NANG matapos ni Choleen ang pagluluto nilapag na niya ito sa mesa. Lalabas na sana siya para tawagin ang amo ng saktong pagbukas niya ng pinto ay papasok na rin ito.
"Nakahanda na po ang hapunan senyorito."
Hindi ito kumibo bagkus dumiretso nalang ito sa mesa at umupo.
Tahimik naman siyang sumunod sa amo. Nanatiling nakatayo sa gilid. Nagsimula na itong kumain. Maya maya pa ay..
"Anong klaseng pagkain itong niluto mo!" pasigaw na aniya sa kaniya ng amo.
"Hindi ko rin po alam, iyan lang po kasi ang nasa loob ng ref, hindi ko rin naman po alam anong gusto niyong pagkain hindi ko po kabisado ang nasa recipe na binigay ni Nay Rissa sa'kin sa Villa."
Gusto talaga niyang matawa sa itsura ng amo niya.
"Tutal ikaw ang nagluto niyan ikaw ang umubos niyan ayoko ng lasa. Magpapadala nalang ako ng pagkain dito." nagmadali itong tumayo at pumasok sa kwarto.
"Buti nga sayo. Bahala ka magutom diyan hindi kita ipagluluto ng masarap ang sama-sama ng ugali mo." kinakausap niya ng pakunwari ang pinto ng kwarto ni Archer.
Gaya ng sabi ng amo siya na ang kumain ng niluto niya. Masyado lang talagang maarte ang amo niya at hindi sanay sa pagkain na pangmahirap.
Sumapit ang alas nwebe ng gabi ay hindi pa rin lumabas si Archer sa kwarto niya na pinagtaka ni Choleen. Sinubukan niya itong katukin pero walang sumasagot iniisip niyang natutulog lang siguro ito.
Natapos na niya lahat ng dapat ayusin. Hanggang sa dinalaw na siya ng antok at nakatulog sa sala.
Bigla naman siyang magising nang may marinig siyang may nabasag sa kwarto ni Archer.
"Senyorito?.. ayos lang po ba kayo diyan. Senyorito pabukas po ng pinto." katok siya ng katok pero wala pa rin sumasagot. Kaya napagdesisyonan na niyang buksan ito gamit ang duplicate key.
Agad na tumambad sa kaniya ang basag na salamin ng bintana, sobrang dilim sa loob ng kwarto at halos hindi niya maaninag sa loob tanging ang ilaw sa labas lang ang nagsisilbing repleksiyon niyon sa loob. "Senyorito? ayos lang po ba kayo?" dahan-dahan siyang humakbang nangangapa sa dilim
"Ahhhhhh." napasigaw siya nang may biglang humila sa kaniya.
"Shhh, Calm down." boses ni Archer iyon.
Nakahinga siya ng maluwag akala niya ay may nanloob na sa amo niya. Agad naman binuksan ni Archer ang ilaw. Pero agad din niya tinakpan ang mata niya ng makitang hubo't-hubad si Archer.
"Senyorito, pwede po bang magbihis po muna kayo." nag-iwas siya ng tingin sa Amo niya nanatiling nakatakip ang mga kamay sa mga mata.
"Lumabas kana, ayos lang ako." iyon lang at agad na pumasok si Archer sa banyo.
Habol-hininga namang pumasok si Choleen sa kwarto niya. "Diyos ko, nagiging nakasalanan na ang mga mata ko." hindi mawala sa isip niya ang itsura ni Archer na nakaharap sa kaniya habang n*******d.
Hindi iyon nagulat sa halip ay seryoso siya nitong tinitigan kaya agad niyang tinakpan ang mga mata. Nahihiya siya sa eksenang iyon at hindi niya alam paano haharapin si Archer. Isa iyon sa nakakahiyang pangyayare sa buhay niya.
Sinadya niyang agahan ang paggising, iniiwasan niyang maabutan siya ni Archer. Nagmadali rin siyang maghanda ng agahan ng Amo. Alas tres palang ng madaling araw ay gising na siya.
