Home / Romance / Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage / Kabanata 11 — Ang Kumpanya o Ang Pamilya Mo?

Share

Kabanata 11 — Ang Kumpanya o Ang Pamilya Mo?

Author: Alymié
last update Last Updated: 2025-11-10 06:11:34
Sumiklab ang galit sa dibdib ni James habang minamaneho ang kotse pauwi.

Pagdating niya sa bahay, gising pa si Vanessa at hinihintay siya. Ngunit nang lumingon siya patungo sa silid ni Chloe, napansin niyang mahigpit na nakasara ang pinto at walang kahit kaunting liwanag na lumalabas mula roon.

Napahinto siya.

Pinag-antay ba siya ni Chloe buong magdamag sa wala?

Halos hindi makapaniwala si James. Pinaghintay siya ni Chloe sa labas nang halos buong gabi?

Hinila niya pababa ang kurbata, nagpalit ng sapatos, at diretso nang nagtungo sa silid ni Chloe. Pero bago pa man niya mabuksan ang pinto, agad siyang hinawakan ni Vanessa sa braso.

“James, anong ginagawa mo? Kuwarto ni Chloe ‘yan!”

Mahinang paalala ni Vanessa, ngunit halata ang pagtataka sa tono.

Matagal nang hiwalay ng tulugan ang dalawa, kaya’t nang makita niyang biglang pupunta si James sa kuwarto ni Chloe sa ganitong oras, napakunot siya ng noo.

Nang makita ni James ang tanong sa mga mata ni Vanessa, doon lang siya natauhan.

Tama n
Continue to read this book for free
Scan code to download App
Locked Chapter
Comments (1)
goodnovel comment avatar
Marichu Del Rosario
nice story
VIEW ALL COMMENTS

Latest chapter

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 68 — Valentine's Day

    Nang gabing iyon, pagdating pa lamang ni Chloe sa bahay, agad niyang tinawagan si Julian.Pinagmasdan niya ang regalong pinili niya, at hindi niya mapigilang makaramdam ng pananabik.“Ano’ng nangyari?” agad na tanong ni Julian nang masagot ang tawag.Normal ang kanyang tono, ngunit hindi niya alam kung guni-guni lang niya na parang mas banayad at mas malambing ang boses ng lalaki ngayong gabi.Napakalambot nito na parang natutunaw sa bibig.“Ahm… may itatanong lang sana ako, Julian. May oras ka ba bukas ng gabi para makapaghapunan tayo nang magkasama?”Bahagyang natigilan si Julian, na para bang may hinihintay siyang marinig.Tumingin siya kay Mark na nasa tabi niya, iniabot ang kamay at hiningi ang iskedyul. Mabilis niya itong sinulyapan at nakita niyang puno ang buong araw kinabukasan.Hindi maiwasang makaramdam ng awa si Mark para kay Julian.Buong taon itong abala sa trabaho. At ngayon na mayroon na siyang fianceé, halos wala pa rin silang oras na magkasama at mas magkakilala pa.

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 67 — Patuloy na Panlilinlang at Kasinungalingan

    “Ah… Ma’am, napakamahal po nito. Hindi ko po ito matatanggap…”“Kunin mo na. Marami namang pera ang asawa ko. Palagi siyang nagbibigay ng regalo sa mga kaibigan niya ng ganito. Nakita mo naman kanina, hindi ba?”“Kung ganoon…sige po, tatanggapin ko po. Maraming salamat po!”Halos mangisay sa tuwa ang saleslady. Kanina pa niya pinapanood ang buong pangyayari at malinaw na naintindihan ang sitwasyon ng tatlo.Sabi nga ng lahat, mahirap maging asawa ng isang mayaman. Kahit na mayroon ka nang napakagandang asawa, bakit kailangan mo pang humanap ng ibang babae?Ngunit ang ginawa ni Chloe ay talagang

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 66 — Harap-harapang Kataksilan at Kasinungalingan

