LOGINIsang babaeng handang ibenta ang kanyang sarili para iligtas ang ama. Isang binatang bilyonaryong may lihim na pagkaadik sa kanya. Paano kung ang pagkakataong ibinigay ng tadhana ay may nakatagong kasunduan na hindi nila inaasahan? Sa pagitan ng pag ibig at pagkakasala, sino ang magwawagi at sino ang mapapahamak?
View MoreNakita ko pa lang ang malaking pintuan ng gusali ay alam ko na talagang wala na akong babalikan. Ang mga ilaw ay sobrang liwanag parang mga bituin na nahulog sa lupa, at ang mga kotse na nakapark doon ay mga klaseng hindi ko pa nakikita sa personal bukod sa sa telebisyon. Bumibigat ang dibdib ko habang hinahawakan ko ang tela ng damit na ibinigay sa akin puti na damit na parang pangkasal pero mas maikli at mas manipis.
“Hindi ka pwede umatras ngayon Maria,” sabi ng babae sa tabi ko habang binubuksan niya ang pinto. Ang boses niya ay malamig parang yelo. “Alam mo naman kung ano ang mangyayari kung hindi ka makakapagbigay ng pera para sa operasyon ng tatay mo.” I looked at her with tears starting to blur my vision. “I know, I know. But please… is there really no other way? I’m only twenty one years old.” “Wala na Maria. Wala na tayong oras pa. Ang tatay mo ay kailangan ng operasyon bukas ng umaga kung hindi ay…” Hindi niya natapos ang sinasabi niya pero alam ko na kung ano ang susunod. Bumigat ang pakiramdam ko habang pumasok kami sa loob ng gusali. Ang loob ng lugar ay parang isang malaking bulwagan na ginawang auction house. May malaking entablado sa gitna at mga upuan na puno ng mga taong suot ang kanilang pinakamagagandang damit. Ang mga lalaki ay naka barong o suit, habang ang mga babae ay naka mahahabang damit na may mahabang manggas. Lahat sila ay mukhang mayayaman at komportable sa kanilang mga puwesto. Habang ako naman ay nanginginig sa kinatatayuan ko. “Maupo ka muna dito,” sabi ng babae habang itinuro niya ang isang maliit na upuan sa gilid ng entablado. “Hindi ka pa susunod, ikaw ang panghuli. Tatlong babae pa bago ka.” Umupo ako at hindi maiwasang tumingin sa entablado. Ang unang babae ay lumabas na nakasuot ng pula na damit. Ang buhok niya ay buhok niya ay nakasabit sa balikat niya at ang mukha niya ay pinalamutian ng maraming pampaganda. Ngumiti siya ng malaki habang lumakad papunta sa gitna ng entablado. Naririnig ko ang mga tawanan at sigawan ng mga lalaki sa ibaba. “Ladies and gentlemen! Welcome to our special auction tonight!” Sigaw ng auctioneer na nakatayo sa harap ng malaking podium. Ang boses niya ay malakas at puno ng sigla. “Tonight we have something very special for all of you beautiful young women who are offering their most precious gift. All proceeds go to various charities around the country.” Naiinis ako sa narinig ko. Charities daw? Alam ko naman na puro kasinungalingan lang iyon. Ang pera na makukuha nila mula sa auction na ito ay para sa kanilang sariling bulsa, at ang mga babae tulad ko ay mga biktima lang ng kanilang kasakiman. Pero ano pa nga ba ang magagawa ko? Kailangan ko ng pera para sa tatay ko. “The first item up for bid tonight is Cassandra! Twenty three years old, graduate of a prestigious university, and yes completely untouched!” Sabi ng auctioneer habang itinuturo niya ang babae sa entablado. “We start the bidding at one million pesos!” “Two million!” Sigaw ng isang lalaki sa unang hilera. “Three million!” Sagot naman ng isa pa. Ang presyo ay patuloy na tumataas habang nakatingin ako sa entablado. Ang babae na si Cassandra ay nakangiti pa rin pero nakita ko ang takot sa mga mata niya. Minsan pa niya tinignan ang mga tao sa ibaba parang naghahanap ng taong makakapagligtas sa kanya. Pero alam ko na walang ganoong tao dito. Lahat sila ay narito para makuha ang gusto nila. “Five million pesos going once! Going twice! Sold to Mr. Carlos Dela Cruz!” Sigaw ng auctioneer habang binaba niya ang kanyang gavel. Bumukas ang isang maliit na pinto sa tabi ng entablado at lumabas ang isang matandang lalaki na may ngiting masamang tingnan. Lumapit siya kay Cassandra at hinawakan ang kamay nito. Hindi ko na napigilan ang mga luha na tumulo mula sa mga mata ko. Iyon na ba ang kapalaran ko mamaya? Pumunta naman sa entablado ang pangalawang