Saktong alas singko ay natapos na niya lahat ng gawain. Saka naman siya nagdesisyon na simulan na linisan ang mga kubong pinapalinisan ni Archer. Ayaw na niya maulit pa na mapagalitan. Kaya hangga't maaari ay gagawin niya na ng tama ang trabaho niya. Isa pa ay ayaw rin niyang mapahiya ang tiyahin niya sa Amo nila. Ang Tsang Martha nalang niya ang pamilya niya. Kahit naman matigas ang ulo niya ay mahal na mahal siya nito na parang tunay ng anak.
Limang kubo ang lilinisan niya, sabi ni Archer ay sa byernes pa darating ang mga bisita nito, Martes na ngayon kaya kinakailangan niya itong matapos lahat sa hwebes. Hindi ito katulad ng kubo kung saan sila natutulog, maliliit lang ang mga ito sakto lang sa iisang tao dahil iisa lang din naman ang kwarto kada kubo.
Nagsimula na siyang maglinis, inabot na siya ng liwanag hindi pa siya tapos sa isang kubo. Masyadong maalikabok. Sa tansya niya ay hindi ito nalilinisan, sabagay hindi pa naman tapos ang ginagawang hotel sa isip ni Choleen ay itinayo lang ang mga kubo na iyon pansamantala para sa mga biglaang bisita.
Hindi pa kasi open sa lahat ang resort dahil nire-renovate pa ito. Napag-alaman lang niya na ito ang pinakaunang resort ng mga Moris, Pina-renovate ni Archer para sa alaala ng yumao niyang nakakabatang kapatid. Sa kaniya nakapangalan ang resort kaya ito tinawag na Siera Grande dahil Siera Leona ang pangalan ng kapatid ni Archer. Hindi naman siya Chismosa naikwento lang din ng tiyahin niya noong nakita niya ang letrato ng batang babae karga-karga ng tiyahin niya. Kaya napatanong siya kung sino ito dahil alam niyang hindi siya iyon.
Doon niya nalaman na anak pala iyon ni Madam Violet na namatay dahil sa malubhang sakit. Halos ikamatay ng Donya ang nangyare. Matagal na kasi nito na pinangarap na magkaroon ng anak na babae. Kaya hindi nito matanggap na maikling panahon lang ang binigay sa kaniya para makasama ang anak.
Napahinto si Choleen dahil sa isang katok. Agad niyang binuksan ang pinto ang sumalubong sa kaniya ang seryosong mukha ni Archer.
"Magandang umaga po Senyorito, may ipag-uutos po ba kayo?"
"Sumunod ka sa'kin."
Kumunot naman ang noon niya nang talikuran siya agad ng amo matapos sabihin iyon sa kaniya. Sumunod naman siya agad dahil ayaw niyang mapagalitan.
Pagdating nila sa kubo ay nakita niyang hindi pa nagagalaw ang pagkaing hinanda niya.
"Hindi pa po kayo kumakain?"
"Kainin mo, baka mamaya hindi na naman masarap iyan."
Gustong matawa ni Choleen, takot na ang amo niya na kumain ng hindi masarap na ulam.
"Pasensya na po sa pagkakamali ko kahapon hindi na po iyon mauulit. Kasalanan ko rin naman po kasi minadali ko po ang pagluluto. Saka hindi ko pa po talaga kabisado ang recipe book. Pasensya na po talaga Senyorito."
"O siya umupo kana at saluhan mo ako sa agahan. Bakit ang aga mo maglinis. Wala naman akong sinabi na agahan mo ang paglilinis baka hindi mo na naman maayos ang trabaho mo dahil nagmamadali kang matapos agad."
"Naku!, hindi po Senyorito maaga lang po talaga akong nagising wala na rin naman po akong gagawin kasi hindi pa po kayo gising kaya naisip kong maglinis na lang ng maaga."
Todo dahilan talaga siya, kasi hindi niya kayang tagalan na kaharap ang amo dahil sa nangyare kagabi. Hindi pa rin mawalas sa isip ni Choleen iyon. Una sa Villa nakita niyang hubad ang amo, hindi naman totally hubad kasi may tuwalya naman pero ang kagabi ay hubad talaga.
