PUMASOK si Beth sa opisina niya kinaumagahan. Sa araw na iyon ay naisipan niyang sa law firm gagawin ang trabaho. Kailangan niyang pag-aralan ang kaso ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Malaking kliyente ang hindi niya dapat papalagpasin. Walang pakialam si Beth sa pera nito. Kung ilang halaga ang nanaisin nitong pabuya kung sakali mang maipanalo ni Beth ang kaso sa korte. Lahat naman na mga kliyente na nakasosyo ay hindi na dapat pang mangamba. Alam ng mga ito na sigurado na ang kapanalunan niyon kung siya ang hahawak sa kaso na dapat maidepensa. Bilang isang abogado, sa sitwasyon ni Beth ay malaking advantage iyon para sa kanya. Subalit kahit ganoon ay nakakaramdam pa rin si Beth nang pagod lalo at kailangan niyang pag-aralan ang iba't-ibang senaryo lalo na kung kalakip niyon ay ang mga ibidensya. Namimilantik ang mga kamay ni Beth. Ang gusto niyang gawin sa mga oras na iyon ay ang tapusin nang mas maaga nang sa ganoon ay may iilang araw pa siyang maibigay sa sarili niya. Kumatok si Yngrid sa pintuan nang kanyang opisina. Nakabukas iyon kaya ay nakikita ni Beth kung sinoman ang magtatangkang pasukin ang opisina niya.
"I heard you transferred an apartment...again?" Hindi na iyon bago kay Beth. Nalasahan niya ang tono ni Yngrid na nahihiwagaan ito. Bagaman alam nito ang buong storya nang buhay ni Beth. Mas konserbatibo siya sa salitang pribado. May mga bagay na mas pinili ni Beth na itikom ang bibig nunkang ihayag lahat nang mga impormasyon. Maski sa isang pinakamalapit na kaibigan. Kailangan niyang ipirmi ang bawat salita na lumalabas sa kanyang bibig. "That sounds odd. May nangyari ba?" Kibit-balikat ang naging sagot ni Beth. "Gusto ko lang na lumipat muli. For changes." "O sa lugar kung saan ka komportable ay sang-ayon ako roon." Komento nito. "O bago ko nga pala makalimutan. Do you know Gladys Oroquita? Hindi siya bumalik nang muling nagbukas ang firm a day before Mr. Ruiz's threat. Imposible namang nakahanap agad nang trabaho hindi 'ba?" Naalala ni Beth ang pagpunta ni Gladys sa apartment niya nang nagdaang araw. Wala sa sariling itinuon ni Beth ang atensyon sa laptop. "Kilala ko siya. Sinabihan mo siyang puntahan ang apartment ko upang doon matulog pansamantala. Isang gabi lamang iyon. She even told me you had to fire some employee at kabilang nga siya roon. I think Gladys already found a new job." "Ano iyang mga sinasabi mo, Beth?" Nilingon ni Beth ang kaibigan. Nangungulubot ang noo ni Yngrid sa pagtataka. Kalaunan ay nagtaray ito. Nakataas ang kanang kilay. Mariing tinititigan siya. "Wala akong sinasabing ganoon sa kanya. Oo, kinakailangan ko siyang isama sa mga abogado na matatanggal pero iyon ay pansamantala lang naman. Ngunit iyong sinabi mo na ako ang nag-utos na puntahan ka sa apartment mo upang matulog roon pansamantala. Hindi ko na alam iyon. Alam ko ang pagkagahaman mo sa salitang privacy kaya hindi iyon ang forte kong magkaroon pa nang oras upang ilaan ang mga salitang puntahan ka roon. I've been busy dealing with frustrations at hindi lamang kay Gladys nakatuon ang atensyon ko sa mga oras na iyon. I am dealing with other stuffs such us making other employees feel more valued. Pinangakuan ko silang lahat, Beth. Pero wala akong sinabing ganoon kay Gladys. I swear to God." Si Beth naman ang hindi agad nakapagsalita. Labis ang pagtahip nang kaba sa kanyang dibdib. Paano kung matunton siya nang mga taong ninanais na mabawi siya. It gives her shivers. Napansin iyon ni Yngrid. Kalaunan ay madali lang para kay Beth na magpanggap na okay lang siya at buhat niyon ay hindi na siya muling sinanggunian pa ni Yngrid nang panibagong tanong. Lawyers tend to study in a mild psychological