babae. Siya ay mas bata pa siguro sa akin baka labing walong taon lang. Ang mukha niya ay puno ng takot at hindi niya mapigilan ang pag iyak habang nasa entablado. Naririnig ko ang ilang mga tao na tumatawa habang ang iba naman ay nagsisimula ng mag bid. “Let’s start the bidding for Patricia at eight hundred thousand pesos!” Sabi ng auctioneer. “One million!” “One point five million!” Ang presyo ay hindi kasing taas ng sa unang babae pero parang sapat na rin para sa kanila. Mga ilang minuto lang ay naibenta na rin siya sa isang lalaking mukhang negosyante. Lumabas ulit ang lalaki mula sa pinto at hinawakan ang kamay ni Patricia. Ngumiti siya ng masama habang inaalalayan niya itong palabas ng entablado. Ang ikatlong babae naman ay mas tahimik. Hindi siya umiyak o nagtanong ng kahit ano. Lumakad lang siya sa entablado at tumayo ng tuwid habang hinihintay ang mga bid. Ang mukha niya ay walang emosyon parang isang manika lang na walang buhay. “For our third lady tonight we have Samantha! Twenty two years old, professional dancer, and yes still pure as snow!” Sabi ng auctioneer. “Starting bid is one point two million pesos!” Ang bidding ay mas mabilis ngayon. Mga tatlong minuto lang ay naibenta na siya sa isang lalaking naka itim na suit. Hindi ko makita ang mukha niya dahil naka salamin siya ng mata pero parang matanda na rin siya. Lumabas siya at inalalayan si Samantha palabas ng entablado. Naramdaman ko ang kamay ng babae sa balikat ko. “Ikaw na ang susunod Maria,” sabi niya. “Huwag kang magpapahiya ha? Kailangan natin ng maraming pera.” Tumayo ako ng mabagal at naramdaman ko ang pag nginig ng buong katawan ko. Ang mga paa ko ay parang bakal na napakabigat at hindi ko alam kung paano ako makakapaglakad papunta sa entablado. Habang papalapit ako ay naririnig ko ang mga usapan ng mga tao sa ibaba. “Who’s this one? She looks younger than the others!” “Ang ganda naman niya ha? Parang artista!” “Sana hindi siya mahal masyado para makaya ko.” Lumapit ako sa gitna ng entablado at tumingin sa harap. Ang mga ilaw ay sobrang liwanag na parang hindi ko makita ang mukha ng mga tao sa ibaba. Pero naririnig ko pa rin ang kanilang mga boses na nag uusap usap tungkol sa akin. “Ladies and gentlemen! Our final item for tonight is Maria! Twenty one years old, nursing student, and she has never been with any man before!” Sigaw ng auctioneer. Ang boses niya ay mas malakas pa ngayon parang siya mismo ay nasasabik. “We start the bidding at two million pesos!” Agad na sumigaw ang mga lalaki sa ibaba. “Three million!” “Four million!” “Five million!” Ang presyo ay tumataas ng mabilis parang mga bituin na bumabagsak sa lupa. Minsan pa akong tumingin sa paligid ng bulwagan pero wala akong nakikitang taong makakapagligtas sa akin. Lahat sila ay narito para makuha ako, para bilhin ako tulad ng isang bagay na pwede nilang gawin ang lahat ng gusto nila. “Seven million pesos!” Sigaw ng isang lalaki sa ikalawang hilera. “Eight million!” Sagot naman ng isa pa sa tabi niya. Naiiyak na ako ngayon habang nakatayo sa entablado. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin pagkatapos ng auction na ito. Baka hindi ko na makita pa ang tatay ko, baka hindi ko na maibigay sa kanya ang operasyon na kailangan niya. Baka hindi ko na mabuhay ng normal ulit. “Ten million pesos!” Ang boses na iyon ay ibang iba sa iba pang boses na narinig ko kanina. Mas mababa ito pero mas malakas at mas makapangyarihan. Parang lahat ng tao sa bulwagan ay tumigil bigla at tumingin sa pinagmulan ng boses na iyon. Tumingin ako sa direksyon ng boses at nakita ko ang isang lalaking naka upo sa pinakadulong sulok ng bulwagan. Ang ilaw ay hindi direktang tumatama sa kanya pero makikita mo naman na siya ay isang binata pa lang. Naka suot siya ng itim na suit at kanyang hawak ang isang baso ng alak. Ang mukha niya ay maangas at parang lahat ng bagay ay nasa kanyang kontrol. “Did we just hear ten million pesos?” Tanong ng auctioneer na mukhang nagugulat din. “Is there anyone here who wants to bid higher than ten million?” Tumingin siya sa paligid ng bulwagan ngunit walang sinumang nagsalita. Lahat sila ay tumingin sa lalaking naka upo sa sulok. Parang lahat sila ay