Nanginginig pa rin ang kalamnan ni Choleen tuwing naiisip niya ang hubad na katawan ng amo hindi siya makapaniwalang nakita niya ang lahat ng iyon kagabi.
"Oh! ano pa ang tinutunganga mo diyan, kumuha kana roon ng pinggan at saluhan mo ako sa pagkain."
"Naku, huwag na po Senyorito saka busog pa po ako madami po akong nakain kagabi eh 'di ba po pinaubos niya sa akin 'yong niluto ko kaya hindi ko pa kayang kumain mamaya na lang po siguro ako. Babalik na po ako sa kubo tatapusin ko po ang paglilinis." nagmadali siyang talikuran ang amo at lumabas.
Saka lang nakahinga ng maluwag si Choleen ng makarating na siya sa kubo. Hindi niya talaga kayang tagalan na kaharap ang amo lalo na't grabe ito kung titigan siya para bang tinutunaw siya sa mga titig nito sa kaniya.
Kaagad na pumwesto si Choleen sa gilid katabi ng upuan ni Maggie. Kapag tinawag na ang pangalan ni Maggie saka lang ito aakyat sa mini stage na ginawa ng agency para sa mga guest speaker. In behalf of Archer ay si Maggie ang mag-oorient sa mga maa-assign sa Siera Grande Hotel.Gaya ng sabi ni Maggie ay kailangan makinig ni Choleen para may idea siya kapag nag-open na ang Hotel. In less than two months ay mag-oopen na ang hotel officially. Kaya minadali nila ang paghi-hire ng mga trabahante para mapaghandaan ang nalalapit na re-opening ng Hotel. Sakto din na uuwi ang mga magulang ni Archer pati iba niyang mga kapatid. Isasabay sa opening ng Hotel ang kaawaran ng namayapa nilang kapatid na si Siera. "Maggie, kailangan ba talaga akong sumali dito pwede mo naman bigay nalang sa'kin mamaya 'yang papel para basahin ko nalang.""Bakit ba? diyan ka lang ah! binilan ka sa'kin ni Sir, saka kahit basahin mo itong nasa papel hindi mo pa rin maiintindihan kasi kailangan ko pa itong e-explain isa-
Ayaw naman talaga sumama ni Choleen mas gusto pa niya maglinis na lamang ng kubo kaysa makasama ang amo niya lalo na si Maggie na panay pang-aasar lang ginagawa sa kaniya. Kaso hindi naman siyang pwedeng humindi sino ba siya para hindian ang amo niya. "Choleen oh, chips baka mapanis 'yang laway mo diyan ang tahimik mo kasi." ani Maggie sabay abot sa kaniya ng pagkain.Kinuha nalang niya ito at di na nagsalita ba baka kapag nagsalita siya ay abutin na naman sila ng syam-syam bago matapos mag-usap. "Ah, sir tapos na po ang hiring para sa mga magiging staff at maids niyo sa hotel. Kailangan nalang po ng orientation para makakuha na sila ng requirements. Required po sa agency na makipag-usap kayo sa mga bagong hire. Para makilala din nila kayo pero if ayaw niyo naman humarap sa kanila, pwede naman po ako nalang ang kakausap kung okay lang sa inyo?" narinig niyang sabi ni Maggie kay Archer.Nakikinig lang siya sa pag-uusap ng dalawa habang ngumunguya ng chips na binigay ni Maggie."Ikaw
Nang gabing iyon ay hindi makatulog si Choleen, binabangungot na naman siya. Hindi niya talaga malaman kung bakit may mga napapaginipan siyang mga kakaiba, na para bang nangyare na sa kaniya noon. Pero hindi niya talaga maintindihan. May napapaginipan siyang nag-sasayaw siya sa maraming tao nang nakahubad, salawal lang ang nakatakip sa katawan. Mayroon ding nakikipag-talik siya sa isang lalaki na hindi niya maaninag ang mukha. Pilit niyang inaalala kung nangyare ba talaga iyon, ginawa niya ba talaga iyon. Ang huli niya lang natatandaan ay nasa hospital siya, nagising nalang siya isang araw na madami ng nakakabit na mga aparato sa katawan niya. Ang kwento ng Tiyang Martha niya ay hindi niya matanggap ang nangyare sa mga magulang niya kaya pinagtangkaan din niyang tapusin na lang ang buhay niya at sumunod sa mga magulang. Sinabi rin sa kaniya na nagkaroon siya ng PSTD kaya kailangan niyang ituloy ang pagpapagamot. Nag-overdose siya ng mga gamot kaya nahospital siya. Hanggang doon lan