aspects. Si Beth sa makatuwid ay magaling magmanipula nang emosyon. Kinakailangan iyon lalo at masyado siyang visible kung pangkalatahang emosyon ang gusto ni Beth na ihayag. Ngunit isang tanong lang ang gusto ni Beth na masagot. Bakit at paano natunton ni Gladys ang apartment niya sa mga araw na iyon? "Nga pala. Mr. Ruiz wanted to meet you, Beth. Gusto niyang makausap ka nang masinsinan sa kung paano nga ba niya masisiguro ang kaso. He wanted to win this case, Beth. He also knows na ikaw ang pinakamagaling kaya ikaw ang inirekomenda ko for him. Iyon nga lang. Masakit siya sa ulo. Hindi nakikinig nang konklusyon. Gustong sariling opinyon ang laging nasusunod. Sigurado ka bang makakaya mong pakisabayan ang taong iyon?" "Hindi mahirap pakisamahan para sa akin ang mga matatanda, 'Grid. Kailan ba ang pagtatagpong iyon at nang makapaghanda ako." "Actually. Ngayon na mismo," nahinto si Beth sa ginagawa at ibinaling ang atensyon kay Yngrid. "Alam ko. You're not prepared lalo at may background na ang taong iyon na gupuin ang law firm na ito. Pero alam ko na kaya mo iyon, Beth. Naniniwala ako roon." May kinuha si Yngrid sa hawak na folder. Isa iyong business card. Inilapag ni Yngrid sa kanyang lamesa. "That business card was owned by him. Pati ako ay kinikilabutan na mahawakan iyan. It was a total black business card. Iilang tao lamang ang nagmamay-ari niyan sa buong Pilipinas at isa si Mr. Ruiz na may pag-mamay-ari niyon." Maging si Beth ay nagdadalawang-isip kung tama pa ba ang kanyang naging desisyon. Kinakabahan siya sa unang beses na humawak nang iba't-ibang kaso sa korte. This Kirk Franklin Alfonso Ruiz is a bit different. Hindi mawari ni Bethany kung bakit pero sa puntong iyon ay gusto na lamang niyang maglaho bigla. Her client was a very important person. Hinampas si Beth nang kahirapan unang kita pa lang sa business card na iyon. "Kaya mo ba Bethany?" Tanong ni Beth sa sarili. Hawak niya ang steering wheel sa manibela. Lumipad ang tingin sa business card na nakapatong sa dashboard nang kotse niya. Natampal ni Bethany ang noo. Naramdaman muli ang hindi kaaya-ayang pakiramdam. Ang kabahan siya. Sa maraming kasong nahawakan ay bakit kay Kirk Franklin Alfonso Ruiz siya labis na pinangatugan nang tuhod? Isa pa ay ano kaya ang maaaring mangyayari kay Beth kung sakaling bigo siya na maipanalo ang kaso? Sa kaisipang iyon ay parang natauhan si Bethany. Kailangan niyang mag-focus. Kailangan niyang maipanalo ang kaso. Wala siyang dapat na ibang iisipin kundi ay ang kapanalunan nang kaso ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Habang nasa byahe ay abot langit ang pagtahip nang kaba sa dibdib ni Beth. Bakit biglaan? Hindi niya naramdaman iyon sa iilang mga kliyente niya na literal rin na mga bigatin? Kailangan pa niyang tumigil sa nadaanang convenient store upang bumili nang Gatorade. Iyon ang pangpakalma ni Beth sa tuwing nakakaramdam siya nang nerbiyos. Wala siyang masabi na kahit anoman pero parang hindi maganda ang palagay ni Beth sa mga oras na iyon. Parang may mali. Gusto niyang bawiin ang desisyon pero iniisip ni Beth si Yngrid. Ang mga katrabaho na ngayon ay may malalaking ngiti sa mga labi. Hindi ni Beth magugustuhan na maglaho ang mga iyon nang dahil lamang sa walang katuturan niyang desisyon. It was indeed a win-win match. Magkasunod na hangin ang ipinalabas ni Beth nang marating niya ang address na nakasulat sa business card. Nagmistulang laruan lamang ang kotse niya kung ihahambing sa milyones na kotse na katabi sa nakaparada niyang sasakyan. She was welcomed by a not so good environment. Sa parking pa lang ay tiyak ang karangyaan. Hindi nakalagpas ang mga de-kalidad na desinyo. Nalula