takot o respeto sa kanya. “Ten million pesos going once! Going twice!” Sabi ng auctioneer habang inangat niya ang kanyang gavel. “Sold to Mr. Sebastian Montefalco!” Naramdaman ko ang pagbagsak ng puso ko. Hindi ko alam kung sino ito si Mr. Sebastian Montefalco pero narinig ko na ang pangalan niya dati pa. Isa siya sa pinakamayamang tao sa buong Pilipinas may ari ng maraming negosyo mula sa barko hanggang sa mga hotel. Pero hindi ko alam kung bakit siya narito sa ganitong lugar at bakit siya bumili ng isang babae tulad ko. Lumabas siya mula sa kanyang upuan at lumakad papunta sa entablado. Habang papalapit siya ay mas nakikita ko na ang kanyang mukha matangos ang ilong, maputi ang balat, at ang mga mata niya ay kulay asul na parang dagat. Pero ang ekspresyon ng mukha niya ay seryoso at parang walang emosyon. Lumapit siya sa akin at inabot ang kanyang kamay. “Come with me,” sabi niya sa akin. Ang boses niya ay mahina pero malakas parang umuugong sa buong bulwagan. Hindi ako makapag salita. Nanginginig ako ng husto habang tinanggap ko ang kanyang kamay. Ang kamay niya ay malaki at mainit parang nagbibigay ng init sa aking mga kamay na sobrang lamig na parang yelo. Inalalayan niya akong bumaba sa entablado at lumakad papunta sa labas ng bulwagan. Habang lumalakad kami ay naririnig ko pa rin ang mga usapan ng mga tao sa likod namin. “Grabe naman ang presyo na binigay niya para sa babae na iyon!” “Sino ba naman siya para labanan ang mga Montefalco?” “Sana hindi niya siyang saktan. Ang ganda naman ng babae.” Labas na kami ng bulwagan at nakita ko ang isang itim na kotse na nakapark sa labas. Mabilis na lumapit ang driver at binuksan ang pinto para sa amin. Pumasok si Sebastian sa loob ng kotse at sumunod ako sa kanya. Habang umaandar ang kotse ay wala kaming sinasabi ni isa. Naririnig ko lang ang tunog ng makina ng kotse at ang mga boses ng mga tao sa labas. Tumitingin ako sa labas ng bintana habang iniisip kung ano ang mangyayari sa akin. Baka ipagbibili ako ulit, baka saktan ako, baka itapon ako pagkatapos niyang gawin ang lahat ng gusto niya. “Are you okay?” Napalingon ako sa kanya ng bigla siyang mag salita. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin kaya tumango na lang ako. “Hindi po,” sabi ko sa huli. “Hindi po ako okay.” He looked at me for a moment before turning his eyes back to the road. “I know you’re scared. I know you think I’m a bad man for buying you like this. But I promise you I won’t hurt you. I have my reasons for doing this.” Tumingin ako sa kanya ng mas maigi. Ang mukha niya ay parang sinasabi niya ang totoo pero hindi ko pa rin alam kung makakapag tiwala ako sa kanya. “Bakit po ninyo ako binili?” Tanong ko sa kanya. “Hindi ninyo naman ako kilala.” He smiled a little but it didn’t reach his eyes. “I know more about you than you think Maria. And soon you’ll understand why I had to do this.” Ang kotse ay patuloy na umaandar papunta sa kung saan man. Hindi ko alam kung saan kami pupunta, hindi ko alam kung ano ang mangyayari sa akin, pero alam ko na isang bagay ang buhay ko na dati ay simple lang ay hindi na makakabalik pa. At ang lalaking nasa tabi ko ngayon ay siyang magpapabago ng lahat ng iyon.Pagkatapos tumawag ni doctor Santos, tinulungan ko si Manang Elena sa pag handa ng dinner para sa pag balik ni Sebastian. Medyo naninibago ako sa tinitirahan ko ngayon malaki maaliwalas at malinis. Bigla kong naalala ang sinabi ni Andrea. Dahil sa kuriyosidad ko, tinanong ko si Manang Elena patungkol kay Andrea. "Manang Elena ka ano-ano ni Sebastian si Andrea?" tumawa si Manang habang nag luluto "Dating kasintahan ni Sebastian si Andrea mayaman si miss Andrea pero dahil sa demanding at maarte niyang ugali hindi kinaya ni Sebastian. Ang kaso lang hindi pa kaya ni Sebastian na bigla niyang hiwalayan ito baka ano pa ang maisip na masama. Pero ang sabi ni Sebastian, pag may mangyaring masama sayo dahil kay Andrea, hihiwalayan niya agad-agad si Andrea" ngumiti ako nang malaman ko na concern din pala si Sebastian sa akin, pero bakit ganun ako ka importante sa kanya? Kaya siguro gusto ni Andrea na palayasin ako dahil hindi pa niya alam na nakikipaghiwalay na pala si Sebastian sa kanya.
