LOGINMy V*rgin Labandera Mabuti at maalagain na anak si Ella kaya noong napansin niya na hirap na sa paglalaba ang kanyang ina ay siya ang pumalit dito. Ang mag-asawang Hernandez lang naman ang ipinaglalaba nito na mapagbigay sa kapwa at maunawain kaya pumayag ang mag-asawa na siya ang papalit sa nanay niya. Lingid sa kanyang kaalaman na may babaerong anak ang mag-asawa at ito si Terron na medyo magaspang ang taglay na ugali. Kaya noong nalaman niya na v"rgin pa si Ella ay gusto niya itong matikman at itulad sa mga babaeng naikama niya na. Ano kayang mangyayari? Si Ella na kaya ang makapagpabago kay Terron?
View MoreChapter 1
Maagang umalis sa bahay nila si Ella para pumunta sa bahay ng mag-asawang Hernandez kung saan doon naglalaba ang kanyang ina na pinatigil niya na sa ginagawa at siya na pumalit dahil nakikita niya na nahihirapan na ito. Ang ina niya na lang ang meron siya dahil ang tatay niya ay matagal ng wala at sila na lang din ang magkasama sa buhay kaya ayaw niyang mawala ito sakanya. Isa pa mabait naman ang mag-asawang Hernandez at mapagbigay din sa kapwa kaya wala siyang problema sa mga ito . Tuwing matatapos nga siya sa paglalaba ay may pinapadala si Mrs. Hernandez sakanya para pagsaluhan nila ng nanay niya. Kaya laking pasasalamat niya talaga sa mga ito. Bukod doon ay kasundo niya na rin ang mga maids sa bahay siguro ay dahil na rin sa magaling siyang makitungo sa ibang tao. " Tapos ka na Ella? " Tanong sakanya ni Macy na isa sa mga katulong sa napakalaking bahay na iyon. " Hindi pa pero matatapos na ." Aniya. Binigyan siya ni Macy ng sandwich na ginawa nito para sa sarili kaya nagpasalamat na lamang siya dito at ngumiti. Matapos magmeryenda ay balik na sa paglalaba si Ella nang biglang sumulpot si Mrs. Hernandez. " Hija , pwede bang pakuha ng damit ng anak ko sa kwarto sa itaas. Yung pangalawang kwarto. May inuutos kasi ako sa mga maids. " Sabi sakanya ng ginang. Mabilis naman siyang tumalima sa ipinag-uutos nito. Ngunit nagulat talaga siya sa nalaman na may anak pala ang mag-asawa? Wala namang nabanggit sakanya ang nanay niya. Pakanta kanta pa si Ella habang papunta sa kwartong tinutukoy ng ginang. Pagpasok niya doon ay mabilis niyang nakita ang basket na kakaunti lang naman ang laman kaya mabilis lang din pala siyang matatapos pero halos atakihin siya sa gulat ng may lumabas na lalaki mula sa banyo. " Who are you at anong gagawin mo sa mga damit ko? " Ito na kaya ang anak ng mag-asawang Hernandez? " Labandera po ako ng mga magulang niyo. Sige po sir. May gagawin pa po ako." Saka siya tumalikod na dala dala niya na ang basket ngunit hinabol siya ng lalaki at hinarangan. " Sa pagkakaalam ko ay si Aling Estrella ang labandera namin." " Anak niya po ako. Hindi na po pwedeng magtrabaho ang nanay ko." Nayuyuko niyang sagot dahil hindi niya makayanan ang tingin sakanya ng lalaki. " Sir dadaan po ako may kailangan pa po kasi ako na tapusin na labahin." " Sino ka para utusan ako? Hindi pa ko tapos na kausapin ka. " Sa nakikita niya ay magaspang ang ugali ng anak ng mag-asawang Hernandez. " Pasensya na po pero may gagawin pa talaga ako . " Saka niya pinilit na makadaan . Narinig niya pa ang pagtawa ng lalaki na di niya nalamang pinansin. Pero isa lang ang masasabi niya. Nakakainis ang lalaki. Natawa na lamang si Terron tila ba takot o naiilang sakanya ang babae. Hindi naman sinabi sakanya ng mga magulang na ang anak na pala ni Aling Estrella ang labandera nila. Hindi niya alam kung bakit siya biglang naging interesado sa babae marahil ay dahil sa nakikita niya na mukhang inosente ito at iba sa mga babaeng nakilala at natikman niya na.Chapter 23Buong akala ni Terron ay magagalit sakanya ang mommy niya sa pag uwi. Gawa ng ginawa niyang pagsagot sagot niya sakaniyang tiyahin ngunit wala namang nangyari ganon . Ang agad kasi nitong tinanong ay kamusta sila ni Ella? O kung ano ang nangyari matapos niyang ihatid ang dalaga." Ella and I we're fine mom." Aniya sa kaniyang mommy. Bigla na lang lumungkot ang mukha pero hindi siya nagalit dito. Bagkus ay niyakap niya na lamang ang mahal na ina." I'm sorry for earlier kung alam ko lang na ganon ang mangyayari ay sana di ko na lang inimbita pa sila ate." Malungkot nitong ani. Pinakawalan niya ang ina mula sakanyang yakap. " Wala kang kasalanan mommy. Si Tita Lydia talaga ang may ugaling di maganda kahit na ang mga anak niya ay ganundin. I'm sorry too dahil bigla na lang akong umalis."" I understand you anak. Ayaw mo lang na palalain pa ang sitwasyon." Maya maya pa bumaba ang kanyang daddy at agad din siyang tinanong kung kamusta sila ni Ella." We're okay dad."" Anong ib