si Beth. Hindi sanay sa ganoong tanawin. Paano pa kaya kung magkakaroon siya nang pagkakataong pasukin ang loob ng establisyementong iyon? Hindi ni Beth alam kung ano pa man ang kasunod niyang magiging reaksyon. Napalunok si Beth. Nahihiya ang mga paa na maglakad palapit sa information desk. Kahit ang mga lobby receptionist ay totoong nakakuha nang atensyon. Masyado itong pormal na animo'y may gaganaping business meeting. Bumaba pa ang tingin ni Beth sa kanyang black long coat at black pants. Para siyang daga na napabisita sa lugar na hindi nanaising manatili roon dahil ramdam ang totoong kaibahan. The place shouted fancy and elegance. Napangiwi si Beth. Napansin iyon nang in-charge sa information desk. She felt so small na hindi ni Beth nagawang itago ang totoong emosyon. "Sa top floor po ma'am. Naghihintay roon si Mr. Ruiz. Hope you enjoy your appointment with him." Ngumiti kay Beth ang in charge sa information desk. Ngunit ka panabay niyon ang pambabanta sa likod nang mga ngiti. Lihim siyang napabuga nang hangin. Naglalakad sa pasilyo ay naaaninag ni Beth ang iilang mga guest na busy sa mga trabaho. Ang iilan naman ay nag-uusap habang nagkakape. Ang karaniwang tanawin sa mga taong napabilang sa high class society. Inayos niya ang nagusot na parte nang damit. Oras na upang seseryosohin ang trabaho. Ayaw ni Beth na madismaya ang kliyente sa kanyang postura. Lalo pa at sa araw na iyon rin ipinaalam ni Yngrid na may schedule pala siyang makasalamuha ang Kirk Franklin Alfonso Ruiz na iyon. Mula sa ground floor ay narating ni Beth sa wakas ang top floor. Kinutuban si Beth nang mapansin siya nang mga security guard na naroon. May hawak ang mga itong walkie-talkies. Ang isa ay palakaibigang nginitian siya. Ang isa naman ay may kinausap sa walkie-talkie nito. Marahil ay si Kirk Franklin Alfonso Ruiz iyon. "Welcome, ma'am. Enjoy!" Pahayag nang security guard na palangiti. Nginitian ni Beth iyon pabalik. Iminuwestra nang lalaki ang mga kamay upang makapasok na siya sa loob. Nang maisarado ang pinto ay may dalawang hallway siya na dapat piliin kung saan magtungo. May kung sino ang nagsalita sa CCTV camera kaya napaigtad si Beth. Napahawak sa dibdib dahil mas lalo siyang nakaramdam ng tensyon. Sinunod niya ang sinabi nang nasa CCTV camera. Sa kanan si Beth dire-direstong tumungo. Natatanaw niya ang ileganteng placard na nakasabit sa dulo ng pinto. Nakasulat ang pangalang Kirk Franklin. Lumapit si Beth at hindi na nag-aabala pang kumatok. Sinalubong siya nang mabangong panlalaking amoy. Kagat ni Beth ang labi. Hindi mahapuhap kung dapat ba siyang bumati. Nakatalikod si Kirk Franklin Alfonso Ruiz sa gawi niya. Tumikhim si Beth. "Magandang Umaga, Mr. Alfonso. Ako po ang abogado na nakatalaga upang hawakan ang iyong kaso." Sa hinayon ay dahan-dahang umikot ang swivel chair na lulan si Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Nagpang-abot ang kanilang mga mata. Si Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang naunang nag-iwas. Pagkatapos ay mataman siyang minata nito mula ulo hanggang paa. Hindi iyon nakalagpas sa paningin ni Beth. Sinusuri nito ang kanyang kabuuan. Bahagyang nailang si Beth. Totoong nakakablangko at nakakakaba ang awra ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Hindi ni Beth ipinapahalata na masyadong lumalakas ang tambol ng kanyang dibdib. Iminuwestra ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang mga kamay. Walang sinasabi. Binibigyan si Beth nang pagkakataong makaupo sa harapan nang lamesa nito. Mahinang tumikhim si Beth. At pagkatapos ay nagsalita. "Gusto ko sanang pormal na ipakilala sa inyo ang aking sarili, Mr. Alfonso. I am Bethany Francheska