers na hindi na pinoproblema ang pera. She had seen a lot of people noong nasa Cavite pa siya. Laklak ang mga kabataan—lalong-lalo na sa mga
NILINGON ni Rudolph Clarksville Indiana si Frank o Danger. Seryoso ang mukha nang lalaki. Bahagya itong gumilid upang talikuran si Beth at harapin ang binata. Sinukat nito ang kabuuan ni Frank. Rudolph Clarksville Indiana gives Frank a challenging look. Tila ba ay sinusukat nito kung hanggang saan nakatago ang kakayahan nito.Hindi iyon maganda sa naging paningin ni Bethany. Tila ba ay may nagaganap na paligsahan sa pagitan ng mga ito nang hindi niya alam kung ano ang posibleng magiging premyo.Rudolph Clarksville Indiana plastered a squint smile. "Show me. Hindi ko magugustuhan na may mangyayaring masama kay Bethany. O kahit ang masaktan siya." Matigas na pagkakasambit nito."Hindi iyan mangyayari, Indiana." si Frank o Danger."Nasisiguro mo ba?"Ibinulsa ng binata ang mga kamay. Tinapunan nito nang paningin si Beth. "Hindi ko alam pero sisiguraduhin ko iyon," wika nito nang sa kanya lamang nakatuon ang kabuuang tingin.Nilingon siya ni Rudolph Clarksville Indiana na sumusuko na.Hin
"WHY not make your office a little bit cozy, Beth. Iilan sa mga taong gustong gawin ang meeting ay mas komportable sa ganoong klase ng atmospera."Suhestiyon ng binata. Kakatapos pa lamang nila ni Frank na kumain sa umagang iyon. Sa dating gawi, ang binata mismo ang laging tagapag-luto. Magkasabay rin silang pinapaliguan ang sarili pagkatapos nang isang mainit na pagtatalik sa unang umaga na sila ay magkatabi sa pagtulog.Sa mga sandaling iyon, pareho na nilang tinatahak ang daan papuntang opisina ni Beth.Panandalian niyang binalingan ng tingin ang binata. Nagkaroon na si Beth nang ideya kung anong klaseng ambiance ba nararapat magkaroon ang kanyang opisina. Ngunit hindi pa siya sigurado noong una. Hanggang sa iyon na ang ipinunto ni Frank o Danger. Siguro sa mga sandaling iyon ay maigi naman na paluluguran niya ang sariling suhestiyon."I am not typically liking that time of attraction. Lalo na at sa loob ng opisina iyon, Danger. Mostly kasi sa mga obserbasyon ko. Karamihan sa mga c
ANG unan sa kanyang tabi ay masyadong napaka-komportable. Iginilid ni Beth ang kanyang katawan. Pikit ang mga mata habang nakangiti. Nang maramdamang tila ay hindi ordinaryong hugis ang unan na yakap, sa hindi ito ganoon kalambot ay iminulat niya ang mga mata. Tumambad sa kanya ang katawan ni Frank o Danger. Ito pala ang niyayakap niya sa simula pa lang.Payapa ang gwapong mukha nito. Hindi man lamang nagkaroon ng mulat sa ginagawa ni Beth na anomalya.She does not creates any sound. Sa halip ay pinirmi niya ang sarili upang sulitin ang pagkakataon. Nang mapansin ang kanyang damit pantulog, muling namutawi ang malalaking ngiti ni Beth sa labi. Frank changed her clothes last night. Nasisiguro niya iyon. Siguro ay natamaan rin ito sa labis na pagod kaya'y pinili na lamang ng binata na mahimlay sa kanyang tabi. And Beth was delighted with that thoughts.Inangat niya ang kalahating katawan. Nakatuko ang kanyang kaliwang palad sa kanyang ulo. Ang bahaging tagilid na kanyang posisyon ay nag