Naglalakad ako sa hardin ng bahay habang hinihintay ang tawag ni Sebastian. Ang araw ay sobrang liwanag at ang mga bulaklak ay namumukadkad na parang nagbabati sa akin. Nakaupo ako sa isang maliit na upuan sa tabi ng fountain nang marinig ko ang malakas na pagbukas ng pintuan ng bahay. Lumingon ako at nakita ang isang babaeng papalapit sa akin. Nakasuot siyang mamahaling pulang damit at mataas na sapatos. Ang buhok niya ay nakaayos ng maayos at ang mukha niya ay pinalamutian ng maraming pampaganda. Ang mukha niya ay punong galit at pagkamuhing habang nakatingin sa akin. “Who are you? And what are you doing here in Sebastian’s house?” Sigaw niya sa akin. Lumapit siyang mas malapit at tumingin sa akin ng masama. “Hindi ka ba alam na bawal pumasok dito ang mga taong hindi imbitado?” Tumayo akong dahan-dahan at tumingin sa kanya ng maayos. Hindi ako natatakot sa kanya kahit na makikita mong galit na galit siya. “I live here. Sebastian invited me to stay with him,” sabi ko sa kanya ng ma
CHAPTER4:Assurance Bumangon ako ng maaga ngayong umaga. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil iniisip ko parin ang operasyon ng tatay ko. Umalis ako sa kama at pumunta sa bintana para tingnan ang labas. Ang araw ay simula palang magliwanag at ang hangin ay medyo malamig pa. Nagbihis akong mabilis gamit ang mga damit na nandoon sa cabinet. Nakasuot ako ng puting blusa at asul na palda simple lang pero komportable. Pagkatapos ay pumun ta ako sa banyo para maglinis ng mukha at ayusin ang buhok ko. Habang ginagawa ko iyon ay hindi ko maiwasn ang isipin kung okay na ba ang tatay ko ngayon. Narinig ko ang mga yapak na papalapit sa pintuan ng silid. Tumigil ako sa ginagawa ko at tumingin sa pinto. Bumukas ito at pumasok si Elena na may dalang tray ng pagkain. Ang mukha niya ay may bahid ng ngiti pero parang may ibang emosyon na nakikita ko sa kanyang mga mata.“ Magandang umaga ma’am Maria. Naghanda ako ng almusal para sainyo,” sabi niya habang inilalagay niya ang tray sa mesa. May sinangag, it
Nakatayo ako sa labas ng pintuan ng kanyang silid. Naririnig ko ang mahinang pag hinga niya mula sa loob alam kong natutulog na siya ngayon. Bumaba ako ng hagdan at pumunta sa aking opisina sa ibaba ng bahay. Ang kwarto ay maliit lang pero puno ng mga bagay na konektado sa kanya. Binuksan ko ang ilaw at lumapit sa isang malaking cabinet sa tabi ng mesa. Binuksan ko ito at nakita ko ang mga larawan na inayos ko ng maayos. Lahat iyon ay mga litrato ni Maria mula pa noong siya ay estudyante pa lang sa unibersidad. May mga litrato siya habang naglalakad papunta sa paaralan, habang kumakain sa canteen, habang nag aaral sa librarya. Lahat ng mga sandali na iyon ay nakuha ko. Inabot ko ang isang litrato na kuha noong isang taon pa lang. Ang mukha niya ay nakangiti habang hawak ang isang libro ng nursing. Ang ngiti niya ay parang araw na nagbibigay liwanag sa buong mundo. Simula noong una ko siyang makita ay alam ko na kailangan ko siyang makamit. Kailangan ko siyang mapasakamay. Upo ak






Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.