Hamilton." Hindi umimik si Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Napapaisip si Beth kung may masama ba siyang nasasabi. Saglit nitong ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. At pagkatapos ay biglaan ang pagsasalita. "Alam ko, Miss Hamilton. Masaya akong makita at makilala ka sa personal. Ikaw 'raw ang pinakamagaling na abogada sa law firm ni Yngrid. Let's see what you can do then." "Po?" Tumaas nang bahagya ang sulok nang labi ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. He was enjoying seeing his new lawyer being tensionable. Hindi naman malaman-laman ni Beth sa kung anong dahilan at kung bakit ganoon ang matandang lalaki. "Anyway. Magsimula tayo sa pinakasimula. Please take down notes. Ayaw kong palaging inuulit ang sinasabi." Tumayo si Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Sinundan ni Beth iyon nang tingin. May kung anong kinuha ito sa drawer. Bumalik ito sa swivel chair pagkatapos nakuha ang anomang pakay nito roon. "So as I was saying. I hate to repeat myself. Everything that these files printed were all informative. Do you even know any information about me?" Sa puntong iyon. Mabilis na inilapag ni Beth sa lamesa ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang papeles na kanina pa niya bitbit. Kirk Franklin Alfonso Ruiz's lips formed an 'O' amusement was visible in his eyes. "These were the files I studied." Panimula ni Beth. Ibinaba niya ang paningin sa mga dokumento. Itinuro ang pinakanaunang pahina. Bago ni Beth pinakli at inisa-isa iyon. Sa likod nang isipan ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ay napahanga siya ng husto ni Bethany. "Nang araw na ibinigay sa akin ni Yngrid ang kaso mo to fit in. It took me three days to study even a single details about you." Hindi si Kirk Franklin Alfonso Ruiz sumagot. Inangat ni Beth ang paningin rito. Nakatitig lamang sa kanya ang matandang lalaki. Still wearing his adorable smile pero iba ang nararamdaman ni Beth. Parang may kahulugan ang mga ngiting iyon. Tumikhim si Beth upang makuha ang atensyon nito. "Mr. Alfonso?" "Yes?" Nababantuan lamang si Kirk Franklin Alfonso Ruiz nang kakaibang paghanga. Naging malakas ang loob ni Bethany na kontrahin ang nakasanayan niya. Bukod roon si Beth ay hindi na muling nakipagkalantari pa sa lalaki. Pareho lamang silang pinakikiramdaman ang bawat isa. Mukhang wala namang kainte-interes itong baguhang kliyente ni Beth. Higit sa lahat ay parang wala ito sa sariling dimensyon. Naguguluhan si Bethany. Nang biglang magsalita si Kirk Franklin Alfonso Ruiz ay bahagyang napaigtad si Beth. Kumunot ang noo ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. It was enough for Beth to scare like that. Lalo at may kalaliman ang baritonong boses ng matandang lalaki. Kinompos muli ni Beth ang sarili. Sa puntong iyon ay hinihingi ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang dahilan kung bakit ni Beth tinanggap ang kaso na may kinalaman ang pagkadawit nang pangalan nito. "Walang ibang dahilan, Mister Alfonso. I just want my colleagues have their job in the firm. You almost sabotaged those lawyers who had just dreaming of becoming one of a millions popular people." "Napaka-direct mong sumagot, Miss Hamilton." "This is a job, Mister Alfonso. Ikaw Ang kliyente ko. Una nating pagkikita sa tagpong ito. May iba pa ba akong dapat na maisasagot maliban roon?" Itinukod ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz ang magkabilang palad sa pisngi nito. Kirk Franklin Alfonso Ruiz found vulnerability yet resiliency in Beth. Lumagpas ang tingin ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz sa likuran ni Beth. Binalingan niya iyon ngunit wala