Beranda / Romance / Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage / Kabanata 102 — Ang Mapanirang Paghihiganti

Share

Kabanata 102 — Ang Mapanirang Paghihiganti

Penulis: Alymié
last update Terakhir Diperbarui: 2026-01-10 06:30:31

Marami sa alumni group ang nakakaalam ng naging kasal nina James at Chloe matapos ang kanilang graduation. Hindi ito lihim, at lalong hindi ito tsismis na madaling pasubalian. Kaya’t hindi rin eksepsyon si Leon dahil kilala niyang mabuti ang kuwento, ang pangalan, at ang imahe ni Chloe noon: matalino, maganda, at palaging sentro ng atensyon.

Ngunit ang dating imaheng iyon ay unti-unting nabahiran

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 190 — Pagsubok o Pag-ibig?

    Hindi na rin maintindihan ni Marcus ang sarili kung bakit nasabi niya kay Sheena ang tunay niyang nararamdaman. Hindi ito dahil sa alak, o dahil puno lang sya ng emosyon ngayon.Dahil sa tuwing kasama niya ang dalaga, pakiramdam niya ay magaan at payapa siya. Ngayon lang siya naging ganito ka-komportable maging open sa ibang tao lalo’t tungkol sa mga personal na usapin.“Sigurado naman pong makukuha ano man ang gustuhin mo.”Mahinang sabi ni Sheena habang nakatingin kay Marcus, may napakagaan na ngiti sa kanyang mga labi.Tama. Walang imposible sa taong may gustong tuparin.*Kasama rin ako…na malapit nang pagbayarin ka sa lahat, Marcus San

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 189 — What Else Could Marcus Wish For?

    “Hindi ka ba natatakot na maulit ang nangyari kagabi?”Lalong naging interesado si Marcus kay Sheena.Sinasabi ng dalaga na natatakot siya rito, ngunit ang kalmadong tindig na hindi niya namamalayang naipapakita ay lubhang kabaligtaran ng kanyang mga salita.Hindi tumingala si Sheena.“Natatakot ako. Kaya dapat mas kaunti ang inumin n’yo Sir… at mas kontrolado sa sarili.”Umorder siya ng dalawang pitsel ng espesyal na alak ng restaurant para kay Marcus.Hindi mapili si Marcus sa inumin. Pula, puti, o imported man—lahat ay iniinom niya. Kaya nang mag-alok si Sheena, hindi na siya nagdalawang isip pa kung ano man ang i-offer nito.Si Sheena naman ay hindi talaga umiinom.Gusto sana ni Marcus na sabayan siya, ngunit tumanggi ito. Hindi na niya ipinilit.Makalipas ang ilang baso, lalong naging tahimik si Marcus. Halatang hindi maganda ang kanyang pakiramdam.Nang maramdaman ni Sheena na nagiging awkward na ang sitwasyon, nagbukas siya ng magaan na usapan.“Sir Marcus, napakabusy n’yo pong

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 188 — Ang Pagbabalik ng Pabor

    Pinili ni Marcus ang isang Japanese restaurant na hindi kalayuan sa kanilang village. Kilala ang chef at maayos ang privacy ng lugar, ngunit kapalit nito ay mataas ang presyo.Isang kainan pa lamang ay maaaring umabot sa higit kalahati ng buwanang sahod ni Sheena.Ngunit hindi siya nagpakita ng panghihinayang. Hinayaan niyang si Marcus ang magdesisyon sa lahat.Habang kumakain sila sa pribadong silid, palihim na sinusulyapan ni Sheena ang lalaki.Napansin iyon ni Marcus.Matapos ang ilang subo, bigla siyang nagsalita.“Ganito ba talaga ako kaguwapo?”

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 187 — Lihim na Paghihiganti ni Eleonor

    Makalipas ang kalahating oras, bumalik na si Marcus sa dati niyang maayos at marangal na anyo.Nagtungo siya sa study ni Eleonor.“May ipapagawa ako sa’yo.” Seryoso ang mukha ni Eleonor na nakatingin kay Marcus. Iniabot ni Eleonor ang isang bagong imprentang dokumento.Isang sulyap pa lamang dito, may bahagyang gulat na dumaan sa kanyang mga mata.“Balak ninyong… kumilos laban sa pamilya Torres?”“Huwag kang makialam sa hindi mo dapat pakialaman,” malamig na sagot ni Eleonor. “Gawin mo lang ang sinasabi ko. Kapag hindi mo ito inayos nang maayos, tuluyan na akong mawawalan ng tiwala sa’yo.”Alam na alam ni Marcus ang ibig sabihin ng mawalan ng tiwala si Eleonor.Lahat ng pinaghirapan niyang pagkilala sa loob ng maraming taon… lahat ng mayroon siya sa pamilya Valdez… pati ang posisyon niya sa kumpanya—mawawalan lang ng saysay.“Pero… ang kumpanya? Paano naman ako rito…”Sandali siyang nag-alinlangan.Hindi naman mahirap ang bagay na ito dahil siya lamang ang hahawak. Ngunit kung mabab

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 186 — Ano ang Kapalit ng Paghingi ng Pabor?

    Diretsahan na siyang sinagot ni Daniel.“Na-detain si Patrick sa US. At alam kong malawak ang negosyo ng pamilya ninyo roon.”“Naroon nga po ang majority ng negosyo namin,” kalmadong sagot ni Charlize, “pero ano naman po ang kinalaman noon sa pagkakadetain ni Patrick? Hindi ba’t dahil may ginawa siyang mali kaya siya napahamak?”“…Miss Charlize, ipinapayo ko sa’yo na mas mabuting maging magkaibigan tayo kaysa magkalaban. Mas makabubuti iyon para sa lahat.”Tuluyan nang nawala ang pasensya ni Daniel Valdez. Dumilim ang kanyang boses at tila may lamig na dumampi sa gulugod ni Charlize.

  • Billionaire's Secret Daughter: The Price of a Fake Marriage   Kabanata 185 — Ang Babala ng Paghihiganti

    Kinaumagahan.Maagang nakatanggap ng balita si Daniel Valdez.Nagkaproblema si Patrick.Kahapon, nasa business trip sa US si Patrick. Ngunit nang paalis na siya pabalik ng Pilipinas kinagabihan, bigla siyang pinigil at na-detain.Ang paratang sa kanya—pinaghihinalaan siyang nagnakaw ng trade secrets sa ibang bansa at kailangan siyang imbestigahan.Alam ni Daniel na imposibleng gumawa ng ganoon ang kanyang anak.Agad siyang nakipag-ugnayan sa mga tao niya sa Estados Unidos upang mag-imbestiga.Hapon na nang dumating ang sagot.May nakaalitang tao si Patrick.Isang mataas na opisyal umano sa US Ministry of Commerce ang sangkot.“Paano naman magagawa ni Patrick na ma-offend ang mga tao sa US?”Ang negosyo ni Daniel ay nakatuon sa international trade. May hawak din silang export side ng Valdez’s Pharmaceutical, ngunit halos wala silang direktang kooperasyon sa Estados Unidos.Ang pagpunta ni Patrick roon ay dahil ang kapartner ang pumili ng lokasyon ng negosasyon.“Malaki ang posibilidad

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status