    “Napansin ko lang Chloe, ang pinakamurang item sa store na ito ay nagkakahalaga ng isa hanggang isa’t kalahating milyong piso. Mukhang hindi rin basta basta yang relo na binili mo. Para ba kay James ‘yan?”Nakita ni Vanessa ang shopping bag ni Chloe at agad na tumawa nang malamig.“Hindi nanganganak ng pera si James, lalo na sa sitwasyon ngayon ng kumpanya. Kung gusto mo talaga siyang pasayahin, mas mabuti pang tulungan mo siya sa mga importanteng gawain sa kumpanya. Paano mo pa nagawang bumili ng ganyang kamahal na luho?”“Sa ugali mong ganyan, kahit gustuhin pa ni James na ibigay sa’yo ang shares ng ALC Corp, paano ako magkakaroon ng kapanatagan na hindi mababalewala ang mga pagsisikap niya?”Ang mga

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 65 — Mga Katotohanan sa Likod ng Lihim na Pagtataksil

    Naka-park ang sasakyan ni James sa parking garage ng mall.Sa loob ng kotse, nakaupo si Vanessa, patuloy na pinupunasan ang luha ng hinanakit. Ngayon lang sila nagkita matapos palayasin si Vanessa sa kumpanya.Dalawang matinding dagok ang dinanas niya nitong nakaraang mga araw.Una, pinalayas siya ni Madam Aurelia mula sa kanilang bahay. Ikalawa, pinahiya siya ni Don Faustino sa kumpanya.Ilang araw nang hindi makaharap ni James si Vanessa, alam niyang nabigo niya ito.“Sige na, hon, huwag ka nang umiyak,” mahinang sabi ni James.“Sabi ko naman babawi ako. Piliin mo na lang kahit ano ang gusto mong bilhin ngayon

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 64 — Ang Bagong Opisyal na Miyembro ng Valdez Group

    “Ako si Chloe Valdez. Ako ang tunay na anak ni Mr. Alexander Valdez at ang nag-iisang tagapagmana ng pamilyang Valdez, gaya ng malinaw na nakasaad sa kanyang huling habilin.”Nagkaroon ng dalawang segundong katahimikan sa conference room, saka sumunod ang marahang bulungan.Bagama’t may mga usap-usapan na noon, ito ang unang pagkakataong hayagang inilahad ni Chloe ang kanyang pagkakakilanlan sa isang pulong ng mga pangunahing opisyal. Marami pa rin ang nananatiling nagmamasid at naghihintay.Itinaas ni Chloe ang kanyang kamay bilang senyas sa assistant.“Ipamigay ang mga inihandang dokumento.”Agad namang ipinamahagi ng assistant ang mga dokumento ayon sa a

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 65 — Unang Pagkatalo ni Marcus

    “Julian…”Magpapaliwanag na sana si Chloe tungkol kay James.Ngunit nauna nang nagsalita si Julian.“Hinding-hindi ako makikialam sa mga personal mong bagay, at hindi rin ako manghihimasok. Pero ngayon ay engaged na tayo, at naniniwala akong kaya mong ayusin nang maayos ang mga bagay na naiwan sa iyong nakaraan.”Wala siyang tinanong. Wala ring hiningi.Dahil doon, nakaramdam si Chloe ng bahagyang pagkakonsensya.Noong una, inakala niyang dahil sa katayuan ni Julian, tiyak na pakikialaman nito ang kanyang nakaraan at baka tanungin pa siya ng mga detalye. Ngunit hindi niya inaasahan na hindi man lang ito magtatanong.“Ako, oo gusto… aayusin ko agad. Kung malalaman mo lang, pero wag kang mag-alala at magtiwala ka sa akin. Ako na ang bahala.” mariing sabi ni Chloe.Sa sandaling iyon, bigla niyang napagtanto na ang lalaking nasa harap niya ay seryosong tinatrato ang engagement nilang dalawa at maging ang pakikitungo nito sa kanya ay puno ng respeto.Tumango si Julian bilang tugon.Ngunit

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status