namang katao-tao roon. Hinarap muli ni Beth ang lalaki subalit nawala na ito sa kinauupuan. Kumunot ang noo niya. Saglit siya na nakaramdam nang discomfort. Naramdaman ni Beth ang mainit na hininga nang lalaki sa likuran nang kanyang tainga. Biglaan iyon. Masyadong mabilis ang galaw. Ni hindi man lang ni Beth narinig ang pag-igad nang swivel chair na inuupuan nito. Hindi ni Beth maipaliwanag ang kakaibang pintig nang puso niya sa kaba o kahit ang takot. Pareho. Daglian si Beth na napatayo. Ilang distansya ang layo kay Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Naka-ekis ang mga braso nito sa dibdib. Tinititigan si Beth muli nang mariin. "You are not that good enough, Miss Hamilton, sweetheart." Naglakad si Kirk Franklin Alfonso Ruiz pabalik sa lamesa. Tila ay walang nangyayari. Si Beth ay naiwang marami ang tanong sa utak. Ano ang problema nang matandang ito? Buhat niyon ay muling itinuon ni Beth ang atensyon sa pagsasalita ukol sa kaso ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Nandoon lamang ang matandang lalaki at mariing nakikinig. Ngunit may mga pagkakataon na hindi ito sumasang-ayon sa sinasabi ni Beth. Beth was a little bit frustrated. Napapansin iyon ni Kirk Franklin Alfonso Ruiz. Naniniwala na si Beth sa lahat nang sinabi ni Yngrid ay may katotohanan lahat ang mga iyon. Sumasakit ang ulo ni Beth sa kliyente na kaharap.MASYADO lang ba niyang binibigyan nang kahulugan ang ikinikilos nito at mga pananalita?Mariin ni Beth na itinatanggi sa sarili ang mga bagay na iyon. She maybe is just hallucinating something. Nagkalamat na nga ang kanyang karera bilang isang abogada, ang huling kliyente na nais siyang makapanlaban sa korte ay naglaho na lamang na parang bula. She was sure of everything na hindi na niya gamay ang lahat ng mga pangyayari sa kanyang buhay.Ang potensyal ni Beth bilang isang abogada ay napapalitan na iyon ng isang posisyon bilang isang may-ari ng kompanya. At na, si Frank o Danger na kaagapay niya'y binibigyan pa siya nang palaisipan upang lituhin ang kanyang malalim na pang-uunawa.Wala siyang mapagpipilian.Hinuli ni Bethany ang mga mata nang binata ngunit masyado itong mailap. May bumabagabag kay Frank o Danger ngunit hinahayaan niya na lamang.Siguro ay hindi pa ito handa upang sabihin sa kanya kung anoman iyon.Umupo si Bethany sa swivel chair. Hindi niya napapansin ang nakasunod n
KAHIT anong paraan ni Beth sa pagpipigil. Hindi siya ni Cassandra pinapakinggan. Natatawa na lamang ang saleslady sa kanilang dalawa ni Cassandra sapagkat hindi naman nagpapaawat sa kanyang ang ginang. Sumuko na si Beth. Hinayaan na lamang niya itong gawin anoman ang gusto nitong bilhin.Alas kwatro na itong natapos. Nababagot si Beth kakahintay. Masyadong metikulusa si Cassandra upang siguraduhin ang mga bagay-bagay. She wondered how wealthy Frank or Danger was. Wala itong sinasabi sa kanya ngunit ang ina nito ay wais kung paano waldasin ang pera. She was curious, ngunit hindi niya pinili ang magtanong kay Cassandra. Baka iba ang paraan nito ng pagkakaintindi sa kanyang itatanong. Iyon pa marahil ang magiging dahilan kung magkakasamaan man sila ng loob nito.Hindi ni Beth gugustuhin na mangyayari iyon.Cassandra gives her one golden necklace. May nakapaloob roon na isang initial na pangalan na nagsisimula katulad nang sa kanya. Ibinahagi ni Cassandra kung kaninong initia ng pangalan