"Sir ang kulet ng bago niyong katulong ah, infairness bet ko siya ang bait." narinig niyang sabi ni Maggie nang bubuksan na sana niya ang pinto. "Oh! bakit sumama bigla ang mukha niyo?" muling nagsalita si MaggieNagdesisyon siyang pakinggan ang pinag-uusapan ng amo niya at ni Maggie baka mamaya ay may masamang sabihin ang amo niya laban sa kaniya."Huwag ka muna mamangha sa ugali niya hindi mo pa siya kilala, ilang minuto mo pa lang siyang nakakausap. Baka sa susunod na araw kainin mo iyang sinabi mo."Gusto ng suntukin ni Choleen ang pinto dahil sa sinabi ng amo niya. Tama nga ang hinala niya wala talagang magandang sasabihin ang amo niya patungkol sa kaniya. 'Masyado kang judgemental Senyorito, tingnan lang natin kung kaninong salita ang kakainin mo.'Habang nakikinig sa dalawa. Minumura naman niya ang amo sa isip niya. Sinarili nalang muna niya ang inis niya, nakakahiya sa bisita kung papatulan niya ang amo niya. Ayaw ng isipin ni Maggie ng tama ang mga sinasabi ni Archer pa
"Hi? Ikaw ba si Choleen?" napalingon siya nang may biglang magsalita."Ha? ah oo ako nga? Ano po kailangan nila?""I'm Maggie, secretary ni Sir Archer, ang sabi kasi ni sir ito raw ang magiging kwarto ko habang nandito ako pansamantala."Tinitigan niya ang babaeng kausap, sinuri niyang maigi ang kabuuan nito. Sinigurado niyang secretary ba talaga ito ng amo niya. Mahirap na baka nagpapanggap lang ito at baka isa ito sa mga babae ng amo niya."Ikaw talaga ang secretary ni Senyorito? Hindi ka niya babae o jowa?"Kumunot ang noo niya ng bigla itong tumawa ng malakas. Hindi niya inaasahan iyon kaya gan'on nalang ang gulat niya."Sorry hindi ko sinasadyang tumawa. Alam mo expected ko na talaga 'to! hindi na bago sa'kin ang ganiyang tanong."Napangiwi na lang siya sa naging sagot ng babae sa kaniya."Feeling ko magkakasundo tayo Choleen ang kulit ng tanong mo ah! ang witty mo d'on.""Ewan ko sa'yo, oh siya pumasok kana. Mabuti na lang at tapos na akong maglinis. Ayos ang dating mo saktong
( Present Time )Nagising si Choleen sa lakas ng pagkatok sa pinto ng kwarto niya. Pumipikit pa ang mga mata niya habang dahan-dahang bumabangon. Nang tingnan niya ang oras mag-aalas singko pa lang ng umaga.Antok na antok pa siya ng buksan niya ang pinto. Tumambad sa harap niya si Archer na nangangamoy alak at lasing na lasing."Senyorito, naka-inom po ba kayo? amoy alak kayo?""Malamang, stupid! may amoy alak ba na hindi uminom?!" Huminga ng malalim si Choleen, ayaw niya makipagtalo sa amo. "Ano po ang kailangan niyo?""Ipagluto mo ako ng sabaw, saka pakikuha ako ng damit.""Sige po, magbibihis lang po muna ako." Nakapangtulog pa kasi siya at ayaw niyang lumabas ng naka-gan'on. Masyadong manipis ang suot niyang damit mabuti at madilim hindi kita ng amo niya ang kabuuan niya wala pa naman siyang suot na bra."Huwag kana magbihis dalawa lang naman tayong nandito.""Kahit na po, saglit lang po ito."Kaagad siyang tumakbo papuntang banyo. Iniwan niya si Archer na naka-sandal sa pinto