Chapter 22" Anak, calmdown. Pwede naman natin itong pag-usapan ng maayos." Mahinahong sabi kay Terron ng ina nito. Halatang naiistress na din ang ginang. Kung hindi naman dahil sa kapatid nito, hindi magiging ganon ang celebration ng birthday nito." Lina I was just telling the truth. Hindi bat babaero naman talaga itong anak mo? Ilang babae na ba ang natikman niya? Kung wala nga lang tong mga negosyo na pinapatakbo ay yon ang magiging pinakapintas sakanya. Pero nakakatawa lang na pati isang anak ng labandera ay gusto niyang makuha." Tumawa pa ang tiyahin ni Terron. Kaya hindi niya na napigilan ang sarili na ipagtanggol si Terron mula dito." Wala naman pong masama sa pagiging labandera. Ang masama po ay ang mga taong katulad niyo na nangmamata sa kapwa porke nakakataas lang sila. Alam ko po na babaero si Terron at nakita ko po na nagbabago na siya. Di na tulad ng dati." Aniya sa ginang na umirap lang." Sinasabi mo yan dahil m*landi ka din. Gusto mo na may makuha sa pamangkin ko. No
Chapter 21 Hindi alam ni Ella kung bakit humiram pa siya ng damit sa kapitbahay nila na maisusuot niya para sa selebrasyon ng birth day ni Mrs. Hernandez. Siguro ay dahil ayaw niyang masaktan si Terron kung sakali mang sasabihin niya na ayaw niyang pumunta doon. Kailan niya pa ba inisip ang nararamdaman ng lalaki? Hindi niya na rin alam kung kailan ba nagsimula ang lahat. " Ayos lang ba ang damit ko? Pasalamat ka kung hindi si Mrs. Hernandez ang may kaarawan ay di na ko sasama sayo." Aniya kay Terron na nakatitig lamang sakanya. Nag apply kasi siya ng konting powder sa mukha at lipstick para hindi naman siya mukhang haggard. " Kahit ano naman ang isuot mo ay maganda ka sa paningin ko. Anyways my mother would be very happy dahil pupunta ka." Napakaganda ng ngiti nito sa labi. Kaya iniwas niya na lamang ang tingin baka kasi mapatagal pa ang tingin nito. Pumasok na sila ng kotse. Habang nasa byahe ay di niya maiwasan ang kabahan." Kayo kayo lang ba ang nandoon? " " Yes. Sabi ka kay
Chapter 20Nagyayaya na agad siya umuwi. Pero nang nasa sasakyan na sila, hindi naman pinapaandar ng lalaki ang sasakyan. Nakatingin lang ito sa manibela kaya nagulat si Ella nang tumingin ito sakanya." Are you mad at me? It's not what you think. Hindi ako nakikipaglandian. Ayaw niya lang talaga na umalis kanina kahit pinapaalis ko na." Di nito malaman kung anong pagpapaliwanag ba ang gagawin sakanya. Tila ba stress na stress ito." Wala akong pakialam kahit kalandian mo pa ang babaeng yon. Kasi alam ko na ganon ka talaga." Aniya at ipinokus na lang ang tingin sa may labas ng bintana." F*ck ." Napamura na lang si Terron bago nito pinaandar ang kotse. Ngunit di niya na lamang pinansin ang lalaki. Pakialam niya dito. Ang mahalaga ay nabusog siya sa date nila kuno kahit na medyo nabw*sit din siya sa lalaki.Mabuti na lang at walang traffic kaya mabilis siyang naihatid ni Terron. Hindi niya na inintay pa na pagbuksan siya nito ng pintuan ng kotse. Siya na ang naunang lumabas.Papasok na
Chapter 16Hindi alam ni Ella kung paniniwalaan niya ba si Terron sa sinasabi nito na gusto siya. Pwedeng oo gusto nga siya pero baka gusto siya na makama at bukod doon ay wala na. Napailing iling na lang siya habang naglalaba dapat ay di siya magpadala sa mga sinasabi sakanya ng lalaki. Baka sa hu
Chapter 18Naging maayos naman ang isang buong araw ni Ella matapos umalis ni Terron. Ngunit nagulat na lamang siya dahil kinabukasan, kakagising niya palang nang bigla na lamang may dumating na mga lamesa at ilang box ng grocerie. Hindi lang basta ordinaryong mga groceries kundi yung ginagamit pan
Chapter 11Matapos ang saglit na pag iyak ay ayos na ulit si Ella. Pinunasan niya na ang kanyang mukha upang wala ng bakas pa ng pag-iyak niya. Ipinagpatuloy niya na lamang ang paglalaba ng sa ganon ay makaalis na rin siya doon.Tapos na si Ella na maglaba kaya magbabanlaw
Chapter 10Matulin na lumipas ang huwebes , biyernes at sabado. Linggo na naman at doon na naman siya sa bahay ng mga Hernandez. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagdalaw sakanila ni Terron noong huwebes . Hiling niya nga sana ay wala ito doon sa bahay. Para naman masaya saya siya kaso di siya m












Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.