SA bahaging silangan nang Quezon si Beth ay dapat na magtungo. Hindi naman ganoon kalayo sa kung saan ang orihinal niyang lokasyon. Sa katunayan ay makakaya niyang ipagmamaneho ang sarili nang hindi nakakaramdam ng pagod o kahit ano pa man. Ang imahinasyon kung saan si Beth ay nakakausap nang marahan at masinsinan si Cassandra. Nagbibigay iyon sa kanya nang labis na galak.Hindi gaanong kabilis ang kanyang pagpapatakbo. Sinakto lamang niya sa tamang metro na naaayon sa dala niyang sasakyan. The car she is driving ay ang sasakyan niyang nabili noong nagsisimula pa lamang ang karera niya bilang abogada. She could say, hindi iyon ang latest model subalit hindi rin naman ang sasakyan niya nahuhuli kung ang kahalagahan ang pag-uusapan.Sa makabagong henerasyon, nauuso ang mga materyal na bagay upang may maipagmamayabang sa mga kabarkada. Mostly teenagers na hindi na pinoproblema ang pera. She had seen a lot of people noong nasa Cavite pa siya. Laklak ang mga kabataan—lalong-lalo na sa mga
NILINGON ni Rudolph Clarksville Indiana si Frank o Danger. Seryoso ang mukha nang lalaki. Bahagya itong gumilid upang talikuran si Beth at harapin ang binata. Sinukat nito ang kabuuan ni Frank. Rudolph Clarksville Indiana gives Frank a challenging look. Tila ba ay sinusukat nito kung hanggang saan nakatago ang kakayahan nito.Hindi iyon maganda sa naging paningin ni Bethany. Tila ba ay may nagaganap na paligsahan sa pagitan ng mga ito nang hindi niya alam kung ano ang posibleng magiging premyo.Rudolph Clarksville Indiana plastered a squint smile. "Show me. Hindi ko magugustuhan na may mangyayaring masama kay Bethany. O kahit ang masaktan siya." Matigas na pagkakasambit nito."Hindi iyan mangyayari, Indiana." si Frank o Danger."Nasisiguro mo ba?"Ibinulsa ng binata ang mga kamay. Tinapunan nito nang paningin si Beth. "Hindi ko alam pero sisiguraduhin ko iyon," wika nito nang sa kanya lamang nakatuon ang kabuuang tingin.Nilingon siya ni Rudolph Clarksville Indiana na sumusuko na.Hin
"WHY not make your office a little bit cozy, Beth. Iilan sa mga taong gustong gawin ang meeting ay mas komportable sa ganoong klase ng atmospera."Suhestiyon ng binata. Kakatapos pa lamang nila ni Frank na kumain sa umagang iyon. Sa dating gawi, ang binata mismo ang laging tagapag-luto. Magkasabay rin silang pinapaliguan ang sarili pagkatapos nang isang mainit na pagtatalik sa unang umaga na sila ay magkatabi sa pagtulog.Sa mga sandaling iyon, pareho na nilang tinatahak ang daan papuntang opisina ni Beth.Panandalian niyang binalingan ng tingin ang binata. Nagkaroon na si Beth nang ideya kung anong klaseng ambiance ba nararapat magkaroon ang kanyang opisina. Ngunit hindi pa siya sigurado noong una. Hanggang sa iyon na ang ipinunto ni Frank o Danger. Siguro sa mga sandaling iyon ay maigi naman na paluluguran niya ang sariling suhestiyon."I am not typically liking that time of attraction. Lalo na at sa loob ng opisina iyon, Danger. Mostly kasi sa mga obserbasyon ko. Karamihan sa mga c
ANG unan sa kanyang tabi ay masyadong napaka-komportable. Iginilid ni Beth ang kanyang katawan. Pikit ang mga mata habang nakangiti. Nang maramdamang tila ay hindi ordinaryong hugis ang unan na yakap, sa hindi ito ganoon kalambot ay iminulat niya ang mga mata. Tumambad sa kanya ang katawan ni Frank o Danger. Ito pala ang niyayakap niya sa simula pa lang.Payapa ang gwapong mukha nito. Hindi man lamang nagkaroon ng mulat sa ginagawa ni Beth na anomalya.She does not creates any sound. Sa halip ay pinirmi niya ang sarili upang sulitin ang pagkakataon. Nang mapansin ang kanyang damit pantulog, muling namutawi ang malalaking ngiti ni Beth sa labi. Frank changed her clothes last night. Nasisiguro niya iyon. Siguro ay natamaan rin ito sa labis na pagod kaya'y pinili na lamang ng binata na mahimlay sa kanyang tabi. And Beth was delighted with that thoughts.Inangat niya ang kalahating katawan. Nakatuko ang kanyang kaliwang palad sa kanyang ulo. Ang bahaging tagilid na kanyang posisyon ay nag