Se connecterHindi akalain ni Hannah na sa pagbalik niya sa bisig ng kaniyang mga magulang ay mapapalitan na ang kanilang pagmamahal dahil lang sa isang ampon ng kanilang pamilya. Kung sa mata ng iba, itong ampon ay napaka bait at di makabasag pinggan pero ang katotohanan ay malayo sa alam nila. Pero sa pagpasok ni Raymond Olivarez sa buhay niya, naramdaman niya ang pagmamahal na di nasusukat. "Iwan ka man ng iba, but I will not do the same thing to you, Hannah," nakangiting sabi ni Raymond. Hindi niya din akalain na ang business man na si Raymond Olivarez pala ay may itinatagong ibang katauhan bilang boss ng "Black Eagle" na isang Mafia sa pilipinas. Siya na nasa kamay ng Mafia Boss, magiging maganda ba ang kaniyang buhay pagkatapos makamit ang hustisya na gusto niya o pasimula lamang iyon bago mahukay ang isang deep rooted sydicate na salot sa lipunan?
Voir plusPagkahila ni Louise kay Hannah ay parang nabunutan ng tinik sa lalamunan si Louise. “Hindi ko alam kung masusuka ako o matatae ako sa ginagawa mo kanina! Hannah! That is Raymond Olivarez!” Hindi mapakali si Hannah. Napaikot lang ang mata ni Hannah. “Hindi ako takot sa kaniya.” “Hindi ko alam kung saan mo nakuha ang katapangan mo. Hindi ko alam kung matutuwa din ba ako o hindi.” Napabuntong hininga na lang si Hannah. “Louise! Are you really just going to ignore me?” Napalingon si Hannah sa pinanggalingan ng boses at nakita niya ang totoong pakay niya. Si Sylvie Olivarez, ang pinsan ni Raymond. “Ugh! Pwede ba Sylvie! Hindi magre-relvolve ang mundo ko sayo. At ilang beses ko ba sasabihin sayo na hindi kita type,” inis na sabi ni Louise kay Sylvie. “So, susuway ka sa sinasabi ng ama mo?” may pagbabantang tanong ni Slyvie kay Hannah. “Oo! Dahil sawang sawa na ako sa pagpapaikot ng ama ko sakin. Kaya tigilan mo na ako!” Nakita ni Hannah ang galit sa mukha ni Sylvie. Nagtaas ng ka
Nasa isang restaurant si Raymond habang inaantay ang kaibigan niyang si Ryan. Naalala ni Raymond ang si Hannah at ang matapang na sagot nito sa kaniya nung nakaraan. Napangisi na lang siya. “Oh, mukhang good mood ka. Himala ‘yan.” Napalingon si Raymond at nakita niya ang kaibigan na si Ryan. Umupo ito sa harap niya at napataas ang kilay habang nakangisi. “May isang magandang bininbini ka bang nakita at ganyan na lang ang ngiti mo?” tanong ni Ryan. “Alam mo, ako ang naapagkamalang babaero imbis na ikaw. Ikaw naman talaga ang palikero sa ating dalawa, pero bakit ako ang naalala ng lahat?” may inis sa tono ni Raymond. “What? Are you going to deny that past of yours? Bakit totoo naman na palikero ka.” “That was in the past but not anymore!” “Oo nga pala, loyal ka nga pala sa kaniya. Ang iyong first love!” may pangaasar na sabi ni Ryan. Napailing na lang si Raymond sa sinasabi ni Ryan. Pero totoo ang sinabi ng kaibigan. Totoong babaero siya noon, dahil alam niyang walang seseryoso
Napaunat si Hannah habang nakatinginsa garden. Napangiti siya. Sa dalawang taong pagkakawala niya, natutunan niyang maging independent. Nagisip na rin siya ng mga kailangan niyang bilhin.Balak niya kasing ibenta lahat ng alahas niya kapalit ng pera pambili ng kailangan niya dahil sigurado siya na wala siyang makukuha sa sarili niyang magulang. Pagkatapos niyang magayos ng sarili ay umalis siya.Dinala niya sa second hand jewelry store ang mga alahas na nakuha niya mula kay Margo. Madaming ng nakuha si Margo mula sa kaniya, pero hindi na niya hahayan na mangyari iyon.“Ibibigay ko sayo ito for 50 million pesos,” sabi ng Jewelry manager.“I’ll take it,” Nakangiting sabi ni Hannah. Agad na binigay sa kaniya ang cheke. Agad na dinala ni ang cheke sa bangko at gumawa siya ng bagong account na para sa sarili niya. Pagkatapos ay nagdesisyon siyang bumili ng bagong cellphone.Pagbalik niya sa mansyon ay di niya inaasahan na may darating na bisita pero para sa kaniya ang bisita.“Hannah!” hi
Ngayon ay nasa sala sila. Nakaalis na rin ang mga pulis pero parang kaaway ni Hannah ang kaniyang pamilya, kahit na ang Kuya niyang si Wallace na dati’y mahal na mahal siya ay hindi niya naging kakampi.Pero bakit nga ba siya magiging kakampi ng sarili niyang kapatid. Kung ang magulang nga niya ay nabilog na ni Margo, kuya pa kaya niya? Nakaupo si Hannah sa isang sofa habang magkakasama naman sa isang puwesto ang mga magulang niya, si Margo, si Kevin at si Wallace. “Bakit mo ginawa iyon kay Mr. Olivarez. Alam mo bang matagal ng sinusuyo ng papa mo si Mr. Olivarez para maging ka sosyo sa negosyo?” sabi ni Miranda.“He offeneded us first, bakit ko hindi gawin sa kanya ang ginawa kay Papa?” sabi ni Hannah.Tila papanawan ng ulirat si William sa sagot ni Hannah. Ang talentadong anak niyang si Hannah, na matalino at mabait, bakit ganito na siya ngayon? “Hannah, anong pinagsasabi mo? Hindi ka naman ganito noon!” sabi ni Wallace.“Kuya, sa dami ng karanasan ko nitong dalawang taon, sa tin
Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.